Interview on DZMM: Effects of GCTA Row | Aug. 29, 2019

In an interview on DZMM, Sen. Lacson answered questions on:
– possible irregularities in the ‘Good Conduct Time Allowance’ system
– fear felt by kin of KFR victims due to possible release of KFR convicts due to GCTA

Quotes from the interview…

On Senate investigation into the GCTA row:

“Wala pang naka-schedule pero malamang magkaroon ng investigation. Nagkaroon na kami ng discussion diyan. May nag-deliver ng privilege speech I think Sen Gordon, and may referral na ito. So tiyak mapaguusapan ang resolution na yan at paguusapan ang sa Good Conduct Time Allowance.”

“Na-discuss namin sa plenary, ang computation ng GCTA dapat i-revisit. Kasi nakasaad doon 10 hours nababawas kada buwan at pag-compute nito per month. So kung may good conduct time ka babawasan ka 10 oras sa buwan lang na yan at kung naka-commit ka ng violation sa buwan na yan doon lang nag-a-apply yan. May panukala na back to zero ka dapat. Halimbawa simpleng di ka nakauniporme bilang bilanggo, ma-consider bang violation ng GCTA? At may suggestion na lumalabas na baka pwedeng heinous crimes like KFR and kay Mayor Sanchez, hindi eligible para bigyan ng parole at even ng pardon, although ang pardon nasa Constitution, authority ng Pangulo ng Pilipinas. Pero pwedeng i-limit siguro ang krimen sa krimen na di pwedeng bigyan ng parole ang isang bilanggo.”

On possible corruption in GCTA:

“Alam natin sa BuCor hindi naka-shield sa mga corruption issues. Maraming naimbestigahan diyan na kung saan ang mga drug lords namumuhay na parang mas maluho pa kesa sa nasa labas. May kubol, may bungalow, may flat-screen TV, at maraming privileges. Ang iba nakakalabas pa nang hindi maipaliwanag dahil nakakagawa pa ng krimen habang sa labas. At ang defense nila wala namang record na nakalabas sila ng kulungan so physical impossibility, matibay na depensa yan.”

“Ang isang balita nga, 11,000 ang nakahanay para bigyan ng parole dahil sa GCTA. Kung ibabase natin sa bawa’t container ilagay mo P10,000 bawa’t bibigyan ng parole, katakot-takot na pera ang 11,000 preso.”

“Ang alam ko hinihingi ngayon ang dokumento. Ilan ang nakalaya na ka-batch ng grupo ni Mayor Sanchez at ilan ang nakahanay para bigyan ng parole. At isa pa, ang authority dapat medyo itaas ang level hanggang DOJ. Sa ngayon ang discretion naroon lang sa BuCor.”

On ‘misimpressions’ and fake news that PACC tried to clear Mayor Sanchez:

“Gusto ko lang ituwid ang maling impression na noong kami nagimbestiga sa kaso ni Eileen Sarmenta at Allan Gomez, in-exonerate namin Mayor Sanchez at target namin si Kit Alqueza. Ang takbo kasi namin naiba ang investigation sa NBI, ang sa amin ang intended victim lumalabas si Allan Gomez at incidental victim si Eileen Sarmenta kasi nagkataon magkasama sila. Pero hindi ibig sabihin noon hindi guilty si Mayor Sanchez sa aming investigation gawa nang noong nakuha ang 2, ang target doon si Allan Gomez na kasama si Eileen Sarmenta at ito niregalo naman ng grupo ni Corcolon kay Mayor Sanchez. Meron kaming mga sinumpaang salaysay rito dahan nga sina Edgardo Lavadia nag-retract, nag-iba ng statement. Pero inamin niya sa amin noon at may sinumpaang salaysay na siya talagang hinimok o kinausap ni Kit Alqueza para dukutin si Allan Gomez.”

“Noong dinala si Eileen Sarmenta nang nakuha na ang dalawa kay Mayor Sanchez, ang operative word, isang word nagbago ng theory ng story. Nang pumasok sina Corcolon, ayon sa kanilang salaysay kasi may salaysay din sina Corcolon sa amin noon, at sabi nila ang sabi ni Mayor, ‘O mga anak, napasyal kayo ano problema ninyo?’ ibig sabihin hindi sila inaasahan. ‘At aba, kagandang bata na kasama ninyo, pasok kayo.‘ Ang ibig sabihin, ang implication, hindi inaasahan na may dala si Eileen. Pero nang si Centeno, na driver ng ambulance na nagdala, nahuli ng CIDG at the time si Jess Verzosa, nagkaroon ng … Naging statement ni Centeno, ‘Aba kaganda nga palang bata.’ So implication naman noon, ine-expect niya parang tina-target si Eileen. Doon lang nagkadiprensya.”

“Ito discuss namin ni Sen Drilon dahil siya ang pangunahing personality noon, siya ang SOJ. Katunayan remind ko pa siya, si Lavadia nang pinadala sa kanya pinapirma pa niya para masigurado ang pirma sa sinumpaang salaysay sa amin pareho ng pirma niya kasi forgery ito. Ito maski pirma ko kayang gayahin nito, pina-demo namin sa opisina noon. Doon lang nagkatalo. Gusto ko lang i-correct, dahil nagkaroon kami ng usapin ni Gen Dictador Alqueza noon … pero gusto ko lang ituwid ang maling impression na in-exonerate namin si Mayor Sanchez. Mali po yan. At pagkatapos rape-in ni Mayor Sanchez si Eileen Sarmenta, sabi niya ‘Sige, bahala na kayo riyan.’ Noong dinala ng 6 si Eileen pinagpalit-palitan nilang ni-rape din. Kaya naging rape with homicide kasi si Mayor Sanchez pati 6 na magkakasama, nang-rape silang lahat maliban sa isa, pero dahil sa rape naman conspiracy yan.”

“Kung naroon ka maski di ka nakipag-participate kasama ka sa rape with homicide. Yan lang gusto ko i-correct kasi namamaling impression. May nagba-bash na sinadya raw namin. Hindi namin tina-target si Kit Alqueza. Pag nag-iimbestiga kami, hanggang ngayon pag nag-iimbestiga ako, wala akong tina-target. Kung anong takbo ng investigation, we go by the evidence. Gusto ko lang i-correct yan.”

On fears of KFR victims amid to possible release of KFR convicts due to GCTA:

“Isa pang concern ko sa GCTA kasi kung 11,000 ang papakawalan tiyak makakasama ang nahuli namin sa KFR cases na na-solve namin noon. Kasi as of my last count ang na-convict na mga kaso na umabot sa SC at na-affirm, 83 cases. So pag bilang namin 300 siguro convicts na nahuli namin noon. Siyempre may trauma rin sa pamilya ng mga kidnap victims dahil siyempre takot na takot sila noon. Ang hirap mang-convince para mag-report pero dahil nag-report sila na-convict ang mga tao. Ngayon kung lalabas sila baka balikan sila. So maraming kumontak sa akin na mga biktima at sinasabi, ‘Senator tulungan nyo kami dahil papaano yan kung makakalabas ang kumidnap sa anak namin, sa kamag-anak namin? Delikado kami.’ So yan din isang napakalaking concern.”

*****