Interview on DWIZ | July 7, 2018

In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– COA report that Office of the President’s confidential/intel funds up 350% from 2016
– killing of Mayor Antonio Halili
– peace talks with CPP-NPA-NDF
– proposed amendments to the Constitution

Quotes from the interview… 

On the reported COA finding that the Office of the President’s P2.5B for confidential and intel expenses was 350% higher than 2016:
“Talagang lumaki ang confidential and intelligence funds ng OP sa ilalim ng GAA. Natatandaan ko ito nagkaroon ng kaunting issue noon kasi gusto i-question ng sa opposition di lang sa Senado kundi sa House. Pero naipasa ito at yan naging pondo ng OP.”
“Ang dapat dito papano ginastos. Of course pag sinabing confidential and intelligence funds di ka-tedious o ka-intricate ang pag-liquidate dahil intelligence fund. Dapat obligasyon pa rin ng gumagamit ng pondo kung papaano gagamitin ito.”
“I’m sure sa susunod na budget deliberation, sa 2019, ie-exercise ng oversight functions titingnan ito, di lang minority bloc kundi majority bloc. Kailangan malaman natin bakit ganoon kalaki, di lang 80% kundi sabi mo nga mahigit 300% ang inkayat ng (funds) sa OP.”

On Congress’ oversight function to check if OP funds are justified:
“Tama yan. Tingnan, itanong at malaman kung bakit kailangan ganoon kalaki ang talon ng intelligence fund sa OP. Nasa mandate ng Kongreso yan. Ako mismo dahil ako lagi akong aktibong nakikialam sa deliberation sa budget, ako mismo interesado ako malaman dahil di pangkaraniwan ang inilaki o itinaas ng confidential intelligence fund. Kailangan malaman kung justified ba yan.”
“Pwede rin tanungin kasi sabi ko nga may oversight function. May existing joint committee patungkol sa budget. Ang 2 appropriations, finance and appropriations committee ng HOR, pwede sila magsagawa ng pagtatanong dito sa pamamagitan ng pagdinig nang malaman ang not necessarily tanungin ang detalye ng paggastos. Pero malaman kung justified ba na ganoon kalaki ang tinaas ng CIF ng OP.”
“At kung hindi maipakita ang justification, pupwede bawasan yan. Dahil hindi naman talaga ma-justify ng gumagamit na ahensya ang ganoon kalaking confidential and intelligence fund.”

On claims that COA cannot scrutinize intel funds:
“Di yan absolutely true. Hindi absolute ang sinasabing beyond scrutiny. Pwede pang tingnan kaya lang ang kada detalye ng paggastos tama yan. Under the existing rules on liquidation di talaga pwede busisiin nang todo ang paggamit ng confidential and intelligence fund. Pero pwede patingnan kung paano nagamit.”

On reports that Mayor Halili crossed paths with a retired PNP general:
“Noong buhay pa si Mayor Halili nababanggit din sa amin yan. May isang retired PNP general taga raw sa kanila na mukhang planong labanan siya sa election. So yan. Kaya kung yan ang angulo na pursue ng PNP tama rin na ikonsidera nila yan. Dahil kung interview-hin man nila dating kasamahan ni Mayor Halili pati pamilya, sasabihin nila, confirm din, na may isang retired PNP general na pwede nilang i-pursue as a possible lead.”

On reports the retired general wanted to run for mayor:
“Yan ang nabanggit noon ni Mayor Halili. Natatandaan ko naikwento niya noon. Medyo di sabihing takot pero meron na siyang sabihin natin may kaunting pag-aalala kasi alam niyang may kapasidad ang tinuran niya na dating PNP general.”
“In fairness to him, isang lead pa lang ang kinonsidera. Pag binanggit mo ang pangalan, parang di naman tama rin siguro roon sa tao.”

On the speedy resolution of the case:
“Sana. Dahil di lang kay Mayor Halili pati kay Mayor Bote pati mga nauna ang mga prosecutor na namatay. May ma-solve na rin dito.”

On whether the PNP general ‘angle’ is the same as that of Sen. Lacson’s own investigation:
“Hindi. Iba ang angulo na tintingnan base sa ibang information. Kasi parang ira-run according to hierarchy ng pagiging sangkot. Consider ko ibang angulo pero hindi rin madi-discard o ma-disregard dahil nabanggit niya noong araw. Sabi ko nga 3 yan, motibo, oportunidad at kapasidad. Kung meron lahat ang posibleng kino-consider bilang suspect pwede mo i-consider na rin na suspect kasi present ang 3 basic na requirement sa pag-commit ng isang krimen.”
“Halos kasisimula pa lang, ang binabanggit ko kasi yan dahil mga circumstances. So mostly circumstantial so kailangan i-develop base na rin sa masusing pagimbestiga o kaya maghanap ng additional information.”

On whether Mayor Halili’s killing is a preview of 2019 polls:
“Hanggang di lumilinaw kung sino ang mga suspect at ma-establish ang motibo, di natin pwede sabihin na preview ito o ito na kalalabasan ng eleksyon sa isang taon. Di pa maliwanag kung kay Mayor Bote o Halili o ibang local official na napatay may kinalaman sa pulitika, sa local politics.”

On reports President Duterte may visit Mayor Halili’s wake:
“Maski sinong anak o member ng pamilya na halimbawa namatay ang iyong ama lalo sa ganoong pamamaraan at pagkatapos e mabigat na pananalita marinig mo mula mismo sa pangulo, siyempre maski sino masasaktan. E siyempre sila ang pamilya, alam nila. Ako mismo di member ng pamilya pero sa pagkakilala ko sa kanya wala akong narinig involved sa illegal drugs. Ang nakakalungkot, the irony, idol niya maski buhay pa yan maski sa interview niya, maski sa ginagawa niya ina-idolize niya ang pangulo. At lagi niyang sinabi sa akin gusto niyang gayahin kaya niya naisip ang Walk of Shame. Yan ayaw niya siguro talagang completely gayang gaya so nagiisip siya ng paraan. At napakarami niyang proyekto gusto niya ma-replicate ang success sa Davao. Ang dami niyang project sa Tanauan at talagang umasenso ang Tanauan. Whether admit ito ng Tanauan o hindi, malaki ang inasenso ng Tanauan sa ilalim ng kanyang pamumuno. Pang-2 term na niya yata ito.”
“Masakit sa pamilya kasi alam na alam nila dahil iniidolo. Katunayan, initially Liberal si Tony Halili. Tapos talagang itong dahil alam niyang late kasi na-formalize ang pagpasok ni PRRD sa pagtakbo, sabi niya nagsabi sa akin dadalaw ang kandidatong si PRRD, sabi niya di siguro masama kung … punta siya sa rally, um-attend kasi iniidolo niya talaga. Ang pagkabanggit ng pamilya, kinausap niya ang barangay captain sa Tanauan para suportahan si PRRD. At naging No. 1, nanalo roon si PRRD. Yan ang masakit sa pamilya. How their dad, of course ang asawa, paano iniidolo ni Mayor Halili si PRRD. At paano sinuportahan. Kaya sabi niya No. 1 rito siya. Yan ang masakit, nag-Number 1. This is according to them, di ko hawak record ng Comelec kung talagang nanalo roon si PRRD pero ayon sa wife niya saksi an barangay captain gusto Manalo si PRRD noon dahil bilib siya sa anti-crime. Sa Batangas hindi ganoon kagandahan ang peace and order situation. So parang sa kanya ito siguro ang pag-asa para gumanda ang peace and order campaign ng pamahalaan laban sa mga criminal, kasi yan ang pangarap, ang kanyang vision para sa Tanauan.”
“I don’t think magiging cold (ang pamilya ni Mayor Halili kay President Duterte). Pero siguro mailalabas nila ang kanilang hinaing at pakiusap, hinanakit o matinding pakiusap na tulungan ma-solve hanggang ma-solve kasi importante ang malinis ang pangalan ng padre de pamilya. So malaking bagay yan kung makarating si PRRD. I don’t think babastusin siya ng pamilya kasi mga nakapag-aral din sila. Di naman siguro aabot sa pagkakabastusan. Pero tama na rin ang maihinga at saka maipakiusap na sana man lang magkaroon ng palinis ang pangalan. Binanggit ko sa inyo noong Huwebes na hindi talaga siya santo o anghel. Pero pagdating sa illegal na droga it doesn’t make sense ang kampanya sa illegal drugs sa Tanauan, masyadong matindi ay yun pala napakagaling niya magpakunwari at naloko niya lahat na taga-Tanauan kung ganyan ang kanyang gawi. Mahirap lokohin ang lahat na constituent mo, malalaman at malalaman nila kung nagpapanggap ka lang. E bakit sinuportahan siya, overwhelming? Walang gusto lumaban diyan bukod sa nabanggit niyang pwede lumaban sa kanya.”

On PDEA report that there are more local officials in its narco list:
“Kung ganun there must be something wrong with their strategy. Dapat sa loob ng 2 taon e masidhi, lagi na lang drugs araw-araw napapanood natin o nababasa natin na pinapatay o may nahuling drug lord. Although sa tingin ko wanting ang pag-address nila.”
“Mukhang sa (street) drug peddlers lang ang nahuhuli kulang ang strategy sa malalaking drug lord. So kung lalong dumami pa ang involved na local officials dapat review nila anong mali sa ginagawa nila. May mali definitely kasi malaki ang kabawasan dahil masyadong focus ng pamahalaan. And coming from the PDEA director general himself na mas lalong lumaki ang bilang ng govt officials involved di dapat maipagmalaki yan. Bagkus dapat ikahiya ng PDEA o ikahiya ng pamahalaan na may mali sa kanilang kampanya.”

On peace talks amid reported plans by CPP-NDF to oust President Duterte by October:
“Sa tingin ko dapat pa rin i-pursue. At ang aking mungkahi kay Sec. Dureza at Sec. Bello, ituloy pa rin. Kasi mas practical yan. I think mas sensible i-localize ang peace talks hindi naman lahat na probinsya sa Pilipinas may presence ang NPA roon. Kung may presence pa di pareho ang intensity. May maraming lugar na may presence ang CPP-NPA pero di ganoon kalakas. At meron naman na malakas. So dapat individual ang treatment paano mo ia-address ang pag-negotiate sa rebelde. Hanggang ngayon may naririnig may sumusuko na CPP-NPA rebels. So dapat naka-ready ang holistic ang approach, naka-ready ng pamahalaan ang assistance kung ano ang programa para sa surrenderee. At dapat naka-ready din anong kaya ibigay ng pamahalaan. Pero mas mainam mas practical kasi nakikipagusap ka sa The Hague lahatan ang pinaguusapan e di naman buong Pilipinas may malakas o di man malakas, may presence ang CPP NPA.”
“Ewan ko kung kailan nasubukan ang localized. Wala pa akong narinig na localized. Every time magkakaroon ng peace talks, The Hague o sa Europe sa ibang part ng Europe naguusap. Di talaga dito sa local government level. Wala pa akong narinig na ganoon.”

On Joma Sison’s fear of being left out of the peace process:
“Of course hihinigi ng guidance sa kanya kung meron pa siyang influence. Kasi baka basis na lang ng influence niya over the CPP NPA of course NDF nariyan siya kasi kasama siya riyan. Pero ang local rebels mismo ang NPA guerrillas masasabi natin may mga lugar na talagang di na ganoon kalakas ang control ni Sison. Kasi noong araw natatandaan ko unang nagkaka-peace talks pag sinabing The Hague, sabi ni Joma na ceasefire talagang tumatalima, tahimik talaga. Lumalabas pa nga sa kanayunan ang rebelde. Natatandaan ko pa noong araw, di ba parang nag-display pa sila dahil may ceasefire. Pero ngayon pag nagsabi ng ceasefire si Joma may ambuscade na nangyayari so may control pa ba? Yan din tanong ni Sen. Honasan noon nagkaroon kami ng hearing siya chair ng committee, may control pa ba si Joma sa mga rebeldeng komunista?”
“Wala namang umiiral na peace talks o ceasefire agreement. Talagang ang lalabasan niyan, labanan talaga ng military at PNP at NPA. Ganoon talaga mangyayari lalo kung pag utos ng pangulo pag all-out, magkakalabanan talaga. Pero dapat huwag pa rin i-abandon ang pagpupursigi na magkaroon ng peace talks in whatever form, or whatever level.”

On intelligence information on CPP-NDF’s plan to oust President Duterte:
“E yan naman talaga kasi yan ang CPP-NPA, overthrow. Maski sinong nakaupo gusto nila i-overthrow para sila mag-takeover. Kaya karamihan ng kanilang demands pag nagkakaroon ng peace talks, papunta sa coalition government kasi pag coalition government pag nariyan na sila, mas madaling patalsikin kasi naroon sila sa loob. Naibahagi ko sa inyo panahon ni PNoy na-share niya sa akin ang demands, initial phase ng talks noon, parang sumangguni siya, tingnan moa no riyan ang pwede at ano ang hindi. E 3 agad ang nakita kong sabi ko Malabo ito Mr. President. Sabi niya di ako papayag… Isa roon maging member sila ng NSC. Pangalaw ang armed regulars di mag-lay down ng arms kundi ma-convert sa forest guard. Anong ibig sabihin noon? Parang kanya-kanya. Doon papunta kasi isa naman alam natin ang kanilang primary objective to overthrow. Hindi lang si PRRD kundi maski sinong nakaupo riyan gusto nila i-overthrow at sila ang maupo. Kasi di ba nangyari sa Indonesia ganoon nangyari ang nag-massacre roon dahil nariyan sila sa gobyerno pinagpapatay nila. Di sila sumusuko roon, siyempre gusto nila takeover, overthrow. So nothing is new pag sinabing ang intel information balak patalsikin si PRRD, mula’t sapul talagang yan ang gusto nila.”

On proposed federal constitution’s allowing each federal region to impose own taxes:
“Double taxation yan eh. Alam mo dadaing ang kababayan natin diyan, may federal tax at state tax. Mabigat yan ha. Di biro-biro yan. Kaya dapat tingnan mabuti ano ang nilalaman ano ang detalye ng federal taxation and state taxation.”

On proposed federal constitution’s allowing of 2 senators from each federal region:
“Ang sa 2 senador kada region, ganon kalaki na ba ang PH para magkaroon ng estado kung saan elected by state ang mga senador? Baka hindi pa tayo ganyan kalaki na kinakailangan. Narinig ko ang speech ni dating CJ Sereno. Kung kailangan lang ang redistribution of resources di talaga kailangan palitan ang Constitution. Ako mismo may budget reform act, version ko, di version ng DBM, kung saan pinagaralan natin kayang mabuhay ang LGUs, suportahan lang ng resources, of course under supervision at siguraduhin na ang kanilang local development plan ay viable at maka-produce ng results. Ang problema walang counterpart na bill sa House at di nata-tackle. Ako naka-3 hearings ready ako i-report out sa floor at kaya ko i-defend kasi budget process mismo di nasusunod ngayon. Ang nangyayari ngayon walang consultation, di alam ng national government masyado ano ang needs and priorities ng LGUs. Napakarami kong experience sa pag-ikot noong nakaraang kampanya kung saan ang dumarating na proyekto sa kanila di yan ang hinihingi nila. Nanggagaling sa taas kasi walang consultation di kasama sa local development plan at kung mag-submit ng local development plan huli na, tapos na budget call at nakapag-appropriate na, nakapag-submit ng budget ang Malacanang sa Kongreso. Kaya di maiwasan ang pork barrel kasi ang mga congressmen at mga district representative sa halip na sumali sila at sila kasali naman under the LGC sa pagbalangkas ng local government plans mula barangay paakyat at least sa provincial di sila nakikilahok doon. Pagdating sa Kongreso kanya-kanya sila pili ng proyekto na di nakakonsulta sa kanilang pinanggalingang distrito kasi gusto nila sila nag-identify ng projects pag naroon na sa Kongreso pag-deliberate sa budget. Samantalang dapat ang proseso doon pa lang sa local level magbalangkas ng local development plan nabuo na kung ano ang mga proyekto sa livelihood, sa infrastructure at kung anu-anong proyekto na kailangan sa kanayunan dapat doon pa lang na-finalize at dapat submit sa national at yan popondohan ng national. Sa tingin ko hindi naman kinakailangan mag-federalize kung ang mithiin lamang e palakasin ang LGU at ma-distribute ang resources ng gobyerno from national to local.”

On proposed federal constitution’s allowing president and VP to seek reelection:
“Sa akin walang masama roon. Except magkakaroon ng suspicion na kaya pala gusto ng charter change ini-sponsor ng Malacanang e para mapalawig ang termino. Pero sa akin personally tao pumipili kung gusto nila magpatuloy at ma-elect at clean slate, hindi issue sa akin yan. Nga lang issue sa maraming tao yan kaya nyo pala gusto mag-charter change. Di ba yan din ang suspetsa kay FVR, GMA, na secondary lang ang panawagan magkaroon ng palitan ng Constitution kundi ang talagang gusto lumawig ang termino lumampas sa 6 years, o 9 years in the case of PGMA. At hindi exception si PRRD para pagbintangan na yan ang isang objective bakit gusto. Kaya nga dini-disabuse na niya ang pagiisip ng kababayan natin, sabi niya sa transition pa lang bababa na ako, pwede ako bumaba. Kaya lang malaking diprensya ng I can and I will. Pag sinabing I can step down, madali. Alam mo si PRRD pagkatapos kukuha siya ng feedback at ang feedback ay di tugma sa dapat maging feedback binabago niya sinasabi di ko sinasabing I will step down, sabi ko I can step down.”

*****