Ping: AKAP, “Parang Palihim, Parang Sneaky”

In an interview on DWPM (Teleradyo Serbisyo), Ping Lacson answered questions on:
* Why AKAP is sneaky
* Practice of some legislators to distribute AKAP, TUPAD, AICS and other forms of ‘aid’
* Senate-House word war
* 2025 elections

QUOTES and NOTES:

* WHY AKAP IS SNEAKY:

Insertions at the Bicameral Conference Committee level:

“Hindi masama ang insertion kasi ang isang tawag diyan amendment, pag nakita mo mas kailangan ng isang ahensya mag-realign ka ngayon ire-realign mo GAB. Walang masama doon as long as ang, 2 klase ang amendments, institutional and individual. Ang masama ang pinaguugatan ng corruption ang individual amendment, doon pumapasok ang personal interest.”

Ang nilabas sa AKAP, wala sa approved sa 3rd reading na approved sa HOR or Senate version ng GAB, biglang sumulpot sa BCC. Sa BCC alam naman natin medyo meron na rin kayong karanasan diyan at kaalaman, ang BCC sa budget, walang minutes. At ito hindi dinadaluhan hindi covered ng media ito. Walang pwede sa loob ng kwarto, exclusive para sa bicam committees ng both houses. So doon maraming pwedeng mangyari.

Walang illegal sa pagsulpot bigla ng isang item sa BCC, wala namang rules o batas na nagsasabing bawal yan. Ang masama, ang (violation ng) trust. Kasi kung may mutual trust ang HOR at Senado, walang magsisingit. Ang nangyari sa AKAP parang palihim, parang sneaky ang pag insert kasi tinago ito, nasa ilalim ng budget ng appropriation ng DSWD pero parang naka-insert after Quick Response Fund, doon napasingit.

Bakit kaunti ang nakakaalam? Doon lumabas ang suspicion ang nakakaalam lang nito ang mga proponent. Sa Senado wala silang kamalay malay na may AKAP as an item sa budget ng DSWD. Doon nag-ugat ang controversy. Kung natandaan nyo nagkaroon pa ng controversy lumobo ang unprogrammed appropriations, from 281 originally, bigla naging 731. Bakit tayo nagdagdag sa unprogrammed appropriations, e standby appropriations yan. Pwede mo lang gamitin ang unprogrammed fund or appropriation pag una may accompanying revenue measure, magpapasa tayo ng tax law para mapondohan ang unprogrammed. At pangalawa kung may certification ang national treasurer na may available funds sa national treasury. Bakit, ina-anticipate ba ng HOR nang lumobo, 450B dinagdag eh. Ina-anticipate ba magkaroon tayo ng budget surplus? Never sa history ng ating bansa na nagkaroon ng surplus budget… So bakit mo dadagdagan ang unprogrammed appropriations?

Ang naging suspicion sa AKAP gagamitin sa PI, sa pagpondo sa PIRMA signature campaign. Kasi nga kung sino lang nakakaalam ng AKAP yan lang pwede mag-access. Kung di mo alam, paano ka mag-access? Unlike ng ayuda tulad ng TUPAD, AICS, alam ng mga senador. Katunayan sila mismo at ito pa isa masamang practice lately na mismong mga legislators na ang nagdi-distribute, namimigay ng pera sa mga tinatawag na beneficiary ng TUPAD, etc.”

***

* ON LEGISLATORS DISTRIBUTING AICS, TUPAD, and OTHER FORMS OF AID

“Hindi lang sa di obligasyon ng congressmen at congressmen mag-distribute ng TUPAD, AICS at kung anu-ano pa. illegal yan, bawal yan. Kasi ang papel ng Kongreso sa budget process, ang budget authorization, pag-legislate. Hindi pwede mag-implement. Kaya nag-declare ang SC na illegal ang PDAF noong November 2013, dahil ang mga kongresista at senador na nag-identify ng proyekto post-legislation, naka-legislate na, meron silang nakalagap na pork barrel tapos tapos identify nila anong kalsada ipagagawa, ano pagkakagastusan ng kanya-kanyang allocation na galing sa national budget, pinagbabawal yan. So unconstitutional and illegal.”

“Pinagkakitaan mo na pera ng publiko, pera natin yan, galing sa buwis natin, pagkatapos ika-cut mo pa… Di siguro ito pangkalahatan, pero sa nakausap naming local officials may nangyayaring talagang ganoon. At ina-attribute nila ang pag-distribute sa kongresista o senator na present during the distribution. Minsan nga raw mismong nagbibigay ng cash, ang legislator na. E yan napakabawal talaga. Kasi hindi pwede mag-implement o mag-execute ng budget law or appropriations act ang legislator kasi papel lang ng legislator talaga, mag-legislate, magbigay ng authorization. Kanya kanyang papel yan kaya may separation of powers.”

“Ahensya talaga dapat nag-distribute. Kung halimbawa ang AKAP, TUPAD nasa ilalim ng budget ng DSWD, dapat nag-distribute noon DSWD, ang ahensya. Ang mga kalsada, mga tulay, kung ano man ang infrastructure na proyekto, ang dapat na nagpapatupad DPWH or DOTR. Kanya-kanyang papel eh. Bakit panghihimasukan ng mga kongresista at senador ang pag-implement ng budget? Tapos na ang role. At babalik lang uli role ng Congress sa oversight. Halimbawa darating uli susunod na budget deliberation. Kami noon pag may budget deliberation, ako inuulirat at binabalikan ko 1-2-3 taon na nakakalipas paano ginastos ang budget ng ahensya. At doon lumalabas pa rin ang katakot takot na anomalya. Mali ang sukat sa km, mahal ang bawa’t km ng kalsada. Yan ang oversight, budget accountability, nakadulong ang COA at judiciary kung may mai-file na kaso. Pero talaga ang papel lang ng Congress mag-legislate, di mag-implement. Ang implementation iwanan natin sa ahensya kaya nagkakalokoloko at dumadami ang nakakaltas, nakaka-encourage kasi ng corruption. Pera kasi yan.”

“Hindi ako tutol at sang-ayon ako talaga sa pagbigay ng ayuda, marami sa kababayan natin kailangan talaga ng tulong ng govt. Kaya nga bukod sa infra program meron tayong social services. Dito ipapasok sa social services ang pinamimigay na ayuda. Pero sa budget natin in the ccourse of time, ang 4Ps napakalaki na yan, dapat intention ng social services natin di yan talagang forever bibigyan mo ng ayuda ang kababayan nating kapos. Dapat yun teach them how to fish or help them how to fish. Bigyan mo ng fishing rod. Ito analogy ko lang sa halip na bigyan ng isda, bigyan mo ng pangpain, pagyamanin ang ilog, para maging mas simple ang usapan. So ang social services, para hindi manatiling mahirap ang mga kababayan natin, kaya tama ang 4Ps. Kaya lang naaabuso nga kasi nagkaroon ng katakot-takot na programa at ang programa nagagamit na sa pulitika kasi nagdi-distribute na ang hindi dapat mag-distribute. Ang masama pa rito hindi tunay na beneficiaries ang nabibigyan.”

Kung sino ang anak ng leader nt pulitiko sino tumulong sa nakaraang eleksyon at hihingan ng tulong sa susunod na election yan ang bibigyan, not necessarily mahirap o nangnagailangan kasi nabigyan yan kasi pinakialamam ng pulitiko. Sa halip na agencies na nag-distribute, sila ang may database, sila may file sino ang kapos palad at kailangan ng tulong. So ang nangyayari kasi nabahiran na ng pulitika, ang nabibigyan ng ayuda di sa dapat bigyan kundi sa gusto nilang bigyan. Yan ang masama, hindi na-achieve ang purpose.

For People’s Initiative?

“May nakausap kaming mayors ni Tito Sen, kasi nagkaroon ng usapin nitong PI, hiningi ang aming opinion sa PIRMA kasi ginagamit ang mayors sa pagpirma at sinasama sa pag-distribute ng AICS at TUPAD, at kasabay nila ang mga congressmen and senator na sila na mismo namimigay. Hindi pa yan ang masama. Ang pinipirmahan P10K, ang talagang napapabigay daw, P1,000. E mantakin mo katakut takot na pera ang nasasayang kasi P10K naka-allocate, ibibigay sa diumano’y beneficiary na paniwala nila ayuda sa kanila, yun pala pipirmahan nila sa signature campaign. Ito kwento ng mayors, di ko sinasabing totoo at accurate. Ito binahagi sa amin nang nag-meeting kami sa ilang mayors.”

“Ang 2024 budget, hati-hati yan, may programmed appropriations or regular budget; at unprogrammed appropriations pinaguusapan natin kanina, at automatic. Ang automatic appro umugat 30 years ago, nagpirma ng batas na yan PFEM Sr. Kaya siya nagpirma ng batas na yan, nagkaroon tayo ng utang noon. Ang intention ng automatic appro law, ang debt servicing lang kasi kailangan automatic yan, obligasyon ng bansa magbayad ng utang sa foreign lenders at sa loob, ang treasury bonds, ang ganyan. Inutang sa mga publiko. Kaya public debt ang tawag diyan. Since then nag-evolve ang automatic appro, naiba ang intention. Sa halip ng debt service lang, pumasok diyan ang IRA at anu-anong item. Ang masama pa, sa 2024 budget lumobo ang unprogrammed. Bakit nila dinagdagan ng kalaki-laki, anong intention?”

Suspicion lang ito di ko sinasabing ito ang totoo pero ito suspicion ng karamihan ng dating kasamahan ko sa Senate, na ang P26.7B na yan, pag papatuloy nila ang PIRMA doon gagamitin. Kasi kaunti ang nakakaalam noon at kung di mo alam ang budget appro, di ka maka-access noon. Walang makaka-access na senador doon di nila alam eh. Ngayon ma-access na rin nila yan kasi nalaman na, pumutok na. Kung di pumutok yan, ang pwede lang makakuha noon di lahat ng kongresista by the way. Yung nakakaalam lang noon. Napakalungkot ang nangyari sa ating pagbalangkas ng budget.”

Chicken-and-Egg Situation:

“Parang chicken and egg situation. Kasi ang mga botante na-appreciate nila ang pulitikong nagmudmod. Hindi nila alam ang pinamimigay sa kanila, pera rin nila yan o perang dapat sa kanila talaga mapunta rin. Tinatanaw nila ng utang ng loob at itong mga pulitiko siyempre nakikipag-compete sa namimigay. Pag di ka namigay baka di ka maboto. Kaya sumama ng summa ang kalakaran. Kung naging kalakaran ng budget ay napunta sa dapat puntahan, siguro asensong asenso na ang PH.”

“Sa 2024, sa regular budget, out of the P5.76T ang programmed appropriations na talaga ito ang pang-development and social services mahigit P4T, nasa 70% ng entire budget (ng GAA), sa programmed appropriations. Mantakin nyo kung ¼ niyan nawawala at mabait tayo na sabihing 25% lang nawala sa corruption, easily mahigit P1T nawala agad sa P4T. Huwag na natin sabihin ang auto appropriation, huwag na isali muna ang unprogrammed appro. Dito muna tayo out of the P5.76T yung P4.02T na para sa programmed ito ang actual perang gagamitin sa infra, social services, sweldo, pati pang sweldo alam natin may ghost employees, may 15/30, talamak din yan. So di pwedeng sabihin di naman P4T talaga yan kasi ang iba pang-sweldo. E pati sa pang sweldo may corruption din. So conservative estimate mawalan na lang tayo ng ¼ o 25% sa P4T taon-taon naawalan tayo ng P1T. E ilan ang magagawang programa ng govt dapat na pang devt para makaahon tayo sa kinalalagyan natin na nagkakahalaga ng 1T? Katakot takot na tulay at school buildings at classroom at kalsada at tulay.”

Ang govt parang business yan, uutang ka para invest mo para pag tubo mo bayaran mo ang utang mo meron ka pang kita. Ang nangyayari utang tayo ng utang kaya lumubog tayo ng lumubog sa utang pero napupunta sa corruption ang karamihan ng inuutang natin. So paano tayo aahon kasi walang investment? Punta ka sa ibang bansa, kalsada nila patong patong hanggang 5 patong nga, tayo nagkaroon ng 2nd patong Skyway tuwang tuwa na tayo naka-Skyway tayo na napaka-traffic din. Kasi kung saan napupunta ang pera. Uutang tayo hindi para mag-invest, uutang tayo para mabusog ang matatakaw.”

AKAP to be Discussed in 2025 Budget Deliberation?

“Maraming nakalusot. Yan nga, 2 lang ang alam natin ang lalaki sa AKAP that’s P26.7B. Sa susunod na budget deliberation, I’m sure mata-tackle yan sa pagtatanong, saan napunta bakit bigla nasingit. Pero after the fact eh. Ang masama sa BCC tulad ng pinagusapan natin kanina walang transparency sa bicam pagdating sa budget.”

***

* END TO SENATE-HOUSE WORD WAR:

Unang una hindi healthy (ang Senate-House word war). Dapat magkasundo ang HOR at Senate. Medyo lumalim ng lumalim. At mabuti na lang nagkatagpo si SP Migz at Speaker Martin Romualdez sa birthday celebration ni Sec JPE. At sana magkatuloy tuloy na, magkaroon ng dialogue nang sa ganoon maisaayos ang pakikipagugnayan. Hindi pwede nag-aaway ang HOR at Senado. Ang loser diyan ang publiko.”

Kailangan magkasundo sa magandang paraan, di magkasundo sa masamang paraan. Masama rin ang magkasundo sila na o tayo na lang makinabang dito walang reklamuhan. Masama rin yan, lalong masama pa yan. Magkasundo, magkaroon ng check and balance pero sa maayos na pamamaraan. Yung statesmanlike o kaya mataas ang antas ng discussion, di yung bangayan kundi pagusapan nang maayos para sa kapakanan ng kababayan natin at kapakanan ng bayan.”

“Pangalawa ang nararamdaman pareho tayong nararamdaman niyan, siyempre na-high blood tayo, stress tayo, nagagalit tayo. Minsan kaya siguro karamihan sa kababayan natin hindi rin nagbabayad ng tamang buwis, iniisip nila, bakit ako magbabayad ng tamang buwis e ninanakaw naman nila? So parang ito ang sinasabi kong chicken and egg situation lalo tayong lulubog ng lulubog pag yan ang kaisipan ng nasa gobyerno at nasa publiko.”

* 2025 ELECTIONS:

“Actually talagang retirement mode (ako). Pero tuwing makakabalita ako ng ganito, ng pag-abuso sa budget, kasi for the longest time yan ang naging advocacy ko kasi yan pinaguugatan ng corruption. E hindi naman tayo nag-sound messianic. Pero kung nakarinig ako ng ganoon parang kinakati ang balat ko, parang nagiisip ako bumalik makatulong maski papano. Pero mode ko (sa ngayon) retirement mode kasi masarap naman ang pakiramdam na nakapahinga ka kasi more than 50 years ako sa govt since naging 2Lt ako naging kadete ako sa PMA, ang iniisip ko tama na sana kasi naka-contribute na ako. Pero kung nakakabalita ako nang ganyan doon ako parang di lang kinikilabutan. Parang ang feeling sana nandiyan uli ako para makabantay sa budget kasi parang, ewan ko, halo halo ang nasa isip. Ganoon na lang tayo matapos.”

*****