
With the heat index continuing to rise in recent days, former Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson hopes the public will take the proper precautions – including supporters who go to candidates’ rallies to show their support.
Lacson pointed out that the hot weather has prompted many local government units to suspend classes, and may pose health dangers to the general public.
“I hope that it’s not just us candidates but also those joining us at our rallies who will make sure their health is not affected by the heat,” he said in Filipino, in an interview on Bombo Radyo Philippines.
Related: Ping Lacson, Umaasa na Mag-Iingat ang Publiko at Tagasuporta sa Mainit na Panahon
Lacson and fellow candidates of the Alyansa para sa Bagong Pilipinas are scheduled to attend a rally in Camarines Sur this Friday, March 7. Their supporters are expected to attend the rally as well.
In past weeks, several areas in the country have experienced high heat index, with many local government units suspending face-to-face classes.
The Department of Health has recommended that people drink plenty of water, avoid certain beverages including alcoholic ones, limit outdoor activities between 10 a.m. and 4 p.m., use sun protection, and wear loose and lightweight clothing.
*****
Ping Lacson, Umaasa na Mag-Iingat ang Publiko at Tagasuporta sa Mainit na Panahon
Ngayo’y patuloy ang pagtaas ng heat index sa iba’t ibang bahagi ng bansa, umaasa si dating Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson na mag-iingat ang publiko, kabilang ang tagasuporta na dadalo sa mga rally ng mga kandidato para sa darating na halalan.
Ani Lacson, marami nang mga local government unit ang napilitang suspindihin ang face-to-face na klase dahil sa init ng panahon. Dagdag niya, maaaring maging mapanganib sa publiko ang sobrang init.
“Sana hindi lang kaming mga kandidato kundi ang mga nakikilahok sa rallies, hindi naman maapektuhan ang kanilang kalusugan ng heat index kung ito man ay magaganap sa ating bansa,” aniya sa panayam sa Bombo Radyo Philippines.
Nakatakdang dadalo si Lacson at kapwa kandidato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa rally sa Camarines Sur sa Biyernes, ika-7 ng Marso. Inaasahang dadalo din doon ang kanilang mga tagasuporta.
Marami nang lugar sa bansa ang nakaranas ng mataas na heat index, at dahil dito, maraming local government units ang nagsuspindi na ng face-to-face classes.
Inirekomenda ng Department of Health na uminom ng maraming tubig ang publiko, at umiwas sa inuming may alcohol. Inirekomenda din nito na i-limit ang paglabas sa pagitan ng 10 a.m. at 4 p.m., gumamit ng sun protection, at sumuot ng magaan na damit.
*****

