
Mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ang naglabas ng mensahe na hindi niya lalagdaan kung may nilalaman na ilegal ang 2019 national budget, kaya dapat na maramdaman na ito ng liderato ng Kamara.
Ayon kay Senador Panfio Lacson, kung talagang bukal sa kalooban ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang sinasabi nitong pagsuporta sa legislative agenda ng Pangulo, dapat sumunod ito sa ninanais ng huli.
Una nang binanggit ng Pangulong Duterte na hindi niya pipirmahan ang pambansang badyet kapag nakitaan niya ito ng ilegal na nilalaman, oras na makarating sa Malacanang matapos na umano’y kalikutin pa ng Kamara kahit aprubado na at naratipikahan.
“He is correct. What I can’t understand is why the House leadership cannot take the hint from President Duterte himself,” pahayag ni Lacson matapos na mabatid ang mensahe ng Presidente.
Related: Lacson to House Leadership: Take Cue from President on 2019 Budget
Continue reading “Ping sa Pagkalikot ni Gloria sa Bicam-Approved Budget: Nagsabi na si PRRD, ‘Di Niya Pipirmahan ang Ilegal”

