In an interview on DZRH, Sen. Lacson answered questions on:
– traces of pork in the 2019 budget
– vicious cycle of the pork barrel system
– ‘improvements’ in the DPWH’s procedures due to anti-pork efforts
Quotes from the interview…
On finding pork in the 2019 budget after the development at the House on Sept. 17:
“Natutukoy, pero napakahirap. Talagang pagpapaguran at pagpupuyatan. Pero ngayon dahil sa nangyari kahapon sa Kamara, medyo sa isang banda nagpapasalamat kami. Tuwa nga staff ko kasi medyo napadali ang trabaho. P55.555 billion na projects yan. Ang kabuuan magbubuo ng P55 billion budget ng DepEd at DoTr, mga airport. So yan medyo more or less lumiwanag at madali-daling maghanap ngayon.”
“Ang scheme ngayon na ginagawa bago ipasok sa Kamara at pagdebatehan, may mga makikisig na kongresista na nakapaglagak na ng proyekto sa NEP, naroon na sa Presidential Budget o NEP. Naroon na ang proyekto nila naka-embed na roon. At pagdating sa Kamara ito medyo kinakalikot pa nila nakapag-insert pa sila galing sa iba’t ibang ahensya para madagdagan pa ang para sa proyektong pinipii nila. So yan ang nature ng pork barrel.”
“Halos magkasuntukan sila kahapon dahil sa P55B na nakalagak sa kongresista na identified kay dating Speaker Bebot Alvarez. Ngayon si dating Pangulong Arroyo may bagong kaalyado yan mga bumoto sa kanya at gusto nila slash-in, di slash ang P55B kundi ilipat, ire-realign doon sa kaalyado nila. So doon nagkagulo-gulo at dahil malinaw ang items na pinag-awayan nila, medyo madali para sa amin maghanap ngayon ano ang pork barrel. Pero aabangan pa namin ang GAB ang House version at makikita natin saan pinagdadadala ang items sa NEP.”
Possible pork in the budget:
“Sa ngayon may nakikita kami more or less P50 billion ang dapat tingnan mabuti kung ang ROW ba nito ay settled na dahil hindi magsisimula ang proyekto.”
‘From pork to pork’:
“Kung nagkasundo sila kahapon at na-realign ang P55 billion na yan, kung kani-kanino man, yan ang hahanapin natin ngayon. Pero pork pa rin yan. From pork to pork eh.”
On the budget process:
“Ang lagi natin emphasize dapat planning nanggagaling mismo kaya meron tayong local development council na nagbabalangkas muna ng local development plan paakyat ito mula barangay munisipyo o siyudad paakyat probinsya then regional. Pagdating sa regional saka iko-consolidate, yan ang magiging parte ng budget call at magbubuo ng national expenditure program o president’s budget na isusumite sa Kongreso. Ang nangyayari, galing sa taas, pababa parang dinidikta na kung anong pangangailangan ng mga LGU. E ang LGU part and parcel talaga ng national government. At ang proyekto naman nasa local, sa mga local areas. Ang nangyari ngayon halos wala nang konsultasyon at hindi na alam kung ano ang needs and priorities ng local areas. Yan ang naging problema kaya nagkakaroon ng disconnect.”
“Ang masama pa nito, ang mambabatas pa ang nakakaalam kung ang proyekto dahil sila nag-identify. E tulad ng intro mo kanina talagang malaking bahagi ng national budget napupunta sa corruption. Di lang UP NCPAG kundi ADB mismo, 20% talaga natatapon sa corruption. At malaking bahagi nito sa pork barrel.”
On ‘vicious cycle’ of pork:
“Yun ang pinagtataka natin, bakit maliwanag sa GAA paulit-ulit na di pwede masimulan ang proyekto kung di pa settled ang ROW pero bakit pinopondohan pa rin mga kalsada, road project at tulay na hindi kasama o sinasabay sa ROW. Ang nagiging outcome nito siyempre kung di nade-delay ang project naa-abandon. May na-identify kaming proyektong in-abandon, daang milyong piso, dahil naroon ang RROW issues.”
“Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga na ito ang mga items kung saan puwede kayo kumuha dahil di naman ito ma-implement diyan kayo kumuha ng gusto ninyong realignment or reinsertion.”
“Laging year in and year out parang vicious cycle na yan pinagdedebatehan namin. Ngayong taong ito yan na naman. Pero slowly nagkakaroon naman ng improvement dahil nagre-react ang DPWH ini-improve nila ang kanilang sistema tungkol dito.”
On ‘improvements’ in due to anti-pork efforts:
“Noong mga unang taon, laging nakasulat doon various infrastructure projects including RROW. Sabi namin disaggregate yan kasi di pwedeng including. Dapat mauna ang ROW kesa sa road project. Ginawa na nila yan, di sila nagpopondo di sila naglalagay ng item including ROW pero naroon pa rin ang problema dahil nga nade-delay ang proyekto dahil di pa rin settled ang ROW. So may improvement naman actually.”
*****