Interview on IKAW NA BA? The Senatorial Interviews

On Ikaw na Ba: The Senatorial Interviews, former Sen. Ping Lacson answers questions on:
* Confidential and Intelligence funds
* National Budget
* Anti-drug war
* West Philippine Sea
* Legislated wage hike

QUOTES and NOTES:

Confidential Funds:

“Noong panahon kong Chief PNP, noong unang araw ko, siyempre may briefing. Napag-alaman ko ang command reserve ito ang confi fund ng CPNP nasa P100M a year. Ito ang gasolina, kinukwenta ko sa dami ng gas na naka-assign sa aking opisina, maski paandarin ko sasakyan sa office ng CPNP na 24/7, aba’y sobra-sobra. Ang ginawa ko sa P100M sabi ko sa director for comptrollership, si Rep. Acop ngayon, siya si Gen Acop noon, napakalaki nito mag-reform tayo sa PNP kailangan magkaroon ng pondo sa baba. So ako nagpasimula ng 85/15, 15% sa HQ, 85% ibaba natin ang pondo sa frontline units. Lahat na HQ, NHQ, RHQ, 15%, and the rest sa mga stations. Pati gas ganoon din ang gawin natin. Hindi ko in-avail ang P100M na sabihin nating command reserve pero yan ang confi fund.”

“Ang intel fund naka-assign sa directorate for intel at Intel Group, lahat na intel units. Ang intel fund, ang premise muna natin basic. Lahat na public funds, auditable, accountable yan. Walang exempted diyan. Ang intel fund parang cash advance yan. Kasi kailangan gugulin mo muna ang pambayad sa informant. At kung kailangan ng special o fraud audit kung may question lalabas ang resibo, lahat na vouchers, lahat ng mga justification, ang liquidation, kailangan ilabas. Pero in the meantime naka-sealed envelope at ito ay gagawin lang na public or pwede i-disclose kung declassified na ang intel project. Tapos na, naganap na at pwede nang ma-disclose sino ang informants, subject to certain conditions. Basta iniintindi natin dito walang involved na risk of life sa mga impormante.”

Sa aking pananaw, dapat ang intel fund ibigay natin sa members ng intel community. Ang line agencies na nangangailangan ng intel input o information, i-tap na lang nila ang intel units para supply-an sila ng intel na kailangan nila kasi wala silang training para magsagawa ng intel projects or operations so sayang ang pondo.”

“Natandaan ko 1 time ako nag-question PH Racing Commission, sabi ko bakit kailangan ng intel fund ang kabayo? So hindi lumusot yan. Tinanggal namin yan. Yan lang tinanong ko, walang nakasagot. PRC bakit bibigyan ng intel fund? So maraming line agencies na sa tingin ko hindi kailangan ng intel funds.”

Tanggalan natin ng pondo (ang hindi mandato ang intelligence work), dagdagan natin ng pondo ang ISAFP, NICA, NSA, PNP IG at lahat na sa buong intel community nang sa ganoon sila na ang gumanap ng role, ng papel. At sila mag-supply ng intel requirements ng mga line agencies. Of course OP kailangan, meron silang pinanghahawakan din kasi pwede siya mag-augment sa intel units ng intel fund.”

Executive Order 82 Strengthening Regional Development Councils:

“Natutuwa ako si PBBM nagpirma ng EO 82. Ini-strengthen niya ang RDC at dinagdagan ng membership, 18 ahensya ang dinagdag para ma-strengthen. Bakit? Sa aming pagbusisi sa budget, ito tinatanong ko rin lagi ito year in year out. 20% lang ng output ng RDCs na ito ang consolidated na mga development plans mula sa brgy, municipal, city, provincial, na-consolidate sa regional pagkatapos pagdating sa GAB House version, 20% lang ang output na nanggaling sa RDC. So nagkakaroon ng disconnect. Kasi sino ang mas nakakaalam ng needs and priorities ng mga kanayunan kundi ang mga taga-roon?”

“Ang mga kongresista naman, member sila ng at least from the municipal, city, provincial, member sila diyan. Ang barangay devt council pwede silang magdala ng represent o sila mismo pwede makialam doon. So sana doon ang bakbakan. Kasi nagkakaroon ng disconnect between the national budget and the needs and priorities of the LGUs. Sila ang backbone ng livelihood, devt, and all.”

“From 2016 to 2023, nag-average tayo ng P350B na di nagagamit. Babalik sa treasury yan. Sayang. Kasi gumawa ka ng plano, binudgetan mo di magagamit.”

“Ang kakulangan natin, kasi dapat lahat na policy natin at lahat ng kilos ng govt, dapat science-based, data-driven. Saan manggagaling ang datos kundi sa LGU? Sila nakakaalam saan kailangan ng tulay.”

Anti-Drug War:

“Ang approach dapat holsitic, naka-anchor sa 2-pronged strategy, ngayon 3-pronged na. Sa amin noon demand reduction and supply reduction. Constrict mo ang market tapos ang supply, yan ang paigtingn mo ang intel work pagkatapos ang law enforcement operation. Go after bigtime, lalo ang mga dumadaan sa regular ports. Di na ngayon ship side. Parang napaka-brazen na, dinadaan sa regular ports, may kausap nang Customs employees at officials. So natatandaan ninyo sa magnetic lifter at sa mga drum, bilyon ang nakalusot. So dapat talaga ang focus, market constriction. Kaya holistic, rehab and prevention.”

West Philippine Sea:

“Noon naka-comment ako, dapat meron din tayong EDCA site sa Pagasa Island. Ang tingin ko sa WPS di natin kaya banggain, that’s a given, ang China. So kailangan ma-maintain natin balance of power. Hindi natin kayang ibalanse ang power kasi talagang monster ship nga. So aasa tayo ngayon sa more militarily strong countries like US, Australia, mga ka-partner na natin ito, Canada, Japan.”

Legislated wage hike:

“Unang una muna, kailangan inflation-based kung anuman ang wage hike na papairal natin. Pwede ang legislated wage hike pero kailangan may parameters at may leeway ang Regional Tripartite Wage Board kung saan pwede silang gumalaw.”

“Ang across the board medyo malungkot diyan kasi P200. Ang tatamaan diyan mga MSME, ito nag-a-account sa 99.6% ng lahat na industry natin. Point something lang ang malalaki talaga. Pag MSME, pag micro, ito ang hanggang P3M ang kanilang asset. Ang small ito ang P3M one hanggang P50M. Ang medium, P50M and 1 hanggang P100M ang asset nila. So ang kanilang ina-account na labor force, 63%, almost 2/3 ng labor force natin, MSME. Matatamaan sila. At ang standard ng living sa BGC, ibang iba sa Occidental Mindoro. So dapat inflation based.”

IKAW NA BA ang ang karapat dapat na muling maging senador ng Pilipinas?

“Pwede bang baliin ko kaunti ang tanong? KAMI NA BA? 12 naman ang pagpipilian. Piliin naman natin ang alam nating makakatulong sa ating bayan. Kasi kwawa na ang ating bansa lalo na kung ang inaabuso ang ating national budget kung saan sabi ko nga lifeblood ito ng ating bansa. So dapat talaga ang ating iboboto, 12 naman kami, hindi ko naman sasabihing ako na lang o ako na ba, kundi KAMI NA BA? Pumili tayo ng 12 na tutulong.”

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading