Ping: Confidential Funds and Political ‘Ceasefire’

In an interview on NET25, Ping Lacson answers questions on:
* Political ‘ceasefire’
* Confidential and Intelligence Funds

QUOTES and NOTES:

* POLITICAL CEASEFIRE:

“Nabasa ko ang quote kay Lee Kuan Yew, the great Singaporean leader, sa kanya nanggaling ang “When elephants fight, it is the grass that suffers.” Ang 2 elepante, the 2 highest elected officials of the land, at tayo ang grass, ang Filipino people. So naisip ko, hindi naman ito parang magpatawaran o magkalimutan kasi mga harsh words nagkapalitan na. Tayong nagmamasid, tayo man lang tumulong nang mag-deescalate, di natin maiwasan may kanya-kanyang panig.”

Hindi naman pupuwedeng sabihing itigil ng HOR ang kanilang ginagawang legislative inquiry. Kasi unang una, mapagbintangan naman silang nagshi-shirk sa kanilang mandato.”

Hindi ko sinasabing tigilan na lahat at kailmutan na kasi may mga legal implications ang nangyari na. At ipaubaya na lang natin yan, to take their normal course tulad trabaho ng NBI at DOJ at kung saan man makarating. Ang sa akin lang huwag na makihalo ang kababayan natin. It’s just like fanning the flames of political hostilities. The usual warmongers ang passion nila to make their day complete pagka may nag-aaway.”

“May nagsasabi sa akin make a stand, you’re playing safe. Sabi ko I’m trying to make safe ang future ng bansa natin, di ang ako nagpe-play safe. Di ba ganoon dapat maging attitude natin?

***

* CONFIDENTIAL and INTELLIGENCE FUNDS:

“Unang una, doon sa basic premise tayo. Lahat ng public funds accountable yan, subject to audit. Wag natin sabihing CIF ay exempted, hindi kasama sa ina-audit. Basta public funds, subject to accountability ng gumagamit. Meron lang procedure kung paano nili-liquidate.”

Halimbawa sa law enforcement na galing ako sa PNP o sa AFP, ang ISAFP, intel agencies natin, pag gastos mo ng intel funds ang liquidating instrument niyan sa abot ng aking nalalaman, mag-submit ka ng intel project kung saan nakadetalye ang paggagastusan pero sealed envelope yan. Ang nature ng pag-disburse mo ng pondo ang ginagamit nga diyan codes or aliases. Pero meron ding paper trail yan pag in-audit na.”

Sino ang may mandate para mag-audit? Maliwanag – ang COA. Pero di ba may oversight function ang Congress, both houses? At katunayan may circular may umiiral na batas kung saan quarterly dapat nagre-report ang lahat na agencies na gumagamit ng pondo sa both houses of Congress kasi in the exercise of their oversight functions or mandate kailangan makita nila anong nangyari sa kanilang pinasang GAA.”

Sa akin nakita ko di naman binulsa ni VP Sara kasi sinabi din ni Acosta na binigay nila sa superintendents na sa tingin niya nag-aabono ng sariling pera. Kaya lang may procedure na dapat sundin dahil ang mukhang violation na nakita dito bakit sa personal account pumasok ang na-disburse. So matter of procedure.”

“Kung sakaling makabalik sa Senado pagpapatuloy pa rin (ang pag-scrutinize sa pondo, kasama ang CIF). After all, maski P10 yan, public funds yan. Kailangan tingnan talaga kung saan dapat makarating ang ma-allocate ang intel funds.”

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading