Ping, Sumaludo sa Pagbabantay ng AFP, PCG sa WPS

Image: CTTO

Matapos matagumpay na maitaboy palayo sa Sabina Shoal sa West Philippine Sea (WPS) ang ilang barko ng Chinese militia, ipinaabot ni Senate Committee on National Defense Chairman Panfilo Lacson ang pagsaludo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Kasabay ng pagsaludo at paghanga, umaasa si Lacson na itutuloy-tuloy ng dalawang puwersa ng pamahalaan ang masigasig na pagbabantay sa mga bahagi ng WPS na lehitimong pag-aari ng Pilipinas.

Ayon sa senador, kailangang dapat na palaging alerto at listo ang puwersa ng PCG at AFP na nakatalagang magbantay sa mga bahaging pag-aari ng Pilipinas upang hindi sila masalisihan dahil hindi malayong pumasok ang mga dayuhan kapag sila ay nakalingat.

“We must not let our guard down. Since the 1990s, China has already made three incursions into our exclusive economic zone (EEZ): Mischief Reef, Scarborough Shoal, and now, Julian Felipe Reef. They are likely to do so again if we relax,” pahayag ni Lacson.

Related: Lacson to AFP, Coast Guard: Keep Up the Good Work at WPS

Sa mga impormasyong inilabas ng National Task Force for the West Philippine Sea, binanggit ng mambabatas na nasa pitong Chinese militia vessels ang namataaan sa bisinidad ng Sabina Shoal, tinatayang 130 nautical miles sa kanluran ng Puerto Princesa, Palawan nitong huling bahagi ng Abril.

Napilitan lamang na lumisan ang mga Chinese vessels matapos na lapitan ng PCG at bigyan ng babala hinggil sa pagpasok nila sa teritoryo ng Pilipinas.

“The Armed Forces of the Philippines Western Command and the PCG must continue to watch over the shoal,” diin ni Lacson sa komentaryo na inilathala ng pahayagang The Manila Times.

Muling ding ipinaalala ng senador sa publiko na ilabas ang kahilang mga hinaing, ideya at mungkahi sa mga usapin ng WPS base sa personal na kaalaman upang hindi makaligtaaan kung gaano karami at kalaki ang mawawala sa kasalukuyan at susunod na henerasyon ng Pilipinas.

Higit na maraming Pinoy aniya ang hindi kabilang sa nagbabangayang DDS at Dilawan kaya hindi dapat na madaig ng mga ito ang pesonal na saloobin ng bawat indibiduwal.

“All these Filipinos have formed their own opinion on various important issues, including the WPS, based on their own experiences and backgrounds. Maybe their voices, like mine and of many others, are being ‘drowned’ by the DDS and Yellows and their respective troll farms — but still, there they are. And more importantly, they may have something to contribute to our national interest,” pahabol ni Lacson.

*****

One thought on “Ping, Sumaludo sa Pagbabantay ng AFP, PCG sa WPS”

Comments are closed.