In interviews on DZBB and with Senate media, Sen. Lacson answered questions on:
– Pork in the 2020 budget
– Possible Senate probe of issues involving SEA Games organizing committee
QUOTES and NOTES:
* LAST-MINUTE PORK:
On last-minute insertions in the 2020 budget:
“Last minute insertions kasi pagkatapos ng session namin noong Tuesday, Wednesday dapat ang signing, natuloy ang signing. On Tuesday evening may pinadalang USB drive sa aming LBRMO at binigyan kami ng kopya. Noong in-examine namin 2 ang listahan, 2 files, Source file and List file. Ang Source file makikita mo P83.219B na 1,253 items. Ang list file, yan ang 742 items na nagkakahalaga ng P16.345B. So ang preliminary scrutiny namin, ang ini-indicate noon ang Source file doon humugot ang kongresista ng P16B para sa kanilang isiningit sa bicam. Ang background, before that sinubmit sa amin ang bicam report na dapat pirmahan na.”
“Ako ang nag-request kay Sen Angara, Senate finance chair; at SP Sotto kung pwede hintayin muna natin ang detalye kasi pipirma tayo na parang nakapiring tayo parang bulag tayo. Ang nakalagay lang doon increases, decreases ng budget. Walang detalye. So napilitan sila magpadala sa amin ng detalye at yan ang nakita namin. Ang nilalaman noon halimbawa, matuturing nyo bang legal o proper na 8 doon sa P3.179B na flood control projects, alam mo naman pag sinabing flood control ito prone sa corruption. Ang 8 doon parehong halaga, tig-P60M e saan ka nakakita na pare-pareho ang gagastusin doon sa iba-iba namang lugar? So parang lump sum ang dating. Ang iba naman, concreting of roads. Halimbawa 1 barangay o 1 bayan, wala namang stationing, ito ang from Km so and so to Km so and so, maliwanag. So mismo ang DPWH kapag sila nagsa-submit ng project sa amin nakalagay ang stationing, malinaw anong ipapagawang kalsada. Itong pinadala ng HOR walang ganoon. Dahil ito nga ang question ko sa plenary debate na … ng DPWH kasi meron doon malaking proyekto. Ang delete nila roon P45B worth of projects na hindi malinaw. In-acknowledge ng DPWH na hindi nila kaya implement. Yan tinatanong ko sa kanila pag nagkakaroon ng budget hearing, alam nyo ba ito? Hindi naman makakasagot. Kaya nyo ba implement ito? Lalong hindi makakasagot. Ang sinasagot lang, ginagalang namin ang authority ng Senado para magsagawa ng amendment. So lumalabas ito galing sa mga kongresista ang proyekto. Kaya ang laki ng unused, di utilized kasi paano implement ng DPWH ang hindi nila alam na proyekto?”
“Yan ang makakasama kasi nga last-minute insertions na na-approve sa BCC kahapon at ratified ng both houses kaya kasama itong mga P60M na pare-pareho ang halaga na flood control projects, at pagkonkreto ng kalsada na hindi malinaw kung nasaan.”
“May mga nakita kami roon. Halimbawa, Repair Rehab of Road Network 2nd District, P50M. Saan yan? Ang laki ng 2nd district ng Marikina. May P50M asphalt overlay of Catbalogan City Samar. Ang laki ng Catbalogan City para malaman namin saan yan. Ang mag-implement niyan ang DPWH. So ibig sabihin nito parang post-enactment din ito. Ia-identify ito kung ma-approve ang budget ng Pangulo kung makakalusot, di mave-veto.”
“So far ang questionable ang P16.345B sa list file. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-scrutinize kasi hanggang di pa enrolled ang bill may pagasa pang ma-veto yan. Ang sa akin lang maghinayang tayo sa pera, lagi kami nagdedebate sa pagtaas ng buwis at umuutang pa tayo ang utang natin P7.9T na tapos makakakita ka ng ganito, di ba tayo nanghinayang sa pera ng bayan? Pera natin ito eh. Di nila pera yan. Di naman lahat pero open secret na may 20% commission mabait pag 10% pag may nakausap kang contractor sabihin nila mabait si congressman na 10% lang hinihingi. Para bang given na. E yan ang problema natin.”
On whether House attempted to hide the insertions:
“Tagal nang pinadala. Ewan ko kung anong tawag natin doon. Pinadala Martes ng gabi. Sabi ko huwag mag-schedule ng signing sa Wednesday kung di nila papadala yan. Ni-relay nila sa HOR napilitan nagdala ng USB Tuesday evening hoping makakatulugan namin, di namin ma-examine. E mali naman sila, lagi naman kaming nakabantay rito.”
On Speaker Cayetano’s claim the budget is pork-free:
“Kanya-kanyang interpretation. Kaya in-explain ko clarify ko, ito sabi ko kanina post-construction of roads Candaba Pampanga P22M, di ba pork yan? Saan sa Candaba? Daming kalsada doon. So post-enactment ang identification. Sabi Sen Angara naka-itemize na, line item. Ngayon kung may interpretation natin sa construction sa Apalit di post-enactment ang identification, I don’t know what is.”
On Sen Angara and Rep Romualdez’s claims that the differences between Senate, HOR versions are ‘reconciled’:
“Ang BCC, ang pinagre-reconcile ang disagreeing provisions ng GAB na Senate and HOR versions. Ang siningit nila wala sa HOR version o Senate version.”
“Ideally dapat nire-reconcile lang ang di napagkasunduan sa HOR and Senate versions. Pero ang nangyari nga, last-minute reinsertions di kasama sa HOR o Senate version. Although talagang nangyayari yan, kasi di ba tawag natin sa BCC ito ang third chamber ng Congress, pinaka mas powerful pa sa HOR at Senate kasi kakaunting tao naguusap pero maski ano pwede pa rin isaksak. Ok na rin yan pero kinukwestyon ko lang, huwag naman ang lump sum, huwag ang hindi malinaw ang description. Kasi papayagan naman din natin di tayo kikibo kung malinaw ang description ng mga item. Kasi kung di malinaw, saan yan? Magkano dapat yan? May halaga pero kung lahat round figure, ang napansin namin sa nadala na USB, lahat round figure. 25M, 50M, 60M, 100M, pare-pareho ba ang halaga ng mga proyekto? Di ba dapat may butal-butal kasi program of works yan?”
On Sen Marcos’ reported statement that congressmen need projects because constituents have expectations:
“Valid yan kung aayusin nila. Huwag ang napaka-vague. Valid yan kung described ang proyekto ibig sabihin napagaralan. Halimbawa kung reconstruction, rehabilitation of road Candaba Pampanga, specfify nila anong portion from what Km post to what Km post at ano ang span. Kung may ganoon hindi ko kukuwestyunin. Ibig sabihin implementable yan. Pero kung construction of road Candaba Pampanga P22M wala na, period, tama ba yan?”
***
Revenge of the Vetoed?
“Ok lang yan kung na-discuss sa floor o sa committee hearings. Pero tapos na ang discussion sa plenary, pagkatapos isisingit mo sa BCC report, masasama yan sa final version ng budget. Hindi naman ito na-discuss. At kung na-discuss nga namin, ito ang deleted ng DPWH dahil kinwestiyon ko sa plenary debates namin na hindi nila kaya… Isipin mo, withdraw na ito ng DPWH dahil in-admit nila hindi nila alam ang tungkol diyan dahil tinanong ko nga alam nyo ba implement ito kasi hindi malinaw. Ang ginawa ng DPWH, nag-errata. Delete nila ang P45B worth of projects, nagdagdag naman sila ng P47B worth of new projects. Sabi ko hindi pwede siguro yan kasi ang may authority under the Constitution na mag-amend, either HOR or Senate. Hindi pwede mag-introduce ng amendments sa budget ang isang ahensya ng gobyerno.”
“So ang nangyari ngayon ang pinaghugutan ang P83.129B ito ang source list sa USB drive, ang pinaghugutan nila karamihan doon, ito ang kinwestyon ko na dinelete ng DPWH. Kinuha uli nila. Ang information na natanggap namin ang natanggal noong isang taon dahil vineto ng Presidente, gusto i-recover ng ilang kongresista sa pamamagitan na naman ng 2020 budget. Kaya ayaw nilang tumigil.”
“Lahat kami may amendment. Pero ang sa akin pinost ko sa website ko. Tingnan mo kung may individual amendment yan, puro institutional yan. Dinagdagan ko ang budget ng UHC, dinagdagan ko budget ng free tuition act, dinagdagan ko ang budget ng National ID. Anong pakinabang ko roon? Ang may pakinabang doon, ang taumbayan. Ang mga yan naman, mga individual amendment dahil may kanya-kanya silang project sa distrito. Yun nga, flood control.”
Senate to inform President of questionable items:
“Ang mangyayari ngayon, nag-usap kami ni SP at Sen Angara. Ililista namin ang lahat na questionable items at yan ay papadala namin, inform namin. Of course we cannot influence the President. But we can inform namin, Mr President, tulad ng ginawa namin noong nakaraang taon. Mas malala ang nakaraang taon. Kasi ang ginawa nila, na-ratify na namin, ratified ng HOR at Senado, nang naimprenta naiba bigla. Hindi kasama sa na-ratify namin. Ngayon at least kasama sa na-ratify pero questionable pa rin. So gagawin namin, inform namin DBM at Malacanang, ito ang sa tingin namin ang questionable at maaaring hindi maimplementa o kung maimplementa man, hindi tama ang pag-implementa.”
“Ganyan namin sinaluduhan si Presidente kasi siya lang ang nakagawa mag-veto ng P95B worth of projects na siningit ng mga kongresista matapos maratipikahan. Isipin mo maliwanag sa Constitution, after 3rd and final reading, wala nang amendments. Ito ratified na, hindi pa 3rd and final reading. Pinagbotohan na namin sa Senate and HOR, ni-ratify ang BCC report, tapos magdadagdag ka pa ng iba, babaguhin mo pa? Hindi ba katrayduran yan? Di lang sa amin. Katrayduran yan sa taumbayan. Pera nating lahat. Ang utang na lang natin ngayon P7.9T and still counting. Bawa’t isa sa atin maski pinanganak kaninang umaga may utang na P72-73K.”
“P72-73K utang kasi assuming 109-110M tayo, P7.9T utang natin, divide mo sa 110M, P73K ang utang ng bawa’t isa sa atin, may kinalaman pa tayo roon.”
“Siyempre pag dumating kay SP ipapakita sa amin yan. Pag may nakita kami di kasama sa na-ratify at sa listahan ng proyekto siyempre ganoon uli gagamitin natin. They are trying to be one step ahead. Hindi nila naisip we are also trying to be 2 steps ahead.”
President Duterte’s political will to veto:
“Maswerte tayo si PRRD may political will kasi wala akong nakitang Presidente before him na nag-veto ng ganoon kalaki, P95B. Ang iba matakot sa kongresista baka ma-impeach. Isipin mo ang veto mo puro proyekto ng kongresista… Tulad ng sinabi ko, diyan ko hinahangaan at sinasaluduhan si PRRD. Siya lang ang Pangulong sa pagkaalam ko na nakapag-veto ng ganoon kalaki, P95B na alam niyang proyekto ng mga kongresista. Ang ibang Presidente, iisipin nila baka ma-impeach ako niyan kasi kakalabanin ko ang mga kongresista. Pero at least itong Pangulo ngayon nakita natin kaya malaki ang pag-asa ko na pag pinagbigay alam ng aming SP sa kanya ang listahan ng mga ito na naman abuso na mga proyekto na alam nating walang kahihinatnan kundi puro sa kalokohan lang, malaki pag-asa natin na ive-veto niya uli ito dahil ginawa na niya last year.”
***
‘Magalit Dapat Tayong Lahat!’:
“Huwag magkibit-balikat. Kasi ang nangyayari parang ang tingin ng publiko sa ating budget, it’s a given, na ang mga kongresista na lang ang nakakaalam kung anong dapat gastusin at kung ano ang proyekto. At ang mga nasa gobyerno naman, akala nila it’s a must na may sarili silang proyekto at meron silang commission. Kung yan ang attitude wala tayong mapuntahan. Dapat palitan natin ang sitwasyon na ang publiko, it’s a must for them na makialam. Ibig sabihin mag-aral din tungkol sa kalakaran ng ating budget. Sabagay napakasalimuot niyan.”
“Kung may makikita silang excesses o abuses sa mga proyekto, ipagbigay alam nila agad sa kinauukulan. Ipagbigay alam sa Malacanang, ipagbigay alam sa DBM, sa ahensya. Pag kibit-balikat na lang natin ang alam nating isang buhos ng ulan sira agad ang kalsadang 6 months ago lang ginawa at ito sabihin natin parang ganoon lang, e kung bawa’t isang mamamayan dahil sabi nila, utang natin lahat yan, pera natin lahat yan, dapat makialam tayo. Di na pwede ang puro na lang talaga namang ganyan. Kasi ang feeling naman natin, given na yan, wala nang mangyayari sa atin.”
“Ang masama, tinatawanan lang natin. Huwag natin tawanan. Magalit tayo. Kasi repair na naman, e di commission na naman pag repair. Tuwang tuwa sila nagpapa-repair dahil substandard na naman, pag nag-repair, may pera na naman. Malungkot talaga. Dapat tayo magalit. Kung ang magagalit ikaw lang, ako lang at iilang tao lang, di yan sapat para may mangyaring pagbabago.”
“Napakalaki ng role ng media rito. Kayo ang tagahatid ng balita sa mamamayan natin. Ang ano ko lang, huwag natin ipagkibit-balikat ito kasi pera natin ito. Palobo ng palobo ang utang natin, saan napupunta? Di ba kanina, uulitin ko, from P800B to P4.1T gumala ka buong PH, may makita tayong karampatang development lalo sa kanayunan? Umuwi ka ng probinsya 20 years huling pumunta roon, may nakausap ako na napunta ng Manila at ibang bansa, pag uwi nila parang wala silang nakitang development. Malungkot talaga, hindi biro.”
‘Kabastusan,’ ‘Katrayduran’ of Pork:
“Kaya kami nagdedebate at nagpupuyat gabi-gabi dahil pag budget season, budget deliberation, talagang pamorningan kami riyan, e nababalewala lahat yan dahil isang gabi lang sisingitan ng bagong proyekto na hindi naman namin napagusapan o kung napagusapan man e tinanggal na nga namin, tapos ibabalik mo. Hindi ba kabastusan yan?”
“Ang unang budget year ni PGMA, 2001 budget, P800B lang. Over the years after 19 years pumalo na tayo ng P4.1T. Ang tanong, mula 2001 hanggang ngayon, may nakita ba tayong commensurate sa pag-akyat ng budget? May nakita ba tayong development? Meron tayong Skyway, SLEX, NLEX, SCTEX, TPLEX pero yan lahat bayad tayo ng tol kasi private yan. Ang nagsagawa pribado, di gobyerno. Hindi ba noong P800B noong 2001 hanggang P4.1T sa 2019, di ba dapat multilayer na ang highway natin para di tayo nagkakatrapik sa EDSA? Di ba dapat ang malalayong bayan at mahihirap na bayan umakyat na ang kanilang kalagayan sa poverty? Hindi eh. Kasi nga… yan ang tanungin natin sa kanila sa mga congressman saan napunta ang pera. Kasi pag sponsor ng 1 mambabatas ang proyekto alam natin public knowledge ito, open secret na ito, may commission na talaga, minimum 25%. Kaya nagkaroon ng Napoles. May SOP.”
“Hindi mawawala yan (SOP). Ito isang example. Di ko babanggitin ang pangalan ng senador na kausap ko. Nang kinwestyon ko bakit ang disparity ng RDC-endorsed project nasa 25% lang ng national budget at 75% national agency-initiated. Di ba disconnect? Dapat bigyan natin ng poder ang mga LGU lalo ang malalayong lugar para umusbong ang development doon. Ang nangyayari magpupulong ang LGU, LDP, aakyat sa RDC. Pag nag-endorse ang RDC, ito ang mga binalangkas na proyekto sa kanayunan. Pagdating sa budget call ang na-adopt lang, 25%. Nang ito kinwestyon ko sa general principles sa aming deliberation tumatango si Sec Wendel Avisado. At nang nagusap kami lately sabi niya tama yan, dapat it’s about time kung di yan balansehin 50-50 ang RDC-endorsed projects, ang PAPs, dapat naman mas lamang, o bigyan ng development ang nasa labas na LGU. Kasi sino ang mas nakakaalam sa needs and priorities kundi LG officials? Sila ang naroon eh. Ang nangyayari ang mga kongresista ayaw magparticipate pag nagme-meeting ang LDC member sila roon, under the LGC pwede sila doon makipagdiskurso, ito ang priority project ng ating lalawigan, ng ating distrito, ng ating bayan. Ang nangyari ayaw nilang mag-participate doon dahil alam nila pagdating sa Kongreso sila masusunod.”
“Ang mahirap dito ang disconnect. There’s a big disconnect between the needs and priorities of LGUs and the national budget. So hindi umaasenso yung mataas ang poverty index na lugar, di na umaasenso, hanggang doon na lang sila, 6th class municipalities.”
***
DBM Sec Avisado’s promise for 2021 Budget:
“Nagkausap din kami ni SBM Avisado. Nahingan ko sa kanya, bakit ang disparity ng mga ine-endorse na proyekto ng RDC kung saan hinuhugutan nila ang PAPs galing sa LDC mga LGUs, e nang nag-interpellate ako sabi ko bakit 25% lang ang ina-adopt sa NEP na nanggaling sa RDC and programs initiated ng agencies nagdo-dominate doon, 75%? Ang disconnect between needs and priorities of the LGUs and the national budget napakalawak. So nag-agree kami at narinig ko rin ang kanyang sa isang speech pagkatapos ng interpellation na sa 2021 budget, sinabihan niya ang mga agency, hindi niya isasama sa budget call, hindi isasama sa NEP, kung walang at least imprimatur o walang endorsement ng RDC.”
“Sa RDC pwede naman sumali ang congressmen doon. Naroon ang governors. Sa PDC, pwede makipagdiskurso ang congressmen doon being district representatives. Sa municipal and city development council pwede mag-participate ang congressman doon pero di ginagawa kasi hintay nila na dumating sa Congress ang NEP at sila ang nasusunod. Binabalewala nila ang pangangailangan at prayoridad ng LGU. Kaya ang nangyayari pag budget season punong puno ng tao ang Senado at Kongreso dahil nagmamalimos sa amin ang LG officials, mayors governors nagmamalimos sila, bigyan nyo kami sa bayan namin. Kung tutuusin nakapaloob yan sa LDF kaya lang hindi ina-adopt na. Kaya kailan matitigil ang doleout mentality kung saan kung may pangangailangan ang isang mayor sa kanyang town or ang governor sa kanyang probinsya magmamalimos sa mga congressmen at senador? Dapat matigil na yan.”
“So ang sabi ni SBM Avisado, sa 2021 talagang he will make sure na kung di man mapantay ang RDC-endorsed projects na initiated ng national agencies, dapat lamang ang manggagaling sa local. Ang naging problema kasi ang agency-initiated projects, nagiging contractor-driven na. Meaning, sa halip na ang mga congressmen nagpapasok ng proyekto nanggagaling na sa contractor ang proyekto.”
“(Sa March ang budget call, dapat project sa NEP recommended by RDC). Dapat ang majority noon. Ang mga naiwanan sa national agency dapat ang big-ticket project like pang-Build Build Build. Kasi hindi na sakop ng kaalaman ng LDC yan. Pero ang mga local project like widening and concreting ng bayan national provincial dapat nanggagaling sa kanila.”
“Dapat for a change isipin natin ang kapakanan ng distrito nila, ang bayan nila. Alam natin kaya nagkakaloko-loko ang insertion kasi sabi ko nga, contractor-initiated, contractor-driven. Kung ano sabihin ng contractor sila sumusunod kasi contractor ang kausap, hindi ang constituents. Kung gusto nila kausap constituents nila sa distrito magparticipate sila sa LDC discussion sa magbalangkas ng LDP. Nariyan ang NGOs, mayors, CSOs. Doon sila makipagusap ano priority natin, ako mag-shepherd sa HOR ako champion ninyo. E wala ganoon ayaw nila participate. In the long term sino magsa-suffer di ba buong bansa? Masyadong parochial in the sense na personal, di parochial na bayan o probinsya. Parochial in the sense na pansarili.”
***
* PROBE OF SEA GAMES ORGANIZERS:
Merit in Senate investigation:
“Dapat lang. Magkaiba ang mga atleta at ang organizing committee, ang PHISGOC. Kung ano man ang honors na ibinigay ng mga atleta, 149 golds, 287 lahat-lahat, walang kinalaman ang organizing committee doon. Ang may kinalaman doon, ang mga sponsors at mga atleta mismo. So huwag natin ipaghalo na ang success ng mga atleta natin, utang na loob sa PHISGOC. Organizing council ang PHISGOC, sila ang nangasiwa sa pag-coordinate. Ngayon kung ano ang kapalpakan ng PHISGOC kung totoo o hindi, dapat tingnan sa pamamagitan na oversight na mandate ng Senate at HOR. Huwag natin paghaluin kung may corruption halimbawa man sa PHISGOC walang kinalaman ang atleta roon at walang kinalaman yan kung bakit tayo napakarami gold medal.”
“For all we know makatulong ang investigation ng Senado sa fact-finding investigation na ginagawa ng Ombudsman. Kasi may nangyari in the past na yung proceeds o result ng investigation ng Senate nagamit ng Ombudsman o Sandiganbayan. So sa aking pananaw kung may resolution at privilege speech tungkol dito na referred sa committee halimbawa sa BRC dapat tuloy ang investigation. Kasi may issue tulad ng pag-transfer ng pondo from PSC which is a government agency to a private foundation which is PHISGOC, yan malaking question kasi government funds yan di mo pwede ilagak sa isang private foundation. Yan ang dapat tingnan even for the purpose of legislation mag-inquire kung tama ba yan at kung talagang necessity yan baguhin natin ang batas, ang procurement law. Otherwise, mukhang may mali roon. Kasi di ba may na-convict na riyan? Ex-Gov Padaca pondo ng provincial government nalipat sa private foundadtion, na-convict siya. Si Napoles pork ng mga kongresista at senador napunta sa private foundation, may kaso ngayon. So huwag natin basta ipikit ang mata natin dahil very successful ang performance ng atleta, kalimutan natin ang possible excesses, di ko sinasabing meron, pero dapat patingnan din para hindi na maulit o kaya magkaroon ng kaukulang panukalang batas o legislation para macorrect.”
“Walang exempted diyan kasi walang above the law. Kung may pagkakamali dapat may matingnan.”
*****