
Senator-Judge Panfilo “Ping” M. Lacson on Saturday stressed the importance of observing the agreed time limits for senator-judges during the impeachment trial of Vice President Sara Duterte-Carpio.
Lacson, who himself observed the two-minute limit for senator-judges to ask questions from witnesses, said adhering to the agreed time limits is a matter of discipline, and would keep the proceedings orderly.
“Kailangan naming ipakita may discipline kami. Pag sinabing two minutes, dapat two minutes (We have to show that we have discipline. When we are given a two-minute limit, we must ask our questions within that limit),” he said in an interview on DZMM radio.
In Filipino: Lacson, Iginiit ang Kahalagahan ng Pagsunod sa Takdang Oras ng mga Senator-Judge
He said in jest that the Senate employee tasked with sounding the two-minute bell might need to bring in a siren or a louder bell to remind senator-judges their allotted time is up.
“Sinasabihan ko ang tagabatingting, hindi ba pwede magdala ka ng sirena?… Bukod sa batingting, magdala siya ng kalembang para mas malakas (I suggested that they use a siren or a louder bell so the reminder will be louder),” he said.
During the impeachment trial earlier this week, Lacson observed the two-minute limit while questioning an auditor from the Commission on Audit (COA).
When the session bell rang, signaling that his allotted time had elapsed, Lacson sat down and ended his line of questioning.
Presiding officer Francis Escudero then prompted Lacson to continue his questioning, saying, “pati ako nabitin (even I was left wanting more).”
*****
Lacson, Iginiit ang Kahalagahan ng Pagsunod sa Takdang Oras ng mga Senator-Judge
Binigyang-diin ni Senator-Judge Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Sabado ang kahalagahan ng pagsunod sa napagkasunduang takdang oras sa pagtatanong ng mga senator-judge sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio.
Ani Lacson, na mismong sumunod sa dalawang-minutong takdang oras para sa pagtatanong ng mga senator-judge sa mga testigo, ang pagsunod sa napagkasunduang takdang oras ay usapin ng disiplina at makatutulong upang maging maayos ang takbo ng mga paglilitis.
“Kailangan naming ipakita may discipline kami. Pag sinabing two minutes, dapat two minutes,” aniya sa panayam sa DZMM radio.
Pabiro niyang dagdag na maaaring kailanganin ng empleyado ng Senado na nakatalaga sa pagtunog ng dalawang-minutong kampana na magdala ng sirena o kalembang upang ipaalala sa mga senator-judge na tapos na ang kanilang takdang oras.
“Sinasabihan ko ang tagabatingting, hindi ba pwede magdala ka ng sirena?… Bukod sa batingting, magdala siya ng kalembang para mas malakas,” aniya.
Sa impeachment trial nitong linggo, sinunod ni Lacson ang dalawang-minutong takdang oras habang nagtatanong sa isang auditor mula sa Commission on Audit (COA).
Nang tumunog ang kampana, na hudyat na natapos na ang kanyang takdang oras, umupo si Lacson at tinapos ang kanyang pagtatanong.
Gayunman, hinikayat siya ng presiding officer na si Francis Escudero na ipagpatuloy ang kanyang pagtatanong, at sinabing, “pati ako nabitin.”
*****

