Kapihan sa Senado forum | July 5, 2018

At the Kapihan sa Senado forum, Sen. Lacson answered questions on:
– Killing of Mayor Halili
– Criminals getting bolder despite anti-crime drive
– Need for PNP to clamp down on loose firearms
– irregularities surrounding PNP acquisition of Mahindra vehicles
– Inflation up to 5.2%
– TRAIN woes
– National ID bill update
– PRRD clarification he never ordered anti-jueteng operations stopped

This slideshow requires JavaScript.

Quotes from the interview…

On the recent killings of Mayors Halili and Bote causing concern among local officials for their safety:
“Pagka ang persons in authority na ang tinatamaan tapos masyadong brazen, in broad daylight and in full public view, dapat ma-concern. Anong protection na pwede makuha nila in spite of having may security detail, in spite of that may napapatay pa rin. Marami-rami na rin. Di lang si Mayor Halili at si Mayor Bote. And hindi naman lahat naso-solve.”
“Itong nangyari lalo specifically kay Mayor Halili, this is a big challenge. Malaking hamon ito sa gobyerno, sa administration, only because it appears to be stage-managed. May precision eh. And as indicated to me by the family when I visited yesterday afternoon, may ini-imply silang may indicators na posibleng parang may pabintang silang binibigay sa pamahalaan mismo. So all the more na dapat ang PNP magsumikap na bigyan ng solution at resolution itong kaso. Kung hindi, baka ma-reinforce ang duda.”
“Yan ang isa pang downside. Kung takot silang humingi ng tulong sa PNP mag-aarmas sila ng sarili nila, magtatayo sila ng sariing PAG o Private Armed Groups. Lalong mag-deteriorate. Kaya sinasabi confidence building measures ng PNP kasama rito ang pagresolba ng high-profile crimes na ang nagiging biktima mga local officials, pari at prosecutors.”

On giving the PNP the benefit of the doubt for now:
“Let’s put it this way. We have only 1 PNP and we have no choice but to trust the PNP. But the PNP should be deserving of the trust.”
“Hindi pwedeng one-way street eh. Ang trust pwede makarating yan pero halfway, kailangan salubungin ng the other party para mag-meet halfway para ang trust mabuo. Di pwedeng ang trust binibigay mo pero di nagpapakita ng trustworthiness ang dapat pagukulan mo ng trust.”

On whether PNP can be considered trustworthy:
“I would say yes, trustworthy. Kasi ito ang cases na Tanauan, General Tinio, some other areas. But in general we have to trust the PNP and I’d still want to believe the PNP is trustworthy.”

On alleged surveillance conducted on Mayor Halili before his death:
“(Sabi ng pamilya ni Mayor Halili), ang pagsu-surveillance for example, at least mga 4 weeks ginawa ang surveillance and using at least 2 vehicles na ang license plates nang vinerify nila sa kanilang sariling initiative, lumalabas mga manufactured plates. So may kakayahan ang pumatay kay Mayor Halili.”
“Pag pinagusapan natin ang kakayahan, may capability, ang instrument, kasi pag nag-solve tayo ng krimen, being a former investigator myself, 3 agad ang tinitingnan. Motive, opportunity, at instrument. Pag instrument kasama ang capacity ng papatay o magsasagawa ng krimen, na isagawa ang krimen. So kung ganyan ka-intricate ang pagmamanman at manner ng pagpatay, dahil di pa tayo nakarinig o baka first time tayo nakarinig ng ganoon kalayo kadistansya ng pagpatay na hindi naman talaga sa malapitan. So may mga agam-agam ang pamilya na nai-share nila sa akin kahapon na baka may kinalaman ang pamahalaan.”
“Gusto ko patahimikin ang kanilang pag-iisip kalmahin sila na huwag agad-agad maghusga at hintayin ang kapulisan na isagawa ang imbestigasyon.”
“Sa pakikipagusap ko kahapon hindi ganon kasolido ang kanilang pagtiwala sa gobyerno. Kaya sinasabi ko malaking hamon ito all the more sa ating PNP, NBI at buong gobyerno mismo ma-resolve at ma-solve ang pagpatay kay Mayor Halili.”
“To me, kasi ako hindi ako pupunta roon kung may suspetsa ako maski kapiraso na involved siya sa drugs. I’d be the last person na bibisita roon. But he was a longtime friend. Nasa serbisyo pa ako, I was a captain when we started knowing each other and getting acquainted. Since then wala akong nakitang posibilidad na involved siya sa droga. He was not a saint nor an angel. That much I can say. Pero involvement sa drugs, at least with the limited network I also have, alam kong wala siyang involvement.” “Kasi nang lumabas pangalan niya nagtanong ako sa mga sources ko kung siya ba talaga involved sa droga. Wala talagang na-feedback na posibilidad involved siya sa drugs. So dahil nasama siya sa narco list yan ang kanyang misfortune. Doon ang tumama sa pamilya. And to me I think that is the cruelest ‘eulogy’ you can offer to any dead person.”
“I have an idea more or less, and more or less I have an idea sino possible suspect. But it’s unfair kung ishe-share ko sa inyo. Sa akin na lang muna until magkaroon ng linaw. I’m also doing my own investigation para makatulong sa authorities at makatulong sa pamilya.”

On why the mayor’s family has not sought help from the police despite surveillance:
“Nag-iingat actually. Ang iba roon afterthought. Ang iba nararamdaman nila. But wala silang idea what those people were up to. Pero nang nangyari na kaya pala may ganito may ganoon, and they started recollecting ang mga incidents leading to the assassination.”
“Meron silang apprehension. Sabihin na lang natin apprehension. ‘Shall we trust the police or not?’ But it doesn’t necessarily mean they don’t trust the police.”

On the League of Mayors seeking a dialogue with PRRD, and calls to restore their power over local police:
“As a matter of policy kung pinagbibintangang involved sa droga at bibigyan mo ng authority over the local police force na nakatalaga sa kanilang lugar, meron sulang power under the law to employ and deploy. At meron silang operational supervision and control. So yan ang iniaalis nang sa ganoon di nila magamit ang kapulisan sa pamamgitan ng pag-exercise ng kanilang authority under the PNP Law para sa kanilang mga nefarious activities.”
“But then I’ll go back to my original thesis noon. Kung intel report pa lang and by all means a narco list is an intelligence report, hindi pwedeng sabihing validated kasi ang pwede lang mag-validate ng narco list ang ebidensya mismo na pwede tumayo sa korte. Pero kung sasapubliko mo ito ang unang disadvantage is mate-telegraph ang nalalaman ng awtoridad sa mga kinauukuan na sinususpetsang involved sa droga. Pangalawa, nalalagay sa alanganin ang buhay halimbawa kung tama ang angulo na drug related ang pagkamatay kay Mayor Halili nalalagay sa peligro ang kanilang buhay. Pangatlo e napapahiya ang kinauukulan ang mga concerned mayors and local officials kasi intelligence report pa lang parang indicted na sila sa mata ng publiko. Ang perception lalo sa locally elected officials napakaimportante sa kanila yan.”

On the mayor’s killers possibly trained to fire at long range:
“Maski sinong civilian na mahilig di lang pulis o AFP. Maski sinong civilian mahilig sa baril at firing range. At regular na nagpa-practice ng marksmanship kayang magsagawa ng ganoon.”
“Basic training yan kasama yan. Must include sa training ng military at pulis ang marksmanship training. Pero maraming civilian na di member ng armed services minsan mas magaling bumaril kesa sa nasa serbisyo. So kung mahilig sa firing range ang punta at yan ang kanyang training, kaya niya. So hindi naman automatically dapat isipin natin na military or police ang nagsagawa ng pag-target o pagpatay kay Mayor Halili.”
“Ang ginawang pag-surveillance naalala ko ginagawa namin noong araw. Kung kami may quarry or target sa isang crime nagsasagawa kami ng ganoong pamamaraan ng pagsu-surveillance. Yung hindi ka gagamit tunay na plaka, tapos talaang stake out mo ang movements. At yan ang ginawang pagmamanman kay Mayor Halili. So hindi pagkamatay kundi ang circumstances na nalaman ko after pagkapatay sa kanya, yan ang nag-reinforce sa aking pagiisip na somehow kung hindi may actual training, talagang nag-aral sa ganoong pamamaraan ng pag-target sa kanilang quarry.”

On the possibility powerful persons were behind Mayor Halili’s killing:
“With the wherewithal and manner, stage-managed, talagang well-planned may precision, sabihin natin may capacity. May wherewithal ang person or persons behind pagpatay kay Mayor Halili, kaya ulitin ko. lto ang hamon talagang malaki sa gobyerno. Kailangan i-solve nila to disabuse ang pagiisip lalo ng pamilya na may kinalaman ang gobyerno.”
“All these are speculations. Pero ito ang mga angulo na dapat tingnan. Dahil na-recover ang empty shell and na-establish ang baril, kung isa-subject sa ballistics baka makakuha ng lead. At hindi blank wall ang hinaharap ng pulis dito. Ang family may hawak na leads na posibleng pagsimulan ng isang masusi at substantial na resulta ng investigation.”

On President Duterte’s statements linking Mayor Halili to drugs:
“At the very least hindi nakatulong sa mga nangyaring pagpatay. Kung may direct or indirect na influence, hindi natin pwede i-conclude. Pero at the very least di nakatulong yan sa nangyayari. May mga pari, men of the cloth. Tapos persons in authority. Pagka yan ang napapatay it’s not as if minemenos natin ang pangkaraniwang mamamayan na pinapatay. Pero these are high-profile personalities at may awtoridad. Pero kung napapatay ng ganoong pamamaraan dapat talaga may gawing counter-move ang ating PNP nang sa ganoon di umabot sa level na napaka-common na.”

On whether Mayor Halili was killed due to his inclusion in the narco list:
“This early mahirap sabihin yan. Kailangan ang mga leads na nakuha no matter how minor or sabihin natin petty ang leads, kailangan pursue lahat yan para luminaw. This early napakahirap sabihin saan patungo ang investigation.”
“And I trust the PNP has a lot of competent investigators and intelligence operatives na magsagawa nitong follow-up operations sa pagpatay di lang ni Mayor Halili kundi ni Mayor Bote.”
“Ang leads naman ang magtuturo sa PNP kung saan tutungo ang investigation, hindi ang pronouncement ng pangulo.”

On criminals getting bolder despite anti-crime drive:
“Ito ang sinasabi ko na dapat magkaroon ng reassessment ng anticrime or peace-and-order strategy and ating PNP. Mukhang focus nila masyado sa suppression and less sa prevention. Sa akin it should be the other way around kasi ang talagang general approach ng PNP should be prevention. How? Police visibility and so many measures na dapat maging deterrent sa crime.”
“Ang prevention is more on police visibility at saka of course crime solution. Pag na-solve mo ang crime that’s too many crimes being prevented from being committed by the same group.”
“I think the PNP deserves some congratulatory remarks dito, they were able to solve the series of robberies na nangyari sa mga restaurants. May naaresto sila. Nalaman nila ang previous robberies na nangyari yan din ang grupo na nagsagawa. So that’s also a form of prevention. But the most effective prevention tactics, ang paglalabas ng pulis sa matataong lugar at lugar na crime-prone areas.”

On whether Mayor Halili was in the drug list because he ran afoul of someone with ‘connections’:
“There are so many possibilities. May iba rin na talagang nakausap ko rin, ang mayor I think sa Bulacan or in some other areas na talagang may nakaawaay silang pulis sa kanilang area o may nakaaway na malapit sa Malacanang o PDEA. So these are possibilities pero di naman tama rin na direktamente i-accuse mo yan ganoon ang naging motibo dahil wala tayong pinanghahawakan kundi salita mismo ng nalagay sa narco list, narrate nila how they got entangled with some police officrs assigned in their areas.”
“Being on the list, hindi injustice yan kung gagamitin sa tamang pamamaraan meaning to build up cases against those people.”

On loose firearms being blamed for killings:
“Ang sa forefront ng pag-implement ng RA 1866 ang PNP. So sila responsible dito. Sila responsible kung bakit nagkakaroon ng proliferation of firearms. Let’s put it this way. In other Asian neighboring countries wala tayong nakikitang nagdadala ng baril except police officers on patrol, in uniform. HK for example, in tandem naglalakad sila, wala kang makita. And ang attitude ng public at large, pag nakakita ng may baril agad-agad tinatawag nila sa pulis. In the Philippines sabihin natin OIDP, Only in Da Philippines, ito lang ang bansa na nakakita tayo ng baril, alam natin na baril ang sukbit o hawak, ang assumption natin siguro pulis o pulis asset siguro yan o kaya intelligence agent. So hindi tumatawag ng pulis, bagkus pinapabayaan. Yun pala magho-holdup pala ng bangko o restaurant o papatay ng tao.”
“Whereas kung mapalitan ang ating attitude toward people carrying firearms just like in other Asian countries, malaking kabawasan yan sa paglaganap ng krimen na gamit ang baril.”

On claims of a breakdown of law and order:
“I hope not pero posibleng mangyari yan kasi kung maski sino na lang whether legally possessed or illegally possessed ang firearms nariyan at nagkalat, pwede mauwi tayo na parang Wild Wild West.”

On Mayor Halili’s alleged involvement in illegal gambling:
“Ang alam ko may involvement siya sa illegal gambling. That I can attest even ngayon. Jueteng. When I was in the service especially when I was Chief PNP he respected my principles. Alam niyang ako all-out against gambling and against jueteng, sabi niya na lang, hindi siya nagpaalam, pero sabi niya kung mahuli mo ako, pahuli mo ako, pahuli mo rin ako walang samaan ng loob pero dahil narito ako. I don’t know if he stopped already. At least noong CPNP ako alam ko nagpapalaro siya noon.”
“Sa bandang Region 3 ang operations niya. Pero na-stop din kasi pina-stop ko jueteng.”

On need for PNP to resolve recent killings soonest:
“Kailangan talaga positive ang solution meaning open and shut, solid ang evidence. Di pwede katulad kay Fr. Nilo na ‘Wow Mali’ tapos na-correct with another set of suspects. I hope ito na talaga suspects na nahuli ng PNP after committing an error sa una nilang nahuli.”
“At least in Tanauan yan ang common sentiment. Kaya dapat ma-disabuse ang pagiisip ng taga-Tanauan kasi mahal nila mayor nila napakaraming tao every day, day in day out agos ang tao roon. Siguro kung meron man silang suspetsa involved siya sa drugs, baka di nila ganoon kamahal mayor nila. That’s another thing.”

On need to update PDEA list:
“Periodic ang updating nito. Every now and then nagkakaroon ng intelligence workshop, nag-ga-gather ang intel units all over the country, AFP PNP, NBI, PDEA. Nagbubuo sila ng order or battle or narco list. Laging work in progress yan. Ang sa akin automatic ang updating. Pero mas importante keep it to themselves, keep it to the law enforcement units. Huwag gawing public ang listahan kasi di nakakatulong. Looking at all angles hindi ito nakakatulong.”
“Kaya nga sabi ko challenge sa PNP resolbahan nila para maipakita hindi involved ang gobyerno rito. Kasi yan namumumo sa isipan ng pamilya at ito rin sa taga-Tanauan kung alam nila circumstances plus narinig nila pahayag ng pangulo, magiisip ang taga-Tanauan baka nga may kinalaman ang gobyerno rito. Kaya with more reason na ang PNP dapat resolbahin nang mas maaga para mawala ang masamang pag-iisip o pagbibintang sa mga tao sa Tanauan.”
“Naka-hang ang agam-agam na posibleng gobyerno may kinalaman. Di maganda yan. Rightly or wrongly di maganda kung pinagbibintangan sa paggawa ng krimen ang gobyerno mismo, di maganda yan.”

On claims of a ‘culture of impunity’:
“Huwag natin muna sabihing culture of impunity. Pero sa ngayon, medyo nakakabahala na nga, kasi nga ang sabi ko, ang taong napapatay di naman pangkaraniwang mga tao na eh. May capacity na magprotekta sa sarili and yet napapatay sila. So lalong nagkakaroon ng takot ang pangkaraniwang kababayan natin eto wala akong protection. Sila may protection napapatay sa ganitong pamamaraan, utter brazenness. Lalo na kami. Di naman maganda ang nananaig sa tao, takot.”
“Mas maganda ang, may kasabihan tayo ang respect di naman nade-demand ito pero mas maganda sa halip ng takot, respeto sa awtoridad.”

On need to review anti-drug campaign:
“There’s a need to review. Ang Tokhang, yung libo-libong napapatay, bakit todo-todo pa rin ang nahuhuling drugs? Baka kailangan i-review kasi di naawat ang pagpasok ng droga. Yan dapat talaga mag-reassess sila.”

On dialogue requested by League of Municipalities:
“Yes, makakatulong. Ang dialogue lagi naman makakatulong sa anumang di pagkakaunawaan. So lahat na pupuwedeng gawin na dapat talaga magawa ng League of Municipaltiies, League of Cities, ULAP, para maiparating sa kinauukulan, kay pangulo particularly, ang kanilang agama-agam, ang kanilang mga apprehensions.”

On corruption starting at the ‘petty’ level:
“Ang corruption kasi starts sa petty level. Tumanggap ka ng pera sa jueteng sabi mo victim-less crime naman ito. Pwede ito. Pag di ka na nasiyahan sa tinatanggap mong monthly sa jueteng mag-ga-graduate ka na, pwede na rin tayo tumanggap sa smuggler. Mamaya kaunti pwede na tumanggap sa illegal drugs. So nag-deteriorate na until it reaches a point na ang awtoridad, ang person na nakauniporme hindi na alam when to stop, when and how to stop.”
“And it goes true not only sa PNP, sa government bureaucracy. Minsan magsisimula sa mababa, tapos di magkasya, nakatanggap ng 1-2M, susunod nakatanggap na ako gawing 10M, may nag-offer ng 20M umabot ng 100M hanggang sa kung anong pinapakialaman, yan. Malubog na. minsan ganyan talaga. So ang advice talagang sa umpisa pa lamang, paglabanan mo na.”

On firearms control, suspending issuance of licenses:
“Pag license ok lang yan. Ang firearms especially para sa civilian, pang-defense. Kaya ka bibili ng armas pang-depensa. Pag nilabas mo ng bahay parang di na pangdepensa. Kung binigyan ka ng baril at nasa bahay pangdepensa pag may intruder. Pero ang daming na-issue na permits to carry.”
“When I was Chief PNP I issued less than 1000, parang 400-500 lang na-issue. Ako ang pinaka-kontrabida sa progun advocates. Ang thinking ko noon, end-state na iniisip ko, the time would come na wala na talagang pwede magdala na civilian sa labas ng bahay. Ang pwede lang magdala ang awtoridad na nakauniporme at kung di nakauniporme, actually performing overt operations, actual operations. Halimbawa may nire-raid may ID may kasamang uniform, pwede sila magdala ng armas kasi baka sila mapapalaban sa encounter. Yan sana ine-envision ko yan ang vision na tinitingnan ko noon kaya unti-unti ko nililimit ko ang pag-issue ng PTC para ma-distinguish natin ang criminal elements from authorities. Di ba napakadali pag nakakita kayo ng baril, agad-agad tatawag sa presinto may nakabaril dito. Never nangyari yan.”
“Eventually wala nang PTCFOR. Only uniformed personnel ang pwede mag-bear ng arms and kung naka-civilan man, actually performing overt operations.”
“Ang sasabihin ng pro-gun advocates di naman kaya kami protektahan ng PNP tapos di mo kami aarmasan samantalang criminal elements loose firearms. So dapat pakita ng PNP pag tinanggalan ng authority to carry firearms outside residence kaya nila protektahan ang dating nagdadala ng baril.”

On the campaign vs loose firearms:
“Dapat pursue yan kasi magandang move yan. Nang naipasa bagong batas, ang comprehensive firearms law, nagkaroon sila ng visitation kasi nga hindi nakapag-renew ng license kasi naging LTOPF, instead na individual firearms, tao na binibigyan ng lisensya. So I just hope they renew their drive against unlicensed, unregistered firearms.”

On President Duterte’s plan to arm barangay officials:
“Armasan ang barangay officials is easier said than done. Paano mo aarmasan, galing sa GAA? Di pwedeng president lang magsasabi armasan nyo yan kasi kung gagamitin mo government funds kailangan may appropriation. Ngayon kung ang barangay chairmen bahala mag-produce ng firearms aarmasan sila, they have to go through the process of applying for license, may neuropsychiatric test. Just like how we underwent getting licenses to possess firearms.”

On the case involving the PNP acquisition of Mahindra vehicles:
“First nang pino-procure pa lang, natatandaan ko, kasi ang issues na lumabas walang after-sales service, walang track record, parang may mali na sa procurement. At the time parang iniisip ko mali na agad ang pag-procure kasi bakit ka kumuha ng di tested? Baka mamaya di makatulong sa PNP. And after a while, after the vehicles were distributed, lumabas na nga ang katakot-takot na problema, mga reklamo ng pulis in the different areas. Maraming wala pang 1 year naka-deadline na, tawag namin deadline, di na nagagamit, parang abandoned na lang. Why? Walang spare parts na mabili. Walang service stations. So yan ang nag-accumulate ngayon na problema.”
“Ako I will second the call of Sen. Poe to call for an investigation. After all, P1.8B in people’s money ang involved dito. Pababayaan na lang ba natin ganon na lang lagi ang nangyayari na procurement tapos bahala na si Batman mapakinabangan o hindi? Mababalik ba natin ang bilyon na nagastos? Kailangan tingnan para di na maulit uli, panagutin ang sino dapat managot.”
“PNP, DILG Secretary dahil siya ex-oficio chairman ng Napolcom na may supervision and control sa PNP. So yan dapat tingnan. DBM.”
“It depends saan ma-refer. Kung refer sa public order, agad-agad tatawag ako ng hearing. It could also be refered to the Blue Ribbon Committee.”
“Siyempre (ang epekto ng defective vehicles), mag-slacken ang kanilang drive. Kung wala kang mobility, remember the 3 basic pangangailangan ng PNP move, shoot, communicate. Kasama yan sa move. Kung so many patrol cars di mapapakinabangan, apektado ang efficiency ng pulis.”

On whether the Senate will probe killings of priests and mayors:
“Yes kung may resolution at referred sa committee. Di lang sa priest kundi other related killings, mga high-profile personalities.”
“Mas maganda pagsama-samahin na para ma-assess natin ano talaga nagiging problema at para by way of legislation ano ang necessary legislation para makatulong.”

On irregularities in government projects:
“Dahil nga paulit-ulit parang vicious cycle, mas maganda siguro may makita ang tao ang kababayan natin na may nakukulong, may napaparusahan.”
“Look, nagigiba ang tulay, nagigiba ang dams. If you recall magkano sa unang budget year ni GMA wala pang P1T noon, mga P200-300B. Over the years 2001, fast forward 2017-2018, P3-point-plus trillion. Look around, ano ang improvement? Is it commensurate to the yearly increase in our budget? From P200-300B 18 years ago, kwentahin nyo ang pera na dinagdag ng dinagdag, hindi ito parang 1-time ang kwenta mo lang 200B to 3.6T, hindi. Every year may incremental increase. Let’s look around, go around the country. I-equate nyo nakita nyong improvement, livelihood, infrastructure, commensurate ba? Far from it di ba? Kasi ganoon pa rin, siksikan sa kalsada kasi kulang ang infra. Ang tulay ganun pa rin itsura. Nagimprove nagkaroon ng SCTEX, TPLEX, nagbabayad naman tayo ng toll ibig sabihin di pa gobyerno ang nagpagawa, private kasi nagbabayad tayo ng toll. Pumasok ka Skyway, NLEX, SLEX, nagbabayad ka ng tol. Saan ang perang dinedebate namin taon-taon para sa budget na nag-increase consistently over the years? Tapos TRAIN, may sin tax, may VAT. Siyempre para mapunuan ang increae ng budget. Di ba unfair? Kung nakakita man lang sana tayo nakita natin gumanda ang infrastructure o livelihood sabihin natin may pinuntahan pala ang increase ng budget, pero wala tayong nakikitang ganoon eh.”

On inflation rising to 5.2%:
“From 2.4 to 4% na projection ng DBCC, we’re now at 5.2%. So ang gobyerno dapat ireview ang kanilang projection. Sabi ni Sec Diokno ang weak peso is not bad for PH. Well look at this. In July 2016, ang peso-dollar rate P47.03 to $1. Ngayon sa P53.4 tayo, there’s a difference of 6.1. Ang offshore debt natin sa $73B. Pag consider mo exchange rate, ang weakness ng peso right away nag-increase babayaran natin ng P446B. Kasi wala tayong ginagawa pa pero dahil nabawasan ang value ng peso in 2 years ng P6.1, pag multiply mo sa $73B na utang natin offshore, dollar-denominated, nadagdagan agad ang utang natin ng P445.9B. So hindi ba masama sa economy ang weak peso?”
“Tapos sa manufacturing sector saan galing ang mga raw materials? Di ba import natin? So it’s bad for the PH economy. It is wrong to say it is not bad for the PH.”

On the TRAIN law’s effect:
“May epekto. Ang unang epekto sa excise tax ng fuel dahil lahat may tama. Nagkaroon ng inflation, sa 5.2% na tayo.”

On economic planners:
“They should be realistic. And di naman dapat, kasi nakaugali natin bakit kailangan tayo magdagdag ng magdagdag ng budget tapos year in year out di nagagamit? Di ba noon I kept on pointing out noon pa na ang unused appropriations natin year in year out napakalaki. Bakit ka magdadagdag ng budget kung di kaya i-absorb, walang absorptive capacity ang agencies? Is it only for increasing the budget? E kung di mo naman nagagamit eh.”
“At utang pa ng utang dahil kulang revenues sa government para mapunan ang national budget. Tapos inaabot tayo ng madaling araw kadedebate tayong lahat inaabot ng madaling araw kadedebate pag budget season. Tapos makita natin ganoon din nangyayari.”

On excise tax on fuel:
“Dapat pag-aralan. Dapat i-revisit ang TRAIN. Sa akin nakita kong pinakamalaki sa excise tax. Halo-halo yan, oil price, world price ng oil, peso-dollar exchange rate. Pero malaking epekto rin ang dinagdagan mo pa ang tax ang fuel e ang daming gumagamit ng krudo, maski sa kuryente may component na krudo.”

On the fare hike approved by LTFRB:
“Inflation na naman yan… It cannot be helped. Kung di dadagdagan tumaas ang fuel, saan kukuha ng kikitain ang PUV? Babawiin nila sa pasahero di ba? Kaya nga dugtong-dugtong.”

On the need for economic managers to be flexible:
“Di pwedeng tigasan ng ulo, dapat flexible ang economic managers. Di pwedeng puro pride na nagawa na nila, ayaw tanggapin ang mali. Mas maganda tanggapin mo mali at review mo para ma-correct kesa patitigasan mo na di kami mali tama ito, tapos nakikita ang epekto, ang tama sa ating lahat.”
“Dapat flexible ang economic managers natin. Di pwedeng pride o sarado ang pagiisip mo napangatawan mon a, ayaw mo tanggapin ang kamalian.”

On SONA expectations:
“I cannot second-guess pero may mga magaganda ring nangyari. Meron ding mga parang black eye. But let’s just wait. In the first place masyado akong malayo para magkaroon ng idea kung ano magiging laman ng SONA niya. Tanong nyo si Harry Roque.”

On the National ID bill:
“Ang National ID naipasa namin, ang bicam report. We checked. Di pa pala enrolled, di pa lumalabas sa HOR. So we’re egging our counterparts baka pwede na pirmahan ni Speaker, padala sa Senado, pirmahan ni SP at enroll papunta sa Malacanang para bago man mag-open ang session mapirmahan na para maisabatas na.”

On Senate delivering in legislative agenda:
“Definitely. Maraming naipasa na legislation.”

On Charter change:
“Ang Chacha, ang habang prusisyong dadaanan. Ang ginawa ng consultative council, draft proposal, draft charter. Sa ngayon ang status sa Senate, nasa committee level pinaguusapan, ano ang mode? Conass ba tayo o mag-concom? Kung conass pagdedebatehan pa paano tayo boboto. Kung mag-concom, magpapasa pa ng enabling law na tatawag ng election. Tapos may plebiscite pa. So parang huwag na muna natin sirain ang utak natin na pagiisip sa chacha. Hintayin natin ma-refer sa Kongreso ang draft proposal and pag-aralan.”

On PRRD’s clarification he will not stop anti-jueteng ops:
“Sa akin, at least the objective is achieved, meaning my objective. Clarify niya para dating sa pulis maliwanag. Kasi nang nagsalita siya tingin ko dating sa akin yan din dating sa pulis, and to me that’s disastrous, that could have been disastrous. Kasi kung sinabi niya kung ang pagkaintindi ng pulis whether kung ganoon pagkasabi niya o hindi, kung pagkaintindi ng pulis ok lang sa pangulo bayaan ang jueteng that would be disastrous. Why? Kasi doon magsisimula ang sinasabi kong petty corruption. Petty or not so petty. Remember, if you are provincial director of a jueteng-rich province, you are talking P2-3M a month. Kung regional director ka nasa P4-5M. Kung COP ka papalo ka ng P500K monthly. By any neasure hindi ito petty. Ngayon kung meron kang ganoon at napunta ka sa ibang sangay na walang jueteng maghahanap ka ngayon kasi meron kang tinatanggap na ganoon baka mapuntahan mo na, illegal drugs. Baka mapuntahan mo na kung anong mga criminal activity. Yan ang sinasabi kong disastrous. Kaya ako nabahala sa pronouncement niya and the way I understood it I think was also the same understanding ng dating sa pulis kaya ako nag-worry baka ang mga pulis natin were receiving the wrong signal from the president. And it’s a good thing he clarified. To me that’s good enough because my objective has been achieved, that the president clarified that that was not the intent of his comments.”

*****

 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.