Interview on DZBB: PhilHealth Row and Universal Health Care | June 16, 2019

In an interview on DZBB, Sen. Lacson answered questions on the PhilHealth row, including:
– possible implications on the government’s Universal Health Care program
– how the NBI is handling the case
– how the National ID system can help stop fraudulent health claims
– how the public can help prevent a repeat of the mess

Quotes from the interview…

On the issues surrounding PhilHealth and Chairman Duque:

“Maliwanag naman double standard. Kasi board ang namamahala sa PhilHealth; of course may presidente yan pero ang PhilHealth may board. Pinag-resign ng Presidente ang lahat ng board members pero bakit naiwan ang chairman? Or, hindi man pinag-resign ng Pangulo ang Chairman, at the very least siguro nag-tender din ng courtesy resignation ang chairman. Tanggapin o hindi ng Pangulo nasa Pangulo na yan. Pero propriety dictates, kabahagi ka ng PhilHealth board, manguna ka doon sa paggagawa ng ehemplo. Mag-tender ka ng courtesy resignation maski hindi hinihingi ng Pangulo.”

“Hindi ko sinasabing tanggalin siya. Ang sinasabi ko lang, propriety issue ito. At sa part ng Malacanang, double standard issue. So ito nothing to do with Sec Duque. Kaya nagulat ako sa kanyang reaction. Kaya naman nanumbalik sa alaala ko 2004 kasi malaking issue ito noon kung saan P500M na galing sa OWWA diverted para i-procure ang tinatawag na PhilHealth cards na pagkalaki-laki ng litrato ng noo’y kandidato sa pagkapangulo, ang nakaupong Pangulo, Gloria Macapagal-Arroyo…
… Ang pinili nilang pag-distribute-an ng PhilHealth cards (noong 2004), (kung saan) malakas si the late FPJ. So talagang nangangampanya. Walang duda roon na talagang pangampanya ginamit ang pera ng pinagbilhan ng PhilHealth cards. Malaking anomalya yan. Kaya naungkat yan dahil nagkaroon ng panibagong issue na mas malaki. P500M noong 2004, naging P154B na ngayong 2019.”

“Gusto ko liwanagin yan. Hindi ko hinihingi na sibakin siya. Never ako humingi na magsibak ang Pangulo sa kanyang appointees kasi prerogative niya yan. After all may kasabihan the buck stops at the table of the President. Siya naman ang mananagot ultimately kung mag-fail ang kanyang mga ina-appoint. Talagang call niya yan. So hindi natin dapat himasukan manawagan tayo sibakin mo ito sibakin mo yan dahil kanya yan, responsibility niya yan. Yan ang maliwanag. Pero sinasabi ko lang 2 issues, double standard and propriety.”

“Hindi naman (ini-imply na may katiwalian si Sec Duque). Sinasabi ko lang sa unang issue. Bakit naitsapwera siya sa usaping courtesy resignation. Sa pangalawa hindi maikakaila noong 2004 siya ang PhilHealth president. Matapos manalo ni Gng Arroyo in-appoint siyang SOH. So kung iko-connect mo lahat yan, may maliwanag tayong nakikita may connection lahat. Pag connect mo ang mga dots sa usaping ito may issue talaga, di maiwasan yan.”

“Negligence. Serious neglect of duty. Or kung sinadya nila o kung may negligence din at may na-prove na nawalan ng pera, pwede sila makasuhan ng plunder o sa anti-graft and corrupt practices act. Ang papel ng chairman pag may board, meet sila at nagpapasa ng resolution. So doon mo makikita kung may pinasa silang action ang board kung saan nag-contribute sa pagkawaldas ng pera. Di pa rin natin alam yan; ang day to day, ang president ng PhilHealth ang nangangasiwa kasi siya ang pinaka-CEO. Pero ang board chairman and members ng board, pag may lumabas na resolution o may action ang board kung saan contributory sa pagkawaldas ng pera pwede mo sabihin maaaring meron silang culpability or criminal liability.”

“It bears watching kung ano ang susunod na action kasi ganoon ang nangyayari sa administration ni PRRD. Pag nalusutan hanggang doon na lamang. Pag nalusutan, sisibakin tapos ire-recycle, ilipat sa ibang position. So another issue yan. Wala pa tayong narinig pero hindi ibig sabihin walang ginagawa ang DOJ or NBI kasi sinimulan nila, inaresto nga nila ang (co-owner ng) dialysis center. Medyo bold ang kanilang ginawa kasi warrantless arrest ang ginawa nila. Katunayan nag-file ng petition, ng writ of habeas corpus, at ito dismissed ng korte. Ang huling balita nakapagpiyansa ang isang may-ari. Isa pang issue rito connected din, meron ding dot na pwedeng i-connect, lumalabas inaanak sa kasal ni Sec Duque ang co-owner. May circumstances na pwede tayo magisip na lilibre na lang dito? At the very least hindi sa ano, at the very least sa issue ng propriety o delicadeza. Inaanak mo ang pangunahing character na involved sa napakalaking anomalya noong ako PhilHealth president nagkaroon ng anomalya, yan ang pino-point out ko. Di ko sinasabing guilty siya, di ko sinasabing sibakin siya. Pero at the very least, propriety dictates, samahan ko ang aking mga board member.”

“Magkusa siya na mag-submit ng courtesy resignation. Ito dapat ginawa niya, sumabay siya sa pagsumite ng courtesy resignation although ang utos ng Pangulo siya hindi inuutusan pero kung ikaw ang pinuno o chairman ng board ng isang ahensya o corporation, PhilHealth specifically, dapat ilaw manguna kasi ang tawag doon leadership by example. Yan most abused phrase ang leadership by example pero ito pinakaimportante sa liderato eh. Kasi ako I consider leadership by example as second to none. Walang substitute yan eh. Kasi pag hindi nagle-lead ng example ang namumuno the whole system collapses.”

“Ang reaction niya, bakit ko raw inungkat samantalang yan matagal na at dismissed na, na-confirmed na siya ng CA, na ako member, at wala raw nag-oppose. Kaya nga naungkat kasi may panibagong anomalya. At maski na-dismiss ng korte saan napunta ang P500M na maliwanag ginamit sa pangangampanya? Issue pa rin yan. Di mo masasabing sarado as far as court case at hindi natin alam naman ang specifics kung bakit dismissed ng korte. Totally ba walang batayan o nagkulang lang ang prosecution na mag-present ng evidence to prove guilt beyond reasonable doubt? Remember napakataas ng threshold para ma-convict ang isang respondent. Guilt beyond reasonable doubt. Maraming na-acquit na guilty rin, hindi alam guilty beyond reasonable doubt. Maraming nadi-dismiss sa technicality, dismissed dahil well-connected, may impluwensya. Yan ang sinasabi kong double standard di lang sa executive branch sa pagpapatupad o pag-implement ng executive functions, kundi pati sa pag-administer ng justice meron ding tinatawag na double standard. If you are not well-connected, walang connection sa judge o sa Sandiganbayan, malamang sa hindi masentensyahan ka. So anong nakasaad sa resolution o decision sa pagka-dismiss ng kaso nya? Siya ba talagang unequivocally walang kinalaman, sinabi ba ng korte yan? Hindi natin alam yan.”

On DOH handling the Universal Health Care program/budget:

“Pagkalaki-laki. P254B nakalagak na budget na dahil sa pagpasa ng UHC. Mahigit P254B para sa taong ito.”

“Sa GAA yan. Meron pa itong premium na binabayad ng employed, 2.75%. May balita pa na gusto taasan ito ng 5% para mapondohan ang requirements ng PhilHealth sa National Health Insurance Premium. Malaking premium ito, kasi lahat ng residente, lahat na Pilipino dapat makinabang dito although hindi talagang kumpleto o hindi total. Ganoon kalaki. Ngayon, dahil may ganitong anomalya, pagkatiwalaan ba natin ang PhilHealth mag-handle ng ganitong kalaking budget? Katunayan PhilHealth ang isa sa nagbabalangkas ng IRR dito, sa UHC.”

Guarding the budget for DOH, PhilHealth and UHC:

“Doon kami magtutuos pagdating ng budget deliberation. Kung napapansin mo, concentrate ako dati sa pag-interpellate sa DPWH budget. Yan ang maraming nasasayang na pera. Pero ngayon nagbigay ako ng instruction sa aking staff, researchers ko, na i-expand namin for budget ng 2020, isama ang budget ng DOH and DA kasi marami rin akong narinig na anomalya although wala namang malinaw pa sa DA. So dadami ang trabaho pero di bale. Katungkulan naman namin yan, kaya kami nahalal para magbantay ng oversight o pagbalangkas ng national budget, ang GAA. Kasi ito ang one single legislation na pinakaimportante sa lahat na pieces of legislation. Ang GAB ang pinakaimportanteng matalakay. Hindi bale nang huwag kami magpasa maski anong bill, basta maipasa ang national budget, kasi ito ang lifeblood ng ating bansa, ng ating mga kababayan.”

“Alam mo kaya nag-accumulate ito ng P154B kasi hindi lang dialysis ito. May mga ospital sa malalayong lugar na talagang ghost. Naninigil sila sa PhilHealth wala naman silang pasyente. Parang kunwaring pasyente na wala naman pasyente. May alam akong lugar sa malalayong lugar sa Mindanao, ganoon din mga issue. At ito it has been going on for so many years. Napakaraming yumayaman to the detriment of those na nangangailangan ng health insurance. Di ba tayo mismo, ikaw sigurado may nagkasakit na kamag-anak, PhilHealth dapat sagot nila pero pag nag-compute ang ospital kakapiranggot ang sasagutin ng PhilHealth ang laki pa ng babayaran natin.”

“Kaya nga nakakapanggigil na marinig mong may P150B na nakikinabang iilan-ilan lang tapos narinig mo pa inaanak ng SOH na siyang chairman ng PhilHealth. Di mo ba pupunahin yan?”

On implementing the law to stop greed:

“Implementation, greed ito. Ang iba talagang insatiable na, wala nang kabusugan. Ang masakit nito parang adding insult to injury, ang tinatamaan ang nakapakaraniwan, the most common na pangangailangan ng ating mga kababayan which is health. Pagka nga nagda-draft tayo ano ang pangunahing concerns, health, poverty, education, karamihan health nangunguna ito. Kaya tayo natutuwa nagkaroon ng UHC act pero PhilHealth na naman ang mag-handle, DOH na naman ang mag-handle. So kailangan mapagbantay tayo. Hindi lang kaming mambabatas kundi media, at kababayan natin. Pag may alam sila na ghost na pasyente o dialysis center na tumatanggap ng ghost patient, dapat kumibo tayo. Kasi hindi na biro-biro ito.”

On how the National ID can help stop this graft:

“Makakatulong in the sense madali ma-identify kasi hindi naman talagang ghost; hindi ko alam kung ghost na walang ganoong tao. Ang alam kong modus operandi existing ang tao na kunwaring na-admit pero actually hindi na-admit. Maski may national ID may ID siya pero wala naman talaga siyang sakit. Bibigyan lang siya ng ospital na ito ang parte mo at kami na bahala maningil sa PhilHealth. Hindi literally hindi nag-e-exist ang tao. Kaya tinawag na ghost, ghost patient; malusog na malusog o sipon lang pero charge sa PhilHealth kunwari may pneumonia o na-admit na 3 araw pero actually outpatient.”

On moving forward after PhilHealth controversy:

“Yang namamahala ng PhilHealth dapat talaga hindi questionable ang integrity. Tapos dapat tayo nasa sa atin din kaya kailangan talaga hindi lang tayo mapagmatyag kundi kikibo rin tayo. Kasi ang mga yan pagka alam nilang may nagbabantay at may nagsasalita nagfa-fallback sila, parang teka muna lie low muna tayo kasi napansin tayo. Kung lagi tayong namamansin e di palagi silang mag-lie low, at makatipid tayo. Pero kung tayo alam nating may ganoon at hindi tayo kikibo akala nila di sila napapansin so ang tingin nila, routine ito, parang okay lang tayo kasi nalaman ng kapitbahay ko may anomalyang ganito pero hindi siya kumikibo. Ayaw natin ito dumating sa punto ang publiko parang accepted na nila kasi systemic na yan, part na ng sistema natin bayaan na natin yan. Ganoon nangyayari sa gobyerno natin. Ang kababayan natin parang wala nang mangyayari riyan, imbestiga ng imbestiga walang nangyayari, huwag na lang tayo kumibo. Ang mga nakikinabang walang kumikibo e di gawin na nating routine ito.”

On how the NBI and authorities are handling the issue:

“Ibig sabihin, ang kasong ito umaandar ito kasi nagpiyansa nga kasi bailable ang case. Pero hindi ni-(release?) ng NBI. I’m sure may dahilan ang NBI, baka isang kaso lang ang nakapagpyansa baka marami silang nakasampang kaso riyan kasi maraming counts yan. I’m sure di lang isang count ang file ng NBI riyan at ako the NBI, they took a bold step in risking whatever countercharges they may be facing afterwards. Dahil inaresto mo nang walang warrant maliwanag sa Rules of Court ang kung kailan ka pwede mag-aresto nang walang warrant. Ito kung fugitive or in the act or may personal knowledge. Pero ako saludo rin ako sa NBI nag-take sila ng risk at sila nasusugan ng korte na may basehan ang pagkaaresto. So nariyan na yan, hindi ni-release sigurado may dahilan ang NBI at di natin alam pa ano ang dahilan ng NBI kung bakit in spite of release order na in-issue ng court di naman ni-release ng NBI. Kaya nasa kanila yan at sigurado may dahilan sila riyan kasi puro abogado ang nariyan, ang director abogado lahat abogado, alam nila ginagawa nila.”

*****