Kapihan sa Senado forum | March 28, 2019

At the Kapihan sa Senado forum, Sen. Lacson answered questions on:
– birthday wish and ‘grade’ for President Duterte
– former police Col. Acierto
– war on drugs and DDB survey
– whether the P3.757-trillion 2019 budget will be pork-free
– Ayalas’ apology amid recent NCR water crisis
– preferences for the May 2019 elections

This slideshow requires JavaScript.

Quotes from the interview… 

Birthday wish for President Duterte:

“Siyempre better health, kasi we cannot afford na magkaroon ng destabilization on account of the death of a President. And of course siyempre buhay din yan. So sana maging healthy kung anong dinaramdam, magamot buong ano, from head to foot.”

“Sana maging healthy or kung di healthy, ma-cure kung ano man ang dinaramdam. Pangalawa, continue doing the good things and do away with the bad things.”

On ‘grading’ PRRD:

“Ako I think he’s just being very modest. I’ll even give him at least 1 notch higher. If he gives himself 5-6 I’ll give him at least 7-8. First, political will. There are so many things that other Presidents failed to do. I will not enumerate anymore. Pero nakinabang ang gobyerno in terms of tens of billiions of pesos in additional revenues na dapat mag-linger sa court mapaguusapan nang napakahabang panahon na pwedeng walang mangyayari o kung may mangyari man after 20 years. Siya in a snap of a finger or after a threat, nakuha ang gusto. Mighty. Ang sa airport. That’s already P6B, Mighty sa P35B. Wala nang court proceedings ito nagsalita siya nag-settle. Pero revenues ng government. So political will. Sa akin importante ang political will because you get things done. Sabi ko I’m willing to give him at the very least a notch higher from what he has rated himself.”

On the allegations of former police Col Acierto:

“Regardless, basta may serious accusations tulad ng ginawa ni former Col Acierto dapat lamang talaga tingnan sa halip na i-set aside lamang. Kung hindi, nakabitin yan sa isipan ng kababayan natin na wala man lang ginawang inquiry. So mas mainam tingnan whether or not ano ang kahihinatnan o incredible ang kanyang sinasabi mas mainam na ring in a transparent manner magsagawa ng investigation ang PDEA o kaya kung ano ang ahensyang maatasan para tingnan ang accusations. After all, very serious at saka ina-accuse dito di lang si Michael Yang kundi highest office of the land so mainam tingnan para sa kaalaman ng lahat.”

“Nakausap na rin ni Sen Gordon si Acierto. In the same way nakausap ko rin at mukhang napakarami niyang napagpakitaan ng kanyang hawak-hawak na secret documents. Iisa lang ang naging observation. Di lang ako nag-iisa na sinasabing maraming mga butas at maraming dapat pang ipakita si Acierto kung gusto niya magkaroon ng isang formal investigation. Pero ngayong he made it public, tapos openly nag-a-accuse siya, yan lang punto ko na dapat magtalaga ng ahensyang tulad ng PDEA para tingnan. Pero dahil nagsalita ang PDEA DG, I would like to think na dapat gawing formal kung magkaroon ng closure ang accusation na ginawa ni Acierto.”

“Di ko alam kung nakarating sa kanya. Ang pagkasabi ng Malacanang wala silang makitang kopya na naipadala sa Malacanang. Ang may kopya ang PDEA at sinong pinagkakitaan ni Acierto.”

“Dati siyang Deputy Director ng Drug Enforcement Group ng PNP. Acierto used to be with PAOCTF when he was still a junior officer, pero wala akong direct dealing sa kanya kasi di ako nakikipagusap especially when I became CPNP ang mga Inspector, Sr Insp, di ako masyadong nagkakaroon ng direct na pakikisalamuha sa kanila.”

“Ang tingin ko noon kaya siya lumapit, naiipit siya sa magnetic lifters. Lalabas na pangalan niya pinatatawag na siya at doon niya pinakita sa akin ang secret document. Pero nang tinitingnan ko sabi ko di pwedeng ganito lang, ano pa ibang detalye? I also would like to find out from him ano ang extent ng kanyang nalalaman tungkol sa shabu na nasa magnetic lifters? At doon kami di nagkasundo dahil wala siyang sinabi, iba ang kanyang initial presentation. When I conducted further inquiry on what he mentioned as his alleged participation, nakita ko na masyadong maraming kulang. Sabi niya part yan ng isang malawakang intelligence operation na conduct niya at controlled delivery. So sa unang tanong ko pa lang kung controlled delivery bakit nakalusot kasi kung controlled delivery dapat nahuli nyo yan kung saan ide-deliver. So nang nalaman kong hindi siya nag-disclose fully sa kanyang information na binibigay di ko na siya hinarap the second time he wanted to seek an audience with me again and that time around sabi niya sasabihin niya ang lahat. Pero ganoon pa rin, I think I met him only once. After that nang nalaman kong niloloko lang niya ako dahil sa information dahil kulang-kulang, hindi ko na siya kinausap.”

“Ang nakita ko lang motibo sa paglapit, para matulungan siya sa sinasagawang committee hearing ni Sen Gordon. I found out noong di ko siya kinausap the second time, doon siya nagpunta kay Sen Gordon kasi nagkausap kami ni Sen Gordon nagpunta sa kanya at pinakita sa kanya ang dokumento na hawak.”

“The manner ang pagkalabas niya ng pag-a-accuse ngayon at ang document, parang suspect na yan, dahiil ano ang motive? Dahil noon, he had all the opportunity to come out nang di pa naman siya pinapahuli para ilabas ang document in a formal hearing which is Senate Blue Ribbon Committee. Bakit di niya ginawa? Bakit ngayon siya lumabas? Nagtataka ako, okay nagtatago siya. Pero ano motive niya in coming out and accusing PRRD with a document that he already showed to several officials?”

“Sabi niya 2004 pa (ang photos), sa Davao pa. I think they had an anti-illegal drug operation in Davao may lab, lumabas ang pangalan. Pero hindi direct ang implication kay Yang. Parang may layers pa. sabi ko sa kanya kung 2004 bakit d nyo file ng kaso? Di niya rin maibigay ang nakaka-satisfy na explanation. You know, pagka ganoon tinatanong mo nagiging evasive tapos naiiba ang punto ng usapan, ako nagkakaroon ako ng duda kasi direktamenteng dinala niya, doon kami naka-focus sa kanyang sinisiwalat noon. Pero palipat-lipat kami at ang na-sense ko sa kanya parang konektado lahat sa projected na pag-appear niya sa BRC. Parang humihingi siya ng saklolo, parang sidelight lang yan d iyan ang main purpose niya in meeting with me kundi para magpatulong, although di niya sinabi directly pero yan ang na-sense ko na purpose.”

“Nagsagawa na ng investigation ang Senate. May conclusion na rin. At may kaso na rin, kaya nagkaroon ng kaso sa DOJ. Hindi ko alam kung ano ang status ng case sa DOJ. Pero yun na yun, sina Guban, sina Fajardo, ang mga nasangkot sa lumabas sa BOC.”

“Kung ako magbibigay ng opinion sa kanyang demeanor and actuations, you could say that na meron siyang tinatago. Kasi nakikipagusap sa kanya si Sen Gordon dahil siya rin ang nagkusa ng information pero ang end ng bargain na dapat sa kanya di niya finu-fulfill. So pakikipagusap namin kay Sen Gordon nawalan na siya na gana eventually.”

On claims of politics behind Acierto’s surfacing:

“At the very least, sinasakyan as an election issue. Obvious naman yan kasi parang iisa lang ang linya from Sen de Lima, from the candidates, not the whole LP but at least ang involved sa May elections, sila nagsasalita tungkol dito at nasasakyan ang issue.”

“Sobrang bitin, kaya nga hindi ako masyadong interesado rin kasi tanong ko sa kanya, hindi niya satisfactorily masagot kasi kung makita kong may laman sinasabi niya at talagang may sustansya bakit hindi? Pero advise-an ko siya kailangan pag dumating ang pagdinig talagang sabihin din niya lahat kasi malalaman din na may withhold siyang information. Kasi ako pag may witness na lalapit sa akin bago ko iharap sa Senate hearing, as much as possible I want to make sure na ang sinasabi niya sa akin, pwedeng pagkatiwalaan at pwedeng depensahan. Mahirap mapasukan ka ng kung sino na iba ang motibo, magagamit ka pa.”

On President Duterte’s claim the drug situation has worsened:

“He based it mainly on his observation, meaning his perception. Kaya nga nang nag-request ng pondo ang DDB P70M para mag-conduct ng survey, kasi sa committee hearings ako nag-sponsor ng budget yan ang laging pinagtatalunan. Lumala ba o gumaan ang problema natin sa illegal drugs? Walang makasabi ano ang accurate number ng drug users. Doon tayo magkakaroon ng accurate measure kung nag-succeed ba o hindi, empirical data. Noong 2016 ilan ang drug users, ngayon ilan ba? Nag-iiba-iba eh. May 4M, 8M, 1.8M. So once and for all nakiusap ang DDB na kung pwedeng humingi sila ng pondo para magsagawa ng methodical, analytical survey para malaman ang bilang. Hingi nila P70M so sa floor binigay ko sa kanila, request ko sa mother committee na kailangan ng DDB ng P70M, carried ito, nariyan sa pondo. Now that the budget is awaiting approval by the President, I think the DDB should immediately conduct ang isasagawa nila para magkaroon tayo ng accurate data tungkol sa illegal drugs. Kasi ang isang measure ng kung nagsa-succeed or nag-fail o lumalala o gumagaang o bumubuti siyempre ang number of users. Kasi kung malaki ang drop sa number of users di lumalala ang problema sa droga. Recently, ang hindi nakita siguro ng ilan, ako gusto kong tingnan ang kabuuan, baka naman effective at efficient ang law enforcement natin kaya nagkakaroon ng perception na bakit bilyong pisong shabu na-seize, may nahuling mga Chinese drug lords. Sa pag-iisip ng kababayan natin lumalala ang drugs kasi bilyon-bilyon worth of drugs dumarating. Pero di rin natin nakikita baka noong araw di nasasabat nariyan ang drugs di natin nakikita. Pero dahil nahuhuli baka naman nakaligtaan natin tingnan ang other side of the coin, na efficient ang law enforcement. So hindi tayo nagfa-fail. Ibig sabihin effective and efficient ang law enforcement particularly ang PDEA.”

“I don’t want to be judgmental or take the statement of PRRD hook, line and sinker kasi probably out of frustration. Tapos ganoon din ang kanyang perception na bakit ang dami pa rin, di maubos-ubos ang shabu dahil hanggang ngayon may nasasamsam. But let’s also look at the other side. Lately very efficient ang pag-track ng law enforcement natin sa illegal drugs.”

“We all know the President, kung anong perception or mood niya at the time di talaga siya nagtatago. Each time meron siyang naiisip nilalabas niya ito pero hindi nga backed by solid proof na ang kanyang sinabi ay yan na nga talaga yan. So kaya doon ko tingnan sa angulong yan baka ito perception niya lang na walang basehan. Kasi kung may basehan dahiil report sa kanya ng PDEA lumalala iba yan. Pero ito mismong PDEA nagsasabi baka naman katulad ng sinasabi ko nga, mali ang opinion or perception ng Presidente dahil iba ang nangyayari. So to resolve this once and for all, I just hope the DDB will immediately conduct the survey.”

“It’s up for us as individuals to judge him based on his performance and what announcements he is making to the public. Sa atin na yan. But to call him out to change ilang beses sabi niya di ako magbabago. Ganito na ako mula mayor hanggang president, ganito na ako, huwag nyo ako baguhin. Ano pa sasabihin mo?”

“He may not be mentally dishonest when he announced nagfe-fail ang war on drugs. Yan ang kanyang observation, but sabi ko nga, it would do well especially mga law enforcement agencies tasked to fight illegal drugs, na gawing methodical and analytical ang kanilang study whether or not we are failing or succeeding, or nag-worsen or improve. May pondo na ngayon. Gamitin na niya agad-agad. In fact dahil nariyan na ang budget, ang mechanism for the release of the funds and ma-lay na ang groundwork for the survey to be conducted, gawin na ng DDB, P70M. Medyo malaki nga, medyo maraming nag-question pero yan request nila to come up with a very credible survey. At fortunately carried ito sa bicam report. Yan ang pagkaalala ko.”

On claims the PNP is on the verge of surrendering in the war on drugs:

“Ang PNP will never surrender. Maski under attack or maski masama ang perception sa kanila, they will never surrender. They will do their job no matter what.”

On the DDB drug survey, while 2019 budget is not yet signed:

“Pwede na siguro ang initial preparation, simulan na nila para huwag na sila maghintay pag-release saka sila gagawa. Dapat nakaplano na at lahat na preparation gawin na para mas mabilis kasi nagkaroon ng ganitong issue, it’s imperative bilisan nila.”

“(Ang ibang purpose ng survey) para malaman din sa mga communities alin ba ang mga barangays na may impluwensya pa o malakas ang control ng illegal drugs. Di lang naman ang kung ilan ang drug users. Maraming maisasama sa survey para makita. May scientific backing ang fight against illegal drugs.”
“They cannot do it alone. I think they will commission private surveyors.”

“Sabi niya they will come up with a very credible estimate of the number of drug users and ibang aspects ng fight against illegal drugs.”

On reports of entry of foreign drug cartels in PH:

“Walang validation pero may mga indication ang international syndicates. Tama ang observation ni DG Aquino. Convenient for especially ang mga Chinese drug lords, kasi doon sa kanila, execution. Saan sila magko-conduct ng illegal drugs business kundi sa PH kung saan walang death penaty? Aside from not having DP no matter how gruesome or heinous ang krimen, alam nila na they can buy their way out. Again, perception na alam naman natin ang nangyayari kasi may mga nasa prosecutor level o mismo sa court nagkakaroon talaga ng compromises pagdating sa illegal drugs.”

On restoration of death penalty vs drug crimes:

“Yes. I’m one of the authors ng restoration of DP. But it is a very contentious issue na hindi maka-takeoff sa legislation. Hanggang ngayon nasa floor yan. We should also open our eyes to the reality gagawin talaga tayong playground ng mga drug lords kasi nga, mas magaang dito and very profitable so sa atin ang tambakan.”

On growing number of Chinese nationals buying condo units:

“Yan talaga marami. Buong floor kung mamili. So our intel agencies should really look more deeply into that phenomenon. Minsan nga sa elevator para kang nasa China, wala kang makasabay na Pilipino.”

“Mahabang trabaho yan. They are here to seek employment but lahat ba sila talagang employment ang purpose? It’s up to them to provide the mechanism on how to analyze better, bakit may influx ng Chinese nationals? And alam din naman natin na may mga Chinese nationals na involved sa mga illegal activities. Kaya dapat ang first line of defense is the BI.”

On whether to publicize showbiz personalities in narc list:

“Sa akin in the first place di dapat gawin public unless nag-file ka na ng case case. Kasi pag file ka na ng case, matter of public record so necessarily lalabas ang mga pangalan. Pero kung maglalabas ka ng listahan at sasabihin mong validated ito, kung validated pala, dapat meron kang ebidensya. Kasi ang intelligence information is just that, an intelligence information na pwede mamali pwede tumatama. And the best yardstick kung validated ang information on the involvement of any local govt officials or actors, actresses, media sa illegal drugs, ang ebidensya kasi factual yan. Backed by evidence and kung magkaroon ng logical conclusion sa korte, yan talaga magsasabi kung involved talaga ang tao. And I think it’s unfair to make public these names tapos later on especially ngayon mag-e-election tapos babawiin, e papaano ang di nakarinig ang binawi, ang narinig lang o napanood lang in-announce? Di ba unfair yan?”

Budget bill now with Palace, but it may not be acted upon because it’s PRRD’s birthday:

“Actually maski di pa, di pa mag-a-act ang President, ie-evaluate pa yan ng economic team, particularly ng DBM or DBCC members. Sila mag-analyze kung ano roon ang papasa o hindi ive-veto ng Pangulo kundi ia-approve na lang. at ano ang ive-veto. So it’s not as if pag-transmit sa Malacanang, Presidente agad magbabasa. Kailangan ikumpleto ang staff work tingnan nyo riyan kung alin ang, of course we submitted a detailed list of items sa tingin inamin unconstitutional. And we’re banking on the commitment of the President either publicly or when we met with him in Malacanang, that he will never sign anything that is illegal or unconstitutional. So we provided them with those data na ito ang sa tingin namin because ito ang bicam report ito ang enrolled bill, doon lang makikita mo na. At binigay namin sa DBM yan para magkaroon sila ng comparison, ima-matrix nila kung tama o totoo ba ang aming sinasabi dahil sa bicam report ito na-approve at ratified tapos sa enrolled bill ito ang comparison ang diprensya, bahala na sila roon. And we will not question the authority of the President to exercise his line-item veto power under the Constitution.”

On expectations PRRD will veto the HOR’s post-ratification realignments:

“To be honest about it, yes. We’re confident, at least kami sa Senate, ive-veto niya ang sinabi namin. Di ito plucked form thin air na veto niyo ito kasi ito ang mali ito. No. Kaya ganoon kakapal ang attachment ni SP Sotto, gusto namin kumpleto ang information, di ang kulang-kulang. But again we leave it up to them because they have that power. Sa amin persuasive lang ang note na sinulat ni SP.”

“(If PRRD signs the budget bill en toto) definitely we’ll respect that because that’s within his authority but it will not prevent us, me particularly, to question. Dahil kung pork at naaprubahan at na-implement, saying ang pondo. Kaya nagkaroon kami ng decisive action right after that meeting ng 3-man panel from each house, naging decisive kami. Look, we’re only looking at the butal, P75B of P7.357T. E hino-hostage ang buong budget. So approve na lang but express strong reservations, and this was upon the proposal or suggestion of FMD. Yan ang kagandahan kasi sa Senate because bipartisan. Pag nagde-decide kami on matters like the budget which is a serious issue talagang ino-on board namin. Ako mismo I’m the one convincing Sen Legarda and SP, isama natin si FMD sa paguusap natin para bipartisan, hindi ang majority lang nagde-decide. And for all we know he can provide us with good legal advice and very sound suggestions, which we did and we accepted. So all’s well that ends well.”

“(If PRRD does not veto the pork), Masasayang ang pera. Kasi these are items na hindi vetted ng mga agencies that will implement. Ito lagi kong question. If you do not consult the agencies that will implement and who did in the preparation phase, meaning nang binubuo ang NEP, pinagaralan nila lahat yan. Ito ready kaming implement ito nakakamada na at pagdating sa House or Senate babaguhin mo bigla whimsically, capriciously and without any consultation with the agencies, you can just imagine what will happen to those items. It cannot be implemented. Kaya for the longest time I have been questioning masyadong maraming unused appropriations. Yan ang isang reason. Kasi ginalaw ng Kongreso, hindi ito coordinated sa implementing agecy, hindi ma-implement ng ahensya. So nauwi tayo either unobligated or unreleased because DBM would not want to release. And DBM can also exercise conditional implementation, meaning pending approval, parang ganoon. I think for 2010 to 2017 nasa P400B lagi ang unused appropriations. So halip na makatulong ito sa development, hindi nagagamit so sayang lang and ang lumulusot ito ang kinukuhanan ng commission tulad ng dredging, desilting, deepening ng mga rivers. Magkano commission diyan? Umaabot minsan ng 50%.”

On the conditional release of funds if the pork is not vetoed:

“It’s their call. Pero doon na lang kami, parang ako, I was seated beside OIC Abuel, yun lang pinagusapan namin. Parang fallback lang just in case talagang hindi mag-budge ang HOR. Sabi ko ano fallback nyo riyan? Sabi niya pwede ring ma-hold ang release nito kung talagang hindi pwedeng ma-release-an. So doon kami medyo ika nga lumambot sa usapan, na sige baka pwede tigil natin ang pag-hostage. But then nag-shift kami sa issue when we met Monday night with SP. Initially ang napagusapan namin dito, we’ll just cure ang tinatawag na illegal insertions or post-BCC report insertions by passing a concurrent resolution. Ibig sabihin okay na illegal na hyan, cure natin magpasa tayo ng joint resolution para ma-legitimize. On second thought, when we were meeting that same night, na-realize namin teka muna, parang tayo pa nag-cure, ni-legitimize pa natin ang alam nating illegal. Athough wala nang constitutional question pero papayagan na lang ba yan? So FMD came up with that idea para hindi makompromiso ang position natin and we can protect the SP from possible criminal charges, yan na lang strong reservations, which we agreed on eventually noong Monday evening.”

On 2019 budget being pork-free:

“It’s not going to be a pork-free budget pag di yan na-veto, nariyan ang pork, kasi pork talaga yan eh.”

“Pag na-veto yan di mawawala yan sa GAA. Nariyan pa rin yan. Ang pwede gawin para di ma-sacrifice ang spending capacity ng gobyerno, pwede naming ibalik yan i-pass namin as a supplemental budget. Gagawa ang executive branch ng listahan ito ang list na pwedeng paggamitan sa P75B na na-veto. Yan ang pwede i-itemize uli. But again, another bakbakan na naman yan. Siyempre meron na namang hand ang HOR ito ang gusto naming budget but pag dumating yan, we’ll make sure the DPWH will be present kasi magkakaroon uli ng committee hearing yan, to validate na kaya namin implement yan. At least alam ng DPWH.”

“We don’t really mind that much, ako particularly, na magkaroon din ng mga infrastructure development sa mga districts; kailangan nila talaga yan. But ang sa akin lang ang bottom line is sabihan nyo ang agencies na mag-implement para ma-implement, o ma-implement properly. Ang problema kasi member sila ng LDC, ayaw nila mag-attend pag nagkaroon ng pag-craft ng LD plan di nag-a-attend ang congressmen. As district reps they can join in the discussion of LD plans ng districts, towns, cities sa district nila. Doon na lang sila siguro makipagdebate pagawa itong tulay na ito. At least dumaan yan sa process, na-approve ng LDC, umakyat sa RDC na sila naman members ng advisory council. And then pagdating sa HOR sila mag-shepherd, ‘pinagusapan sa LDP yan kasama talaga yan.’ So ma-carry yan sa NEP. Dapat ganoon ang procedure. But then ayaw niila mag-attend doon, tutal pagdating sa HOR tayo masusunod. Ayaw nila mag-participate. Yan ang masama at nagkakaroon ng disconnect between national budget itself and the needs and priorities of the LGUs. Yan ang dapat gawin natin sa budget reform. Isaalang-alang natin ang pinagplanuhan ng LDCs all the way up to the RDC where NEDA, DBM are represented. Para pagdating sa budget call, incorporated na lahat yan kasama ang district reps sa pag-vet ng projects na yan. Pagdating sa Congress kanya-kanya silang bantayan sa districts nila kung may matatanggal sa pinaguusapan nila. Walang problema roon. At least parang may saysay naman ang mga local development plans.”

“Ngayon disregarded lahat na local development plans. Pagdating sa HOR and sa Senate, kanya-kanyang galawan. Ako for example during budget interpellation, P75B that was incorporated by Sec Diokno. Tinanong namin, ako mismo when I interpellated I asked the Sec of DPWH through the sponsor, kaya nyo ba implement ang 75B? Alam nyo ba ito? The answer was, hindi namin alam. So how can you implement something you do not know, sabi niya we’re still in the process of validating. Sabi ko Is it okay with you if we delete 75B from your budget, and they said yes. So we deleted. I introduced the amendment to delete 75B precisely because the agency was not prepared to implement. And then another one, P20B sa ROW, sila mismo nagkusa, P29B tanggalin na lang ang P20B. So there’s another float of P20B so doon kumuha kung saan magkakaroon ng realignments. That’s within the budgeting process. So ganoon dapat. Ang nangyari kasi puro arbitrary, whimsical. Pagdating sa HOR kanya-kanya na sila. And worse, this is the first time it happened, tapos na BCC, saka pa nag-realign inapi pa ibang kasama nila, nagsumbungan tuloy sa amin. Imagine meron sila nakalagay alam nila approved sa bicam, tapos babawasan pa sila. Necessarily, sabi nila, and they provided us with information kaya nagkaroon ng issue, ang post-bicam.”

On the vicious cycle of questioning the budget:

“What can a simple taxpayer do under the circumstances? Ang problema di sila maka-contempt kasi pinagusapan lang ang mismong ruling, Belgica vs Ochoa. So kung bring up mo sa kanila ang violation sa ngayon under the 2019 budget di mag-apply sa 2013. Sabi ko parang vicious cycle na yan, baka they can come up with an en banc resolution. And then they told me sige pwede pagaralan. Sabi ko, alam ng congressmen and Senador yan. So e 2013 pa yan, di applicable sa 2019 GAA. So … magkaroon uli ng panibagong ruling pertaining to the 2019 GAA, wala nang katapusan, abuse na lang ng abuse. That’s where our system fails.”

“Mahabang usapan. Ginawa na namin yan in 2014 I think. Kasama ko Sec Briones at the time. We went to the SC to question some provisions in the 2015 budget. Wala naman nangyari.”

“Kung development hinahanap natin, Build Build Build, anong magagawa sa development ng waiting shed, covered court? Yan ang sinasabi natin, hindi natin maalis na may parochial concerns. Pero kung ganoon naman ang mga items parang it doesn’t contribute to the overall development of the country and even to the development of the LGUs.”

“I can only venture a guess na ang contractor nila, yan lang ang alam gawin… Magtanong kayo sa contractor kung magkano ang kalakaran ngayon. In fact, these are although unverified reports, persistently dumarating sa amin, kaya talagang nag-iinit sila kailangan ito masunod kasi nakapag-advance ang iba. Committed na kasi nakuha na ang advance.”

“Basta sa NEP na-approve, kanya-kanyang kuhanan ng advance kaya ipaglalaban nila kasi naka-advance na. Kahit di pa approved (ang budget); minsan NEP pa lang naka-advance na.”

On Ateneo School of Govt study that candidates are part of political dynasties:

“80% is a pretty accurate estimate. Kasi party list napasukan ng political dynasty. Dahil malakas sila sa isang district or province, they can easily gather enough votes to make a party list win. Kaya ginagawa na ring nominees ang kapamilya na rin nila. Haven’t you noticed? Nawala na ang marginal representation sa party list system? Tapos ngayon wala na ring limit kasi percentage na pinaguusapan? Tama yan. And I think we should make some electoral reforms in this regard dahil talagang ang political dynasty nagru-rule magkakaibang distrito, magpasawa magkaibang distrito. Magkaibang island group, magkaibang probinsya, magkaibang distrito. Ang ganoong mga issues. Parang short of saying parang mockery na ng electoral process natin or even the Constitution dahil anybody can just go around through technicalities.”

“Walang enabling law. Nagkaroon ng enabling law … pero di naman makalusot. 1987 pa yan pero kailangan may enabling law para ma-implement, pero wala.”

“Hope springs eternal. Baka sakaling in the 18th Congress, magkaroon ng kaunting milagro baka makapag-comply tayo sa particular provision ng Constitution.”

On ‘performing clans’ to justify political dynasties:

“It provides more harm than good sa ating lahat. May mga merit pero I think ang mga disadvantages far outweigh the advantages. Kasi pagka political dynasty na, the electorate will be at the mercy of that family. Wala nang laban, alam natin especially sa local politics, the voters are just looking at P1,000, P500. They don’t mind the issues anymore. And whoever controls that province or that district or a particular region, wala, talagang sila na nasusunod because they have all the resources.”

“That’s correct. Kung saan ang poorest of the poor na provinces and districts, naroon nag-proliferate ang political dynasty. You can clearly see bakit nagkakaganoon. Dahil nga they thrive on poverty. Ang local warlords na tinatawag they thrive on poverty because they take advantage of the poor conditions of the electorate. Di ba may joke gantihan na lang, sabi ng pulitiko 45 days ako magpapauto sa inyo kasi 3 taon ko kayo sasamantalahin. Sabi naman ng botante 45 days lang kami pwede makabawi sa inyo babawian na namin kayo ngayon. So it becomes a vicious cycle that will not correct the disparity of the rich and poor. And poor provinces remain poor because of that.”

On what can be done to counter this:

“Education. But ang voters natin sila rin, napakahirap i-educate because of their needs, because of precisely poverty. Kasi pagka hinarap ng P500 2 or 1 day before election iisipin mo sikmura mo. So ang isang solution dito is to streamline ang ating budget para bumaba talaga sa remotest areas. Ang problema again dahil may political dynasty sila na rin nasusunod pagdating sa Congress, sila nagka-craft ng budget bill. Kaya patuloy-tuloy lang and parang see you next election. Magiisip ang botante malapit na election makakabawi tayo. So we should break that cycle. And I think the best, at least ang available sa atin ngayon is through you. Kayo media malaki magagawa ninyo sa bahay-bahay natin 3 taon kayo inaapi tapos tintinginan nyo ang 45 days na pwede kayo bumawi? Di ba ang laki ng diprensya ng 3 taon at 45 days campaign period?”

“May studies yan, ang degree, parang 2nd affinity and consanguinity. I need to study further kasi di ba nade-deliberate eh.”

On preferences for 2019 elections:

“Meron akong soft heart sa reelectionist na kasama namin, whether from the majority or minority bloc kasi nakasama ko na sila and alam ko how they work, ang work ethic nila. Sila ang laging nariyan nag-aaral nagde-defend ng bill so kabisado namin sila.”

“Hindi lang sa kaibigan ko so Mar Roxas pero naawa ako minsan sa kanya kasi siya ang favorite punching bag ni PRRD. Ang laging binabato sa kanya ang Yolanda. I’d like to correct that perception na wala naman talaga siyang kinalaman sa pondo ng Yolanda except ang DILG nag-provide cash assistance sa LGU and dumaan sa kanya. Pero it’s unfair to say the least para siya naging poster boy ng Yolanda. I’m at least an authority as to what happened in the Yolanda corridor because I was there. Ako ang PARR although my mandate ended when I submitted the comprehensive rehab and recovery plan kasi wala akong implementing authority. But we would just like to correct that very wrong impression na si Sen Roxas parang abused the funds. Far from it. It never happened. So yan man lang sana maitutulong ko kay Mar Roxas being a former colleague, na ma-disabuse, ma-correct sana yan. Huwag naman ibato sa kanya ang Yolanda funds because he never took advantage. There was no way for him to have that opportunity to take advantage.”

“He (former Sen Roxas) is a good addition kasi sa acumen niya. Marami tayong bills na nagre-refer na makatulong sa economy, sa development. So he’s an asset to say the least na maging senator come 2019.”

“Ganito kay Sen Bam. He approached me because I posted a tweet nagkagulo sino ang dapat may credit sa free tuition. Alam ko naman na isa sa authors though di siya principal author, I think si Sen Recto. Siya ang principal sponsor at siya talaga nag-labor para maipasa, siya ang nagtulak. So I corrected ang daming claimants eh, nagke-claim ng credit sabi ko to set the record straight si Sen Bam yan. So nang campaign he approached me, baka pwedeng i-formalize natin. Sabi ko sure di naman ako magsisinungaling. Sasabihin ko totoong ikaw. So yan ang nangyari roon. Nang nag-set siya ng video kinorrect ko pa nga ang script niya. Sabi ko huwag yan kasi mang-aaway, sabi kayong mga nagke-claim sabi ko pati ako mapapaaway sa ginawa mo. Suggestion lang but at the end of the day kayo ang masusunod. Baka pwede sabihin ko na lang na tuwing maalala ko ang free tution, ikaw agad ang naiisip ko. Kaya yan ang lumabas. Pero initial parang nanduduro, sa mga umangkin huwag nyo pakialaman dahil kay Senator, and they listened naman. As long as I’m not telling a lie or I’m just stating a fact, and alam ko rin naman na asset din siya sa Senate, why not? But there are candidates na may general descriptions na sinabi kong I will never vote.”

“Sa akin lang si Sen Bam and Mar. At naawa ako sa minority kakaunti-kaunti. Naawa ako kay FMD siya ang nariyan from start to end siya ang nariyan as floor that’s why I toyed with the idea, and when I checked as chairman of committee on accounts I found we already procured, may equipment for teleconference. Gagamitin yan sana kay Sen Trillanes noon when we adopted a Senate resolution to allow him to participate at least in debates but not to vote kasi walang physical presence. So I broached the idea to Sen FMD na i-review ko kasi may equipment, baka pwede ma-convince ko kasamahan ko payagan si Sen de Lima mag-participate, one of the reasons being naaawa ako sa iyo, wala kang katulong masyado mag-interpellate. And he welcomed it.”

“Isa si Doc Willie Ong. Kailangan namin siguro yan, and I find him a very good addition siya sa public service.”

“Ang isang nakiusap din, and gumawa na rin kami, si Sen JV. Sabi niya medyo, sabi ko by all means yes. He sent his videographer and we did some endorsement. Tungkol ito sa universal health care kasi maraming nagke-claim alam natin na si Sen JV talaga. Pag may ganoon basta factual lang, siyempre payag naman ako. But if it’s beyond what is factual mahirap din siguro magsabi ng di totoo.”

“Yes of course (kay Sen Koko Pimentel). (Pero) ayoko magprisinta. Parang presumptuous kung makakatulong ka. Pag humingi tulong at totoo at gusto ko tulungan, why not?”

On review of Manila Water, Maynilad contracts:

“Ang problema roon, concession agreement that was signed in 1997. This was the time MWSS got bankrupt ang daming loans so si FVR entered into a concession agreement to bail out. Ang ano rito is Maynilad and MW. Sila ang takers. So nilagyan ng katakot-takot na sweetener para may pumasok, just like sa IPPs. Ang agrabyado in the long term, tayo. Why? Because tayo na ang nagbe-bear ng brunt ng pinasok na concession agreement. Dahil nakalagay doon pag approve pa lang ng business plan maniningil na sila, so ang agrabyado ang consumer.”

“Dapat i-review. Ang problema, I was told they already extended the effectivity of the concession agreement na magtatapos in 2022 in-extend nila hanggang 2037. This was the information releayed by Administrator Velasco. Ano ang cure? Ewan ko kung kaya ng legislation. Dahil ang isang issue pwedeng tingnan dito kasi they are in utility. Pag utility kailangan legislative franchise para ma-correct natin ang nasa comcession agreement. Of course their contention is we’re just agents, we’re not franchisees, we’re just agents of MWSS. Of course pwede umabot sa korte ito. Ang tinitingnan ko lang ang masyadong onerous na tulad niyan, di pa naka-deliver ng 1 patak ng tubig dahil di pa nga nag-start ang construction ng Cardona water treatment plant, sinisingil na agad sa customers ng MW. Di ba during the hearing I appealed to the president of MW, unilaterally man lang baka pwede tanggalin nyo na muna sa Cardona at ano pwede i-waive. Ang sagot naman we’re exploring the possibility doon tayo agrabyado sa sovereign guarantee. Kasi medyo di ba gumanda ang economy during PFVR’s time pero ngayon natin nararamdaman ang parusa. Kasi nga ang napasok na contracts at agreements na may kahalong sovereign guarantee, agrabyado ang consumer. Ang gobyerno hindi pero consumers ang agrabyado kasi nagbabayad mga customers. Parang it’s tantamount to highway robbery na payag ang gobyerno na mapagsamantalahan ang customers ng MW and also Maynilad. Tulad niyan nagkaroon ng breakdown naniningil pa rin ang period na di pa nag-start ang construction kasi sabi niya start construction 2016 e 2015 daw ang building plan but in the HOR hearing sabi nila roon 2008 naninigil na sila. 8 years before construction even started. Di ba napaka-onerous noon?”

“I instructed already my legislatie staff to do some study on how to cure ang situation na masyadong agrabyado ang customers ng MW.”

On the Ayalas’ public apology:

“Long in coming but it’s still welcome. And when you sisue an apology dapat meron kang amends, may gagawin to follow through yung apology na ginawa mo. Ang apology di nakakabawas sa water bill. So mas maganda kung ang apology to make it authentic and conscientious dapat may kasamang action.”

On the ‘blunders’ of presidential spokesman Panelo:

“That’s the best we can get. Ang masama ang alam nang mali ayaw pang mag-backtrack. Di ba mas nakakainis yan? Pipilit pa ang mali? At least ito nagba-backtrack kino-correct. Mamili kayo, maghanap kayo ng spokesperson na alam na alam nang mali pipilit pa. Di ba mas nakakabwisit yan? Kaya pwede na rin ito.”

On ‘debt trap’ to China:

“Let’s leave it to the lawyers. Second tama ang sinasabing imposibleng di tayo makabayad kasi pag di tayo makabayad ibig sabihin noon bangkarote ang PH wala na tayong PH na paguusapan. Why? Because precisely ang sa budgeting system natin we make sure may item doon na debt service. And di na ito pwede pakialaman halos ng Congress kasi under automatic appropriations. Pag tinginan natin ang budget books tatlo yan, regular budget, Special Purpose Funds and Automatic Appropriations, under Automatic Appropriations ang debt service, payment ng principal at interest. So imposibleng hindi talaga mababayaran. Kaya maski may naka-collateral although mali ang i-collateral mo ang patrimonial assets kasi ang generation upon generation of Filipinos ang mag-suffer at saka buong bansa. But mag-renege sa loan payment I don’t think it will happen.”

*****