In an interview, Sen. Lacson answered questions on:
– pork in the House version of the 2019 budget
– calls for legalization of marijuana
Quotes from the interview…
On the Senate going overtime to pass the budget:
“As I mentioned kanina sa plenary, maski mag-24 hours kami, imposible namin matapos ang 271 items sa agenda. Kasi may computation tayong ginawa. Lumalabas 1 ahensya every 15 minutes kailangan tapusin mo. Paano mo gagawin yan? So nag-focus kami, napag-agree namin, sundan natin itong sequence pero hindi natin pwede patayin ang sarili natin nang matapos ang period of interpellation in 3 days. Yan ang schedule eh, Wednesday, Thursday, Friday. By Dec. 7, Friday, kailangan close na period of interpellation. And we have to tackle 271 agencies. So on the assumption 24 hours a day for three days magde-deliberate kami riyan wala nang uwian, walang tulugan, walang kainan, lumalabas 15 min lang ang nakalaan para sa 1 ahensya. Anong gagawin namin doon? It is impossible.”
“Hindi mo rin ma-predict sa kasamahan namin kung sino gusto mag-interpellate. Kanina kausap ko Sen. Pacquiao. Sa kanya lang daw sa isang ahensya, 2 oras ang interpellation niya. E we’re counting 15 min per agency. Kung 2 hours ang isa, mabuti kung 1 lang ini-interpellate. So imposible.”
“Don’t blame the Senate. Ang problema rito ang House kasi, 4 buwan sa kanila ang NEP. Kami 3 araw? Na-receive nila ang NEP middle of July, SONA mismo.”
“Hindi (namin) haharangin (ang budget). I-scrutinize kasi ang dami nilang ginalaw sa House from the NEP na gusto namin maliwanagan bakit.”
On signs of ‘pork’ in the budget:
“In-admit ni Majority Leader Andaya, ang P20B divided equally, binigyan ng P60M bawa’t isang congressman. Compute ko ang P60M sa dinivide sa 297 congressmen, lumalabas P67M. So kung P67M ang ano, may butal siyang P7M kada congressman. I-multiply mo rin ng 297, saan napunta ang P2.1B na sobra sa P60M each? Kinakapa namin yan. May nakita na kami. May congressman na nagkaroon ng additional P1.5B. May isang congressman o sabihin nating congresswoman na nagkaroon ng P1.6B additional. So pwede ba pabayaan namin nang ganoon yan?”
“Siyempre scrutinize namin para malaman namin tama ba ang ginawa nila, at meron bang violation ito sa SC ruling na nag-outlaw sa pork barrel? And I would say yes. May violation. So papayagan ba namin mabuhay muli ang pork barrel? Siyempre hindi.”
“(I will name them) once we find out who got how much, siyempre sa interpellation lalabas yan, just to prove my point na ginalaw nila ang GAB-1 because GAB-1 effectively is NEP. Once the House receives the NEP, nagfa-file sila ng sarili nilang bill, the GAB-1. At ang output na papadala sa amin that is GAB-2, which is the House version.”
“We will show during interpellation na uniform ang amount ng farm-to-market roads. Anong ibig sabihin noon? E di na-distribute na sa mga congressmen. Now pray tell papabayaan ba lang namin yan na sige, para lang maipasa natin ang budget before yearend, bayaan natin ang House version? No way.”
“In-admit ng majority leader ng House may equal distribution na P60M per congressman. Anong implication noon? Di ba pork yan? Ang sinasabi nilang justification na hindi pork, kasi pre-legislation ang pagpasok ng items nila. Pero may subsequent paragraphs na-mention sa dispositive portion sinasabi roon na all informal practices of similar import and effect that the court may deem as acts of grave abuse of discretion, pork din…
… So halimbawa ginalaw mo ang pinadala ng Presidente na budget at whimsically kinuha mo ang tig-P60M o ginalaw mo P20B at dinistribute mo, di ba may grave abuse of discretion, na walang consultation sa ahensya? Anong mangyayari sa preparation? Kasi sa cycle ng budgeting process, 4 yan, budget preparation sa executive, diyan manggaling Local Development Council paakyat RDC then vet ng agencies. Budget authorization, that’s Congress, authorize namin sila having the power of the purse. Budget execution, balik sa executive. Ang accountability, COA yan. Pero ito lumalabas pinakialaman ng House ang preparation phase. Ang stage ng preparation which is supposed to be the function of the executive branch.”
On President Duterte’s reported joke about marijuana:
“Sinabi naman niya na joke.”
On calls to legalize medical marijuana:
“Gusto ko mapakinggan ang debate. Kung medical, baka pwede. Huwag ang recreational. In California for example, ang batas doon ginawa nilang legal, recreational ang medical. Sa atin medical lang hinihingi and there’s I think a pending bill in the House.”
“But of course ano ang mga safeguards? Baka mamaya, oo nga ang intention maganda, medical ang gamit pero baka magkaroon ng proliferation ng marijuana para sa recreational. Ma-defeat ang purpose.”
On whether a reenacted budget will impact policemen’s salary hike in January:
“Probably walang masyadong effect ang sinasabing maapektuhan ang pension, salary increase ng pulis at sundalo. Kung ma-delay sila ng 1-2 months parang forced savings lang yan. Pagpasa ng budget e di ibigay ang back wages.”
“(A reenacted budget) is not okay but we cannot do anything anyway. So instead na parang topsy-turvy ang pag-approve namin ng budget mas mainam ma-scrutinize, ma-delay ng 1 month kesa sa hayaan namin nagkalat ang lump sum at di magagamit.”
*****