Magandang magandang hapon sa ating lahat!
Mula sa araw na ito, ika-25 ng Abril 2025, 17 araw na lamang, halalan na. Ang halalan, ito parang isang job application at kami mga kandidato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ay humaharap sa inyo sa isang job interview dahil kayo, taumbayan, ang employer.
Ako po ay humaharap sa inyo ngayong hapon, dala ko ang aking resume. Ang aking resume ay may taglay na 3 letrang K: Kwalipikasyon, Karanasan, Kakayahan.
Bilang dating alagad ng batas, makailang ulit kong itinaya ang aking buhay upang maipagtanggol ang kapayapaan, ang kaayusan at kaligtasan ng ating mga kababayan laban sa mga kriminal. Nang ako ay nahirang bilang hepe ng PNP, pinatigil ko ang pangongotong sa kalsada ng kapulisan upang mapangalagaan ang mga jeepney driver, tricycle driver, mga biyahero ng isda, biyahero ng gulay, at ang ating mga mamamayan.
Continue reading “Ping Lacson’s Speech at Alyansa Rally in Dagupan”



