
Filipinos hold the power to realize their dreams – or throw them away – depending on what they do with their ballots on Election Day.
On this note, former Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson on Tuesday appealed to Filipinos to choose wisely the public servants who will lead them in the next three to six years.
“You hold in your hands the power to improve or worsen the future of our children and the next generation of Filipinos of our beloved country,” Lacson said in Filipino at the Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial slate’s rally in Pasay City.
“Let’s learn from the mistakes of past elections. We must choose those who are principled, who will fight corruption, and who truly love our country. Let’s choose those who will protect our coffers instead of those who will steal from it. Let’s choose those who won’t be drunk from power and will instead help us realize our dreams”,” he added.
Related: Ping Lacson sa Botante: Nasa Balota ang Kapangyarihan para Matupad ang Pinapangarap Ninyo
Lacson noted Filipinos have dreams of good, healthy, safe and prosperous lives for themselves, their families and the nation. More importantly, they dream of a Philippines they can be proud of wherever they go.
Yet, he said these dreams cannot come true if the leaders they elect are selfish, incompetent or even corrupt.
“How will our dreams come true if we elect into power those who look after their own interests, who are addicted to stealing from our coffers?” he asked.
“What if those who win don’t know their jobs as lawmakers? Or if they don’t have plans for the nation and are capable only of making trouble during Senate sessions?” he added.
“In the coming election, let’s choose those who will truly serve the nation, those who will uphold what is right and fight what is wrong,” Lacson stressed.
*****
Ping Lacson sa Botante: Nasa Balota ang Kapangyarihan para Matupad ang Pinapangarap Ninyo
Nasa kamay ng mga Pilipino ang kapangyarihan para matupad – o masayang – ang kanilang mga pangarap, at ito ay depende sa kung ano ang kanilang gagawin sa kanilang mga balota sa araw ng halalan.
Ito ang apela ni dating Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Martes sa mga Pilipino, upang piliing mabuti ang mga mamumuno sa kanila sa susunod na tatlo hanggang anim na taon.
“Nasa inyong mga kamay ang ikabubuti o ikasasama ng kinabukasan ng ating mga anak at ng susunod na henerasyon na Pilipino ng ating minamahal na bansang Pilipinas,” ani Lacson sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial slate rally sa Pasay City.
“Matuto na po tayo sa mga leksyon ng mga nakaraang halalan. Pumili tayo ng mga tapat, may prinsipyo, lalabanan ang katiwalian, at tunay na nagmamahal sa Inang Bayan. Piliin natin ang mga magbabantay sa kaban ng bayan at hindi para magnakaw lamang. Pumili tayo ng hindi malalasing sa kapangyarihan at tunay na maglilingkod para matupad ang mga munti at matataas na pangarap ng bawa’t mamamayan,” dagdag niya.
Ani Lacson, pangarap ng bawa’t Pilipino ang mabuti, malusog, ligtas at masaganang buhay para sa sarili, sa kanilang pamilya, at sa Inang Bayan. Higit dito, pangarap nila ang Pilipinas na kanilang maipagmamalaki saan man sila mapunta.
Nguni’t hindi matutupad ang ganitong mga pangarap kung ang mahahalal na pinuno ay mapagsamantala, makasarili, walang alam, o sangkot sa katiwalian.
“Paanong mapapatupad at mangyayari ang mga munti at malaking pangarap ng bawat Pilipino kung ang namumuno na kanilang iniluluklok sa kapangyarihan tuwing halalan ay mapagimbot at sakim para sa sariling kapakanan – mga mapagsamantala at adik sa pagnanakaw sa kaban ng bayan na tila walang kabusugan?” tanong ni Lacson.
“Paano kung ang mananalo ay hindi alam ang gagampanan na kanyang tungkulin bilang mambabatas tungo sa pag-unlad ng bayan at kaayusan ng pamahalaan? Paano na kung ang mananalo ay walang kaplano-plano para sa bayan at manggugulo lamang pag may session ang Senado?” dagdag niya.
“Sa darating na halalan, pumili tayo ng mga tunay at totoo na lingkod bayan. Pumili tayo ang kandidatong ang tama ay ipaglalaban at ang mali ay lalabanan,” giit ni Lacson.
*****

