Lacson: Fresh Generation Key to Overhauling ‘Rotten’ DPWH

No less than a fresh generation of professional civil servants will be needed to overhaul a Department of Public Works and Highways (DPWH) that has become rotten due to boundless greed, Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson said over the weekend.

Lacson said DPWH Secretary Vince Dizon may check the private sector for licensed civil engineers who bring with them a culture of accountability and integrity instead of corruption.

“Assuming all DPWH officials submitted their courtesy resignations, Sec. Vince may start hiring licensed civil engineers from the private sector, still untainted by corruption and trained by corporate best practices; then create a new generation of professional civil servants,” he said in a post on X Saturday afternoon.

In Filipino: Lacson: Bagong Henerasyon, Susi sa Pag-Overhaul ng ‘Nabubulok’ na DPWH

One of Dizon’s first acts after assuming the top DPWH post was to order the courtesy resignation of all DPWH officials, to clean up the agency.

The DPWH is at the center of a major controversy involving substandard and ghost flood control projects. Lacson noted that more than P1.9 trillion had been appropriated to the DPWH alone for flood control projects since 2011, yet the flooding problem persists.

In privilege speeches last Aug. 20 and Sept. 9, Lacson detailed the “boundless greed” and corruption among DPWH engineers, some of whom gamble away hundreds of millions of pesos of taxpayers’ money in casinos.

Worse, he noted new moneymaking schemes by junior personnel of the DPWH, including additional requirements priced at thousands of pesos per page – on top of the regular commissions and “obligations” contractors are made to pay.

“Boundless greed. Rotten at the top, rotten at the bottom. Learning fast from their superiors, even official and ‘invented’ documents have become sources of ill-gotten income at the lower echelons of the DPWH’s district engineering offices,” Lacson lamented.

*****

Lacson: Bagong Henerasyon, Susi sa Pag-Overhaul ng ‘Nabubulok’ na DPWH

Kailangan ang isang bagong henerasyon ng mga propesyonal na lingkod-bayan para ma-overhaul ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nabubulok dahil sa walang hanggang kasakiman, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson nitong weekend.

Diin ni Lacson, maaaring tingnan ni DPWH Secretary Vince Dizon ang pribadong sektor para kumuha ng mga lisensyadong civil engineer na may dalang kultura ng pananagutan at integridad – at walang bahid ng korapsyon.

“Assuming all DPWH officials submitted their courtesy resignations, Sec Vince may start hiring licensed civil engineers from the private sector, still untainted by corruption and trained by corporate best practices; then create a new generation of professional civil servants,” giit ni Lacson sa post sa X Sabado ng hapon.

Isa sa mga unang hakbang ni Dizon matapos maupo bilang pinuno ng DPWH ay ang pag-utos ng courtesy resignation ng lahat ng opisyal ng ahensya upang linisin ito.

Nasa sentro ng malaking kontrobersya ang DPWH kaugnay ng mga palpak at guniguning flood control projects. Ipinunto ni Lacson na mahigit ₱1.9 trilyon na ang naitalaga sa DPWH para sa flood control projects mula 2011, ngunit nananatili pa rin ang problema sa pagbaha.

Sa mga privilege speech noong Agosto 20 at Setyembre 9, inisa-isa ni Lacson ang “walang hanggang kasakiman” at korapsyon sa hanay ng mga engineer ng DPWH, na ang ilan ay nagsusugal umano ng daan-daang milyong piso sa mga casino, gamit ang pera ng taumbayan.

Ang masama pa ay ang mga bagong paraan ng pangungurakot ng mga junior personnel ng DPWH, kabilang ang imbentong karagdagang requirements na may presyo na libu-libong piso kada pahina — bukod pa sa regular na komisyon at “obligasyon” na ipinapabayad sa mga kontratista.

“Boundless greed. Rotten at the top, rotten at the bottom. Learning fast from their superiors, even official and “invented” documents have become sources of ill-gotten income at the lower echelons of the DPWH’s district engineering offices,” ayon kay Lacson.

*****

One Reply to “”

  1. Mga kababayan,

    Alam natin na
    laganap ang katiwalian Hindi lang sa DPWH kundi halos lahat na sangay ng pamahalaan.

    Panahon na na pairalin ang batas.

    Kailangan parusahan ng matindi ang lahat ng kawatan sa kaban ng bansa.

    Para madala.

    Ikulong at kumpiskahin lahat na nakaw yaman.

    Huwag hayaang makabalik sa puesto.

    Malala ang sakit ng ating lipunan.

    Panahon na para pairalin a g batas at gumawa ng epiktibong panlaban sa katiwalian.

    Kailangan epiktibong paraan para maayos ang KULTURA na sanhi ng patuloy na katiwalian .

    Kailangan ang reforma sa ating programa sa pagtuturo.

    Bigyan diin ang
    Education/ pagsasanay sa PANIBAGONG pananaw/ PAGIISIP at GAWI.

    Deprogram/ Reprogram.

    Alisin ang mali at baluktit na pagiisip / pananaw at gawi.

    Palitan ng tuwid o tamang PAGIISIP/pananaw at gawi
    .
    Mula sa pagkabata, ituro ang tungkulin at karapatan ng mamamayang Pilipino.

    Ituro din sa adult schools.

    Kailangan alam NG taong bayan ang sistema ng pamahalaan, ang mga mahalagang bagay na dapat talakayin at kung sino ang karapatdapat supportahan sa susunid na mga halalan.

    Pagaralan kung paano maging listo at kung paano tumulong sa laban sa .katiwalian.

    Kailangan MATUTO ANG mamamayan sa pag galang sa batas at pagmamahal sa inang bayan.

    Kailangan ang pang MATAGALAN na reforma sa pamahalaan at buong lipunan

    Gamitin ang kapangyarihan ng mga botante ng pinagbuklod na mamamayan para imungkahi sa mga candidato sa congresso na bibigyan ng supporta sa susunod na halalan ang gagawa ng batas para itatag anh ahencia laban sa katiwalian na may kasarinlan.

    Matatag at matibay na batas ang may likha nito.

    Hindi maaring pakialaman ng kahit sino ang kanilang mandato.

    Gaya ng ginawa ng Singapore

    para linisin ang kanilang pamahalaan at buong lipunan .

    Pagaralan ng mamababatas Ito
    dahil tagumpay sila sa pakipaglaban sa katiwalian.

    Pangmatagalan na reforma ang kailangan natin para sa pagbabago at pakipaglaban sa talamak na katiwalian.

    Baguhin ang KULTURA at SISTEMA.

    Kayang gawin ng Pilipino?

    Bakit Hindi?

    Kung kakayanin, makakaya!

    Unang una, kailangan ang paniwalang maari at kayang gawin!

    Lahat na pangyayari nagsisimula sa PAGIISIP

    Kailangan ang buong tiwala sa sarili at

    totohanan at matibay na pasya tungkol sa PAGBABAGO

    NASA mamamayang Pilipino ang kapangyarihang MAGBAGO.

    Alang alang sa kapakanan ng bansa at lahat na mamanayan,at alang alang din sa kinabukadan ng susunod na henerasyon

    Hindi madali o MADALIAN ang pagbabago ng KULTURA NGUNIT Hindi imposible.

    Kailangan ang epiktibong paraan para sa pangmatagalang pagbabago .

    Tunghayan ang ginawa ng Singapore;

    “How Singapore fights graft and corruption”

    “Independent Anti-Graft & Corruption Agency, Singapore”

Comments are closed.

Discover more from PING LACSON

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading