“We were (able) to flush out (the) pork. Naglabasan eh kasi kanya-kanyang apelahan na ‘tinamaan sa akin,’ ‘tinamaan sa akin. ‘E di hindi na kami maghahanap ng pork. Sinabi na nila, tinamaan daw eh.”
Quotes from the interview…
On whether the P50.7-billion cut in DPWH budget is ‘negotiable’:
“As long as they submit the documents to justify, na settled na nila ang right-of-way, na-desegregate, then I’m willing to restore.”
On claims that the DPWH can settle the ROW within the year:
“Iba ang commitment, iba ang may dokumento… Unless ma-settle ang ROW issues, no civil works will commence. Parang IOU na lang ang commitment kung ma-implement in one year, nasaan ang ROW component?
On Sec. Villar being ‘pressured’:
“He was explaining to me. Sabi ko magkakampi tayo rito because alam kong nape-pressure ka rin ng mga legislators. And he acknowledged it. Sabi niya maraming salamat nga rin.”
On unintended consequence of trying to flush out pork:
“Anong malay ko sinong tatamaan sa (P50.7-billion cut), naglabasan sila ngayon, ‘akin yan,’ ‘akin yan,’ ‘akin yan.'”
“Kaya nga nagtuturu-turuan na nga. Kaya sabi ko unintended consequence na nalaman tuloy sinu-sino may mga project. Pero ako di ko intention. I was telling them, I did not even bother to find out kaninong project yan. Malay ko ba. Tiningnan ko ang lump sum eh. Ang nai-submit lang nila kinwestyon namin ang lump sum na ROW na P49 billion, nag-submit sila ng list if claimants so di namin pinakialaman.”
“Sabi ko huwag kayo sumama loob sa akin kasi nagtatrabaho lang naman ako. Kung di ako nagtatrabaho di ko malalaman yan. Ganoon naman yan eh. E nasasayang ang pera eh… Sa isang taon ganoon na naman.”
*****