Alam nyo, bilang isang Kabitenyo, talagang nakakataba ng puso na makita ang bayan bayan sa ating probinsya na umaasenso. Napakaganda pagpasok pa lang namin kanina talagang namamangha kami sa ganda nang makita namin ang video presentation talagang napakaganda ng inyong gusali, socio-economic building na mula sa pag-conceptualize, pagpaplano, pag-implement, talagang utang na loob nating lahat kay Cong Pidi.
I’m sure he is watching this event very proudly and he is watching over us this very moment. Dahil itong araw na ito, bukod sa napakamakasaysayang kaganapan, ang araw na ito Immaculate Conception ni Blessed Virgin Mary. So napakahalaga ng araw at napakaswerte ko na naging bahagi ako sa isang makasaysayang kaganapan sa lungsod ng Dasmarinas.
Nabanggit kanina ni Mayor Jenny na kasabay ng pagpapaganda ng gusali dahil nanggaling sa maliit na opisina, city hall, ngayon isang malaking 22,000 sq meters, 2.2 hectares itong gusali, at napakaganda tulad ng sinabi ko kanina, ang serbisyo publiko kasabay ng patuloy na gaganda at yan ang adhikain, ang legacy na iniwanan ni Cong Pidi Barzaga. At ako ay umaasa na si Mayor Jenny at tayong lahat ay nagtitiwala, na kaya niyang gampanan ang vacuum na naiwan ni Cong Pidi.
So again, ako ay lugod na nagpapasalamat. Mahaba pa ang gabi dahil magbe-bless pa ng isang malaking at magandang building. So maraming salamat muli sa inyong pag-imbita sa akin. Maraming salamat po. Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat!
*****

