Noong Marso 5, binisita ni Lacson si Josh sa Mendez, Cavite. Aniya, marami pang maliliit na negosyante sa bansa ang maaaring matulad sa tagumpay ni Josh kung makikipagtulungan ang gobyerno sa pagpapalago ng MSMEs sa bansa.
Sa kasalukuyan, may 100 empleyado at suppliers na si Josh at plano pa nyang ipakilala ang kanyang produkto na kangkong chips sa ibang bansa tulad ng Canada, Japan at United Arab Emirates. Sa kabilang banda, aminado si Josh na nahihirapan siyang sundin ang mga rekisito na hinihingi ng mga ahensya ng gobyerno.
“That’s just a microcosm of what’s happening in the entire country,” giit ni Lacson.
Sinabi naman ni Concepcion na magpapahatid sila ng tulong kay Josh. “Kung pwede nyo ibigay ang pangalan ng entrepreneur para kami ang tutulong sa kanya para umunlad ang negosyo niya,” ani Concepcion.
Kabilang sa mga plano ni Lacson para matulungan ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang pagkakaroon ng: komprehensibo at targeted fiscal stimulus packages; eviction at foreclosure moratoriums, “lower-interest-bigger loans” na programa mula sa financial institutions ng gobyerno; at employee-retention incentives para mahikayat ang mga negosyante na bumalik ulit sa pagnenegosyo.
Layon din ni Lacson na paigtingin ang “Made in the Philippines” campaign para mahikayat ang pagbili at pagkonsumo ng mga lokal na produkto at serbisyo.
Tumatakbo ang Lacson-Sotto tandem sa ilalim ng plataporma na “Aayusin ang gobyerno, aayusin ang buhay ng bawat Pilipino” at pagpapanagot sa mga tiwali sa gobyerno (Uubusin ang magnanakaw).
*****