In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– sinking of a Philippine fishing boat by a Chinese vessel
– corruption at PhilHealth
– Sen-elect Bong Go’s potential help vs pork
Quotes from the interview…
On the conflicting versions on the incident off Recto Bank, those of Filipino fishermen and of Chinese embassy:
“Mas dapat natin paniwalaan ang kababayan nating fishermen. Wala naman akong nakitang motibo dahil halos ikamatay nga nila ang pangyayari, para magsinungaling pa sila o gumawa ng istorya at (malapit) naman sa reasonable na pag-iisip ang nangyari sa kanila. Dahil sinabi nilang binalikan pa sila at umikot, ibig sabihin talagang sinadya at talagang parang sinisiguradong mamamatay sila dahil pinanood na lumulubog ang kanilang fishing boat bago umatras at umalis. So anong ibig sabihin noon?”
“At ang Chinese Embassy kung mapansin mo parang tentative sa kanilang istoryang pinalabas. Naglabas ng kalatas, pagkatapos tinake-down. So hindi kumpleto. May mga usapin na pwedeng ito ay militia, yung maritime militia ng China. Pero sa akin hindi na rin importante kung maritime militia, vessel ba ng China yan o civilian na fishing vessel. Ang importante lahat nito, anong gagawin ng China dahil nakikipagkaibigan sila sa atin at yan ang sinasabi nila na tayo tinuturing na kaibigan. E bakit ganito ang trato nila sa ating mga kababayan doon pa naman sa loob ng ating pag-aari?”
On Chinese embassy’s claim that the Chinese vessel did not help the 22 Filipino fishermen because it was afraid of ‘retaliation’:
“Sabi ko nga ang story nila it doesn’t make sense parang nakakainsulto sa intelligence ng mga Pilipino ang kanilang pinapalabas na explanation. So dapat gumawa muna sila ng maayos na script kung sila man ay walang plano na ilahad ang buong katotohanan. Gumawa sila ng script na kapanipaniwala, hindi yung parang nangiinsulto sila na tayong mga Pilipino ay bobo.”
“May mga international law na nakapaloob diyan pero pabayaan natin sa abogado ng pamahalaan yan. Ang importante rito as far as I’m concerned, dapat abangan natin anong aksyon na gagawin ng Chinese leadership. Kasi nakikipagkaibigan sila lalo napaka-accommodating ng ating Pangulo mismo sa kanila at kay President Xi ng China. At talagang sinsero ang pakikitungo natin sa kanila, suklian naman nila nang kaunting respeto.”
“Ang sinasabi ko nga, itong pangyayaring ito, itong ramming ng boat, call it ramming, collision, accidental or whatever, the fact na inabandon nila at hahayaan nilang mamatay ang alam nilang lumulubog na barko, it’s bad enough. And itong pangyayaring ito should be a test of both respect and patience. Respeto on the part of the Chinese government toward a supposed ally na tayo, Pilipinas. At patience, ang patience ng mga Pilipino rito. At ako naintindihan ko naman na hindi pa nagsasalita si PRRD kasi nga may karampatang action na ginagawa ang DFA. Nagsasalita naman ang ating spokesperson at may karampatang aksyon na ginagawa ang gobyerno. It’s not as if tayo parang bahag ang buntot na wala nang ginagawa, at least ang Philippine government.”
On President Duterte’s ‘silence’ on the issue:
“If I know PRRD, he values friendship. Pero ako I’m sure he loves his country more. Kasi ito sensitive issue ito as far as the PH leadership or the presidency is concerned. Sensitibo because sabi ko nga kanina nakikipagkaibigan tayo sa China nang buong sinseridad. Hindi siya agad magsasalita diyan unlike statement niya sa Canada dahil may kabastusan na binanggit ang PM ng Canada against him at the time. So yun medyo bara-bara. Pero ito para sa kanya sensitive ito kasi nagpapakita siya ng pakikipagkaibigan na sincere. Pero pinagaaralan niyang mabuti.”
“I’m not being an apologist to PRRD pero yan ang nakikita kong dahilan kung bakit hindi siya nagsasalita. Dahil kumakalap siya ng kumpletong information tungkol dito. Sa ngayon medyo kumpleto na and mismong ang FOIC ng Philippine Navy ang nagsalita na hindi ito collision lang kundi talagang sadyang pagbangga sa fishing boat. At narinig natin ang pahayag mismo ng kapitan ng fishing vessel ng Pilipino na sinasabi niya yan talagang firsthand or personal account ng nangyari sa kanila. At sabi ko kanina sa pauna kong salita mas papaniwalaan ko ang pahayag ng ating mga kababayang fishermen kesa sa anuman ang nilulubid-lubid na istorya ng China.”
“Iba ang dating at iba dapat ang punitive action na gagawin ng liderato ng China. Kung civilian fishing vessel dapat gumawa rin sila ng karampatang action na commensurate sa kanilang ginawang offense kasi maituturing natin na criminal offense yan. Kasi buhay ng tao yan pinabayaan mo. Di ba may batas na umiiral na dapat kung may vessel or boat in distress, obligasyon ng makakita, Coast Guard man o anuman, na tulungan. E ito aggravated by the fact sila pa mismo ang bumangga.”
“(A diplomatic protest) is an initial step at mabilis ang action ng DFA secretary na medyo raw pa ang information, hindi pa lumalabas ang pahayag ng fishermen, nakapag-file na siya ng diplomatic protest based on the statement of the SND. Dahil sabi naman niya he takes his cue from the SND kasi ang assumption noon, responsible ang statement na pinalabas ni Sec Lorenzana. So hindi natin matatawaran na talagang immediate at saka firm ang naging decision ng SFA at siya ang alter-ego ng Presidente. Hindi naman gagawa ng ganoon ang SFA kung walang at least imprimatur galing sa Pangulo msimo.”
On need for leader-to-leader talks:
“Sensitive at hindi ordinary ang pakikipagugnayan ng PH sa China at pakikipagugnayan ng China sa PH. Hindi ito the usual diplomatic relations. Pinagtibay ito dito sa ilalim ng admin ng PRRD. So hindi ito pwede pabayaan lang nag-uusap ang people to people o mga senators at members ng People’s Congress ng China, kundi high level talaga ito dahil nakataya rito ang diplomatic relations ng 2 bansa. So dapat ito hahantong dapat sa leader-to-leader talk para magkaintindihan na.”
“Para sa akin napaka-crucial. As far as I’m concerned yan ang inaabangan ko. Anong action ang gagawin ng China sa pangyayaring ito? Dahil ngayon medyo lumilinaw, nagki-crystallize ang mga facts as they come in. Mas naliliwanagan natin kung ano talaga ang pangyayari. So crucial ang magiging action na isasagawa ng China, ng liderato mismo, o ng buong Chinese government, against those who committed the offense. Yan ang aabangan natin kasi doon makikita ang sinseridad. Tayo naman nagpapakita tayo ng patience pero sabi ko nga the clock is ticking on our patience. Hindi naman as if ang pasensya natin walang hangganan, lahat na pasensya may hangganan. At ito inaabangan din natin kaya napaka-sensitive ng issue kailangan talaga ang gagawing action din ng ating pamahalaan ay pag-aralan ding mabuti.”
On calls to recall PH ambassador to China:
“Ipaubaya natin, ang nakakaintindi, ang may expertise doon ang in charge ng ating diplomatic relations. Ipaubaya natin sa DFA, mas alam nila ang gagawin kesa sa atin. Of course tayo we can make any comment we want pero at the end of the day, sila ang policy-making body tungkol sa mga issue na ganito.”
On Senate probe of the issue:
“Depende sa magiging takbo ng pangyayari mula ngayon hanggang sa magsimula ang 18th Congress. Kung makita nating may progress at di na kailangan tumawag ng kaukulang inquiry in aid of legislation kung anong papalit sa batas, hintay natin anong susunod na development. Sa ngayon sa tingin ko husto ang action na ginagawa ng executive dept. Ngayon tingnan natin magde-develop in the coming days or weeks.”
“Ang foreign policy, sa executive branch yan. Sa SFA, sa Presidente mismo. Sila nakikipag-deal sa ating allies na meron tayong mulitilateral relations. Ang Kongreso especially Senado kasi kami nagra-ratify ng tratado dapat tingnan namin yan pero sabi ko nga, alamin muna natin ang susunod na pangyayari kasi mahaba pa panahon at tingnan natin magiging action ng China. Kung ito short sa ine-expect at least from the point of view of the majority of the senators, doon kami magsasaagawa kung ano mang action ang nararapat sa poder ng PH Senate.”
On Sec Duque not filing courtesy resignation due to PhilHealth row:
“Ang chairman ng PhilHealth ang SOH. Nag-courtesy resignation lahat na board member, e paano ang chairman? Ang nakikita ko parang 2 ang standards, isa para sa mga board members, isa para sa chairman. Mas mabigat pa nga kung tutuusin ang responsibility ng chairman kasi siya namumuno. Ngayon naalala ko tuloy kasi ako nag-expose nito noon way back in 2004 ang OWWA funds sa Medicare nila diverted papunta sa PhilHealth cards, paggawa ng PhilHealth cards na pagkalaki-laki ng litrato ni dating PGMA at may acronym Greater Medial Access, GMA, obviously pangkampanya. Sagot si Sec Duque kesyo dismissed na yan, kesyo huwag na ungkatin, confirmed na siya. Pero sagot ko roon, it’s P500M in people’s money. At gusto niya pass tayo ng pass maski na-dismiss ang kaso paano ang P500M na pera ng mga Pilipino? Yan ang issue roon. Aside from of course bakit 2 ang standards, dapat 1 lang.”
“I have nothing personal against Sec Duque; kaya lang lumabas itong issue dahil sa pangyayari na isipin mo P154B hindi yan maliit na halaga. Napakaraming kababayan natin na hindi maka-avail ng health insurance. Pag pupunta ng ospital pagkaliit-liit contribute ng Philhealth para sa medical expenses. Ako mismo naka-experience ako riyan, nang ang misis ko na-confine sa hospital. Pagkaliit-liit pala ng sinagot ng PhilHealth na medical expenses. E lalo ang walang pambayad. Isipin mo kinakaltasan tayo at may plano PhilHealth dagdagan pa gawing 5%, may planong ganoon 5% kakaltasin sa sweldo ng taxpayers para contribute sa PhilHealth. Tapos makarinig ka P154B na ini-squander nila. Di ka ba magagalit noon?”
“I-divide mo, hatiin mo P154B sa P50M na threshold amount para sa plunder. Isipin mo ilang plunder yan. In a manner of speaking, I’m talking symbolically, P154B divided by P50M, isipin mo ilang plunder nakapaloob diyan kung ating dadaanin sa numero.”
“Kung may mga resolution na humantong sa pagkawaldas ng pera di ba lahat sila nakapirma sa resolution? At yan board action yan, hindi isang tao lang. So dapat talaga may accountability dahil pinaguusapan dito pera ng bayan. Consistent naman ako pagka taxpayers’ money ang involved, napaka-passionate ko tungkol diyan dahil nga pinapahirapan tayo ng pagtaas ng buwis tapos makarinig tayo nang ganyan maha-high blood ka talaga. Dagdag tayo ng dagdag ng buwis, pero ang natatapon na pera sa budget natin o sa contribution natin PhilHealth o anuman, nakikita natin nasasayang. May pahayag si former Sec Garin kada galaw may tig-P32K ang taga-PhilHealth. So dapat tingnan ito ng NBI dahil sila gumagawa ng investigation, para talagang malaliman at panagutin lahat di lang members ng board kundi pati mga director, kung sino ang involved sa PhilHealth official dahil sa pagkawaldas ng pera na ito.”
“Ang PhilHealth nagkataon concurrent capacity ang chairman of the board, ialis natin ang usapin ng DOH although magkadugtong yan kasi ang nakasalalay dito ang Universal Health Care na pinasa ng Kongreso at ito isang landmark legislation at ito push ng Pangulo ito. Tapos doon pa ilalagak sa PhilHealth ang kaukulang halaga. Sila mag-implement, tapos makarinig ka ng ganyan. Pagkakatiwala mo ba ang napakalaking halaga sa national budget para sa health insurance ng ating mga kababayan?”
“I’m not asking for (Duque’s) head. Ang pino-point out ko lang dito ang issue ng double standard at saka ang tinatawag nating propriety. Nag-courtesy resignation ang members ng board. Equally important for propriety’s sake na ang mismong chairman at the very least mag-submit ng courtesy resignation. Whether or not tanggapin ng Pangulo is another matter. Pero propriety dictates kaya naungkat ko pa uli dahil pumasok sa isip ko naalala ko dahil malaking issue ito noong 2004 na ginamit pangkampanya ang kalahating bilyong piso. Siya ang PhilHealth president, di ba relevant yan? At the time he was PhilHealth president. Nang nanalo si PGMA in 2004 na appoint siyang SOH. So reward yan dahil kasama na nga rin dahil kasama siya sa kampanya. Ok sumama sa kampanya although may issue ng kung hindi man propriety e ang batas na hindi pwede sumama sa kampanya ang mga nasa gobyerno kasi dapat parang impartial sila. Pero ang worse, naging kasangkapan pa ang PhilHealth para maglabas o mag-procure ng PhilHealth cards at ang target nila ang areas kung saan malakas ang the late FPJ. So anong intention noon? Para manligaw ng boto kasi yan ang lugar na target nila mag-distribute ng PhilHealth cards na pagkalakilaki ng litrato niya at may kanyang initials. Anong purpose? Di ba napakasimpleng ginamit ang pera na di nila pera? Ngayon, kung paano nadismiss ang kaso ipaubaya natin dahil yan action ng korte. Hindi lahat na nadismiss ang kaso based on merit kasi napakabigat ng requirement, guilt beyond reasonable doubt. Kaunting doubt lang pwede madismiss ang kaso. But it doesn’t mean pag dismissed ang kaso hindi guilty o walang kinalaman ang sinakdal. But yes, ang pinakapunto ko rito ang issue ng double standard. Pag nakita ito ng mga ibang opisyal, siyempre sabihin nila business as usual, gumawa tayo ng pera, napakadali naman ito idepensa kasi kung meron tayong pull o malakas tayo sa Malacanang malamang sa hindi malibre tayo so gawin na rin natin. Yan ang tinatawag na business as usual o more of the same. So wala na tayong patutunguhan kundi corruption na lang tayo ng corruption. Sa 1 taon ang proposed budget P4 trillion. E kung kukuwentahin natin natatapon sa corruption and inefficiency, easily pwede natin sabihin baka hindi kukulangin P1 trillion tapon eh.”
“Doon nasusukat ang leadership qualities. Pag consistent ka, ang consistency makes a leader stronger. Kasi pag di ka consistent ma-weaken ang leadership because palakasan. So eventually mag-erode ito, mag-cascade ito sa rank and file makikita nila, maghanap tayo ng padrino. So ma-weaken ang leadership but if you are consistent, standard sa isa standard sa lahat, that strengthens your leadership.”
“May action ginagawa ang DOJ. Nagiimbestiga sila, hintayin natin kung ang imbestigasyon ay totohanan na investigation o pampalamig investigation.”
On early checking vs irregularities in 2020 budget:
“Talagang ngayon pa lang pinagaaralan na namin budget ng DOH pati ang kung ano ang nangyayaring anomalya sa PhilHealth. Kaya maasahan nyo pagdating sa budget kung noon medyo naka-focus tayo sa general principles pati sa DPWH nagbigay ako ng instruction sa staff na i-expand ang aming research sa ibang department. I mentioned DA kasi marami ring report ng anomaly at corruption sa DA, ang natanggap namin at least sa opisina, at pati DOH. Mas maraming trabaho pero yun lang nararapat gawin kasi pagdating ng budget deliberation pera ng bayan pinaguusapan diyan so dapat talaga katungkulan namin, obligasyon namin bilang elected officials, na busisiin.”
On expectations of Bong Go as Senate health panel chairman:
“I hope he takes that path. Kung siya ang chairman ng committee on health gawin niya rin ang nararapat gawin. Ako umaasa base sa narinig kong pahayag niya gagawin niya ngayon pa lang alam ko nag-aaral yan. Gagawin niya ang dapat gawin. Kaya niya gusto makuha ang chairmanship ng committee on health kasi nariyan ang passion niya. Kasi sinasabi niya meron siyang Malasakit Center. Gusto niya talagang to the hilt mag-function yan. So tama ang kanyang direction. Ang sa akin lang, pagdating ng national budget, dapat kami magtulong-tulong. Hindi ang iba parang ok lang, kung ano man ang takbo, basta meron akong insertion diyan ok na sana hindi ganoon, both Houses.”
On Senate committee chairmaships:
“Halos plantsado na. noong Huwebes nagusap kami, 1-2 committee lang ang hindi naman sakit ng ulo niya. Kasi sabi niya madali i-resolve. At ako ang sinabi ko sa kanya basta ako as far as I’m concerned ang committee na gusto ko gustuhin ko man yan at senior akong senador, kung ikasasakit ng ulo mo at talagang sakit ng ulo ang ibibigay sa iyo pabigay mo. Yan ang sabi ko sa kanya. Sabi naman niya, yun nga, hindi naman daw dahil bawas na bawas ang sakit ng ulo niya.”
“(Ang accounts committee) ang di niya mapayagang mawawala sa akin. Unang una may naka-pending tayo sa Senate relocation. Naumpisahan ko na yan, gusto ko tapusin. Pangalawa mula pa liderato ni SP JPE talagang walang gustong kumuha niyan e binigay sa akin. E di sige challenge yan, hindi tayo nagshi-shirk sa responsibility. Kung talaga gusto nilang hawakan ko ang committee on accounts e di patuloy kong hawakan.”
*****