Interview on DZMM: Funding for National ID in 2020 | Nov. 20, 2019

In an interview on DZMM, Sen. Lacson answered questions on addressing the funding gap for the National ID system in 2020.

National ID Thumbnail

QUOTES and NOTES:

On the funding gap for the National ID program:

“May funding gap sa budget na nakalagak sa dine-deliberate namin ngayon. P2.4B pero ang requirement ng PSA mahigit P5B para ma-cover ang initial 14M Filipinos and resident aliens. Kung P2.4B lang ang maipopondo, mako-cover lang mga 6.3M Filipinos na ma-register. Magsisimula na sila sa Mayo kasi nakakasa na equipment and data centers ang pagre-register-an, nariyan nan aka-ready lahat. Kailangan mapunuan ang pondo para ang initial na requirements nila para ma-cover ang 14M Filipinos pati resident aliens ay maisagawa.”

On sources of funding for the National ID:

“Marami namang pwedeng ma-realign doon. Tulad ng National Greening Program ng DENR, may P5B taon-taon kinwenta namin nakaraang 8 taon pumalo siya ng P33B. Tinanong ko ang sponsor pati DENR nasan ang mga puno, di natin nakikita. Parang nasasayang ang pondo na nakalagak sa NGP. So pwede pagkunan yan na may P5B doon.”

“Pwede kunan sa iba tulad ng mga duplicative na mga items sa GAB. Ang nagdodoble-doble, infrastructure project na nakalagak sa DPWH. Pag kinwenta namin lahat yan, although sabi ng DPWH magsa-submit sila ng errata kasi medyo na-expose ito noon napakaraming vague na described, hindi maliwanag, pero pagaralan pa rin kung talagang pwede pa ma-implement kasi sa ngayon napakababa ng disbursement ng DPWH.”

“Hindi nagagamit ang pondo kasi walang masyadong consultation. Ito ang sinisingit ng legislator na walang consultation sa ahensya so hindi naimplement nang maayos. Siguro nasa mahigit P14B yan. So maraming pwedeng pagkunan kung gusto natin matugunan.”

“Nanghihinayang ako. May 3 napakalaking landmark laws na naipasa under PRRD administration. UHC, free tuition sa colleges at National ID. Pero lahat kapos.”

“Sabi ko nga ang 3 sa akin yan ang tingin ko mahalaga. Kalusugan, edukasyon at National ID. Ito ang mga pagbawas sa corruption pati tax collection sa lahat na transaction sa government at private institution, malaking bagay na meron tayong National ID system.”

*****