In an interview, Sen. Lacson answered questions on:
– Amnesty International’s claim of cops being paid to kill
– Reported plan to tap soldiers to go after rogue cops
– The reported plan to revive the PH Constabulary
Quotes from the interview…
On Amnesty International claim of cops being paid to kill:
“I don’t know kung saan nanggaling ang information ng AI. But you know, accusing is one thing, proving it is another thing. Kailangan may ebidensya. Unless magprisinta ng ebidensya ang AI, it will just remain loose talk or rumor.”
On a reported plan to tap soldiers to go after rogue cops:
“Magkakagulo tayo pagka ang mag-check ng pulis ang military, we might end up having armed people, legitimate armed forces, na naglalaban-laban. Di lang AFP ang armed force. Even the PNP is an armed force. Kung gagamitin ang military against the police, mas mainam na magsagawa ng internal cleansing ang pulis against their scalawags.”
On a reported plan to revive the Philippine Constabulary:
“Mahabang usaping legal. In the first place, maliwanag ang ating Constitution. One police force na national in scope and civilian in character. Maliwanag yan. Kung mag- form ka ng PC magbabanggaan sa jurisdiction. Siyempre ang PC noong araw, national in scope; ang pulis noong araw, local. Kaya PC-INP, yung PC sila ang may national jurisdiction nationwide, ang pulis, territorial. Pero ngayon since the 1987 Constitution specifically provides na ang PNP 1 police force that is national in scope and civilian in character, baka magkaroon ng banggaan sa jurisdiction. Unless kung ang nasa isip ng pangulo e parang concept ng National Guard pag may calamity, o may malaking gulo, mga demonstration na di kaya i-quell ng PNP tatawagin ang National Guard. E kung di ganyan ang concept magkakaroon talaga ng problema. While it may not be violative of the Constitution, magkakagulo-gulo at least sa aspect ng jurisdiction.”
*****