In an interview on DZBB/GMA News TV, Sen. Lacson answered questions on:
– Nationalism amid West Philippine Sea row
– On possibly bigger graft case at PhilHealth
– Corruption at the Bureau of Customs
Quotes from the interview…
On nationalism and the West PH Sea situation:
“Bago naupo si PRRD, dalawang pakikibaka agad ang hinarap niya at ito hanggang ngayon yan ang kanyang sinu-sustain. Sabi niya pakikibaka sa droga at korapsyon. Fine pero hindi na-anticipate may pangatlong pakikibaka, ito ang pakikibaka para sa nasyonalismo. Siguro ito hindi na-foresee ng administrasyon na darating ang araw although dapat may foresight tayo dahil meron tayong arbitral ruling at may issue sa WPS dapat napaghandaan ng admin na may kakaharapin na pangatlong pakikibaka at ito ang nationalism. Ang dalawa nagbabalanse tayo kasi Pilipino laban sa Pilipino. May nato-Tokhang maski papano tinitimpla natin tama ba ang gobyerno, ang issue ng human rights, nababalanse. Ang pangalawa ganoon din corruption sa loob ng PH. Itong pangatlo no-brainer na ito pag pinaguusapan ang nationalism national interest ito, Pilipino laban sa kung anong bansa yan ang pinaguusapang national interest.”
“Hindi ko sinasabing laban na giyera. Laban sa pag-iisip, laban sa aksyon na gagawin, at laban sa salita. So ang nangyari sa WPS parang wala na dapat tayo pagpilian dito, isa lang pipiliin natin, PH. Team ng Pilipino tayo.”
“(Ang) pag-aaway … ng opinion, hindi pag-aaway para magpatayan tayo o magdikdikan. Pag nag-clash ang opinion siyempre dapat pakinggan natin para may magagandang mapulot sa opinion ng iba. Ang nakikita ko kasi dahil ang kinakaharap natin bilang Pilipino ang CN, ang interests particularly sa WPS. Sabi ko nga kanina para maintindihan natin kung saan tayo nanggagaling, ano pinaghuhugutan natin, pag national interest ang pinaguusapan, isa na lang ang pipiliin natin, ang Pilipino. Pero may mga pahatid salita na parang nakakaduda na kaninong interest ba dahil ang natamaan dito mga fishermen na binunggo o nabunggo, aksidente o hindi, pero ang pangalawang aspeto ng pangyayari na inabandona at pabayaang mamatay sa dagat, sino pa piliin natin kampihan?”
On forensics in investigating Recto Bank incident:
“Sa totoo nga talagang tapos na ang imbestigasyon na ginawa ng PCG at Marina. At hindi natin matatawaran ang kanilang ginawang pagimbestiga dahil sila may expertise diyan. Ang isa lang na of course wala pang resulta, nagsagawa ba sila ng, kasi may parang resulta narinig ko ito sa unimpeachable ang source na nakapagsabi sa akin, aksidente ang pagkabangga. Pero paano nag-arrive sa conclusion na aksidente? Nagsagawa ba sila ng forensics?”
“Dapat may forensics na involved. Dahil di ba pag sasakyan 2 nagbanggaan wala kang makikitang skid marks sa tubig unlike sa lupa may skid marks sino mas mabilis tumakbo sino ang mabagal.”
“Hindi lang ito testimonial dapat. I just hope ginawa nila yan, nagsagawa ng forensic examination at kasi wala ang version ng Chinese. Ang meron lang tayo ang version ng Pilipino sa GEM VER 1. Nagsagawa ba sila ng forensic examination sa impact, sa tinamaan, sa nasira?”
“Kasi doon makita kung direct ang impact o gaano kalakas ang impact, Kung sideswipe pwedeng sabihing aksidente. Ang ganoong bagay. I just hope sinagawa nila yan.”
“Ang mas importante rito usapin bakit hindi tinulungan? Kung naaksidente, dahil sa account ng kapitan sabi niya dahan dahan umatras pagkabangga tapos iniwanan sila. So maliwanag alam niya lumulubog ang fishing vessel. Bakit mo iiwanan? Sa akin kalimutan natin kung aksidente o sinadyang banggain. Ang importante, ang isang issue na dapat papanagutan at least di ng buong China kundi ng Chinese vessel at di natin alam kung yan ba talaga ordinary civilian fishing vessel o may information na lumalabas na armed maritime militia? Kung armed maritime militia iba naman ang parang implication noon. Dahil pag sinabing armed maritime militia at ganoon ang reaction ng bansang CN, pwede sabihing may ibang motibo bakit sila naroon.”
“Hindi lang ngayon nangyari. Di ba Vietnam ilang beses pangyayari na binabangga sila? Noong 2014 may article kung saan may na-interview na Maj Gen Zhang Zhaozhong na military expert sa WPS. Sabi niya ito talagang pinagmamalaki niya, na una sabi niya ang mga islang ito sa amin ito inagaw ito ng PH, ninakaw nila at kailangan bawiin natin. Fine, that’s their understanding ang kanilang version. Pero ang nakakapangamba sabi niya i-apply namin diyan ang cabbage strategy.”
“Pag sinabing cabbage, layer by layer iwra-wrap mo isang bagay, in this case WPS. Pag sinabi mo cabbage strategy at layer by layer wrap mo, yan ang intention. Yan talaga ang strategy na isasakatuparan.. So ang pagkabangga na yan at pagbangga sa fishing vessels ng Vietnamese, bahagi ba ng cabbage strategy? Yan di sa atin nanggaling, di natin ito kathang isip kundi sa kanila mismo nanggaling ang ia-apply nilang strategy ang tinatawag nilang cabbage strategy.”
“Ang medyo nakakasakit ng loob ang sinabing little incident. Parang maliit dahil wala raw namatay pero hindi maliit na incident ito pagka ang impact sa ating mga kapwa Pilipino ang ating kababayan nangingisda nang tahimik, may karapatan doon ang sabi natin may discussion dito sa sovereignty and sovereign rights. Tayo di natin alam ito before dahil interchangeably sovereignty and sovereign rights hanggang sa nagbasa tayo nakita natin ang sovereignty nag-a-apply sa 12 nautical miles at sovereign rights apply sa 200 NM. So ang Recto Bank, magkaiba, di natin alam yan, mabuti ito na-educate tayo. Mainam din may ganitong discussion kasi lahat tayo natututo at lahat tayo nagbabasa.”
“Tama si PRRD roon na sa akin nakita kong medyo mali lang, ang messaging. Pag sabi mong ia-allow natin, iba yan kesa hindi natin kaya pagbawalan. Sa akin mas tama ang pananalitang gusto man nating huwag sila papasukin, hindi natin kaya gawin. Una ang arbitral ruling hindi enforceable yan. Alam natin yan. Talagang walang mag-e-enforce noon. Kaya ang tawag arbitral ruling may gumanap na arbiter nag-arbitrate. Ang China di nag-present, tayo lang. (Sabi nila sa kanila) hindi binding. Ibang countries tulad ng Vietnam, di sila nag-participate. So parang tayo lang nagsasabi na may arbitral ruling at tayo lang kumikilala na nanalo tayo sa arbitral ruling. Pero sa totoo hindi enforceable because walang mag-e-enforce. Arbitration lang yan eh.”
“Kaya ang magagawa na lang natin dito at tama ang naging action ng gobyerno, ng ibang civic minded, sina VP, nagpunta roon para makidamay at tumulong. Binigyan ng tulong, financial assistance, boats, para matuloy ang kanilang livelihood.”
“Ang Constitution natin, mag-a-apply yan sa atin. Pero pagka bumangga yan sa international law parang yan siguro nire-refer ng Pangulo na toilet paper na mali na naman ang pagkasabi. Constitution yan, bigyan mo naman ng kaunting paggalang at pagkilala. Pagka alam naman natin na di kaya i-apply kasi kontra sa international law kasi sinasabi ng Constitution ang EEZ ang 200 NM dapat protektahan natin exclusively for Filipinos. Pero di applicable yan sa UNCLOS mismo dahil sinasabi ng UNCLOS ang EEZ sovereign rights lang tayo meron. Kumbaga sa civilian counterpart ito ang propriety rights. Di natin sinasabing pag-aari natin pero meron tayong karapatan diyan na protektahan, at i-exploit ang resources diyan. Pero di natin kaya bawalan ang China, Vietnam o anumang bansa na mangisda rin diyan.”
On officials’ statements possibly affecting protest before IMO:
“Yan ang pinapangamba natin. May impact. Although pwede natin sabihin na ang usaping ito goes beyond PRRD, goes beyond Sec Locsin, goes beyond Sec Panelo. Kasi ma-outlive ng pangyayaring ito ang kanilang termino. So ang pwede natin sabihin doon ang ating argument later on, pag ginamit na argument laban sa atin, Pangulo nyo nagsabi ganyan, ang ating sabihin, hindi binding sa buong PH yan kasi statement yan ng tao na bagama’t mamumuno, sarili nilang kuro-kuro o opinion yan.”
“Mahirap i-resolve ito. Unang una ang arbitral ruling, although ang tawag doon final award, hindi yan ang masasabi natin in absolute terms na final award although hindi appealable. Pero pag may nag-question halimbawa Vietnam kayong 2 lang nag-uusap di kami kasama sa usapan at mukhang sinadya nilang huwag makisama sa usapan para hindi binding sa kanila dahil may kine-claim din sila riyan.”
“Wala pa tayo nakikita sa madaling panahon na makitang may resolution. Ang usapin dito talagang magtatagal at pwedeng hindi tayo makakita ng resolution. Ang importante lang dito talagang parang consistent tayo sa pagsasabi na iyan ay talagang sa atin dahil meron tayong historical basis sa pag-claim. Sinasabi ng China meron silang lumang mapa na kanila yan. Pero may bentahe tayo kasi sa arbitral ruling nagkaroon ng decision defined nila. Pero di rin maliwanag ang Law of the Sea.”
On the Mutual Defense Treaty:
“Dapat maipakitang armed aggression, armed attack. Meaning talagang military vessel ng China nag-attack whether it is against a military vessel ng PH or public vessel.”
“Ini-invoke lang natin kasi cite lang. Ang intindi nila ia-apply agad natin. Malaki ang diprensya ng call at apply. Pag sabi mong invoke mo, cite mo or iko-call mo. Parang presence lang, ito ang sabing kailangan mag-maintain tayo ng balance of power. Kasi sa ngayon wala tayong ipanlalaban di ba dahil militarily or even economically medyo mahina tayo compared sa China. Pero meron tayo sinasabi ko nasa arsenal natin na weapon kasi meron tayong pinirmahan. Di naman pag sinabing invoke nariyan na sila at manggigiyera.”
“Most probably referring to me. Pero hindi naintindihan na invoke lang, cite lang, na hoy US meron tayong MDT. Ang pinanggalingan ng sinabi ko noon may nakakausap ako galing US at nakatalaga rito. Pag naguusap tungkol sa WPS at sinasabi nila paano kami makakatulong, simple lang sagot ko. Maitutulong ninyo, maintain the balance of power sa WPS. At ginagawa naman talaga nila yan. Minsan called out sila ng China anong ginagawa nila na nagpapatrolya sila. Kaya ang sinasabi ko, pag may nakakausap ako ang sabi nila we’re more than willing to do that. And these are officials from the US government. Kaya lang, reluctant kami dahil naman baka mapahiya kami sabihin ng Presidente ninyo anong ginagawa ninyo rito di namin kayo tinatawag? Sabi nila willing sila.”
“Hindi naman naggigiyera ang 2 superpowers. Hindi aabot sa giyera. Walang 2 superpowers na maggigiyera kasi ngayon… nuclear ang labanan natin. Isang pindot lang, isang button lang pindutin ng US lubog lahat yan pati tayo pwede madamay, ubos yan. Ang tawag doon, zero sum. Ang larong Zero Sum walang mananalo, lahat talo. Hindi magkakatuluyan dahil pag magkatuluyan wala tayong titingnan, ubos na ang bahagi na yan. Alam ng China yan so bakit sila makikipaggiyera? Pero siyempre labanan ito ng teritoryo labanan ito pati ng resources o economics, ang pinaguusapan economy. So siyempre saan sila makakapag-bargain nang maganda doon sila at gagamitin nila ang kanilang pwersa. Kung tayo pakita natin na urong tayo ng urong at wala tayong ginagawa e talagang mauubusan tayo ng teritoryo.”
On trade ties with China:
“Unang una naintindihan natin ang Pangulo kasi gusto niya i-preserve ang gains, ang goodwill. Pero ang goodwill works both ways, hindi naman pwedeng mag-goodwill ka hindi ka susuklian ng goodwill. Gusto niya siguro economic gains na sinasabi ng administration, malaki na ang in-improve. Totoo rin naman dahil mababa inflation maganda ang ating GDP tapos may Build Build Build, at kailangan natin ng ayuda ng ibang bansa particular ng CN kasi na-establish ang goodwill.”
“Pero ito sa area ng trade pinaguusapan natin kanina, nakakagulat at ito tinanong ko sa BOC nang nagpunta sa akin after my privilege speech. Sabi ko bakit di nyo tingnan ang disparity? Hindi ito deficit. Subject to validation ng records ito pero may nagsabi sa akin, at ito na-take up namin sa pagdinig noon pa, di pa panahon ni PRRD. Pag tingnan mo export records ng CN sa PH, ang laki, sa mga $65B a year, na nanggaling sa China papunta rito. Pag check mo records sa BOC natin, ang import records na galing sa China nasa $8-10B. So nawawala ngayon ang $55-57B. Now ito ang impact nito. Sabihin nating 50B, multiply mo 12% VAT, kahit walang tariff dahil meron tayong kasunduan na pinirmahan, trade agreements. Pero sa 12% na lang na VAT $50B times P50 to a $1, easily P300B na dapat kinita ng gobyerno natin sa VAT pa lang.”
“Bakit magkakaiba ang record ng China, in-export natin papuntang PH. Bakit ang record ng PH ang import natin galing China pagkaliit-liit? Ang nawawalan niyan tayo. Smugglers nga ang gumagawa nito, smuggling talaga.”
“BOC (is at fault). Di ko alam kung kasalanan ng China doon dahil sila automated, computerized. Kaya nang nakausap ko taga-BOC after privilege speech tungkol sa basura, sa drugs, nag-call sila sa akin. Yan isang napagusapan namin sabi ko di ba meron tayong pinasang Customs Modernization and Tariff Act? Computerized naman kayo, bakit hindi nyo ma-detect ang smuggling? Kasi di sila automated. Ibig sabihin maraming human intervention. Bakit di kayo mag-automate? May nangongontra. Probably (may taga-BOC) ayaw mag-automate mawalan sila ng kita.”
“Ang nangyayari pinapalitan ang packing list. So nag-iba ang declaration o pati quantity nababago. Yan ang problema kasi walang sistema. Ang ang sistema pumapabor sa corruption. Imagine at ito hindi …ng taga-BOC… ang sinabi kong bawa’t container ang pupunta sa Office of the Commissioner, tara, P5000 per container. Ilang container ang pumapasok? By their own admission 7000 containers sa MICP at 2000 containers sa Port of Manila, so 9000. Sabihin natin ang iba alisin natin kasi green lane ito mga multinational, SMC, kung anu-ano, pero maiwanan sabihin natin 4000 containers a day. Times 5000 magkano isang araw yan?”
On whether PH should calibrate trade, diplomatic relations due to WPS incident:
“Pwede naman maintain kasi ibang usapin ang nangyari sa Recto Bank ibang usapin ang sa trade natin with China. Hiwalay paguusap yan. Kasi pag pinaghalo mo yan political ang isa hinaluan mo ng economic relations natin medyo magugulo ang usapan. So pwede ito i-isolate na resolve natin ito between us, CN and PH. Ang problema, hanggang ngayon wala tayong nakikitang cooperation. Or at least di natin nakikita. Pwedeng meron pero wala tayong nakikitang cooperation from China. Alam na ba natin kung anong klaseng vessel ang bumangga sa taga-Mindoro na kababayan natin? Alam na ba natin kung civilian fishing vessel o hindi? Alam ba natin, napresenta na ba ng CN ang may sinumpaang salaysay o interview sa kapitan at crew?”
“Siguro aabot din doon pero matagal nang panahon wala pa tayong nakikita. Sabi ko nga pwede meron pero di ba incumbent naman sa ating opisyal na inform din ang ating mga kababayan kasi napakalalim ng divisiveness sa ating kababayan. Magsalita ka lang ng kaunting pabor sa admin, ang tawag sa iyo pulahan. Pag naiba linya ko pinulaan ko admin namuna ako, tawag sa akin dilawan. Nag-resort sa name-calling at mga insults. E kung papatulan natin lahat yan masyadong malalim, masyadong divided ang ating bansa. Di ba pwede sa usaping ito kasi Pilipino, hindi Pilipino ang kabangga kundi China, sabi ko kanina no-brainer dapat ito. Lahat tayo Pilipino, dapat pro-Pilipinas tayo. Bakit di ganoon ang nakikita natin?”
On whether PRRD’s statements make him impeachable:
“Ako being a layman pero nagtatanong ako ng abogado at nagbabasa ako, paano ma-impeach ang Pangulo e sa media lang siya nagsalita? Walang basehan para impeach agad siya kung may mag-file ng impeachment complaint wala pa ring basehan. Ibang usapan pag halimbawa nagpirma ang Pangulo ng AO or EO, official act na yan, ibang usapan na yan. Pero nasabi niya sa media na ganito, kung ang pakikipagusap sa mga speeches at sa media, matagal nang na-impeach ang Pangulo kung pinaguusapan lahat na sinabi niya impeachable. (So) sa tingin ko hindi. Walang official act, walang overt act para mag-constitute ng impeachable offense.”
On claims that PRRD is favored in HOR if an impeachment complaint is filed:
“That’s beside the point. Sinasabi ko lang legal issue involved. Pero ang political component hindi naman natin pinaguusapan kasi alam naman natin na 1/3 sa House, 2/3 sa Senate bago ma-convict ang Pangulo sa impeachment trial.”
“Yan na rin isa kaya talagang lumaki ng lumaki ang controversy kasi initially sila mismo discordant ang voices. Tapos pagsalita ng Pangulo iba pa rin. Pagkatapos noon isa-isa nagpalitan, of course understandable yan, tinanong nyo ako riyan, sabi ko bayaan natin si Sec Lorenzana ibahin ang kayang tono kasi alter ego siya ng Pangulo. Alangan nagsalita na ang Pangulo insist mo pa rin sa iyo? Parang obligado ka sundan ang linya ng Pangulo.”
On whether the National Security Council should be convened:
“Lahat ito call ng Pangulo. Tayo nagbibigay ng opinion, kami bilang policy makers din kami dahil meron kaming stake, lahat naman tayo may stake sa PH. Pero di ibig sabihin na pag nagbigay ka ng opinion ini-impose natin sa kanila. Alam natin ang difference ng opinion sa bawa’t tao, ang nasusunod naman niyan ang nagma-matter, sinong gumagawa ng decision. In this case Pangulo talaga ang gumagawa ng decision bilang Chief Executive. So ipaubaya natin sa kanya ang paggawa ng decision. Pero huwag din tayo pagbawalan magbigay ng opinion baka sakaling makatulong tayo. Kung hindi ina-appreciate, fine, appreciate nila at i-adopt nila, fine. Ganoon lang naman yan. Pero at the end of the day, ang talagang nagma-matter, sino bang gumawa ng decision, ang Presidente, executive action yan, ako gagawa ng decision. Well fine, alam din natin yan.”
On whether Sec Duque should be included in Cabinet revamp due to graft issue:
“(W)ala tayong karapatan para sabihan ang Pangulo na tanggalin mo yan. Ako consistent ako lagi. Pero sa akin lang nang hiniling ng Pangulo mag-submit ng courtesy resignation ang members ng board ng PhilHealth siya ang ex-oficio chairman dahil siya ang SOH, ng board ng PhilHealth, parang ipakita mo moral ascendancy mo, ipakita mo ang leadership mo, ipakita mo responsibility mo. Di ba marapat lang na mag-tender ka ng courtesy resignation at kung tanggapin o hindi ng Pangulo, nasa sa Pangulo na yan. Yan lang naman. Kaya nabalikan ko tuloy ang issue ng GMA PhilHealth cards, Greater Medical Access, noong 2004 ito, ginamit ang pera ng OWWA parang Medicare fund ng OWWA nilipat sa PhilHealth para ipambili ng PhilHealth cards na may mukha ng kandidatong PGMA at pinamahagi sa lugar kung saan mahina sya at malakas si FPJ. So di ba pamumulitika yan, pera ng bayan, pera ng ibang tao ang ginamit nila?”
On expose involving Duque family’s building leased by PhilHealth:
“Si PAO Chief Acosta, dahil nakita niya nagkalap siya ng dokumento, at nang kinwenta niya parang hihigit sa P50M ang involved. Now di naman natatapos ang usapin kay Sec Duque kasi mga documents mga information they keep coming my way. Kasi hindi natin hinihingi may dumarating.”
On possibly bigger graft case involving PhilHealth:
“Meron na naman, mas malaki pa. Mas grabe pa di lang ito lease ng building niya kundi may family corporation involved na meron na naman kinalaman tungkol sa PhilHealth o tungkol sa DOH mismo.”
“May hinihintay pa akong last document. May hawak akong mga dokumentong, karamihan ng document na dumarating sa amin, galing din sa loob eh. Kasi sa tinagal-tagal ng panahon nakikita nila ang namumuno sa PhilHealth pinaglalaruan ang pera. Ang kwenta nila for the last 5 years lang, P154B ang nalustay. Yan ang kwento nila. At ito alam mo, nagpasa na tayo ng Universal Health Care Act. Ang ponding hinihingi ng DOH P257B, napondo lang sa nakaraang GAA para sa 2019, P217B so may funding gap pa na P40B. Nagpasa tayo sin tax kung inaasahan earmark sa UHC P22B so may kulang P18B. Daan-daang bilyon pinaguusapan natin tapos nakakarinig tayo nilulustay nila P154B only for the past 5 years. Siyempre empleyado roon di kabahagi ng kalokohan doon, ngayon sila namumulat, tumulong na tayo sa pagbubulgar.”
On whether Sen Lacson will share this information with PRRD:
“Pag kumpleto na. Sa ngayon substantial. Pero mas maganda ang makarating hanggang logical conclusion. Meron akong isang dokumento na lang na hinihintay pag dumating sa akin ibabahagi ko rin sa inyo yan. Mahirap ang kapos, mabuti ang kumpleto na dokumento. Kaya sabi ko substantial enough to at least suspect na may mas malaki pa ito, mas mabigat.”
“Maliwanag na plunder. Isang dokumento na lang hinihintay ko.”
“Noon sinabi ko lang kung pwede, parang opinion ko rin yan na incumbent upon him to show his leadership. Ang bwelta niya agad bakit mo inungkat ang pagkatagal-tagal na? E relevant yan kasi may history ng corruption sa PhilHealth, kailangan malaman natin ang kabuuan.”
“Yes (Pera ng tao ito). Tayong lahat naka-experience. Lahat tayo may kamaganak na nagkasakit. Pag punta mo sa PhilHealth sa loob ng ospital kakarampot, mamimili ka lang kung anong sakit ang may discount.”
On tara system at BOC:
“Maganda ang nangyari noon kasi pagkatapos ng expose na ganoon lie low ang lahat. Pero nagsasagawa kasi sinabi ko na rin at ito nagtanong ako sa BOC nakikipag-deal sa BOC, si Comm Guerrero parang maganda talaga ang reputation niya roon magpahanggang ngayon. (Di pa nalalatayan ng tara) Wala sa ngayon, based on information na dumarating sa akin. Wala namang lihim diyan. Sabi nga pagka bribery ang usapan, di ba nagsasabi boss walang makakaalam nito. Ako nga may experience ako nang CPNP pa ako may lumapit sa akin sa jueteng, sabi sa akin walang makakaalam. Sabi ko e alam mo na eh paano walang nakakaalam, alam mo na?”
“Kasi ang 3 o clock habit sa Friday, wala naman ano, lahat may biyaya roon. Mapa janitor, utility, gwardya at gwardya ang sabi nakalabas ka na nga at napirmahan na lahat pagdating sa gate haharangin ka pa ng gwardya magbibigay ka ng P1000 para huwag maabala ang truck. Lalo na aabutin ka ng truck ban so mapilitan ka magbigay. Bakit ganoon? Dahil kalakaran eh.”
On possible political plans for 2022:
“Lumabas lang yan dahil sa tweets na pagka may issues na napaguusapan kinukulayan ng pulitika. Yan agad ang banat eh.”
“I am not posturing, yan ang maliwanag na sinabi ko. Di ako nagpo-posturing. At saka walang halong pulitika ang ginagawa natin kundi kung ano ang pwede natin i-share na kuro-kuro o opinion. Hanggang doon lang yan.”
“Alam mo, we belong to the same generation of leaders, kami ni PRRD. Maraming young leaders na sumisibol. Bayaan natin sa kanila kasi kami tinatawag na palipas na. Ganito ang pag-uusap. Ang mga magulang namin, kayo mga bata kayo nito, hindi ba ang pinamana nila sa amin na bansang PH, we’re talking of 1950s, di ba pangalawa ang PH sa Japan pagdating sa industrialization? Parang napakataas ang binigay sa atin tapos kami ang generation namin over time pinabayaan namin. Anong iiwanan namin sa inyo? Utang, P71 trillion na. Tapos ang problema ng away-away. Di ba parang nakakakonsensya naman on our part, when I say we, kami sa generation, ang ipapamana namin sa inyo napakapangit na bansa, marumi ang dagat, marumi ang ilog, marumi ang gobyerno marumi ang hangin. Natandaan ko sa commencement speaker ako yan ang tema ng aking speech. Humingi ako ng tawad sa mga tulad nila, mga kabataan, mga millennials. Kami ang baby boomers na tinatawag, kanya-kanyang henerasyon, may millennials, may Generations X and Y. Parang we feel guilty, I for one, on behalf of my generation parang nakaka-guilty na ang iiwanan naming bansa sa inyo ito ang itsura, iniwanang bansa sa amin ng aming magulang at ninuno namin napakaganda.”
“I’m doing something now. Ang problema pinupulaan naman ako na puro pulitika yan. Anyway, yan ang aking pananaw sa mga usapin. Huwag kulayan ng pulitika. Kilala mo ako sa Senate kaya ako napagbintangang balimbing, walang conviction. Wala bang conviction ang kung sa tingin ko ang tama doon ako? Ang gusto nila pag dilaw ka ke tama ke mali dilaw ka na. At pag pula ka ke tama ke mali pula ka na. Hindi ba pwedeng ang sariling version ng tama susundan ko? Kung mali man ako at least paniniwala ko yan ang tama. Hindi ba yan dapat tawaging conviction?”
“Sa mga kabataan, sana ang pangarap namin sa henerasyon na ito napabuti man lang kalagayan ninyo. We’ll not see it in our lifetime anymore.”
*****