Sa harap ng umiinit na kontrobersiya sa isang anti-drug operation sa Laguna, ipinanawagan ni Senador Panfilo Lacson ang pagpapabilis sa proseso para makumpleto na at ganap nang magamit ang mga body cameras na inilaan para sa mga operatiba ng Philippine National Police (PNP).
Nadamay at napatay sa nabanggit na operasyon ang isang 16-taong gulang na tinedyer na ayon sa mga kaanak ay sadyang pinatay at ikinatuwiran naman ng mga pulis na ito ay nanlaban.
“The killing of a minor in a recent PNP drug bust operation and the subsequent ‘he says, she says’ conflicting versions of the story should prod the PNP to fast-track the procurement of more body cameras and require all their personnel deployed in field operations,” banggit ni Lacson.
Bukod sa naturang panawagan, umaasa rin si Lacson – na namuno sa PNP noong 1999 hanggang 2001 – na sa pinakamaagang panahon ay maglalabas ng patakaran ang Korte Suprema sa paggamit ng body cameras na magpapatigil sa pagbabatuhan ng kamalian at pangangatuwiran para palabasin na sila ang tama, sa pagitan ng mga operatiba at grupo o indibiduwal na target ng operasyon.
Read in ENGLISH: Lacson Pushes Fast-Tracking of PNP Body Cameras amid Laguna Buy-Bust Mess
“We hope the Supreme Court would issue soonest the guidelines and protocols for the use of the body cameras based on established jurisprudence that defines ‘reasonable expectation of privacy test’ – which will be a major asset to our law enforcers as well as improved protection of civilians against police abuses,” ayon sa senador.
Sa kontrobersiyal na operasyon sa Laguna, inilagay sa restrictive custody ang 10 police officers na kabilang sa grupo habang ang kaso ay iniimbestigahan.
Ipinunto ni Lacson na malaki ang maitutulong ng body cameras sa pangangalap ng ebidensiya at mapipigilan din sa pag-abuso ang mga alagad ng batas.
Ayon sa mambabatas, ang body camera ay maihahalintulad sa closed-circuit television camera na nakakabit sa isang pampublikong lugar na nagrerekord ng lahat ng pangyayaring nasasakop ng lente nito kaya ito ay epektibong instrumento sa pangangalap ng ebidensiya para makalutas ng krimen.
“Either way, the policeman committing an abuse in the exercise of his duties as well as the crime offender cannot use the ‘right to privacy’ as their defense since either of them will fail the test,” pahabol ni Lacson.
*****
One thought on “Ping: PNP Body Cameras, Gamitin na Para Buy-Bust Ops ‘Di Pagdudahan”
Comments are closed.