At Rizal’s Birthplace, Ping Lacson Promises ‘KKK’ Brand of Public Service

STA. ROSA CITY, Laguna – At the birthplace of national hero Dr. Jose Rizal, former Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson on Saturday offered Filipinos his own modern-day “KKK” brand of public service based on experience, qualification and ability.

Lacson said the heroism of the original KKK stood for “Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan” is not far from his brand of KKK that stands for “Karanasan, Kwalipikasyon at Kakayahan (Experience, Qualification and Ability).”

“I have my own brand of KKK: Karanasan, Kwalipikasyon at Kakayahan, or Experience, Qualification, and Ability,” he said in Filipino at the rally of the Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial bets here.

Related: Sa Lugar ng Kapanganakan ni Rizal, Nag-Alay si Ping Lacson ng ‘KKK’ na Serbisyo Publiko

He said his experience dates back to his law enforcement days, including his stint as Philippine National Police provincial director of Laguna in 1992. During this time, he refused bribes from those involved in illegal activities.

This was aside from the constant danger he faced as a law enforcer, facing death or persecution in the line of duty, just to make sure the public is safe.

As a senator, Lacson noted he earned a reputation as a graft-buster and watchdog of the national budget, to make sure the public’s funds are spent properly.

On his qualifications and abilities, Lacson noted he authored and co-authored several key laws including those on National ID, the Free Irrigation Act, and the Anti-Terrorism Act.

Should Lacson earn a seat in the Senate in May, he said he will continue to do his duty to fight corruption and wrongdoing.

“I will continue to do my job to fight corruption and wrongdoing in whatever form, and I will do this by scrutinizing the national budget and exposing wrongdoing in government,” he said.

*****

Sa Lugar ng Kapanganakan ni Rizal, Nag-Alay si Ping Lacson ng ‘KKK’ na Serbisyo Publiko

STA. ROSA CITY, Laguna – Sa lugar ng kapanganakan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, nag-alay si dating Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Sabado ng makabagong “KKK” na serbisyo publiko na base sa “Karanasan, Kwalipikasyon at Kakayahan.”

Ani Lacson, ang orihinal na KKK ay ang “Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan,” na ang kabayanihan ay hindi malayo sa kanyang inaalay na KKK.

“Ako, ang inyong abang lingkod, ay meron ding taglay na KKK: Karanasan, Kwalipikasyon at Kakayahan sa serbisyo publiko,” aniya sa rally ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial bets dito.

Pagdating sa karanasan, ipinunto ni Lacson ang kanyang pagiging alagad ng batas, kabilang ang pagiging Philippine National Police provincial director ng Laguna noong 1992 kung saan hindi siya tumanggap ng suhol galing sa mga sangkot sa iligal na aktibidad.

Ito ay bukod sa panganib na kinahaharap ng mga alagad ng batas na ang isang paa ay nasa bingit ng hukay at ang kabilang paa naman ay tila patungo sa kulungan – para lang tiyaking ligtas ang mamamayan.

Bilang senador, nakamit ni Lacson ang reputasyon bilang kalaban ng katiwalian at tagabantay ng pambansang budget, para tiyakin na tama ang paggastos ng pera ng taumbayan.

Tungkol sa kanyang kwalipkasyon at kakayahan, ipinunto naman ni Lacson na nag-akda siya ng maraming batas tulad ng National ID Law, Free Irrigation Act, at Anti-Terrorism Act.

Kung manalo si Lacson sa pagka-senador sa Mayo, tiniyak niyang itutuloy niya ang paglaban sa katiwalian at maling gawain.

“Patuloy kong gagampanan ang aking tungkulin upang lumaban sa katiwalian sa anumang bagay sa anumang porma, at anumang gawain at ginagawa ko sa pamamagitan ng pagbusisi, pag-scrutinize sa ating pambansang budget at patuloy na pag-e-expose ng katiwalian sa ating pamahalaan,” aniya.

*****

Full Speech of Ping Lacson at the Alyansa Rally in Laguna

Magandang magandang hapon sa ating lahat. Sa tuwing ako ay magagawi o madadaan sa lalawigan ng Laguna, ang unang pumapasok sa aking isipan ay ang ating pambansang bayani, si Gat Jose Rizal. At kapag pinaguusapan ang bayani, siyempre naalala natin ang mga nagbuwis ng buhay upang tayo ay bigyan ng kalayaan laban sa mga mananakop: ang mga Katipunero. KKK. Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.

Ako, ang inyong abang lingkod, ay meron ding taglay na KKK: Karanasan, Kwalipikasyon at Kakayahan sa serbisyo publiko.

Bilang tagapagpatupad o alagad ng batas, ang aking nag-iisang misyon sa aking isipan ay upang mapangalagaan ang kaligtasan ng ating mga kababayan at makauwi ng ligtas sa kanilang mga tahanan. Ang panganib ay laging hawak o taglay ng isang alagad ng batas. Ang kanyang isang paa ay nasa bingit ng hukay at ang kabilang paa naman ay tila patungo sa kulungan. Yan po ang buhay ng alaagd ng batas.

Katunayan, ako po ay nakapaglingkod dito mismo sa ating lalawigan sa Laguna bilang inyong provincial director noong taong 1992. Hindi pa po yata pinapanganak si Mayor Arcillas noon. Ang isang pinagmamalaki ko noong ako ay nanungkulan dito, hindi po ako tumanggap ng suhol galing sa mga iligal na gawain. Yan po ang aking laging pinagmamalaki.

At bilang taga-akda ng batas, patuloy akong lumalaban sa katiwalian at korapsyon bilang isang senador.

Sa akin namang kakayahan, ako ang nataguriang tagabantay ng kaban ng bayan. Bantay sa ating pambansang budget para masigurado na ang pera ng bayan ay makakarating sa mga kanayunan, makakarating sa inyong lugar sa Laguna, sa mga bayan-bayan, at sa mga barangay.

At sa aking naman pong kwalipikasyon, ako po ay nag-akda ng napakaraming batas: National ID, ang Free Irrigation Act na kung saan ang ating mga magsasaka ay hindi na magbabayad ng irrigation fee sa kanilang pagsasaka. Ang Anti-Terrorism Act ako rin po ang may-akda. At ang discount ng mga estudyante sa mga pampasaherong pampubliko, ako po ang may-akda noon.

So kung ako po ay inyong pagbibigyang muling makabalik sa Senado, ang isang matitiyak ko sa inyo, patuloy ko pong gagampanan ang aking tungkulin upang lumaban sa katiwalian sa anumang bagay sa anumang porma, at anumang gawain. At ito ay ginagawa ko sa pamamagitan ng pagbusisi, pag-scrutinize sa ating pambansang budget at patuloy na pag-e-expose ng mga katiwalian sa ating pamahalaan.

No. 33 po sa balota, Senator Ping Lacson! Mabuhay po ang mga taga-Laguna! Mabuhay kayong lahat.

*****

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading