๐Ÿ“ฐ Bagong bahay, dignidad ng Senado [Journal]

photo0115-002

From Journal Online:ย Mas praktikal ang magpagawa (ang mga senador) ng panibago nilang gusali, kaysa ipa-renovate pa ang kasalukuyang Senate building na aabutin din ng bilyong piso.ย 

Bagong bahay, dignidad ng Senado

Written by Marlon Purificacion
June 7, 2018

BAWA’T pamilyang Pilipino ay nangangarap na magkaroon ng sariling bahay, simple man o malaki.

Mayaman o mahirap gustong tumira sa sariling bahay at hindi ang tipong habambuhay na nangungupahan.

Ganitong katwiran din ang nakikita natin sa mga miyembro ng Mataas na Kapulungan kayaโ€™t isinusulong ang proyektong magkaroon ng sariling gusali na ang target ay maitayo hanggang sa taong 2021.

Bakit nga naman hindi?

Sa mahigit 100 taong pagkakatatag ng Senado ay nagtapon na sila ng bilyong piso sa kanilang upa.

Sa ngayon, umuupa ang Senado para sa kanilang gusali sa halagang P127 milyon kada taon sa GSIS.

Wala pa sa presyong iyan ang P5 million na bayad naman sa SSS para sa parking space.

Hindi tayo magaling sa mathematics. Pero kung susumahin natin ang P132 million na gastos ng Senado ngayon kada taon, sa loob ng 34 hanggang 35 taon ay masusulit nang husto ang P4.58 billion na construction costs ng itatayong bagong gusali ng Upper House.

Kung noon pa ginawa ng nakalipas na pamahalaan ang pagpapatayo ng sariling gusali ng Senate ay sana makalipas ang 100 taong pagkakatatag sa kanila ay may sarili na silang tahanan.

Isipin na lang natin na para na lang silang nag-โ€˜rent to ownโ€™ ng tahanan.

โ€œWeโ€™re entering the second century dahil naka-100 years na ang Senado at wala pa kaming sariling bahay. Sabi ng mga kasamahan ko, itโ€™s about time bigyan ng kaunting dignidad ang ating Senado kasi โ€™pag dumadalaw kami sa ibang parliament nakapanliliit. At โ€™pag dumadalaw sila sa atin, โ€™di namin malaman paano sila ililihis sa mabahong toilet, etc,โ€ sabi ni Senador Panfilo Lacson na chairman ng Senate Committee on Accounts.

Ani Lacson, hindi totoo ang sinabi ni Manila Times columnist Bobit Tiglao na aabutin sa P10-12 billion ang gagastusin sa konstraksiyon ng bagong gusali ng Senado.

Hindi umano niya malaman kung saan nanggaling ang nasabing halaga dahil ang napagkasunduan at naaprubahan ng kanyang mga kasamahan ay ang proposal ng nanalong bidder na international planning firm AECOM.

Itatayo ang bagong gusali ng Senado sa BGC sa Taguig City na isa na ngayong nangungunang financial at commercial district sa bansa.

Kung malilibot nโ€™yo ang gusali ngayon ng Senado ay masisilip ang katandaan ng gusali bukod pa sa mabahong amoy na nagmumula na rin sa comfort rooms.

May punto si Lacson na dapat ding maipagmalaki sa buong mundo na may sariling bahay ang Parliament o ang legislature dahil nga naman kung dumadalaw sila sa ibang Parliament ay manliliit sila sa hitsura ng kani-kanilang mga gusali.

Mas praktikal ang magpagawa sila ng panibago nilang gusali, kaysa ipa-renovate pa ang kasalukuyang Senate building na aabutin din ng bilyong piso.

Ang mapait na katotohanan dito ay gumugugol ang Senado ng P132 million kada taon sa isang tahanang hindi naman sa kanila.

Sabi sa isang patalastas, โ€˜Bakit mangungupahan pa, kung kaya namang magkaroon ng sarili mong bahay!โ€™

Para sa inyong lingkod, ang pagsasaayos at pagtatayo ng bagong gusali para sa Senado ay hindi lamang legacy na maiiwan ng mga kasalukuyang senador subalit isa itong paraan upang itaas ang dignidad ng gobyerno sa kabuuan.

Ayaw kong isipin, pero hindi umaalis sa ating imahinasyon na ano kaya ang motibo ng ilang taong kontra sa pagtatayo ng bagong Senate building?

May plano ba silang siraan si Senador Lacson o nagpapagamit na sila sa ilang talunang kontratista?

Sana lang ay mali ako.