Isang programang pang-edukasyon ang isinusulong ni Senador Ping Lacson na makapaghihikayat sa nga mahihirap na estudyante na pumasok sa eskwelahan at makapagtapos. Ito aniya ang isang paraan para tapusin ang ilang henerasyon ng kahirapan at makapagpapaganda ng buhay ng kabataang Pinoy.
Sa pamamagitan ng “Edukasyon Plus” program ni Lacson, magbibigay ito ng libreng tuition at monthly allowance na P5,000 sa mga kwalipikadong estudyante sa senior high school (Grades 11 and 12) na kabilang sa internship program ng gobyerno.
“A recent international study shows only 31 percent of Filipino youths aged 15 have a growth mindset, or want to improve their lot in life. The other 69 percent no longer think of such. Unfortunately, able-bodied youth in the Philippines drop out of high school in order to start working and help their family for their daily needs. They don’t see continued schooling as an option,” ani Lacson na tumatayong standard bearer ng Partido Reporma.
Related: Lacson’s ‘Edukasyon Plus’ Program to Break Cycle of Poverty