Matapos manawagan ng tulong si Senador Ping Lacson para kay Josh Mojica, ang batang kangkong chips entrepreneur mula sa Cavite, siniguro ng Go Negosyo na tutulungan nila ito sa pag-market ng kanyang produkto sa ibang bansa.
“Mr. Joey, Mr. Elmer, baka pwede nating tulungan ang bata kasi napakalaki ng kanyang potential,” panawagan ni Lacson kay Go Negosyo founder Joey Concepcion at mentor na si Elmer Relente sa programang “Kandidatalks” sa One PH.
“We cannot do away with requirements. Ang hinihingi ko lang maayudahan, ma-guide ang bata,” dagdag pa ng senador.
Related: Teen Kangkong Chips Entrepreneur to Get Help from Go Negosyo
Continue reading “Go Negosyo, Sinigurong Tutulungan ang Kangkong Chips Entrepreneur Matapos ang Panawagan ni Ping”