At the Kapihan sa Senado forum, Sen. Lacson answered questions on:
– Hide and Seek: Pork spotted in the 2020 budget
– Situation of VP Robredo in the anti-drug war
– President Duterte’s ‘ban’ on vaping
QUOTES and NOTES:
* PORK IN THE 2020 BUDGET:
Pork Spotted in 2020 Budget Bill:
“Itong national budget, ito ang hide-and-seek ng matatanda. Hide sila ng hide, hanap naman kami ng hanap. Kung hindi makita ok lang sila, pero pag nakita, e di huli. Ganoon lang yan. Parang taon-taon nagha-hide-and-seek, nagpapatintero. Larong bata kasi ang hide-and-seek kaya ko sinabi laro ng matatanda sa budget. Don’t take it literally… Exciting, sometimes irritating. More exciting than irritating. Ganoon lang.”
“(May) P14-20 billion sa DPWH pa lang, ito ang questionable kasi parang duplication. Nasabi ko rin sa inyo isang glaring example ang sa Kennon Road may P507M tapos may P76M. So baka ang P76M bahagi ng P507M. And may 2 project sa Batan Island sa Rapu-Rapu sa Bicol, circumferential road 2 rin ang items, e isa lang ang circumferential road kasi maliit lang ang barangay. Ganoon din Rapu-Rapu circumferential din bakit dinalawa pa? Maraming ganon na di kalakihan pero pag pinag-combine mo aabot yan sa P14-20B na ito ang pwedeng alisin at i-realign kasi sila mismo nagtataka. Naroon kayo nang tinatanong ko ang DPWH through the sponsor, di rin nila alam. Katunayan nang nagpakita ng errata, mas makapal pa sa GAA. Di ba sinabi ito ang errata sabi ko bakit parang mas makapal pa sa GAA ang errata?”
“Kasi ang interpretation nila ng SC ruling simple lang, post-enactment. Sabi nila nasa NEP sasabihin bang pork yan? Pero remember, may portion ng ruling sa SC, all informal practices of similar import na may grave abuse of discretion, pork pa rin yan. So pagka grave abuse of discretion, pag may requesting for infra project tapos ilalagay mo sa GAA, di ba abuse of discretion yan? Tapos may doble-doble kang popondohan 2 pondo 1 project, di ba grave abuse of discretion yan? So pork pa rin yan. Kung hihimayin natin ang buong ruling di lang sa context ng post-enactment at pre-legislation.”
“Maski pre-enactment yan, sabi ko nga yan ang interpretation nila, basta’t naipasok sa NEP or during discussion sa plenary naipasok nila, hindi pork yan. That’s a wrong interpretation of the SC ruling kasi yan interpretation lang for convenience. Point out ko nga may portion sa ruling covered lahat, all informal practices of similar import na tantamount to grave abuse of discretion, tawag pa rin doon pork.”
“Although GAB na-transmit sa amin wala kaming nakita dahil walang nabago sa NEP at HOR version except ang P9.5B na puro institutional amendments, sa DA, sa palay, mga ganoon, tapos education din. But then napansin namin sa pag-aaral pa rin ng NEP compared to GAB, mukhang sa NEP pa lang nakapagpasok sila ng kani-kanilang proyekto. Ang nakaka-worry, mukhang may plano pa sila dahil by their own pronouncements at admission na rin, sinasabi nila tapos na 3rd and final reading na at na-transmit na sa amin, pero nag-e-entertain pa rin ng amendments. Isa lang ang venue kung saan pwede ipasok ang additional amendments, sa BCC. So bantayan na naman sa BCC na mas mahirap magbantay kesa sa plenaryo. You and I know ang BCC exclusive club yan. Kung sino lang ang member at hindi lahat na member ng 2 panels nalalaman ang nangyayari. Ang discussion small group tapos darating sa amin sa last day pirmahan ng ganyan kakapal, pag babasahin mo lahat yan, lahat naghihinitay sa iyo. So ang mangyayari may nag-aabot sa iyo ng document, ang daming kopya roon pirma na lang kami ng pirma.”
“Ang BCC mas sneaky kesa sa regular deliberation.”
‘Learning Experience’: Hiding (and Finding) the Pork in the Budget:
“Every year, ang discussion ng budget is a learning experience. Learning experience simply because we do our research and then there are so many things we discover every year, some irritating, some shocking, some funny. But it is our duty to scrutinize and debate on the national budget. After all, pera naman nating lahat ito.”
“Wais eh. Ang transmit sa amin wala talagang masisilip except yung mga siguro carelessness na rin sa pagmamadali rin kaya may lumabas P500K na gagawa ng tulay sa Ilocos. Meron din na request pa lang nasa budget bill na. Ang mga ganoon. Ito ang parang hindi pinagaralan ng pagpasok, di pinagaralan ng nag-prepare ng NEP. And I know for a fact dahil nanggagaling din sa mga HOR members, bago mai-finalize ang NEP, tinatawag na nila ang mga heads of agencies, DPWH for example, nagsa-submit na sila ng kani-kanilang proyekto kasi iniiwasan nila masilip. Kung sa amendment nila ipasok makikita at makikita namin ang difference ng NEP and HOR version. So iniba na ang sistema, sa NEP pa lang nakapagpasok na pero hindi pa rin pulido dahil may lumalabas na kitang kita mo, too glaring to ignore. Bakit may proyektong ganito na di dapat may ganyan. Halimbawa, Makati City nakalagay lang P266M various road projects. Saan sa Makati yan? QC ganoon din and even other areas. Ito ang mga tinitingnan natin.”
“Kaya (sa DPWH budget), errata ewan ko ang porma ng errata, we’ll have to get it from DPWH, and that is DPWH alone. May siguradong nakapasok sa, kaya sabi natin may provision sa 2019 GAA na wala nang Tulong Dunong. Kinaltas natin yan nilagay natin sa CHED kasi nakalagay sa special provision ang TD ia-absorb na ng TES. Bakit may nagpo-post pa sa FB? Even on that particular day na nag-interpellate ako, I think that was Nov 18, may naka-post pa sa FB na mag-apply kayo TD. Bakit ganoon? Samantalang dapat naka-consolidate na lahat na prospective scholars sa CHED.”
“Parang basketball din, parang layup kung saan-saan papasok. Kailangan harangin mo. Sa BCC automatic member ako kasi vice chair ako ng finance, ang maganda siguro palitan ang sistema na meet kami, formally open, constituted, tapos iwanan namin sa chairman, not that we don’t trust Angara. Pero makakaharap niya roon ang chairman ng appropriations si Rep Ungab, who is also a decent person. Kasi hindi siya pumayag i-withdraw. Gusto ng HOR leadership noon, i-withdraw ang NEP, di siya pumayag, he stood his ground.”
“Ang maganda siguro is, bigyan kami ng kopya ng individual amendments nila. Pag-aralan namin, mag-upo kami sa panel namin. Pagaralan namin ang mga pupuwede na ok lang ito mai-ratify sa bicam. Meron doong makita kaming di pwede, i-reject namin. Kami rin kung ano ang individual amendments namin ibigay namin sa kanila pag-aralan nila. Kasi alam natin ang BCC kung strictly speaking, ang disagreeing provisions lang ng HOR and Senate versions ang paguusapan. Pero hindi naman ganyan nangyayari sa bicam. Buong budget ang pinaguusapan dahil dadagdagan pa labas sa kanilang provision labas sa aming provision ibang provision na mas marami pa. So I intend to suggest na para magkaalaman at para rin ma-facilitate nang systematic ang gagawin nating BCC, mag-submit-an kami. Ito ang amendments namin institutional man o individual, ayan ang kopya. Sila rin hingi namin. Maguusap-usap kaming BCC conferees na ito ang sinubmit nila. Wala ring taguan. At kung ano mapagkasunduan ito pwede ito dahil tumutugon sa pangangailangan ng distrito, e di payagan na lang. Ang matira na pagusapan namin pag nag-meet uli kami after 24 or 48 hours, discuss namin ang mas kaunti na issues. I just don’t know if it will be adopted but I intend to do that for transparency na rin. Of course, kung wala silang tinatago dahil siyempre iniisip nila baka ang ibibigay nila sa aming individual amendments nila baka lumabas. Di ba ganyan naman ang essence ng budget deliberation, dapat transparent.”
“(Dati) puro verbal, pag-upo sa magkabilang mesa magtatawanan, magkakape, kainan, o sige small group bicam, we leave it to our chairman you leave it to your chairman, let them meet. So walang nakakaalam. Magme-meet uli kung magpipirmahan. Nadala na rin kami last year budget for this year, kasi nag-ratify kami both Houses meron pang iniba, ang laki noon, P75B ito ang na-veto nadagdagan pa nga, may nakita ang Malacanang additional P20B.”
“Mainam na yung nariyan open sa public (ang bicam) na hindi lang media kundi public, mga NGO. Hindi naman sila mag-participate, di naman kayo (media) makikialam mag-cover lang kayo, paano magugulo ang budget? Di naman kayo pwede magtaas ng kamay, ‘Mr Chairman may I be recognized?’ Wala namang ganyan. I don’t know where is that coming from, na magugulo… I’ll pursue that. Meron akong bill to allow public participation meaning presence, observers. Di mag-participate na pati sila makikihalo sa discussion.”
Planned Amendments and Realignments in the 2020 Budget Bill:
“May listahan kami, more or less may idea kami anong tatanggalin para ma-realign sa ibang department or ibang paggagamitan.”
“Yan ang idi-discuss namin pagdating sa individual and committee amendments. Give or take siguro makakakuha tayo between the 2 departments alone, sama na natin DepEd kasi ang laki ng gap sa school building program nila, napakita natin sa debate na hindi natutugunan ang kakulangan ng school buildings kasi hindi nila kaya ipagawa. So bakit natin bibigyan sila ng ilang bilyon para sa proyektong ganoon kung di nila kaya gamitin? At ito sabi ni Sen Recto nagbi-build up ito, di lang 2019 kundi babalikan natin ang previous years, 2017, 2018, 2019 and now sa 2020, dapat nag-accumulate na lahat ito.”
“Ang talagang magbe-benefit (sa realignments), ang mga landmark laws na naipasa na mas maraming makikinabang. When we talk of 1.5M students tapos aakyat ito pagpasok ng susunod na taon dahil K to 12, tapos UHC, ang talagang target ma-cover lahat na barangays. Ito ang high post sa tier 2 na sabi kong kailangan mapondohan ng P257B. Pero nakalagak lang ngayon sa fiscal space, P151. So sa Tier 1 na 141, may P10B na medyo nadagdag pero sa inflation lang papasok yan. So halos pareho rin. So ang observation nga, nagpasa tayo ng UHC Act of 2018 na implement in 2019. Bakit hindi dinagdagan ang pondo? Walang effect o kumbaga sa gamot walang added efficacy ang funding. Pinasa natin dapat mag-crossover na tayo from low cost na pareho din naman sa walang batas, doon na tayo sa parang maramdaman natin ang pagpapasa ng batas. At least may areas na pipiliin kung saan pwede magkaroon ng access sa free health service.”
On Admin’s Wrong Priorities in the Budget:
“Yan ang aking opinion dahil certify nilang urgent ito at ito ang pinagmamalaki at ngayon lang sa admin na ito, of course in-attempt in the past, may pinasang UHC noong 2013, pero di ganitong ka-comprehensive at enhanced ang programa. Ang free tuition nagsimula 2017 nakatuklas tayo P8.3B na ilalagak sana sa ARMM, na violation ng organic law. Nang nai-float ang P8B nasimula nang naipondo sa free tuition ng mga college students although wala pa ang batas. Ito parang nag-trigger at nag-motivate sa amin sa Kongreso para magpasa ng quality tertiary education law.”
“For example ang isang nakita natin sa general principles pa lang, we are borrowing more than what we need to spend. Ang projected borrowing natin sa 2020 this is just an example ng magnitude ng problema natin at dapat na concerns natin. We are projected to borrow P897B to fund a projected deficit of P677B. So right away meron na agad, bakit tayo uutang na napakalaki pagkatapos ang kailangan lang natin dahil iko-cover na deficit only that much? In 2019 this current year, ang deficit natin nasa P558B. And following that trend, I suppose umutang din tayo nang mas malaki sa P558B. In 2018, ang deficit natin halos nasa mga ganoon din, around that much. Sa 2017, P350B. Ang borrowing natin, ang deficit sa debt to GDP pumalo tayo 3.2%, in 2017 it was 2.2%. So nag-jump tayo ng kauutang malaki na utang ng bansa natin, pumalo na tayo ng P7.9T. Ang sagot ng economic managers, they need to build up government’s cash position. Pero kung taon-taon nagbi-buildup tayo ng cash di ba dapat mababawasan ang uutangin natin kasi na-buildup na cash natin? Bakit nagpo-project pa tayo umutang ng P100B more than what we project to spend? And yet we see sa mga deliberations din na ang daming unused appropriations. And the top 3 agencies na malaki ang unused appropriations, the usual. DPWH, DepEd, DoTr.”
“Pag tiningnan natin ang disbursement over obligation, nakakadismaya rin. 36% 39% meaning ang nilalabas nilang pera na pambayad ganoon kaliit kumpara sa kanilang obligation. So tinanong din natin lahat yan. Napagusapan naming mga senador na may mga agencies na kailangan talagang kaltasan para mailipat doon sa mas mahalaga dapat pagkagastusan ng gobyerno. Under this administration nabanggit ko sa inyo may 3 landmark laws. National ID, UHC, and Universal Access to Quality Tertiary Education. Lahat ito napasa under the PRRD administration and yet pwede natin sabihin ito ang pwede ipagmalaki na maiiwanan nilang legacy sa atin dahil lahat ng Pilipino, ang dapat i-cover lahat na barangays, ito ang high cost sa Tier 2 ng UHC kung saan ang requirement dito P257B. Kung sa medium cost naman, P141B, ang ibig sabihin, may select areas na mako-cover na, libre na. Siguro ang poorest of the poor, libre sa lahat na kinakailangan sa pagpapagamot. Pero ang pinondo ng ating executive branch sa NEP, naroon lang sa fiscal space natin for 2020, P151B. Meaning, hindi na tayo nag-graduate sa mga ongoing PAPs (programs, activities and projects) ng DOH. So anong na-gain natin sa pagpasa ng UHC Act? Parang wala kung hindi natin pupunuan ang karagdagan na pondo na ang gap nito is between P151 and P241B. So medyo malaki ang dapat nating ipuno sa UHC. Sa education naman, access to quality tertiary education, yung TES Tertiary Education Subsidy, tinanong ko ito. Ang applicants 1.5M learners, college students. Ang kaya pondohan 432,000 so napakalaki rin ng gap, P21B kasi ang nakalagak.”
“Ang National ID, ang kailangan para maitupad sa 2020 at ito ang nakaprograma kung saan magsisimula ang enrollment natin, tayong lahat. Ang pinondo nila under unprogrammed fund P2.4B. Ang kailangan para makapag-enroll ng 14M Filipinos sa umpisa kasi exponentially aakyat ito hanggang matapos ang 2022, ang ma-cover lang 14M kasi ang budget is P2.4B. Pero ang pangangailangan P5.645B. At kung P2.4B lang at hindi kami mag-realign papunta roon kaya i-cover 6.3M Filipinos and resident aliens.
So yan ang situation. So nakikita natin kailangan talagang magkaroon ng debate at magkaroon ng interpellation at magkaroon ng discussion, matanong ang ahensya para ma-review kasi in a way ang budget deliberations parang nagse-serve na oversight ng Kongreso para matingnan namin tama ba ang pagpopondo ng national government.”
Enforcing the ‘Use it or Lose it” Policy:
“Sabi ng DBM natatandaan ko nang unang budget deliberation sa ilalim ng PRRD admin, you use it or lose it. So dapat ganoon, di dapat ito lip service or parang rhetoric na magandang pakinggan. Dapat ipatupad. Ibig sabihin kung di mo magamit dapat di ka maigyan ng pondo. Pero taon-taon bakit increase pa rin ng increase ang pondo ng department na historically and traditionally hindi makagamit ng tens of billions of pesos every year?”
“Susundan namin ang sinabi nilang you use it or lose it. Kami na ang magpapatupad. Instead of executive branch gagawin ng Kongreso na babawasan namin kasi they should lose a portion of their budget kung di nila kaya gawin. At di lang sa taong 2019 kundi even in previous years. Isipin nyo every year nagpapasa kami ng joint resolution na i-extend ang validity. Pero ang pinagmamalaki nila, di ba cash-based budgeting? And yet hindi nila matugunan kasi hindi kaya ma-utilize ang budget, ma-obligate. Ang remedy extend ng 1 year. Ngayon na naman meron kaming ipapasang batas, ginawa na ngang bill kasi may ruling ang SC na hindi pupwedeng remedyuhan mo lang ng joint resolution. So bakit pa tayo papasok sa cash-based, hindi na lang natin gawin dati na may continuing appropriations? Anyway ganoon din ang nangyayari.”
“Top 3 (agencies to be affected), not necessarily in this order, DoTr, DPWH, DepEd. Ito pa naman ang malalaki ang pondo.”
“Malaki ang pondo pero malaki rin ang unused. Unang una ang big-ticket nilang items na school building. Pero ang naipapagawa nila napakalayo sa dapat ipagawa nila.”
“Kung di nyo magamit, tatanggalin na lang sa kanila kasi batas ang budget measure. Pero dapat may masusing pag-aaral pa kung saan or by way of legislation, kung saan mapwersa silang gamitin ang budget na nasa kanila.”
“Kasama doon sa pondo nila, sila DPWH and DoTr nangangasiwa sa BBB program. So malaki ang pondo kaya nag-adjust sila, nagbawas at nagtanggal ng ilang proyekto. So pag-aaralan din ano ang dapat tanggalin. But I guess sa DoTr for example, binawasan ng Senado, naiwan na lang diyan P10B yung isang programa nilang di matugunan.”
“Dapat significant (ang ibabawas) para mailagay natin sa dapat pangangailangan talaga. May pinasa tayong batas. Kung di rin natin ma-comply, para ano pa nagpasa tayo ng batas? At ito sa tingin namin ang dapat bigyan ng priority kasi health, education, sinasabi natin lagi, para naman lang may makita tayong bumalik sa atin sa pagtaas lagi ng buwis na binabayaran natin.”
“(Mapupunta ito sa) Health and education. Pero naka-specify ang item. Sa CHED, pag sinabi natin sa education, hindi sa DepEd. Pwede natin sabihin ang hindi nagagastos sa DepEd pwede natin ilagay na lang pagtulong sa Free Tuition Act.”
“It goes without saying kahit informal consultation. Sasabihian namin sila kasi nangyayari naman yan even during the plenary debates and deliberations. On record tinatanong namin kaya nyo ba implement ito? Pag tinugon nila sige pwede nyo i-delete, nangyari ito nang isang taon sa DPWH, pumayag naman sila tanggalin. Sa DILG kahapon, may P4B na naka-lodge sa DBM. Ang mag-implement din ang DILG pero di alam ng DILG saan dadalhin. That’s P4B, Other Financial Assistance to LGUs, at saka ang Assistance to Cities, P2.489B. So ito ang pwede tingnan na mailipat sa dapat pakinabangan.”
“(Sa DepEd) nakalagak ang pondo although implementation, ang dapat din pagaralan, kaya ba ng DepEd mag-implement? Kung titingnan natin at na-raise ito sa debate, ang sariling backyard ng DPWH ang kanilang disbursement rate nasa 36-39%, wala pang 40%. Siyempre uunahin ng DPWH priority nila yan dahil sarili nilang department ang proyekto nila yan. Kaya malaki ang disbursement gap din, mababa ang disbursement rate ng DepEd sa school building program, kasi bago ma… ng DPWH ang sa kanila, siyempre sa sariling bakuran muna. So dapat pagaralin din, dapat tanong ang DepEd. Sa inyo ang budget, kaya nyo ba implement yan?”
“Ang mga engineers sa DPWH naman. Dapat ito ma-discuss mabuti kasi taon-taon ganoon ang nangyayari, hindi nagagamit ang budget pagkalaki-laki. Tapos ang laki ng unused tapos year in year out ganoon kalaki ang unused, pero pondo pa rin tayo ng pondo.”
“Ang may problema sa ROW. Isang malaking dahilan bakit di sila makaimplementa, kasi pinagsasabay nila ang civil works at ang settlement ng ROW. Maliwanag ang batas at nasa provision ito ng GAA, i-settle mo muna ROW bago ka magsimula ng proyekto. Napansin ko inalis sa special provision, DPWH o DoTr man, taon-taon na ang ROW na budget hindi nila nagagamit at naaabala pa ang civil works ang commencement kasi di pa nase-settle. Kaya inalis ang phrase na should ensure ROW issues will be settled. So pinababalik ko ngayon dahil batas yan. Di pwedeng alisin yan parang ipikit natin ang mata natin sa umiiral na batas.”
‘Notorious’ Agencies DOH, DPWH and DoTr:
“Taon-taon naman ito ang laging natitingnan kasi ito ang malalaki ang mga problema pagdating sa spending. Pero each year may mga specific items yan. Yan ang tutugunan pa rin nang mas masusing pansin para alam natin kung saan ang kakaltasin, saan dadalhin.”
“(Ang sobrang funds sa DOH) ire-realign sa UHC kasi naka-item naman sa UHC, kesa sa iba halimbawa ang barangay health stations sabi in-abandon pero bilyon ang nasayang doon. Ang total budget doon since 2015 nasa P7B tapos sasabihin ngayon ia-abandon na, e nakagawa na.”
“(Ang DOH advertising fund na) P600M napakalaki. Pag sinabing advertising budget di naman talaga pang-advertise yan, pang-PR yan.”
***
* SEA GAMES: ‘Extravagant’ P50M Cauldron?
“As much as possible gusto ko ang discussion tungkol sa SEA Games after the Games. Baka sa halip ma-focus tayo sa international event na iho-host natin, baka ang focus mapunta sa sinasabing excessive, questionable or masyadong extravagant na paggastos. There’s a time for that. I’d rather that we discuss that or even investigate after the Games. Kasi baka pati ang mga athletes natin maapektuhan, di maka-focus, kasi baka magkaroon ng perception mali o tama, pero nasa isip nila hindi sila maka-focus sa Games. Pati organizers baka madiskaril ang focus nila para maging maayos ang pagdadaos ng Games sa atin.”
***
* VP ROBREDO AND THE ANTI-DRUG WAR:
On Whether VP Should Quit as ICAD Co-Chair:
“She has made her decision na sabihin sa kanya in her face na umalis ka. Yan ang kanyang decision and we should respect that. Ang point ko lang, galing naman ako sa organization na may training sa leadership, authority vs responsibility, pag tinanggalan ka ng authority at naiwan sa iyo responsibility, that’s a guaranteed formula for failure. May gusto kang gawin wala kang authority pero nakaatang responsibility sa balikat mo napakabigat. So wala kang paghuhugutan ng authority mo para matugunan ang responsibility mo. And that’s basic in leadership.”
“Hindi ito in-appoint siya last year tapos over time nawala ang tiwala. We’re only talking of 2-3 weeks na halos di pa nakaka-takeoff kasi puro meetings pa lang nangyari. So that’s a valid question. Mas maganda na Malacanang mag-address sa tanong ni VP na ganoon.”
On Giving VP Access to HVT List:
“She should get (the list of high-value targets). It is not a matter of having right to get it. It’s my opinion she should have all the basic information basta tungkol sa illegal drugs. And that’s one of the basic information na kailangang tingnan niya. Kung mapagaralan ang listahan at magbibigay siya ng policy direction, sabi nga niya magshi-shift from demand side to supply side. And that’s important. Pag sinabing high-value mas marami roon sa supply side ito ang suppliers ito ang big time drug traffickers. Mas mainam kasi na-appoint siyang co-chair ng ICAD na magkaroon siya ng access. And what’s the problem with the VP having even if hindi siya na-appoint as co-chair ng ICAD, being the second highest official of the land, I think she’s entitled. Ang security clearance niya siguradong mataas, kami mataas. I think we’re good up to Secret. Nakita kong security classification ng document, Secret.”
“Paano ka magiging effective in formulating policies kung kulang-kulang ang information mo? Remember, the more info you have access to, better, kasi malawak na ang kanyang dapat ginagampanang tungkulin para lahat ng may epekto ma-factor-in niya sa paggawa ng decision.”
“She should not involve herself directly, meaning leading the troops on the ground to raid drug dens. Hindi naman kasama yan. Ang kanyang job description, mag-formulate ng policies, magbigay ng policy direction kung saan mas magiging successful ang fight vs illegal drugs.”
On ‘Untenable’ Situation involving Malacanang and VP:
“Tuloy-tuloy naman ang effort kasi nasa ground na rin ang mechanics. Di siguro ma-hamper. Kaya lang distraction ito and this is a big distraction. So pagka may ganyan sino ang nagbubunyi? E di ang drug lords na nag-aaway sila roon medyo hindi tayo napapansin ngayon.”
“Some people say it (appointing her to ICAD) is a ruse. And then parang nagkaroon ng apoy. Ang problema ngayon, paano i-contain ang apoy if you know what I mean. Some people say sincere ang offer, sincere din ang pagtanggap. Ang makakapagpaliwanag lang diyan si PRRD mismo and si VP. Yan ang kanilang perspectives eh. Kung magkaiba, sila magkaliwanagan dapat. Tayo, our opinion won’t matter anyway. Maski sabihin natin hindi trap lang yan, sincere lang yan, magma-matter ba yan? Parang hindi eh.”
“Untenable ang position pag ganyan ang situation. Nariyan ka sa position and the appointing authority does not trust you. Katunayan di ba one reason for kicking out a presidential appointee is loss of confidence? So kulang na lang sabihin kasi dineclare na wala akong tiwala sa iyo, expect natin kasunod doon, umalis ka na riyan kasi wala akong tiwala sa iyo. Ang mga may asawa, nawala tiwala sa asawa nyo gusto pa rin nariyan pa sa tabi nyo? May mga tinamaan yata.”
“Napakaraming limitations. Kaya kahapon sa PNP, I found out na kasi ang OIC di siya pwede bigyan ng full authority ng CPNP full-time. Hindi magiging effective. Ang magiging adverse effect ang overall efficiency ng buong organization. Kulang ang authority eh. Based on my experience, kung kapos ang authority mo sa responsibility mo, hindi ka magsa-succeed. It’s better na it’s either VP Leni is out of ICAD or give her full authority. Naroon ang parameters eh. Kasi sabi niya sumulat na siya, inquiring sa scope ng kanyang mandate. Napagusapan namin yan. First thing to do is ask the President, ano ba ang scope ng mandate na binigay? Kung tingnan mo ang EO 15 ang pag-create ng ICAD, defined naman doon. But because parang special ang appointment niya kasi sa organization walang co-chair and as initially announced bibigyan siya ng Cabinet rank meaning angat siya sa chairperson. So dapat doon may redefinition ng scope ng mandate, ano extent ng authority, para alam din niya galaw niya. And I think she already did that and is waiting for response from Malacanang.”
“Mahirap i-explain. Sa ngayon I’m not being biased pero sa ngayon wala akong nakikitang missteps o violation na nagawa. Mukhang nagkarooon lang ng misinformation dahil nagkasabay na nag-offer ang HR advocate na sinasabing ipapakulong niya si PRRD, tapos nasabay naman sa pakikipag-meeting niya sa US Embassy officials kasama ang US DEA. May napasamang UN. Pero hindi naman yan, parang nagkaroon ng misinformation. I think this should be sorted out para magkaliwanagan. Kasi kung mali ang information na dumating, mali ang premise mo sa decision na ginawa mo.”
“I won’t make a judgment kung ano pa ang ibang information na nakarating kay PRRD aside from yung mukhang maling information sa isang tao na yan na sasampalin niya.”
“Right now sa tingin ko mukhang tama ang direction niya kasi sinimula niya ang pakikipagkonsulta sa dapat konsultahin, excluding myself, I’m not saying that because she consulted me. Pero ang consultation with US DEA and other groups, at meet niya ang ICAD members, consultation din yan, briefing and consultation. So far tama naman siguro ang ginagawa niya. Ang hindi ko lang alam ang di natin nabasa sa media. Hindi continuous ang pakikipagusap na ginawa. Minsan nga lang kami nagusap after she was appointed. After that, di ko alam kung ano na nangyari.”
“Nangyari sa akin noon. Initially I was given by PJEE full authority over PNP. I could hire, I could fire, I could promote hanggang Lt Col rank kasi yan ang nasa law. I can transfer any general, any RD from one location to another. Lahat pwede kong gawin kaya madali mag-disicpline, madaling mag-motivate. Kasi I could promote even on the spot. I remember I promoted an officer in Bulacan after a very good accomplishment on the spot. Right there and then when I visited nakita ko accomplishment sinabitan ko ng bagong rango. Kasama ito sa leadership ang discipline and motivation, inspiration and morale, kasama yan. And later on nang nagkaroon kami ng difference ni PJEE sa issue ng jueteng, tinanggalan ako ng authority. Si then SILG Alfredo Lim, may hawak na memo. Ang sabi, hindi ka na pwede magtanggal ng provincial director, kailangan idaan mo sa akin. So for a moment yan dilemma ko. Ang ganda ng takbo ng PNP and now that the authority has been removed, magfa-fail na ako rito. For a short while I thought of resigning. Wala akong authority, maganda na takbo, tapos maiwanan ko, matatandaan ng tao ang nag-fail ako kasi wala akong authority. And over what issue, jueteng? Anyway I kept debating with myself ano ba talaga gawin but my morale then was very, very low. This was in 2000. Naisip ko rin teka muna bakit ako magre-resign? Alam kong tama ang ginagawa ko. Tanggalin niya ako, siya mag-explain sa public bakit ako tinanggal. Yun ang decision.”
“Basta may full support ng appointing authority talagang madali kasi you have all the flexibility. Kung nag-fail ka, yan ang problema. Kasi when I was appointed CPNP the first thing I did was to request the President, sabi ko Sir baka pwede bigyan mo ako ng blanket authority over the PNP and kung nakita mong hindi ako nagde-deliver in 3 months tanggalin mo ako o tanggalin mo ang authority. Maliwanag dapat yan dapat may parameters which VP Leni also did. Dapat umpisa pa lang pagka-appoint pa lang inalam na niya. Mr President, hanggang saan ang extent ng authority ko? Ano ang mandate ko? Ano ang pwede at di pwede ko gawin? At least malinaw. Kung tanggapin mo pa rin ang position in spite of so many limitations nasa iyo na yan. At kung mag-fail ka because of the limitations, you cannot blame the appointing authority kasi in-spell out sa iyo eh. Pero kung hindi malinaw ang mandate talagang magkakaproblema.”
***
* VAPING ‘BAN’:
On Whether PRRD can Arbitrarily Order a Ban on Vaping without Congressional Concurrence:
“He can issue an EO to that effect. Ito ang hinihintay ngayon ng FDA. Wala pang license to operate ang manufacturers ng vaping, tapos wala pa silang certificate of product registration. Pending pa yan kaya lang na-TRO. Dahil may first case na nai-report sa Central Visayas, that probably triggered the decision ni PRRD to ban it muna.”
“Verbal order of PRRD… should be really formalized in the form of EO para may effect naman ang batas. Of course hindi rin final yan. Pwedeng strike down ng SC kasi nangyari ang sa, ang ruling nila na hindi pwedeng joint resolution lang. Na-rebuff ng Congress even Malacanang kasi trabaho ng SC mag-interpret. So while the President or FDA is requesting for an EO, even if the President issues an EO, if the SC interprets otherwise, balewala ang EO.”
“We have been under this admin for 3.5 years. We should know by now na talagang si PRRD yan, which is good and could also be bad. Pero nakita naman natin in fairness to him, meron siyang mga ganoong decision na hindi kneejerk pero authoritarian ang dating pero maganda ang naging resulta. Nakapagbayad ang Mighty ng P35B, ang Boracay gumanda. Marami siyang ganoon na nakita natin.”
“Lest we forget I’m not trying to defend the President in this regard. Pero marami siyang ganoong decision na parang sa tingin natin hindi tama pero in the final analysis, tama ang result. Sa akin kasi medyo may pagka-Machiavellian ako na result ang mas importante kesa all the niceties. Mas maganda ang result positive.”
On Effect of Vaping Ban on Sin Taxes:
“Kung wala na, wala na yan. That’s only P2B more or less ang mage-generate sa e-cigarette. And remember sa sin tax na existing, may rates na nakalagay sa e-cig. So kung bawal na, we must also remember na all incomes are taxable. Hindi ibig sabihin na pagka illegal, exempted sa tax. Universal principle yan kaya si Al Capone illegal ang kanyang income, taxed siya, ang naghabol sa kanya IRS. That’s also the principle in PH maski illegal ang income mo you can be taxed. Iba yan. Illegal ang activities mo you can go to jail for that pero di ka lulusot sa BIR dapat. Halimbawa may supplier o manufacturer na kumikita pa rin out of selling sabi niya pwede naman sa bahay bawal sa public, parang may modification ang kanyang instruction, so may market pa rin.”
*****
GOD bless you always. Sen. Ping.