Interview on DZMM: Death Penalty Bill, National ID Law, Corruption at BOC | July 25, 2019

In an interview on DZMM, Sen. Lacson answered questions on:
– death penalty bill covering lawmen who ‘plant’ evidence
– implementation of the National ID law
– corruption at the Bureau of Customs

Related:
FAQ about the National ID System
Senate Bill 27: An Act Reinstituting the Death Penalty in the Philippines
Quotes from the interview… 

On the National ID Law’s implementation:

“Ang full implementation, sabi ng PSA, September. Tama yan, by Aug 6 tapos na IRR at implement na. Mauna rito ang PWD, senior citizens, yan ang mga uunahin. Nakakalap sa buong bansa ang iba’t ibang mga opisina ang pwedeng puntahan ng mga kababayan natin para ma-maximize. Doon sa dami ng magrerehistro, doon masusukat ang success ng implementation ng National ID system.”

“Ang alam ko ang pondo rito sa mga P25B over the five-year period. At may pangkuhang pondo na ito sa 2019 para sa initial phase ng implementation. Ang paghahanda ang equipment. Wala naman tayong dapat masyadong alalahanin sa implementation dahil magtutulong ang PSA and DICT. Ang DICT aktibo at may capability para talagang matutukan ang implementation nito.”

“Mukhang smooth naman ang kanilang paghahandang ginagawa. Pagpasok ko pa lang sa Senado sa 2001, fina-file ko na ang panukalang batas na yan. Ngayon lang naging batas. Actually ang pangunahing may akda nito si Sen Drilon. Siya ang principal author. Ako author at nag-sponsor ng bill sa Senado.”

“Sabihin nating landmark ang legislation at napakatagal na, halos PH na lang sa Asya walang national ID system kaya mas magandang masimulan ito nang maayos at walang glitches.”

“Libre ito sa Pilipino, walang babayaran. Gobyerno ang gagastos dito kaya dapat tingnang mabuti ang pag-implement lalo ang pagpili kung sino mananalo.”

On corruption at BOC:

“After privilege speech ko noon nagsadya sa opisina ko sina Gen Aaron Aquino (PDEA) at Gen Guerrero (BOC), kasi may task force sila rito. At ang PCG and AFP kasama sa binuo ng Pangulo magbuo ng task force para magtulong-tulong. Ang nakakatuwa kasi, pagkatapos ng privilege speech nang magsadya sila patapos na ang Kongreso noon sabi ko malamang di na magkakaroon ng investigation. But moving forward, kailangan talaga napakalapit ng coordination ng mga ahensya dahil sa bandang huli nagkakaturuan dahil bakit nakalusot na naman at aksidente natusok nalaglag ang shabu kaya nalaman at ito bidding pa. Na-resolve nila yan at sabi nila di na mauulit, pagsisikapan nila dahil kung maluwag ang coordination, simple ang nangyari roon. Kung BOC nagtalaga ng mismong, nakasilip kasi sa images makikita ang naka-block na kahina-hinalang substance sa loob ng maleta, kung noong nagsagawa ng inspection ang PDEA walang kinatawan ng BOC na nakakaalam. Kasi kung naituro kung saan, alam kung saan tutusukin. E ang tusok sa magkabilang dulo pero ang images sa bandang gitna. Kulang ng coordination. Anyway na-resolve ang pag-uusap na iyan. Hindi ko alam kung may magfa-file ng resolution patungkol diyan o anumang issue na lalabas para magpatawag ng panibagong investigation.”

“Having said that, may ginawang aksyon ang Pangulo. May umiiyak sa 64 may natanggap akong sulat, may nagpaliwanag na may dokumentong nakapaloob sa sulat, na bakit sila tinamaan o at least isa tinamaan sinasabi niyang di siya o wala siya, floating siya nang nakalusot ang shabu. Yan ang dapat pag-aralang mabuti ni Comm Guerrero. Baka ang iba nadadala sa report, mga intriga, baka di nashu-shoot ang dapat ma-shoot. Yan ang unfair to say the least.”

“Ang isang advice na bigay ko kay Comm Guerrero noon nang nagsadya sa opisina, dapat humingi siya ng blanket authority sa Pangulo maski 3 buwan para i-prove ang kanyang worth. Kung medyo short siya saka na lang bawiin ang authority. Pero at the outset dapat hiningi niya blanket authority na huwag siya pakikialaman sa pagpili ng tao, para makita kasi basic yan sa leadership training. Pag binigyan ka ng responsibility, kailangan may commensurate authority. Pag kinapos ka sa authority at di sapat sa responsibility na hinahawakan mo, sure formula for failure yan. Hindi ka susundin ng tauhan mo maski deputy mo pa siya o maski tauhan mo, kung hindi ikaw ang nag-appoint at kung kaninong pulitiko lumapit. So siga-siga yan. Hindi mo yan ma-rein in. Pero kung may blanket authority at siya talaga nakakaalam hindi paghihimasukan ng Malacanang o kanyang immediate boss o SOF, doon makikita ang kapasidad ng tao. Ako wala akong narinig maski ano kay Comm Guerrero hanggang ngayon nagtatanong ako maski sa tauhan sa BOC wala silang masabi. Pero kung kapos sa authority ang tao, … sa kanyang balikat nakasalalay ang napakabigat na responsibility. Dapat may commensurate authority, e hindi ganoon ang nangyayari so yan siguro isang problema. Di natin pinaghihimasukan ang prerogative ng Pangulo para mag-appoint dahil may presidential appointees na siya lang ang talagang may power at sabi nga natin the buck stops sa mesa niya. Pero kung hindi mo bibigyan ng sapat na authority lalo ang BOC commissioner, kung naniniwala ka at narinig natin binanggit niya sa kanyang SONA buo ang tiwala niya kay Comm Guerrero. Pero kung buo ang tiwala, bakit hindi mo bigyan ng talagang full authority na walang manghihimasok? Bahala ka riyan, ikaw ang sisingilin ko at the end of the day. Ganoon dapat.”

“Ang karatig bayan natin tulad ng China. Tinanong ko si Comm Guerrero, meron tayong computerized ang BOC bakit di tayo mag-automate para wala nang human intervention? Pag automated kausap mo puro makina, technology lang ka-deal mo. Saan papasok ang tara? Yan ang di masagot, meron tayong computerization and in this day and age of modern technology, di na uso tao-tao, ang uso, technology na ginagamit. Nakita ko records sa China, exports nila, mga $18B a year. Papuntang PH lang yan, yan sa records nila. Nang tiningnan ko records sa PH magkano ang import ang record natin sa import, sa $12B. So saan napunta ang kabawasan? Mahirap kwentahin 12%, 10% na lang. Kung di nare-record ang $8B a year, katakot-takot yan. Times 50 pa. E doon pa lang dapat buhay na buhay, di na masho-shortfall na ang BOC at isang bansa pa lang yan, China pa lang yan.”

“At hindi mo pwede contest yan kasi documented yan. Record natin sa DTI na ito pumasok galing China pero pag tiningnan mo records ng Chinese Embassy sa ahensyang nangangasiwa ng record-keeping na ine-export ng CN papuntang PH bakit ang laki ng discrepancy?”

On the tara system:

“Wala sa ngayon pero hindi matitigil hangga’t may pumapasok na smuggling siguradong may tara. Paminsan-minsan mag-lie low 1 week makikiramdam tapos tuloy na naman yan. Isa pang napagusapan namin ni Commissioner Guerrero noon bakit pinapayagan nila ang fly-by¬-night, mga consignee for hire? Samantalang dapat may accreditation, naka-record lahat, bakit uso pa rin, alam mo ang nag-hire ng consignee na kung sino ang pangalan di matunton pag naghabuluan na kasi fly by night, fictitious, kahit totoo ang pangalan fictitious ang address. Tapos hindi mahagilap pero dapat may record sila roon kasi napakahirap din magpa-accredit sa BOC. Katakot-takot na padulasan din bago ma-accredit pagkatapos di mo mahabol dahil di mo alam kung sino? It doesn’t make sense.”

“Ang pinaka-primary concern natin ang pagpasok ng shabu kasi tone-tonelada ang papasok tapos ang daming namamatay sa gramo-gramo.”

On including ‘planting’ of evidence in death penalty law:

“Kaya nga pinaguusapan namin kahapon nina Sen Pacquiao ang sa DP, pinaguusapan namin ano ang threshold na gagawin namin halimbawa illegal drugs ang sasaklawin ng DP ano ang magandang threshold? Ang suggestion ko ang threshold na quantity na volume yan ang mahirap i-plant ng law enforcement. Sabihin nating mag-plant nila sila na mismo drug lord. Halimbawa pag naging 100 kilos pag naging 100 kilos na, DP na natin. Talagang drug lord na yan, parang El Chapo na yan, Escobar na yan. Kung susundan natin ang Comprehensive Drugs Act na maliit ang quantity kaya i-plant, lalaki ang pwedeng i-extort ng law enforcement kasi matatakot, kasi DP ang kakaharapin. Yan ang isa sa idi-discuss namin pag tackle sa floor ang panukalang batas tungkol sa DP involving drugs.”

“Suggestion ko nga pag napatunayang nag-plant ang law enforcement, bitay din. Kasi mabibitay ang pinlant. Dapat lang kung nahuli ka nagplant dapat bitay ka rin para rin mag-10 beses sila magisip bago mag-plant sila.”

“Kung may bitay sa halip na life imprisonment sila panibagong kaso, pwede sila mabitay.”

“Kaya nga isang argument yan na maganda sa nagtutulak ng DP tungkol sa drugs. Sabi nga nila kaya ginagawang R and R area ang PH ng drug lord kasi alam nila sa CN isang bala lang sila. Sa Indonesia ganoon din. Sa Malaysia ganoon din. Sa Singapore ganoon din. E PH papasok ka sa Bilibid ang ganda ng kama mo naka-aircon ka nagpapa-party ka, tapos may abogado ka pa na resibo attorney, e wala na talaga.”

“Palagay ko kung mabibilang ngayon sa present setup ng Senado mukhang sa Senate at least pwede makapasa, pero may mga variation na pwede ipasok tulad ng sina-suggest ko. Parang kung ano ang maganda sa goose maganda rin dapat sa gander.”

On reported underdeclaration affecting farmers:

“Maganda ang intention ng rice tariffication pero ang talagang makakapag-gaan sa buhay ng farmers natin ang aspect ng support mechanism ng gobyerno. Kasi may naka-earmark na P10B diyan from kung hindi sapat ang makolekta ng BOC, GAA ang pupuno ng P10B para mag-mechanize ang mga farmers natin. Maganda ang intention pero again, implementation ang susi.”

“Lahat naman lumulusot sa BOC kung may kausap. Kaya dapat suggest natin walang kausap, ang kausap nila puro computer.”

“May mga siga-siga talaga na ipagkikibit-balikat ng commissioner na napaka-helpless kaya kawawa ang sitwasyon pagka ganoon. Yan ang advice ko sa kanya baka pwede ka humingi kay Presidente maski 3 buwan pakita mo lang mettle mo as commissioner, full authority nasa sa iyo. Kung maging short ka sa delivery saka ka bawiin o kaya tanggalin ka.”

*****