In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– Marawi fighting
– Rehab works in Marawi
– Atio Castillo hazing case
Quotes from the interview…
On reported calls for a congressional probe into Marawi siege:
“I don’t think so. Dapat wala tayong alisin sa kabayanihan ng mga sundalo natin doon eh. Kapag pinasukan ng Kongreso yan pinaimbestiga, para ano pa? At wala, ginawa lahat ng military, nakita natin ang ginawa nilang operation. Bawa’t isang buhay nawala roon I’m sure may story behind sa kanilang kabayanihan.”
On rehabilitation efforts for Marawi:
“Ang recommendation, unang una dapat may nag-iisang body lang sa gobyerno na nakatutok na talagang in charge pag may kalamidad, mga manmade man o natural disaster, e dapat meron talagang dedicated. Kaya may proposal magtayo ng sariling department. Pero in the meantime, pwede naman magtalaga ang Malacanang, ang pangulo mismo, sa pamamagitan ng EO, ng isang agency sa ilalim ng OP para tumugon talaga rito, di ang kalat-kalat.”
“Kailangan may dedicated agency nasa kanya lahat na poder para maisagawa ang rehabilitation at reconstruction.”
On liabilities vs schools in hazing deaths:
“Pinag-iisipan din yan kaya kasi alam mo pag naglagay ka sa batas ng sanction sa iskwelahan maraming madadamay. Halimbawa pa sinuspindi mo eskwelahan damay-damay, pati ang hindi fraternity members … mawawalan sila ng isang semester o isang buwan. So tinitimbang lahat yan pero kailangan din talaga merong liability, kasi responsibilidad ang unibersidad.”
*****