In an interview on DZBB/GNTV, Sen. Lacson answered questions on:
– need for transparency in crafting the 2020 budget
– curbing pork amid growing national debt
– making enemies while fighting pork in the budget
QUOTES and NOTES:
On parked funds in the proposed 2020 budget:
“More or less P20B ang nakita namin sa pagsusuri kasi iko-compare namin ang NEP sa HOR version na na-transmit sa amin. Ang nakita namin doon talagang P9.5B lang ang nagalaw ng HOR sa kanilang deliberation at amendment, at lahat yan in fairness to them, puro institutional amendments. Ito ang pambili ng palay, ang tumutugon sa pangangailangan. Walang individual amendments.”
“Pag individual amendments, doon pumapasok ang suspetsa na pwedeng may commission. Halimbawa infrastructure project sa distrito alam naman natin na nangyayari yan. Anyway malinaw yan, malinis naman yan, institutional talaga.”
“Ngayon sa NEP… may mga items na hindi malinaw ang description. Halimbawa may item na Assistance to LGU, ang ALGU may subitems, nakita namin doon ang other Financial Assistance to LGUs P4B. Noong nagkaroon kami ng hearing sa committee sa DILG, LGU tinanong ko yan kay Sec Ano. Alam nyo ang P4B at alam nyo saan gagamitin ito? Malinaw ang sagot niya na hindi. Sinabi niya hindi alam. Sabi ko e di hindi nyo rin alam implement nito kasi di niyo alam sino naglagay nito, hindi kayo ito na-request, hindi kayo nagrekomenda. So malinaw lump sum yan. Kasi walang item, hindi alam saan gagamitin. May isa pang P2.5B naman, Assistance to Cities, na hindi rin maliwanag kung saan gagamitin kung saan sa mga siyudad. May Assistance to Provinces and Municipalities alam ng DILG kasi sila mismo nagsagawa ng listahan kung anong probinsya at munisipyo ang paglalagakan. So malinaw yan.”
“Pero hindi pa natin kino-conclude na pork barrel yan pero sa definition ng SC na naglabas ng decision dito, pagka lump sum at parang tantamount o open sa abuse of discretion, sabi ng SC, pork din yan kasi ma-abuse ang discretion sa paggamit. Kasi ang argumento lagi ng mga kongresista at naglalagay ng individual amendment, basta hindi post-enactment, na tapos na budget saka lang identify ang proyekto, yan lang daw ang pork. Pero malawak ang decision ng SC di naka-limit sa ganoong klaseng definition.”
“Hindi pa tapos ang deliberations sa Senado. Kasi magkakaroon kami ng amendment. Noong isang taon ganyan din ang nangyari. Ang para sa taong ito na budget may nakita ako P16B pareho ang item na Other Financial Assistance to LGUs na hindi malinaw. At tinanong ko DILG noon alam nyo ba ito, ang sagot hindi. Pero pagdating sa HOR, nadagdagan pa yan ng P3B naging P19B. Pagdating sa Senate naalis ang P19B at napasama ito I think sa vetoed ng President na P95B at salamat naman. Dahil kung hindi, malaking bahagi ng P95B na yan ang masasayang lang kasi doon maabuso ang discretion na paggamit.”
“Ang item na yan Other Financial Asisstance to LGU, naging P4B yan pero P4B pa rin. Ganoon pa rin ang item so naulit.”
On need to curb pork amid growing national debt:
“Ang national budget pera ng tao yan kaya dapat para sa tao, di para sa kongresista, hindi para sa senador, hindi para sa mga government official na nag-i-implement ng proyekto. Nanggagaling yan sa buwis natin nanggagaling sa inuutang natin pag kinulang ang nalikom na buwis.”
“Ang utang ng PH pumalo sa P7.9T as of September. Pataas ng pataas eh. Natatandaan ko noong nagkukwestyon ako ng pork barrel nasa P6T lang ang ating national debt. Ngayon pumalo na tayo P7.9T. Bakit?”
“Siyempre pag lumalaki ang utang mamanahin ng susunod na henerasyon yan, ng anak natin, lahat.”
“May interest payments, debt service. Ok lang mangutang kasi lahat na bansa nangungutang pero dapat mapunta sa proyekto na mag-enhance ng investment. Kaya tayo nangungutang kailangan natin ng magsagawa ng infrastructure para pumasok ang investor. Pero over time simula noong 19-kopong-kopong, hindi naman natin nakita ang commensurate na improvement o development base sa paglaki ng ating budget. Kasi natatandaan ko unang budget year ni PGMA noong 2001 nasa mga P800B lang ang national budget, ngayon P4.1T na. Ang tanong doon, gumala tayo sa buong PH, nakita ba natin ang exponential increase ng ating national budget, na commensurate sa nakita nating development? Parang hindi eh.”
On Senate deliberations on the 2020 budget:
“Sa isang linggo, i-sponsor na ng chairman ng finance committee ng Senado ang national budget. So pagkatapos noon magkakaroon kami ng period of interpellation. Doon magkaliwanagan kasi pag tinanong halimbawa ako kasi naka-ready ako magtanong kasi inaral namin tatanungin ko halimbawa ang P4B na ito naroon ang mga ahensya dahil sila mag-assist sa mag-sponsor ng budget, tatanungin ko ang sponsor, ang ahensya through the sponsor, saan nyo gagamitin ang P4B? Pag di ma-explain ang susunod na tanong, ok ba kaltasin namin ito kasi di nyo maipaliwanag kung saan gagamitin?”
“Ganoon din ang nangyari noong isang taon para sa 2019 budget. Tinanong ko ang P16B naroon ang DILG tinanong ko sponsor si Sen Legarda alam nyo ba saan gagamitin ang P16B, may listahan ba kayo nito? Ang sagot wala. So ok bang kaltasin namin ito kasi wala palang paggagamitan? Ang sagot opo. So kinaltas namin.”
“Nariyan naman sila pagka ang deliberation sa plenary, talagang nariyan ang ahensya na naka-schedule na talakayin ang kanilang budget. So matatanong ang sponsor, ang ahensya through the sponsor kasi pag plenary na, di namin natatanong nang directly ang ahensya, sa committee hearing namin nagagawa yan. Pero kung tinanong ang sponsor at hindi rin niya alam ang detalye tatanungin niya ang ahensya na naroon mismo pag plenary debate, so makikita namin ang kasagutan.
On making enemies while fighting pork in the budget:
“Taon-taon napapaaway ako pero ok lang. Kaya kami narito para magsuri ng budget eh.”
“Itong taon na ito in fairness to the President, talagang veto niya ang laking halaga noon P95B na sinulat ni SP sotto na ito ang mga questionable. Kasi natapos ang BCC namin nagsingit pa ang congressmen, iniba pa nila, ibig sabihin. Paano iibahin yan e na-ratify na namin ang BCC report iniba pa nila. Nang sinulatan ni SP, ang ginawa kaagad ni PRRD vineto niya so walang nakinabang.”
“Ngayon nagtitiwala kami bukod sa Senado nariyan ang Presidente ng PH at financial adviser niya na pwede pa rin mag-check kung may abuso sa national budget.”
“Mabuti ang makaltas para makamenos tayo ng uutangin kesa sa sa hindi makaltas na masasayang naman. Kasi taon-taon sa pag-aaral din namin, napakalaki ng unused appropriations. Dagdag tayo ng dagdag ng budget taon-taon pero taon-taon din hindi nagagamit ang budget kasi hindi alam kung saan gagamitin or masama ang pag-implement so sira-sira ang ginagawang proyekto so nasasayang ang budget. Mas okay ang unused kasi although masama rin, pero mas masama ang nagamit na hindi tama ang paggamit.”
“Laging may unused, pagka unused 2 ito. Unreleased o hindi na-release ng DBM sa ahensya; at unobligated, meaning released pero di nagamit kasi di alam saan gagamitin, di kasama sa plano, kasi naisingit ito ng kung sino.”
Need for transparency in crafting the budget:
“Mas maganda nga open sa publiko. Suggest ko nga at nag-file ako ng bill dito dapat transparent ito sa publiko pati hanggang BCC dahil doon sa BCC, yan ang medyo exclusive yan kami-kami lang nag-uusap diyan. Yan ang nire-reconcile ang tinatawag na disagreeing provisions. Iba kasi ang version na ipapasa ng Senado, iba ang version na ipapasa ng HOR so kailangan ma-reconcile yan, yan ang BCC. At ang nangyayari roon kasi hindi lang limitado sa version ng Senate at version ng HOR ang pinaguusapan. Minsan doon din pumapasok ang iba pang amendment na katakot-takot.”
“Dapat nga lahat isapubliko namin. Lahat na sina-submit naming amendments, institutional man o individual, dapat i-post namin sa website namin. Ito ginawa ko noong nakaraang taon. Lahat ng amendment ko kasi pinagbibintangan ako na ako rin daw may mga amendment. E totoo yan, talagang lahat kami nag-a-amend pero gawin natin anong klaseng amendment? Para ba sa sarili kong proyekto? Hindi. Ginawa ko pinost ko sa website lahat ng aking amendment. Dapat ganoon din ang gawin ng bawa’t mambabatas. Tutal may websites kami, para open sa mamamahayag na ito mga amendment ni Congressman so and so, Senator so and so, para maliwanag. At bahala ang publiko suriin kung itong mga amendment ay para sa kapakanan ng bayan o kapakanan ng mambabatas.”
“Ang amendments sina-submit ito isusulat sa napkin, ibibigay sa chairman, ito ang mga gusto kong amendment, ito ang kung pwede mga proyekto na pwede pondohan. Hindi naman dinadaan sa floor deliberation ang mga amendment especially individual amendments. Bagkus sinusulat na lang ito at sinusumite sa chairman ng finance o appropriation committee. Ganoon ang nangyayari. Minsan sa napkin na lang sinusulat eh. Minsan nangyayari yan. Minsan nga verbal na lang. Usapan na lang.”
“Yan sana gawing transparent talaga, na i-post sa website ang lahat na individual amendments para makita ng publiko ano ang amendment na ginawa ng bawa’t mambabatas. Yan ang malinaw na transparent para kung makalusot man, at least mabantayan ng publiko ang proyekto kung anong nangyari.”
*****