Lacson Bill: PNP-IAS Lalagyan ng Ngipin

Umarangkada na ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso para mapabilis ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa mga tauhan at opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa mga katiwalian at kriminalidad.

Naisampa na kasi ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs, ang Senate Bill 1310 na naglalayong palakasin at pabilisin ang kapangyarihan ng Internal Affairs Service (IAS) ng PNP, kaisa-isang sangay ng institusyon na naatasang dumisiplina sa mga mapang-abuso at tiwaling pulis.

Sa ilalim ng naturang panukala, pabibilisin na ang imbestigasyon ng IAS sa mga pulis na sangkot sa kung anu-anong katiwalian upang kagyat din na mapatawan ng karampatang parusa ang mga ito.

Related: Lacson bill gives PNP’s IAS more teeth vs erring cops

[Basahin: Senate Bill 1310, Amending RA 6975 (Internal Affairs Service of the PNP)]

“In order for IAS to fulfill (its) functions, it is crucial that the pertinent provisions of the law guarantee that the organization is capacitated and empowered in instilling discipline and enhancing performance of personnel and units of the police force at all levels of its command,” paliwanag ni Lacson na naging pinuno at napatino ang PNP.

Kabilang sa mga mahahalagang nilalaman ng panukala ni Lacson ay ang hanggang 30 araw na lamang na palugit sa imbestigasyon at paglalabas sa resulta sa isang kaso ng pulis na sangkot sa katiwalian at pag-abuso.

“Under the bill, the IAS should conclude its investigation within 30 days, after which appropriate administrative and/or criminal charges shall be filed immediately. IAS has up to 30 days to resolve an administrative case against an erring PNP member,” banggit pa ni Lacson.

“Decisions by the IAS shall be final and executory but may be appealed before the Interior Secretary, where the penalty involves dismissal, demotion or suspension for more than 90 days; or forfeiture of benefits equivalent to more than 90 days of pay,” diin pa ni Lacson.

Base sa mga report, sa kasalukuyan ay umaabot hanggang 700 araw ang nauubos ng IAS bago makapaglabas ng resulta ng imbestigasyon sa mga kaso ng pang-aabuso na kinasassangkutan ng mga pulis.

*****