Patas Dapat! Ping, Isinapubliko ang Institutional Amendments sa 2019 Budget

IMG_1701

Dapat walang itinatago sa publiko at klaro ang mga detalye ng paglalaanan ng pambansang gastusin ng pamahalaan.

Ito ang matapang na panuntunan ni Senador Panfilo Lacson sa pagsapubliko ng kanyang institutional amendments sa 2019 national budget, na kasalukuyang tinatalakay ng bicameral conference committee.

“In the spirit of transparency, I instructed my staff to make public all my amendments in the 2019 national budget,” paglalahad ni Lacson sa kanyang Twitter account.

“I hope all proponents will do the same to remove all suspicions that the bicameral conference is a venue for sneaky horse trading among legislators,” dagdag ng mambabatas.

Related:
In the Spirit of Transparency: Lacson Details Institutional Amendments to 2019 Budget
List: Institutional Amendments Proposed by Sen. Lacson in the 2019 Budget

Kabilang sa mga institutional amendments ni Lacson base sa kahilingan ng iba’t ibang mga ahensiya ng pamahalaan ay ang mga sumusunod:

Sa Department of Education:
* Quick Response Fund: P2-billion increase to P4 billion, with the added P2 billion from P8.889 billion to be deducted from appropriations for the Department of Public Works and Highways’ road right-of-way funds.
* School-Based Feeding Program, 240 days of lunch meals for severely wasted and wasted learners: an increase from P3.967 billion to P7.68 billion, with the added P3.7125 billion from deductions from Local Government Support Fund-Other Financial Assistance to Local Government Units, under Allocations for Local Government Units
* Teacher Quality and Development Program, from P8.169 million to P1.7081 billion, with the added P1.7 billion from the P6.1 billion to be deducted from the farm-to-market road program under the Department of Agriculture
* Textbooks and other instructional materials, increase from P1.794 billion to P1.9014 billion
* Computerization program, an increase from P4.263 billion to P7.188 billion, with P2.925 billion from allocations for farm-to-market roads

Kabilang din sa mga iminungkahi ng mambabatas ang institutional amendments sa pondo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kabilang na ang pagpopondo sa Environmental Management Bureau (EMB) para sa imbentaryo at monitoring ng greenhouse gases laboratories sa Visayas at Mindanao.

Nagmungkahi din si Lacson ng institutional amendments sa larangan ng hudikatura na kinabibilangan ng mga sumusunod:
* P111.985 million added to the operations of the Philippine Judicial Academy
* P20 million to augment the operations of Mandatory Continuing Legal Education
* P300 million for the construction and repair of Halls of Justice
* P488.684 million to fund the salary differential of first level courts.

Kabilang din ang pondo ng Veterans Memorial Medical Center sa mga pinataaasan ng mambabatas sa harap na rin ng kadahilanang malaki na ang ipinagbago ng mga presyo ng mga gamut at ibang pangangailangan na medical.

“Ang VMMC, dumulog sa aking opisina kasi ako nagde-defend ng budget ng DND. Ang sabi nila nagbago ang price index na binigay ng DOH, tumaas. So madidiskaril ang medicine para sa kanilang mga pasyente. Baka pwedeng humingi sila additional para sa pagbili ng medicine at kung anu-ano pa. So pinadagdagan ko yan,” pagbubunyag ni Lacson.

Una na ring isinulong ng mambabatas ang pagpopondo sa bagong infantry division na itatalaga sa Basilan-Sulu-Tawi-tawi area upang mas mapaigting ang pagtugis sa mga terorista.

“Pwedeng pwedeng makatulog nang mahimbing. Kaya ang tawag institutional, mismong ang ahensya ang humiling,” tugon ni Lacson sa panayam sa kanya sa himpilang DZRH, na kung makakatulog ang publiko nang maayos kapag ang institutional amendments ang nasunod.

*****