Ping Lacson’s Speech at Women’s Month Event in Quezon

Ang araw na ito, ang pagdiriwang ng Buwan ng Mga Kababaihan, ay may dagdag kahalagahan. Dahil maaaring ilan sa inyo hindi nababatid, ito ang 50th anniversary ng pagkatatag ng Philippine Commission on Women. 50 years na ang PCW. Pangalawa, 45th anniversary ng pagpirma ng Pilipinas sa Convention on the Elimination of All forms of Discrimination Against Women. 45 years na tayo nakalagda sa convention na iyan. So talagang higit pa sa pagdiriwang, may dagdag na milestone, para sa taong ito, 2025.

Sa tuwing naggugunita tayo ng International Women’s Day o sa Pilipinas ay National Women’s Month, isang buwan tayo, mas higit siguro natin pinapahalagahan ang kababaihan sa Pilipinas kasi 1 buwan ang ating pagdiriwang ng ating kababaihan.

At kapag naggugunita tayo, nagse-celebrate, ang unang unang pumapasok sa aking kaisipan, sa aking diwa, ay ang aking minamahal na nanay, ang aking ina, na siyang naghubog o nag-ukit sa aking murang kaisipan, sa aming magkakapatid, 9 kaming magkakapatid, na ginapang nila sa hirap para makatapos mag-aaral.

This slideshow requires JavaScript.

Alam nyo, pahintulutan nyo akong ibahagi sa inyo ang dalawang maikling kwento tungkol sa aking minamahal na nanay. Noong kami ay maliliit pa, mga 1950s ito, wala pa sa mundo si Rep. Lani Mercado, marami sa inyo malamang hindi pa pinapanganak, meron akong nakakatandang kapatid na nakapulot ng 1 sentimo pauwi galing iskwelahan. Elementary siya noon, ako di pa nakapag-aral. At siya medyo excited, kinwento sa aking nanay. Ang isang sentimo noong araw, napakamahalaga. Ang isang sarsaparilla, 5c at ang Coca Cola, 10c. Ang lugaw, 5c. Kaya 1c wag natin mamatahin kasi ang panahong yan napakahalaga.

So kinwento niya agad sa aking nanay: Nay, nakapulot po ako ng 1 sentimo. Ang sinabi ng nanay ko sa kanya, alam mo anak, ang may-ari ng 1 sentimong yan, siguradong di makakatulog ngayong gabi sa pag-alala sa paghanap ng nawawala niyang 1 centavo. Bukas na bukas din, pagpasok mo sa iskwela, pilitin mong hanapin kung sino may-ari ng 1 sentimong yan at isauli mo sa kanya.

Ang aming ina ay isang disciplinarian. Siya ang nag-ukit sa akin ng kahalagahan ng integridad at disiplina. Natatandaan ko pagka kami medyo ginagabi ng uwi, ako particular na, pag siya namalo, noong araw wala pa ang batas na cruelty sa bata. Talagang ang panuntunan noon, spare the rod and spoil the child. Pag di nyo dinisiplina ang anak nyo, lalaki yan na walang disiplina. So nanay namin noon matiyagang nagbabantay sa amin para kami disiplinahin. At pagka may ganyang pinapalo, ako mismo, pagkatapos paluin, siya ay hahagulgol ng iyak at mangangaral. Sasabihin niya, sinasabi ko na sa iyo, wag matigas ang ulo. Pero tumutulo ang kanyang luha matapos niyang mamalo.

Noong siya ay matanda na at naratay na sa karamdaman at pinasok namin sa ospital, kitang kita naming magkakapatid na siya ay hirap na hirap na. Katunayan lalo ang aking 2 kapatid na babae, sabi Kuya Ping, kami medyo awang awa na sa nanay, baka pwedeng pabayaan na natin siyang magpahinga. At kami rin baka wala na kaming ma-contribute kasi palaki ng palaki ang bill ng ospital umaabot na ng milyon. Alam nyo pag nagkasakit tayo ngayon dahil kulang ang suporta ng pamahalaan sa kalusugan ng ating mga kababayan, talagang kapag nagkasakit, napakasakit din sa bulsa.

Nang sinabi nila yan, sabi ko sige bahala kayo, pero ako ilalaban ko ang buhay ng ating nanay. Sukdulang mangutang ako, lumapit sa kaibigan, pero di ko pababayaan na sumuko para lang ilabas sa ospital at hintaying mamatay ang ating nanay.

So nagtagal pa yan siguro 1 buwan pa. Ang huling dalaw ko sa kanya sa ospital, nasaksihan ko ang kanyang paghihirap. Medyo nakamulat ang kanyang mata nakatitig sa akin at ang basa ko parang nagmamakaawa na siya na bayaan nyo na ako. So noong gabing yan, noong pag-alis ko ng ospital pagsakay ko sa aking sasakyan, bago ko i-start ang kotse, nagdasal ako nang mataimtim. Sabi ko Diyos ko po, kung ang aking ina ay wala naman talagang pag-asang gumaling at makabalik sa amin, payag na po akong kunin ninyo siya. Alam nyo ba kinikilabutan ako kasi kinabukasan umagang umaga, nagtext ang aking pinakamatandang kapatid. Simple ang mensahe sa akin. Talagang napakaganda pa rin ng nanay. Hindi agad nag-sink in yan, di pumasok sa aking isipan ang gusto niyang sabihin. Pero napagalaman ko na siya pala ay nasa loob na ng kabaong. Kaya pala ang description, maganda pa rin ang ating nanay.

Dali-dali akong nagbihis at pumunta sa Imus, sa bayan ni Sen. Bong, taga-Imus si Sen. Bong bagama’t siya naglilingkod sa Bacoor. At nang unang una kong masilayan ang aking ina sa loob ng kabaong, nakalimutan ko po na ako ay isang senador. Nakalimutan ko na isa akong dating hepe ng PNP. Nakalimutan ko na ako ay isang sundalo. Humagulgol po akong parang bata. Hindi po ako nahiya, may ibang tao doon, mga kababayan ko na nandoon bumibisita. Hindi ako nahiya, talagang ibinuhos ko ang aking pagdadalamhati sa namayapa kong ina.

Kaya tuwing magkakaroon ng paggunita, pagdiriwang ng International Women’s Day at National Women’s Month sa Pilipinas, at araw-araw na ginawa ng Diyos, laging namumutawi sa aking alaala ang larawan ng aking ina. Dahil nga sinabi ko sa inyo, maraming aral kaming natutunan bukod sa talagang lahat ng paghihirap ay ginawa nila para maigapang kami sa pag-aaral. 9 na magkakapatid, 1 lang ang di nakatapos. Lahat kami meron, may nakatapos ng business management, ako siyempre nakapasok sa PMA, pero gusto ko sana magabogado kasi ambisyon ko maging NBI agent. Pero may twist ang ating destiny, ako ay napunta sa PMA at doon ako nakapagtapos at naluklok bilang CPNP. At naging senador ng ating bansa.

So huwag nating kalimutan ang kahalagahan ng ating mga kababaihan. Lalo na ang kababaihan ng mga ina ng tahanan. Kasi wala silang hahangarin sa ating buhay, tayong mga anak nila, kundi ang ating kabutihan. Hindi lang ang ating pangangalaga sa ating kalusugan at kalagayan kundi yung paglalagay sa ating kaisipan hanggang sa pagtanda, ng mga values ng mga Pilipino. Kasi over time, noong araw, malaki pinagbago, in this day and age of modern information technology, medyo nakakalimutan natin ang sinaunang kultura na magaganda. Utang na loob, alam nyo na, napakaraming values na medyo nawawala na.

So ngayon sa buwan na ito at sa pagdiriwang natin ng Buwan ng Kababaihan ngayong 2025 at magpakailanman, ating alalahanin at bigyang pugay at paggalang ang mga kababaihan sa buong Pilipinas, sa Sariaya, sa Quezon, at sa buong mundo.

Mabuhay po ang Gilas Sariaya at ang masasayang kababaihan sa Sariaya, Quezon!

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading