#PINGterview: Proactive na Tayo vs Terorismo!

In a phone patch interview on DZBB and GMA News TV, Sen. Lacson notes the Anti-Terrorism Act of 2020 that was passed in the Senate will lead to a more proactive fight against terrorism, while containing safeguards to prevent possible abuses.

QUOTES and NOTES:

Proactive fight against terrorism:

Magiging proactive na. Alam mo nang naipasa ang Human Security Act of 2007, iisa pa lang ang conviction na naganap dito. Ito ang 2018, iisa pa lang ang terrorist organization na na-proscribe, ito ang Abu Sayyaf. After ASG, after 8 years, at conviction after 11 or 13 years. So ang observation dito ng nakararami, dead letter law ang HSA.”

Ang 2007 HSA, parang patay na batas, parang balewala. Inimbita namin as resource person ang judge na nag-convict, si Judge Felix Reyes na dating president ng PH Judges Association. Nahirapan talaga siya sa mag-arrive sa conviction kasi unang una kailangan mo i-prove muna ang predicate crimes. Kaya nangyari, prove niya muna ang Maute Group, na nagsagawa ng siege sa Marawi, kailangan i-prove niya muna ang rebellion. So nang na-convict sa rebellion saka lang na-convict sa violation ng HSA.”

“Bagong feature sa amendment or repeal, inalis namin ang predicate crimes para diretso na. Pero talagang maliwanag ang definition ng mga acts na magko-constitute ng terrorism.”

Inputs from persons/groups opposing the bill:

Inimbita namin sila. Pati CHR, nagpahayag ng position nila. Academe, civil society organizations, NGOs, pati mga militante inimbita namin. Pero may mga militante na hindi nagpadala ng representative kaya hindi sila nakapag-air ng kanilang inputs.”

“Mahabang pagdinig ito at napakahabang interpellation, inabot kami, tuloy-tuloy ito walang patid, araw-araw ako nag-defend sa floor at halos lahat na abogado sa Senado ang nag-interpellate, hanggang umabot sa period of amendment. Doon din marami silang input pinayagan natin para ma-enhance at para madagdagan ang safeguards. Ang sinabi mong judicial authorization para magsagawa ng electronic surveillance, upgrade natin ito kasi sa umiiral na batas, RA 4200, RTC lang ang nagbibigay ng pahintulot. Sa Anti-Terrorism Act of 2020, in-elevate natin sa CA ang pag-issue ng judicial authorization to conduct electronic surveillance.”

Fears that the measure will stifle dissent and is reminiscent of Martial Law:

“Maliwanag ang nasa definition at sa mga safeguards. Ang legitimate dissent, freedom of expression, freedom of assembly pati labor strikes, di kasama. Kasi ang nagba-bound dito, ang intent and purpose at may context ito kung saan pwede makasuhan ang tao.”

Unang una, umiiral ang warrantless arrests. At hindi natin binago ang mga requirement para magsagawa ng warrantless arrests. A person to be arrested is about to commit, is actually committing, or has just committed. Tapos may personal knowledge ang aaresto bago magsagawa ng warrantless arrest. Hindi natin inalis yan. Umiiral din ngayon yan. Hindi lahat na pag-arestong ginagawa ngayon, covered ng warrant. Ang citizens’ arrest nariyan pa yan.”

At pag naaresto naman lahat na safeguard nilagay na natin. Unang una pag naaresto ang tao kailangan ang alagad ng batas impormahan agad ang huwes na pinakamalapit sa lugar na pinagarestuhan. At ang CHR ipagbibigay alam sa kanila may naaresto kami rito. Tapos may logbook at visitation rights, ang unlimited access ng abogado, babasahan ng Miranda Rights. Lahat yan naroon. Wala tayong binago.”

Next stage for anti-terror measure:

Hihintayin namin ang HOR version. Nagsasagawa na sila ng pagdinig. At pag may disagreeing provisions, pag may pagkakaiba ang version ng HOR sa Senate, magkakaroon kami ng bicameral conference. Pero kung halimbawa walang pinagkaiba ang version ng HOR sa version namin, pwede namin i-enroll ang bill para pirmahan ng Pangulo. So yan ang magiging proseso.”

Sa Senado tapos na. 19-2, 2 ang bumoto against, Sens Hontiveros and Pangilinan. Ang minority leader bumoto in favor. Katunayan napakalaki ng ambag ni Sen Drilon dito, sa mga amendments, pati na-enhance ang papel ng law enforcement at mga safeguards. Marami akong tinanggap na amendment. Katunayan ang amendments ni Sen Kiko at Risa tinanggap ko rin, ang inform ang CHR, galing kay Sen Hontiveros yan. Sabi ko sige mabuti rin yan, karagdagang safeguard para hindi maabuso ang human rights. Inform ang CHR pag naaresto na.”

*****