In an interview, Sen. Lacson answers questions on:
– VAT exemptions in the Philippines
– alleged execution
– DPWH pool funds in the proposed 2018 budget
Quotes from the interview…
On VAT exemptions in the Philippines:
“… I was disheartened na in spite of so many lines of exemptions, ito ang leakage, erosion na pinagsisimulan. Sinabi ko pag pinagsama-sama mo ang exemptions ng mga karatig bansa natin sa Asean, mas higit pa rin sa atin kasi 143 lines of exemptions. Ang Asean ang sumunod sa atin Indonesia, 37 lang. So maski nasa 12% tayo na pinakamataas, tatalunin pa rin tayo ng koleksyon ng countries like Indonesia and Thailand. Sa Thailand 7% lang sila pero lines of exemption nila, 20-25. Malaysia, 14 lines of exemptions napakababa ng kanilang VAT rate pero tayo pinakamataas and yet na-e-erode ito ng napakaraming exemptions.”
“Every time magpapasa tayo ng special law, laging may provision doon na nag-e-exempt sa paboritong advocacies ng mambabatas. So dumami ng dumami, lumobo ng lumobo, umabot tayo ng 143. So hindi tayo makakababa ng 10%.”
“Ang purpose ko for reducing the lines of exemptions to something like 65 from 143, para maibaba naman, mabigyan ng break ang ordinary taxpayer, tayo, from 12 to 10%.”
On alleged ‘execution’ by police:
“Kung may mga insidenteng ganito at may basehan, may resolution, then the committee which I chair is more than willing to conduct the appropriate investigation.”
On possibly questionable DPWH funds:
“Ito panibagong frustration na naman ito. P86B ang naka-float. Mostly public works. And nakita naming pool na mahigit P86B, it’s not without justification. At the very least meron itong acknowledgment or imprimatur ng DPWH. Sila mismo in-acknowledge na hindi nila kailangan.”
“I will ask the chairperson kung saan dinala ang iba kasi ang iba na-identify namin. Ang iba tatanungin ko saan mo dinala kasi ang laki-laki noon eh.”
“Gusto ko rin malaman kung saan. Kasi ako nag-create ng pool. May usapan kami sa caucus. We’ll first identify the pool from where the legislators will draw ang kanilang mga realignments kung saang agencies tingin nila dapat dagdagan pero maliwanag na in-acknowledge ng DPWH na di nila kailangan ang tinanggal ko. Malinaw yan. Pina-disaggregate namin ang ROW sa civil works kasi malinaw naman maski sa general provision na hanggang hindi settled ang ROW, di pa identified ang claimant/s, di ka pwede mag-start ng civil works, projects.”
“Ang nangyayari ang laki ng unused. So ngayon pina-disaggregate namin sa kanila at pumayag sila di namin kailangan ang halaga na yan kasi pang-civil works yan di pa namin na-settle ang ROW. Pero sa sinubmit nilang claimants, may nakita naman kami na ang mga claimants either Unknown or John Doe. E ang tanong ko may corresponding amounts doon, may P11M, may hundreds of thousands. Ang tanong doon, paano babayaran ng gobyerno si John Doe, papaano babayaran ng gobyerno si Unknown? So yan liliwanagin ko yan kasi yan galing sa DPWH yan.”
*****