Interview on DZRH: ‘Conflict of Interest’ at PhilHealth | June 20, 2019

In an interview on DZRH, Sen. Lacson answered questions on:
– DOH Sec Duque’s possible conflict of interest
– need for ‘overhaul’ at PhilHealth
– 22 fishermen abandoned by Chinese crew at West PH Sea
– Senate independence in the 18th Congress

Quotes from the interview…

On whether Sec Duque should resign over conflict of interest at PhilHealth Regional Office 1:

“Ang pagbitiw talagang kusang loob nanggagaling yan sa kinauukulan. Yan naman ay hindi pwede except if ikaw ang appointing authority pwede mo sabihan mag-file ng courtesy resignation. Pero maski sinong tao maliban sa Pangulo walang may karapatan magsabi sa kung kanino man na appointee ng Pangulo na mag-tender ng resignation.”

“Kung may maliwanag na dokumento na conflict of interest, dapat mag-resign na ba?”

“Without imposing on him and speaking in general terms, tama yan. Siya ang ex-oficio chairman of the board ng PhilHealth at ang lahat na board members pinagsabihan ng Pangulo mag-tender ng courtesy resignation. I think it would have been incumbent upon him mag-tender ng courtesy resignation. Pag nag-tender ka ng courtesy resignation, hindi naman ibig sabihin nag-a-admit ka ng guilt. Question lamang yan ng propriety, leadership, moral ascendancy, responsibility, etc.”

“Naging incidental lang itong pagkaungkat ng kanyang conflict of interest, ang issue na yan. Pero yan nga napagusapan natin, at pinaguusapan dito base na rin sa ating nababasa at naririnig, P154B, I think it’s even more than that. Ang hinaharap natin kasi napasa ang UHC nakapag-set aside ang Kongreso after BCC ng P217B, so idadagdag yan. At nagpasa tayo ng sin tax law kung saan may P22B pang-augment sa UHC Act. At kulang pa rin kasi may funding gap pa rin na P40B, hinahanap pa rin ng pamahalaan. Tapos makakarinig tayo na over time ganoon kalaki P254B ang sinasabing na-squander. Sabihin na natin kasi napakaraming modus operandi kung saan inaaksaya ang pondo ng PhilHealth, naroon ang ghost dialysis, tapos may mga hospital na deliberately nag-e-extend kunwari ng confinement ng pasyente pero na-discharge na, at pagkatapos sisingil uli sa PhilHealth. We are all practically members of PhilHealth so may contribution tayo riyan. Bukod pa roon sa ating buwis na binabayaran contribution pa rin natin yan sa PhilHealth. At pagka nakarinig tayo ng ganyan, to say the least, revolting ang ating sentimyento dahil patuloy na parang nauubos at nauubos ang pera ng PhilHealth.”

On need for revamp at PhilHealth:

“On top of filing criminal and administrative charges against those responsible, kailangan talaga magkaroon ng overhaul. Hindi biro-biro ang halaga ng involved dito. At hindi rin biro-biro lalo ang halaga na ang papasok pa sa kanila na ima-manage nila. Katunayan, even as we speak, ang nagda-draft ng IRR ng UHC Act, PhilHealth din. Para kang … pinagkatiwala ang alaga mong manok sa buwaya.”

“Ang pondo nariyan na, pero ang pag-release ng DBM nasa sa kanila na yan. Kailangan muna linisin ang PhilHealth at sistema mismo. Kasi kung bulok ang sistema at ang isa pa rito ito incidental lang, kung mismong chairman of the board and ex-oficio chairman involved sa conflict of interest issue paano siya gagalangin ng nakakababa? At sabi niya wala siyang kinalaman, di niya alam, ang kanyang family corporation nag-divest na siya, pero ang sinasabi naman ng General Information Sheet na nakuha sa SEC, naroon pa rin siya, member siya ng board na may kaukulang number of shares, mahigit 7M kung iko-convert sa pesos.”

On Sec Duque’s denial of conflict of interest:

“Ang balita ko nga, kahapon after nang matalakay namin doon sa Kapihan sa Senado at na-expose ko dali-daling gumawa ng sulat ang PhilHealth na hindi na raw nila ire-renew. Hanggang Dec 31, 2019. After the fact eh. Anong ibig sabihin noon?”

“Kung hindi mo alam ibig sabihin inefficient ka hindi mo alam ang nangyayari lalo kung family corporation mo involved hindi depensa ang sabi mong hindi mo alam. Alam nating hindi kapanipaniwala yan. Katunayan meron ding information nagsasabi ilang beses nang gumawa ng proposal ang Regional Office 1 kung saan naghahanap sila ng ibang location within Region 1 na paglilipatan ng opisina, at ito ay binabalewala ni Sec Duque sa kanilang board meetings. Pinatanggal sa agenda.”

“Nagpapakuha tayo ng kaukulang, kasi Itong information, ang magandang nangyayari parang nagigising ang mga karamihan ng kawani at sa kanila na nanggagaling mismo na information. Sa tingin mo saan kukunin ng PDI ang kanilang information? Pinpoint ang accuracy. Kung hindi sa loob, kasi napakahirap kumuha ng information kung walang magre-report sa loob ng PhilHealth.”

On issue of leadership:

“Pag may problema sa sistema at ito tumagal, may pumasok na bagong leader or manager, at walang nangyari at walang nabago, ang ibig sabihin noon, business as usual. Nakakita ang liderato, ang rank and file karamihan ng rank and file nakakaranas ka na rin ma-manage ng mga tao. Sa umpisa pag may bagong manager nakikiramdam yan, anong diskarte nito? Pag nakitang totohanan ang kanilang bagong boss susunod naman yan dahil iba naman diyan, halimbawa ang BOC nakakausap ko collector at opisyal diyan, dati at current. Sabi nila kung ano ang kumpas susunod sila kasi una, made na sila. Ganoon din sa PhilHealth. Kung daang bilyon ang nawala sa PhilHealth daang bilyon naman ang kinita ng mga kung saan dumadaan ang pera o pondo ng PhilHealth.”

“Kasi parang ang nagiging attitude, it has become a routine sa perspective ng kawani ng pamahalaan. Sa publiko naman, ito ang masama, ang pakiramdam natin anyway it’s a given, pabayaan na lang natin. Pagka ganyan naging attitude on both ends wala na tayong pupuntahan. Dapat meron talagang pagbabago within at sa labas ng gobyerno. Sa attitude ng ating mga kababayan at doon sa ginagawa ng mga taong gobyerno. But you know, it works both ways. Pag resigned ang publiko, mamimihasa na ang taong gobyerno. At pag hindi nag-iba ang kalakaran sa loob ng gobyerno, wala rin kasi pag nagbago ang tao mamumulat. At sila mismo pag nakita ang pagbabago nai-involve na rin sila. Either way, ang public nagmamasid, nakikiramdam. At kung sagad-sagad na, pero by and large yan nakakalungkot din kasi naging kalakaran, parang wala nang mangyayari riyan talagang kalakaran na yan. Yan ang nakakalungkot na papakinggan. Naging routine na.”

On PhilHealth not acting on cases involving its own personnel:

“Naka-ready nga raw ang shredder. Ano ba talaga mangyayari? Sa halip na ‘noted and filed,’ kung shred pa, talagang walang action. Anong ibig sabihin noon?”

“Ang nabanggit ko kahapon nang ako ay nasa Kapihan, yan maliwanag may grave abuse of authority dahil ang PhilHealth being a quasi-judicial body dahil sa RA 10606 na sinasabing pwede mag-imbestiga, pwedeng mag-adjudicate at pwedeng mag-impose ng penalty. Ito ang isang kaso ng isang ospital sa Cebu may nag-complain, nakarating sa kanila, nagimbestiga, maganda ang resolution ng kaso suspension 3 months at fine na P100,000 or even more. Ang PhilHealth kasi, being a quasi-judicial body, ang mga kasong dinedesisyon nila pwede i-appeal sa CA kasi parang ang level nila RTC. In the ordinary course of things, pag ang CA ang nagdesisyon, hindi pwede baligtarin ng lower court dahil may hierarchy of court, SC lang pwede mag-reverse ng CA. ito bago lang Jan 2019, maski si Sec Duque nakapirma sa resolution, ang decision binalewala na ang in-uphold na decision ng CA. Effectively binaligtad nila ang CA. That’s beyond their authority. May pananagutan sila dapat sa batas.”

“Mas maliwanag ito na abuse of authority kasi beyond their authority, hindi mo pwede i-reverse ang appellate body na mas nakakataas sa iyo.”

On Senate independence in the 18th Congress:

“Interesting. Kasi medyo iba ang mix ng composition ng Senado at ang isa lang na maasahan masisigurado namin, ang Senado ay mananatiling independent. Time-honored tradition yan, unlike the HOR kasi may mga parochial concerns sila, kami national ang constituency namin. So talagang mananatiling independent ang Senado from the executive branch at kung anong nararapat gawin. Ito napatunayan over time. Time and again tulad ng nakaraang first 3 years ng Duterte presidency kami maraming kaalyado ng Pangulo pero hindi niya matulak-tulak ang federalism kasi maraming concerns ang aming hanay mapa-ally ng Pangulo o hindi, kaya hindi talaga nakalusot ang Charter change kasi ang daming alinlangan.”

On issue of abandonment vs 22 Filipino fishermen:

“May bagay din yan pero ang mas mahalagang issue rito ang inabandona na nakitang lumulubog bakit hindi tinulungan? Ito saklaw naman ng batas sa international law na kung saan ang SFA nag-file na rin ng complaint sa IMO patungkol dito. So may kaukulang hakbang naman na ginagawa ang concerned kawani ng pamahalaan. At hintayin na lang natin anong mangyayari. Pero hindi na mababago ang sitwasyon. Ang pag-retract ng fishermen, understandable yan. Sabi ko nga, entitled naman sila sa lahat na pwede nila gawin. Ngayon nasa sa atin na yan kung papaniwalaan pa natin ang nauna nilang pahayag kontra sa kanilang pangalawang pahayag. But tulad ng sinabi mo nga, immaterial na yan kasi ang mas dominant issue rito, ang criminal act na kung saan iniwanan mo ang distressed sa dagat. Ke sinadya ke hindi, pero ang pag-iiwan the act of abandonment sadyang sigurado yan dahil kita mo lumulubog, inilawan pa nga raw sila. Even assuming di ganyan takbo ng pangyayari dahil sa nagbagong pahayag ng kapitan ng barko natin ganoon pa rin. Hindi maiibsan ang tindi ng criminal act, yung felony na tawag ni Sec Locsin, sa pag-abandon, sa hindi pagtulong.”

“Yan ang inaabangan ng karamihan kung hindi man lahat ng ating mga kababayan. Ano ngayon ang action na gagawin ng ating executive branch. Be that as it may, nagbago man o hindi ang declaration ng kapitan at kung ano man ang malalagay sa sworn statement na siyang magiging binding sa isang investigation; kasi ang interview, ang pakikipagusap, ang casual conversation pwede magamit din yan pero di yan kasingtindi ng sinumpaang salaysay. Pero sabi ko nga, immaterial kung accidental or intentional although mas may weight ang intentional sa pagsagawa ng investigation, pero hindi masyado yan ang issue. Ang issue ngayon na tutuon sa executive branch lalo na’t may marine inquiry na sinasagawa ang PCG. So it bears watching ano dapat ang mangyayari.”

*****