Ping Lacson Assured of Support from Home Province for Senatorial Bid

DASMARIÑAS, Cavite – Former Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson was assured of support for his 2025 senatorial bid from no less than his home province of Cavite on Sunday evening.

Mayor Jennifer Barzaga of Dasmariñas City gave the assurance to Lacson, who hails from Cavite, during the blessing of the city’s new Socio-Economic Building here.

“Maraming salamat po, Sen. Mahal ka namin at bibigay namin talaga ang buong suporta namin. Alam nyo po yan. Bilang Kabitenyo very proud kami sa inyo sa pagiging magaling ninyo na senador (Thank you very much, Senator. We love you and we will give you our full support. You know that. As Caviteños, we are very proud of you as a brilliant senator),” she said.

Related: Tiyak na Suporta, Nakamtan ni Ping Lacson Mula sa Sariling Probinsya para sa Pagka-Senador

For his part, Lacson said he is heartened with the progress he saw in the city’s new Socio-Economic Building, which he said is a legacy of the late Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr.

He noted the newly blessed building, which occupies some 2.2 hectares, will mean improved public service for residents of the city.

“Bilang isang Kabitenyo, talagang nakakataba ng puso na makita ang bayan-bayan sa ating probinsya na umaasenso… Ang serbisyo publiko kasabay ng patuloy na gaganda at yan ang adhikain, ang legacy na iniwanan ni Cong Pidi Barzaga. At ako ay umaasa na si Mayor Jenny at tayong lahat ay nagtitiwala, na kaya niyang gampanan ang vacuum na naiwan ni Cong Pidi (As a Caviteño, I am heartened to see progress in our province. The new building promises improved public service and will be a legacy of Cong Pidi Barzaga. I am with you in trusting Mayor Jenny will fill the vacuum left by Cong Pidi),” he said.

Lacson is running for senator with his credo “Ang tama ay ipaglaban, ang mali ay labanan (What is right must be kept right, what is wrong must be set right).”

*****

Tiyak na Suporta, Nakamtan ni Ping Lacson Mula sa Sariling Probinsya para sa Pagka-Senador

DASMARIÑAS, Cavite – Tiyak na suporta ang nakamtan ni dating Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson mula sa sarili niyang probinsya para sa kanyang pagtakbo sa Senado sa 2025.

Tiniyak ni Mayor Jennifer Barzaga ng Dasmariñas City ang suporta para kay Lacson, na isang Kabitenyo, sa blessing ng bagong Socio-Economic Building ng siyudad nitong Linggo ng gabi.

“Maraming salamat po, Sen. Mahal ka namin at bibigay namin talaga ang buong suporta namin. Alam nyo po yan. Bilang Kabitenyo very proud kami sa inyo sa pagiging magaling ninyo na senador,” ani Mayor Barzaga.

Tugon ni Lacson, nakakataba ng puso ang makitang umaasenso ang lungsod sa pamamagitan ng Socio-Economic Building nito, na aniya’y pamana ni dating Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr.

Ani Lacson, dala ng bagong gusali na may 2.2 ektarya ang pinaigting na serbisyo publiko para sa taga-Dasmariñas.

“Bilang isang Kabitenyo, talagang nakakataba ng puso na makita ang bayan-bayan sa ating probinsya na umaasenso… Ang serbisyo publiko kasabay ng patuloy na gaganda at yan ang adhikain, ang legacy na iniwanan ni Cong Pidi Barzaga. At ako ay umaasa na si Mayor Jenny at tayong lahat ay nagtitiwala, na kaya niyang gampanan ang vacuum na naiwan ni Cong Pidi,” aniya.

Tumatakbo si Lacson para senador na may kredong “Ang tama ay ipaglaban, ang mali ay labanan.”

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading