Ping sa Mga Supporters: Tama na ang Pananahimik

Tama na ang pananahimik. Panahon na para mag-ingay.

Ito ang panawagan ni independent presidential candidate Sen. Ping Lacson sa supporters niya at ni vice presidential bet Senate President Tito Sotto.

“Thank you ‘Pure Love’, ‘True Friends’, ‘Lacson Sotto Support Group’ for organizing your ‘Supporters Rally’ and making it happen today. It’s time to stop being silent. Get out of your echo chamber to be heard by the people. No balloons, no umbrellas, no props. Just pure love,” ani Lacson sa kanyang Twitter account Sabado ng gabi, matapos ang supporters’ rally para sa kanya at kay Sotto sa Quezon Memorial Circle.

Related: Lacson to Supporters: Stop Being ‘Silent,’ Make Yourselves Heard

Mainit ang pagtanggap ng mga supporters kay Lacson at Sotto, pati na sa kanilang mga pamilya, sa rally na nagsimula Sabado ng hapon at natapos pasado 8 p.m.

Sa rally, iginiit ni Lacson na marami pang dapat gawin sa isang buwang nananatili sa campaign period. Dagdag niya, malaki ang magagawa ng mga supporter sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa kamaganak at kaibigan na iboto ang pinaka-kwalipikado, may karanasan, at may kakayahan.

“Hindi pa natatapos ang ating gagawin. Pag uwi natin ngayong gabi, marami pa tayong dapat gawin para sa May 9 sa araw ng eleksyon. Kausapin natin ang ating mga kamaganak at ating mga kapitbahay at sabihin natin sa kanila kung sino ang pinaka-qualified, pinaka-competent at pinaka may karanasan. Kami po yan ni Senate President Sotto,” ayon kay Lacson.

Samantala, lumagda si Lacson at Sotto sa harap ng kanilang mga supporter ng “Panunumpa sa Sambayanang Pilipino” para tiyaking walang bahid ng katiwalian ang kanilang panunungkulin.

“Kami, ang tambalang Lacson-Sotto, ay taimtim na nanunumpa, na kapag kami ay nahalal bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa, ay pangangalagaan namin ang inyong tiwala; titiyakin naming walang bahid ng katiwalian ang aming panunungkulan, upang hindi masayang ang inyong boto (We, the Lacson-Sotto tandem, solemnly swear that if we are elected President and Vice President of the Philippines, we will ensure our administration will not be marred by corruption, thus making sure your votes for us are not wasted),” ayon kay Lacson at Sotto sa kanilang panunumpa.

“Ang lahat ng plataporma na aming inihain ngayong kampanya, ay aming tutuparin ng buong husay at katapatan; Uunahin at isasaalang-alang namin ang kapakanan ng Bansang Pilipinas at ng mamamayang Pilipino (We will fulfill our promises to implement much-needed programs of government. We will put the interest of the Philippines and the Filipino first),” dagdag nila.

*****