
SARIAYA, Quezon – Former Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson – the tough, no-nonsense former soldier, Philippine National Police (PNP) chief and lawmaker – is well-respected for his integrity and discipline, and he thanks his mother Maxima for it.
At an event celebrating National Women’s Month here, Lacson narrated on Thursday how his mother molded his character through tough love and strict discipline.
“When we commemorate International Women’s Day and National Women’s Month in the Philippines – and every day for that matter – I always remember my mother. We learned so much from her sacrifices. She and my father sacrificed to send all of us through school,” he said in Filipino.
Related: Ping Lacson, Nagbigay Pugay sa Ina sa Pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa Quezon
Lacson recalled a lesson in integrity from his mother when one of his older siblings found a one-centavo coin while going home from school. His mother told the sibling to find the owner of the one-centavo coin and return it.
He also recalled his mother being a strict disciplinarian, who taught him integrity and discipline. He recalled her spanking him if he came home late – but she would also cry after administering the punishment, and remind him not to be hardheaded.
This was why when she passed away and he first saw her in her casket, he wept unashamedly, he said.
“When I saw her body in the casket, I forgot I was a senator, or a PNP chief, or a soldier. I wept like a child, even in the presence of other people,” he said.
“Let’s always remember the value of our women, especially our mothers. They wish nothing but the best for us, not just ensuring our health but also our values,” he added.
Lacson received a warm welcome from supporters and participants at Thursday’s event.
*****
Ping Lacson, Nagbigay Pugay sa Ina sa Pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa Quezon
SARIAYA, Quezon – Si dating Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson – ang matatag na dating sundalo, hepe ng Philippine National Police at mambabatas – ay kilala sa kanyang integridad at disiplina. At ang mga katangiang ito ay natutunan niya sa kanyang mahal na inang si Maxima.
Sa isang pagtitipong gumugunita sa Buwan ng Kababaihan dito, ikinwento ni Lacson kung paanong hinubog ng kanyang ina ang kanyang kaisipan sa pamamagitan ng “tough love” at disiplina.
“Tuwing magkakaroon ng paggunita, pagdiriwang ng International Women’s Day at National Women’s Month sa Pilipinas, at araw-araw na ginawa ng Diyos, laging namumutawi sa aking alaala ang larawan ng aking ina. Dahil nga sinabi ko sa inyo, maraming aral kaming natutunan bukod sa talagang lahat ng paghihirap ay ginawa nila para maigapang kami sa pag-aaral,” aniya.
Ginunita ni Lacson ang natutunan niya sa kanyang ina tungkol sa integridad, nang nakapulot ng isang sentimo ang isa niyang nakatatandang kapatid habang pauwi galing paaralan. Agad-agad ay binilin ng kanilang ina na hanapin agad ang may-ari ng isang sentimo at isauli ito agad-agad.
Naalala din ni Lacson na istriktong disciplinarian ang kanyang ina, na pinalo siya kapag umuwi siya ng gabi. Nguni’t matapos siyang paluin, ay humahagulgol din ang kanyang ina, at binilin sa kanya na huwag maging matigas ang ulo.
Ani Lacson, ito ang dahilan kung bakit nang namayapa ang kanyang ina at una niyang nakita ang labi nito sa kabaong ay humagulgol siya na parang bata.
“Nang unang una kong masilayan ang aking ina sa loob ng kabaong, nakalimutan ko po na ako ay isang senador. Nakalimutan ko na isa akong dating hepe ng PNP. Nakalimutan ko na ako ay isang sundalo. Humagulgol po akong parang bata. Hindi po ako nahiya, may ibang tao doon, mga kababayan ko na nandoon bumibisita. Hindi ako nahiya, talagang ibinuhos ko ang aking pagdadalamhati sa namayapa kong ina,” aniya.
“So huwag nating kalimutan ang kahalagahan ng ating mga kababaihan. Lalo na ang kababaihan ng mga ina ng tahanan. Kasi wala silang hahangarin sa ating buhay, tayong mga anak nila, kundi ang ating kabutihan. Hindi lang ang ating pangangalaga sa ating kalusugan at kalagayan kundi yung paglalagay sa ating kaisipan hanggang sa pagtanda, ng mga values ng mga Pilipino,” diin ni Lacson.
Mainit na pagtanggap ang nakamtan ni Lacson sa Sariaya mula sa mga tagasuporta at mga lumahok sa pagtitipon.
*****

