In an interview on DZMM, Sen. Lacson answered questions on:
– Mutual Defense Treaty to prevent, not trigger war
– former SFA del Rosario in Hong Kong
Quotes from the interview…
On the water problem in NCR, nearby areas:
“(Sa Imus), mabigat. 4 oras lang ang rasyon. At di lang siguro sa Imus, pati sa ibang lugar ganoon din ang experience.”
“(PH can take cue from Singapore in processing water) Kaya, kaya lang napakalaking halagang aabutin. Ang processing, desalination. Sa ME ganyan sila pero malaking halaga. Dapat mapagaralan kung cost-effective ba. Kung puhunan ang investment, ilang taon. Siyempre mga negosyanteng gusto mag-invest diyan. Ang Israel dinala dito ang technology nila. Maski burak ang tubig na-demo ito sa Senate noon. Nag-donate sila water tank pwede convert, may kabahuan ang tubig, pag process nila, paglabas naiinom.”
“Nang nakausap namin ang Israeli ambassador sabi niya in a month’s time meron silang dadalhin sa PH. May ido-donate sila. May donate sila sa PRC kaya Sen Gordon kausap nila. Cost ng tanker mga P30M pero enough sa isang maliit na community, pero potable.”
“Maganda rin na consider ang technology kahit malaki ang investment. Lalo pag summer. Maski umuulan nagrarasyon. Maganda tingnan ng govt or private investors ang bagong technology. Di ba ¾ ng buong mundo tubig.”
On joint PH-China investigation on WPS row; or SFA’s stand on separate probes:
“Mas mag-agree ako kay Sec Locsin. Nabanggit na ito. One cannot be a judge or his own case. Hindi natin ini-indict dito ang buong bansang China kundi kung sino may kagagawan. Pero nakita nating reaction di maayos through the foreign ministry spokesperson. Nauna sinabi ang katwiran kukuyugin ng kasamahan ng PH vessels. Take down nila yan at binawi. Ang unang response dapat yan ang pakiramdaman natin, doon ang sinseridad kung turing tayong kaibigan. Up front o deretsuhan kung may pagkakasala ang kababayan nila sabihin nila iniimbestigahan nila. Pero kung may pagtatakip magdududa tayo.”
“Kaya sabi ko nga mas mag-agree ako sa pananaw ni Sec Locsin, sa tingin ko yan pinaka-rational. Parang meron siyang magandang dahilan kesa panukalang joint investigation, parang maghuhusga ang iniimbestigahan natin.”
On Sec Panelo’s reaction to earlier comments:
“Ako di na ako nag-react. Basic yan. When you run out of reason ang tendency mo magiging irrational o violent. I just hope walang siyang block sa arteries o malakas puso niya at kaibigan ko rin si Sec Panelo. Nag-alala ako sa kalusugan niya kaya pinagbigyan ko.”
“Kaya sabi ko kanina, balik ako sa unang sinabi ko, pabayaan siguro parang lead Cabinet member dito bigay kay Sec Locsin.”
“Yan nga eh. Kasi magkakaiba. Okay kung in unison naririnig natin. Pero ilang beses natin narinig magkakasalungat. Iba sabi ng isa iba sabi ng iba. Kaya ko mabanggit parang kliyente niya ang China, dahil pahayag niyang nakita ko butas dito iba na ngayon kasi sabi ng cook ngayon. Di ba yan mindset ng defense lawyer?”
“Pagkasabi niya parang excited. O iba sinasabi ng cook. May doubt na ngayon. Parang may excitement. Maraming paraan ng pagsasabi pero maski demeanor habang nagsasalita napansin ko isa pa si Sec Panelo.”
On invoking Mutual Defense Treaty with US:
“Isang issue yan sa mga fishermen, humanitarian tapos hustisya. Ang mas malaking issue rito ang pakikitungo sa atin ng China at pakikitungo natin sa China. Kaya ko nabanggit, pwede naman invoke ang MDT kasi nariyan yan, 1951 pa. Pero sinalungat niya ako premature at di logical. Kaya nagtingin-tingin ako ang MDT, pag may armed attack, obligado ang US basta sa Pacific area obligado sila magresponde pero wala pa tayo roon. Sabi ko lang para maintain balance of power, pag may nakausap akong counterparts sa US na nag-call sa amin, Embassy o mismong US, nagtanong sila ano pwede maitulong sa WPS situation. Maitulong nyo rito pwede kayo mag-project ng balance of power para di kami masyadong nabu-bully.”
“Ginagawa naman nila yan. Kaya lang parang kulang, napakalawak ng Pacific Ocean, hindi sapat ang US Pacific Fleet. Pero kung dadalas ang patrolya at makikita nariyan mag-atubili ang China. Dahil kung walang balance of power isa lang siga at katapat katulad natin siyempre ganoon nangyayari. Bubungguin. Masama kung mangyari na ang ayaw natin mangyari na magkaputukan at involved ang PCG at halimbawa pwersa ng China. Yan iniiwasan natin so para mawala ang provocation na yan, magpakita ng presence ang US kasi meron tayong existing treaty.”
“When I say invoke, cite lang yan may kasunduan baka pwede gampananan ninyo ang obligasyon. Pero di natin sinasabing gyerahin nyo. Pag sabing apply kasi sabi nila di applicable, talagang di pa applicable. Di ko sabing i-apply. Pag applicable, gagamitin mo sa practical purpose, yan na. Pero wala pa yan. Sabi ko invoke natin kasi meron tayong existing MDT. Di nila nakuha gusto kong sabihin, reaction agad, di yan applicable. Sino nagsabing apply? Sabi ko lang i-invoke. Ang laking diprensya ng pag invoke ang treaty kesa apply. Mas makakaiwas tayo sa gulo pagka may balance of power. Ang iba di siguro naintindihan balance of power. Sa isang neighborhood may grupo na kayang durugin isang grupo di ba tendency masyadong aggressive? Pero kung nakita nila may kakamping matigas may resbak pagaralan natin mabuti. May ganoon. Practical lang.”
“Ang importante meron tayong treaty at narinig ko pahayag ni SS Pompeo, and yan parang may related yan sa nangyayari sa WPS. Sabi niya siguradong US ay under obligation to honor ang nakapaloob sa MDT. Magandang signal yan and probably said on purpose para sa China na huwag kayo masyadong magmalabis dahil nariyan kami. Parang ganoon ang mensahe. So sabi ko kanina may kausap akong taga embassy or visiting sa Senado nang napagusapan namin yan reluctant sila. Ok sa kanila yan gampanin ang obligasyon pero nakita nila ang medyo posturing ng Pangulo nakikipagkaibigan sa China at parang shift ang foreign policy. Baka i-call out kami that would make us feel unwelcome. Yan ang pinaghuhugutan ng salita ko bakit di invoke ang MDT. Ano ba kausapin counterparts sa US, ok maintain ang strong presence nyo di kailangan yan ipaalam sa China pero ang action will speak louder than words. Minsan call out nila US bakit nagpaparada ang aircraft carrier, ibig sabihin ramdam nila kaya nga sila kumikibo, dahil ramdam nila na pag nariyan ang US di nila pwede gawin ang gusto nila.”
“Ang Vietnam at Indonesia, maganda ang ginawa nila and I just hope we can follow their lead. Ang Indonesia nag-draw ng red line sa territory sa dagat. Define nila ito sa amin at binantayan nila di na makapasok ang China. Alam nila nariyan Indonesia determinado. Ang Vietnam ganoon din. Pinakita nila papalag kami. Pero kung tayo atras ng atras urong ng urong ang ating katapat sulong ng sulong naman.”
On going to war vs China:
“Wala akong sinabing ganoon. Sabi ko nga proactive yan, preemptive yan kung ma-maintain ang balance of power para hindi magkagiyera. Iniiwasan ko ang magkapormahan at nagkaroon ng putukan may trigger-happy on either side, mag-apply ang MDT at lalong malaking gulo yan. Ang end state nating tinitingnan kaya ko suggest invoke natin ang MDT para magkaroon ng balance of power, para maiwasan. Ang analogy ko kanina sa atin taga-Ilaya taga-ibaba, sa isang barrio sa norte at south, minsan girian yan. Pag alam ng norte kaya nila taga-ibaba, bully nila. Pero pag alam nilang may malakas manuntok sa kabila iwasan ang away.”
“Wala, never. Yan nga ang gusto ko iwasan. Karamihan na nagbibigay ng ganoong komentaryo alam naman natin mga trolls yan.”
On ex-DFA Sec del Rosario being barred from entering HK:
“Unang una, ang visa, privilege yan. Hindi yan karapatan. At any time, historically ang immigration officials pwede ka i-deny or i-allow ng entry sa kanilang bansa kasi bumibisita ka lang. Minsan may visa ka na pero pagdating doon deny ka pa di ka pwede tumuloy. For various reasons, pwedeng financial security, pwedeng details ng dati mong dalaw, pwedeng purpose ng pagbisita mo, even health reasons. Pwede silang mag-deny. Di natin ma-question yan kasi karapatan nila yan papasukin ka o hindi. Sa HK visa upon entry yan, di tayo apply kasi visa-free. Pero pag tinatakan ka roon approved visa mo. Kung hindi, di natin ma-question yan. Mismong isang immigration official lang pwedent kung nakursunadahan ka, na ayaw kang papasukin, questionin ka, di mo pwede i-question. Ibang usapan pag detained ka. Yan karapatan ng visitor na i-question o right to counsel tapos questionin at hingan ng due process kasi dine-detain ka na. Pero kung pino-process ka at dine-determine kung ikaw papapasukin o hindi, wala tayong matuwid na paggitgitan natin ang sarili natin. Kasi privilege lang yan.”
“Ang diplomatic passport is of no moment kung ia-allow or ire-reject ka. Ang bentahe ng diplomatic passport libre ka sa travel tax. Kami may diplomatic passport kami tapos meron kang red carpet treatment upon entry. Tapos may diplomatic immunity ka speeding di ka ma-fine. Yan ang bentahe ng diplomatic passport, diplomatic immunity at may attention consular officers abroad. Pero may disadvantage din yan. Kung nalaman ng host country na pakalat-kalat ka roon siyempre interesado sila sa iyo pwede ka i-surveillance. Diplomatic passport ibig sabihin official ng gobyerno ito, surveillance mo. Yan ang disadvantages. Pwede makita ka ng kababayan hihingan ka ng tulong. Yan ang disadvantages.”
On whether the barring of former SFA is related to case he filed vs Chinese President Xi:
“Walang duda yan. Yan naman sabi mo kanina no-brainer. Di natin ia-assume yan. Yan na talaga yan. Walang ibang makitang dahilan. Dati siyang SFA at dati labas-pasok siya riyan. Pagkatapos nila magsampa, ang point ko lang kung tatanggi ka o hindi, privilege lang ang visa. Di mo pwede invoke may visa ako. Ako nga maikwento ko rin karanasan ko sa dating Pangulo, ako diplomatic passport punta ako US. Di ko alam bakit palagi ako step aside at sinusundo ng Customs. 3x na ganoon minsan nahiya ako sa kababayan natin sa PAL. Bakit naka-step aside? Nang tanong ko sa kaibigan sa US Embassy, check niya, ako pala nagawan ng dating NBI director ng report na ako smuggler ng baril sa US. Kaya napansin ko kahit maliit maleta ko at ito hinalungkat, napapailing Customs paano kakasya Armalite dito? Nang nalaman ko ganoon pinakiusapan ko baka pwedeng kausapin at their end na pwede i-lift. Tapos noon tuloy-tuloy na, di na ako nahaharang. Kagagawan yan ng narito. Katakot-takot ang parusa na naabutan ko noon. May diplomatic passport pero di ako nakikipag-argue doon kasi pwede ka, pag nakursunadahan ka pag naging cocky ka, di ka pa papasukin.”
“Antemano nagpasabi siya (ADR) sa consular office doon na inform ang HK immigration na siya ay papunta roon. Ang problema walang response natanggap ang ating consular office doon, hindi kung pwede o hindi. Kung ako sa kalagayan niya kasi may experience si dating Ombudsman Morales, kung walang maliwanag na go signal pwede siya pumasok dito, hindi na siguro ako mag-venture pumunta roon. Kung ako ha. Pero may pressing purpose pagpunta niya roon kasi business trip, sa First Pacific at doon ang HQ. Kaya lang talagang sumugal siya. E sa kasamaang palad, nakakalungkot din kasi parang how ironic naman na dating SFA natin matatrato nang ganyan.”
“Historically although wala itong hard and fast rule, kalakaran na ito just 1 immigration official pag sa kanya ka natapat at sinabi sa iyong di ka pwede rito, pwede ka mag-apela sa supervisor niya kung papayagan ka. Di ito usapin ng mag-apela ka pa kung halimbawa sa foreign ministry ng HK or China. Immigration ang nakakaalam ng pagpasok o paglabas ng foreign visitors, immigration. Tayo pwede natin gawin yan, immigration natin may poder diyan.”
*****