In an interview on Radyo5, Ping Lacson answers questions on:
* Independent senatorial bid
* PhilHealth fund row
* Barayuga murder
QUOTES and NOTES:
* INDEPENDENT SENATORIAL BID:
Guest Candidate:
“Paglabas ko sa gobyerno, ang pakiramdam ko mas magaang ang pakiramdam. Mas magaang magkarga ng apo kesa sa magpasa ng mundo. Pero kinalaunan, after 1.5 to 2 years, parang ang pakiramdam ko naman, parang nawalan ng kabuluhan ang buhay. Tapos parang tutuldukan ko na ba talaga ang kasaysayan ko? Parang ganoon ang pakiramdam.”
“Hanggang ngayon nakakakuha ako ng feedback tungkol sa kalakaran sa national budget, at noon ngang 2003 nabanggit ko na ito, nagkaroon ng issue sa double appropriations, triple, hanggang quintuple appropriations. Doon tumatak sa isip ko kung andun ako sa Senate malamang nakita ko yan kasi maski wala ako sa Senate nakita ko pa rin dahil may nagbigay sa akin ng information. Siguro naman maski papaano nakagawa ako ng paraan para maawat yan. Plus ang compelling ang PhilHealth funds na na-realign from unprogrammed to ibang ahensya.”
“Actually guest candidate ako ng NPC na isa sa mga member ng part ng alliance of 5 major political parties, NP, NUP, Lakas and NPC, PFP. Yan ang background.”
“Hindi naman ako NPC. Pero sabi niya (Tito Sotto), maglaan ako ng 1 slot kung sakaling magbago isip mo, basta merong available slot para sa iyo. Ang mga NPC na nandoon siya, si Mayor Abby Binay, Lito Lapid. Bale 4 kami na dala-dala ng NPC, ako having no political party. Mag-file kami sa Wednesday, independent ang aking ilalagay na partido. Ang aking CONA, sabi niya NPC ang mag-issue sa iyo.”
“Normal lang naman lalo kung independent candidate ka, may mag-adopt sa iyo… Isipin mo sa dami ng gustong tumakbo 12 lang pipiliin pero isa ka sa napili. Napaka-arogante mo naman para tumanggi pa kung ina-adopt ka ng political party.”
Not Beholden:
“Basta’t ang tayo mo ay kung ano ang prinsipyong tinatayuan mo di naman mapapalitan, sa akin walang problema yan.”
“Hindi naman sa pagmamalaki. Ang track record ko naman simula noong panahon ni PJEE, PGMA, Pnoy, PRRD, tumatayo naman ako sa mga issues hindi dahil sa allegiance or sa alliance or being beholden, pero sa issue. Kaya mula noong CPNP ako, doon ako na-conceptualize o na-create ang aking personal credo. Ang tama ay ipaglaban ang mali ay labanan. At yan tinatayuan ko hanggang ngayon.“
“Hindi ako nagbago noong 18 taon ko sa Senado, tinayo ko ang dapat tayuan.“
***
* PHILHEALTH FUND ISSUE:
“Sa unprogrammed funds, for the longest time, 3 ang provision diyan. Isa ang may available na pondo para i-realign or i-augment sa budget item ng maski anong ahensya ng govt. Pangalawa may revenue measure, may batas na pang-tax para magamit mag-augment sa regular budget. At pangatlo, ang approved loans. Pag may approved na loan, siyempre may approved na pondo. Ang siste sa 2024 budget, in-amend ang mga special provision under the unprogrammed fund. Nadagdagan ng dalawa. Sinama ang GOCC. Ang PhilHealth, (at) panglima sinama din doon foreign assisted projects.”
“Medyo delikado. Inaabot pa lang GOCC, lalo ang PhilHealth. Pero kung umabot tayo pati foreign assisted projects magalaw, may kalalagyan tayo kasi pag foreign assisted projects, may counterpart na pondo yan galing sa foreign countries kasi foreign-assisted. Normally hati yan pero paano mo gagalawin yan? Medyo may controversy yan.”
“Ang issue nang makita ko ang amendment sa special provision nakita ko agad ang mali kasi ang PhilHealth law at UHC Act, kasi ang PhilHealth may amendment pa ito, special laws ang mga yan. Ang GAA is a general law. Napaka-basic naman, alam ng lahat na abogado at siguro mga mambabatas, na ang general law hindi pwedeng iamyenda ang special law. Kasi ang special law, ito ang nag-qualify sa general law. Ngayon ia-amend mo pa special law sa pamamagitan ng general law which is the GAA, parang kita ko na agad ang mali. This is not to mention ang emotional issue kung saan ang PhilHealth Act, pag may excess funds, gagamitin dapat sa benepisyo ng member, sa pamamagitan ng pag-lower ng premium o pagdagdag ng benepisyo.”
“As always, gagawin ko (kung nasa Senado ako), talagang lalabanan ko yan sa plenaryo at BCC. Share ko kay Sen Koko ang observation na yan. At nagkausap kami sa pamamagitan ng exchanges ng text messages. Sabi ko parang may mali dito, sabi niya nakita ko rin yan. Siyempre wala akong boses.“
***
* BARAYUGA MURDER:
“Nakakgimbal. Alam natin maski noong nagimbestiga kami sa EJK, meron talagang abusong nangyayari sa rank and file. Tulad ng nangyari sa Bulacan, tinawag ang mag-asawa nila na dating inuutusan, ginagawang mule ng pulis mismo. Sila pa unang na-liquidate kasi magsasalita yan laban sa pulis. Ganoon ang pangyayari naimbestigahan namin kay Kerwin Espinosa.”
“Pero walang ganitong kadetalyado na mga detalye, na information. Kaya nakakagulat. At lalo pa nga, ako PMAer ako at namo-monitor ko chat groups ng graduates ng PMA. Medyo masama ang loob talaga nila. Bakit naman kabaro, dahil lamang sa dahilan na ang ginawa pang palusot, nasa drug list na hindi naman totoo.”
“So ito ang dapat na bantayan talaga noon ng administration. Ang Senado walang masyadong magagawa dito kundi magimbestiga, magkaroon ng inquiry tapos magrekomenda. Pero dapat siguro ang kinauukulan noon, in-anticipate nila na may mga rogue personnel or police officers na magsasamantala sa all-out war ni PRRD sa droga. Hindi natin pinagbibintangan ang pangulo na alam niya ang lahat na pangyayari kasi mga implementation na ito ng kung sinong mga nag-abuso allegedly kasi di pa napapatunayan, katunayan wala pa namang sinasampang kaso sa korte. Pero base sa pagdinig at testimonya, ang tinatawag na abogadong details of the truth, parang mahirap iwaglit sa isipan na posibleng totoo ang pagpatay kay Gen. Barayuga na hindi tungkol sa droga pero ginamit lang kasangkapan ang war vs drugs para ipa-liquidate ang kabaro, sa amin pa naman PMAer pa naman.”
*****


One Reply to “”
Comments are closed.