Ibabalik ang kapangyarihan ng Philippine National Police (PNP) na makapag-isyu ng subpoena sa mga tao at mga dokumentong kinakailangan para sa mga isinasagawang imbestigasyon.
Ito ang pangunahing layunin ng Senate Bill 1052 na iniakda at inihain ni Senador at dating PNP Chief Panfilo Lacson sa hangaring magkaroon ng mas mataas na kredibilidad ang resulta ng mga imbestigasyong isinasagawa ng ahensiya.
Sa ilalim ng panukala ni Lacson, partikular na binibigyan ng kapangyarihan na makapag-isyu ng subpoena ay ang Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
Related: Lacson bill boosts PNP investigation arm by restoring subpoena powers
[Basahin: Senate Bill 1052, Philippine National Police Criminal Investigation Unit]
Ayon sa mambabatas, nawala ang naturang kapangyarihan sa CIDG nang ipatupad ang bagong batas o Republic Act 6975.
“Under the present law, the CIU (now CIDG) is mandated to undertake the monitoring, investigation and prosecution of all crimes involving economic sabotage, and other crimes of such magnitude and extent as to indicate their commission by highly-placed or professional criminal syndicates and organizations,” pagbubunyag ni Lacson.
“Hence, it is somewhat contradicting that the primary investigative unit does not possess the power to issue administrative subpoenas for the conduct of their mandated duties,” dugtong pa ng senador.
Bukod pa umano ito sa katotohanang ang ibang mga ahensiyang nauugnay sa imbestigasyon ay mayroon nang kapangyarihan na mag-isyu ng subpoena sa mga tao at mga dokumento.
Kabilang sa mga ahensiyang may kapangyarihan na mag isyu ng subpoena ay ang Ombudsman, Department of Justice, National Bureau of Investigation, Philippine Drug Enforcement Agency, National Police Commission, Bureau of Internal Revenue at ang Cybercrime Operation Center.
“It is submitted that these powers are indispensable for the CIU to carry out its mandated investigatory and prosecutory functions,” banggit pa ni Lacson na siya ring namumuno sa Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs na hahawak sa nabanggit na panukala
*****