#PINGterview: Improved ‘New’ VFA; ‘Money Laundering’ by Chinese Visitors

In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on:
– ‘New’ PH-US VFA under negotiation
– Spike in cash brought by Chinese into PH

QUOTES and NOTES:

* ‘NEW’ VFA UNDER NEGOTIATION: 

PH, US efforts to draft replacement for VFA:

Kung mag-draft ng panibagong negotiation o treaty, wala nang kinalaman yan sa original VFA na napirmahan noong nakaraang mga taon. At kung sakaling makipagkasundo ang US sa draft na pine-prepare ng PH, sigurado yan ma-enhance ang ating position at maganda rin yan kung ganyan ang kahihinatnan. Again, ipapasa sa Senado yan for ratification, ang 2/3 vote.”

Ang abrogation ng VFA, tapos na yan. Napirmahan na ng Pangulo at nagbibilang na lang ng araw hanggang Aug 9 para formally ma-terminate. Pwera na lang kung maghain ng petition ang Senado o ilang mga senador at mag-rule ang SC na kailangan ang concurrence ng Senado, 2/3 vote, para mag-terminate o mag-abrogate. So mag-iiba ang landscape, ibig sabihin, hindi pa final yan ang pag-terminate ng Pangulo.”

Ang tingin ko hindi pwedeng mag-renegotiate (ng abrogated VFA). Kailangan magpirmahan sa panibagong treaty o agreement. Pagka may panibagong treaty, kailangan abrogate ang nauna nang treaty. Yan ang aking pananaw. So kung matutuloy at magkakaroon ng panibagong negotiation at mapapabuti ang PH, baka sabihin na nating blessing in disguise na rin ang ginawang move ng PRRD na i-abrogate. Kung ganoon ang ating titingnan.”

“Marami rin kaming nakausap maski nasabi ko sa inyo, mga myembro ng Gabinete nagkaroon ng apprehension baka mabilad tayo sa usapang seguridad dahil no man is an island. Hindi lang naman tayo makikinabang sa VFA. Pati ang US tungkol sa geopolitics nila. Kasi admit it or not, ang PH, ang ating location, ay strategic at kailangan din ng US na may makikipagkasundo na bansa tulad ng PH.”

More equitable PH-US VFA?

Sabihin na nating mas equitable. Hindi one-sided ang ating VFA with US kesa SOVFA with Australia.”

“Kung natatandaan mo pag may nako-commit na criminal act ang servicemen dito napakahabang usapin. Unang una ang jurisdiction, saan ide-detain, ganoon. Siguro dapat liwanagin yan nang sa ganoon di malagay sa ibinibigay natin ang ating sovereignty ika nga sa US. Siguro yan ang dapat pagusapan o pag-aralang mabuti, kung papayag ang US. Kasi dumaan na sila sa ganyang pakikipag-negotiation at nangyari nga… (tingin) ng maraming kababayan natin argabyado tayo sa agreement.”

“(Sila may joint) exercises dito, pero hindi pa tayo nakatikim ang tropa natin magsagawa ng joint exercises halimbawa sa California o sa ibang mga bases ng US. So yan ang siguro dapat pag-aralan din, dapat ang parity, halos medyo pantay kung hindi man masyadong lopsided in favor of the US. Kaya ito kinukumpara sa SOFVA ng Australia, na medyo hindi ganoon, di tayo masyadong argabyado.”

PRRD abrogation of VFA a blessing in disguise?

Well we can say that, blessing in disguise (ang pag-abrogate ng existing VFA) dahil ma-correct ang controversial na nakapaloob sa VFA na parang hindi sang-ayon sa karamihan ng ating kababayan.”

Can new VFA be approved under Duterte admin’s term?

“Kung papayag ang US. Kasi alam mo naman pag treaty it takes two to tango, di naman pwedeng anong gusto natin yan ang masusunod. Kaya sabi ko di ba, back and forth ang negotiation, hindi makuha sa isang upuan. Maraming pabalik-balik na pag-uusap yan.”

“Depende kung papanig ang US sa bago nating hihilingin na ipapaloob sa bagong tratado. Kasi nga sabi ko hindi pwedeng isang tao o isang partido lang ang masusunod diyan kaya nga negotiation yan. Pagkatapos magkasundo ang both countries, siyempre dadaan pa yan sa debate sa Senado, dadaan sa interpellation. Pero hindi kami mag-a-amend, hindi pwede i-amend yan. Its either we concur or we reject. Yun lang yan. Walang amendments na gagawin ang Senado riyan, hindi pwedeng mag-amend.”

“Normally hindi (kasama ang senador sa pag-negotiate or pag-draft). Pero wala namang makakapagbawal na kumuha sila ng input mula sa mga senador para sa ganoon smooth sailing ika nga pagdating ng pag-ratify.”

Bahala ang Malacañang, basta hindi sila obligado i-consult ang Senado. Ang role ng Senate diyan mag-ratify or mag-reject by 2/3 vote. Yan lang ang nakalagay sa Constitution.”

Senate’s planned petition before SC, for next generation of senators:

“Ang ihahain naman naming petition, ang dina-draft ngayon ni SP Sotto na pipirmahan ng sinumang senador na gustong magpirma, hindi naman naka-confine yan sa VFA o anumang tratado kundi para na rin ito sa future generation of senators na maliwanagan na, ano ba ang role ng Senate under the Constitution sa pag-withdraw. Kasi ang sa Constitution lang, 2/3 vote para sa mag-concur sa ratification. Silent ang Constitution sa pag-terminate o pag-withdraw. Yan lang gusto namin liwanagin. Hindi nakatuon lang sa VFA o anumang tratado.”

“Yun lang para malawak ang kaisipan ng ating mga mamamayan at saka ng kapwa naming senador, ito ginagawa ni SP hindi lang patungkol sa issue ng VFA kundi sa susunod pa.”

“Kagabi nagkausap kami ni SP, sabi niya next week. Pero uunahin, may resolution na ipapa-adopt sa floor although walang bearing kung tutuusin. Gusto namin parang may pagkakaisa ang mga members ng Senado kapag nag-file ng petition kesa doon sa, kasi halimbawa ang resolution na ia-adopt hindi na-adopt, pwede pa rin mag-file ng petition pero ang projection noon parang in our capacity as taxpayers lang. Pero kung ma-adopt ang resolution by a majority vote, parang medyo metatag, parang ito ang position ng Senado na kailangan talagang klaruhin, anong role ng Senate pagdating sa termination, sa withdrawal?”

Yan pa isang issue na dapat naming i-resolve. Ayon kay SP alanganin si Sen Pimentel na sponsor-an ang resolution. Nag-offer siya na kung pwede ibigay na lang sa vice chairman ng foreign relations committee. At may plano kaming kausapin si Sen Pimentel para ipaliwanag sa kanya hindi ito direct affront sa gusto ng Pangulo kasi baka yan ang inaalala ni Sen Pimentel dahil kapartido niya ang Pangulo, baka pagisipan siya na nagiging antagonistic siya sa gusto ng Pangulo, kumokontra siya. So gusto namin liwanagin kay Sen Pimentel na hindi ganoon ang talagang intention o hangarin ng resolution at ng petition.”

Hindi para sa atin ito kundi para sa susunod na henerasyon ng senador para malinaw ang papel ng Senado. Gusto namin i-assert naman namin, para ma-interpret nang maayos ng SC ang hindi nabanggit sa ating Constitution pero logic dictates na kung kailangan ng supermajority vote of 2/3 para sa ratification, marapat lang na kailangan din ang concurrence ng Senado ang pagka nag-withdraw from a treaty.”

***

* ‘MONEY LAUNDERING’ INVOLVING CHINESE VISITORS:

On large amounts brought in by Chinese visitors in past months:

Simple lang ang sagot. Corruption. Kung hindi corrupt ang nagma-man ng ating border sa airport in particular, di makakalusot. Maliwanag sa AMLA na P500,000 ang threshold or equivalent sa foreign currency. So papaano makapasok ng milyong dolyar na maski ideklara, tama lang yan kasi kung dineklara naman hindi naman yan pagbabawal. Pero pag nagdeklara ang isang Chinese na $4M at pinapasok may red flag yan, ibig sabihin dapat mag-imbestiga ang kinauukulan, ang BOC at kung ano pang ahensya, AMLC. Bakit nakakapagpasok ng ganoon kalaki?”

“Dapat may sinasagawang monitoring at record check sa particular Chinese tourist na nagpasok ng ganitong kalaking halaga at kung lumabas sa record check na may criminal activity siya sa China o wanted siya, e di pwede siyang hulihin at i-extradite. Kaso hindi ganoon ang nangyayari kasi nakatimbre na. Pagdating sa airport alam ng BI at BOC na ang taong yan may malaking halagang ipapasok at nang sa ganoon, may aalalay doon. Gawain nila riyan, modus operandi, ipapasok kunwari sa interrogation room kunwari may iimbestigahan pero actually ine-escort na nila palabas.”

Dapat (reported sa AMLA ang malaking amount). Maski nga mag-deposit ka lang sa bangko ng mahigit P500,000, obligado na ang bank official na i-report ito sa AMLC for monitoring. Yan lang mag-deposit ka maski wala pang P500,000 pero araw-araw nagde-deposit ng P100,000 o P200,000 on a regular basis, magkano rin, mag-trigger din yan, hindi iimbestigahan kundi parang mamarkahan ng AMLC magsasagawa sila ng record check at monitoring, ano ang kabuhayan ng taong yan at ano ang pinagkakakitaan nang sa ganoon, mabantayan.”

Maliwanag yan na nagla-launder sila ng pera ang illegally acquired wealth, sa China o kung saan man pinapasok nila rito kunwari at isusugal nila. Minsan ginagawa pa nga kunwari bibili ng alahas at iuuwi sa China alahas na tapos ibebenta uli. At lalabas doon, nalinis na nila ang pera.”

Strong law, weak implementation:

Maski sufficient ang batas natin pero kung mahina ang implementation, baka sa halip na gray area tayo mapunta, baka ma-blacklist tayo kasi ngayon sinasabi nila sa gray list na tayo.”

“Dapat talaga gawing malaliman ang imbestigasyon tungkol diyan. Bukod sa nakakahiya ang bansa natin na parang ginagawang haven ng mga illegal activities mga gang at money launderers, napakahina ng ating implementation. Ang batas nga kino-correct natin lagi nating ina-amend, naka-ilang amendment ang AMLA pero kung implementation napakahina, para saan pa ang pag-amend natin ng batas para palakasin?

“Dapat noong pagdeklara pa lang na pag may pumasok na milyong dolyar doon pa lang na-inform na ang AMLC. Hindi ngayon lang tayo magre-react dahil sumabog na sa balita, saka lang inform ang AMLC.

Insatiable corruption:

Sa akin maski sa pangkaraniwang tao, halimbawa nandukot o nag-snatch, yan gawa ng kahirapan siguro, maaaring may sakit ang anak. Pero kung daang libo, hindi na yan dahil sa poverty o kahirapan, dahil sa kaswapangan o greed na yan. Maintindihan pa natin ang nandukot o nag-snatch o nagnakaw ng maliit na halaga. Minsan halos maiyak pa tayo kung makarinig tayo ng kwento na maysakit ang anak walang magawa walang malapitan so napilitan gumawa ng ganoong krimen para maibenta at maibili ng gatas, naaawa pa tayo. Pero kung pinaguusapan milyon, o daang milyon o bilyon, di natin dapat intindihin ang dahilan nila kulang ang sweldo?”

Nang pumasok naman kami sa gobyerno alam namin ang pinapasok namin may kasamang sakripisyo, may limitasyon. Naramdaman nila yan eh. So huwag nila idahilan yan kaya sila nag-e-escort at may pastillas sa BI dahil kulang ang kanilang sweldo. E di umalis sila at pumunta sila sa private sector kung ganon ang kanilang katwiran.”

Sa experience ko nang nag-Chief PNP ako, actions speak louder than words. No amount of pananakot or amount of threat kung walang kaukulang action na gagawin, at walang napaparusahan, ang talagang parusang matindi, sino maniniwala sa iyo? Maski takutin mo ng takutin ang tauhan mo makukulong kayo mapapatay kayo, kung walang mangyayari na ganoon, paiikutan lang talaga. Ang mas maganda huwag na lang magsalita at kung may ganyan, corruption sa BOC, o, ililipat lang ng position; corruption sa BI, sasabihin mahal ko yan, e walang mangyayari.”

Hindi pwedeng lip service ang gagawin mo. Hindi uubra ang ganoon. Lalo na ang sa law enforcement, ang gagaling ng mga yan, mga pulis, mga immigration, Customs, napakagaling ng mga yan. Paiikutin ka hanggang kaya ka paikutin. Pero kung alam nila seryoso ka you mean business at may follow-through o follow-up na action na gagawin ka, e talagang aano yan. Minsan hindi na rin sila nahihiya kasi ilan na ba ang Salary Standardization Law na pinapasa ng Congress? Ilang tranches na ba ang increase ng sweldo? Ibig sabihin, ina-adjust na nila bisyo nila eh. Sa halip na mag-ipon, ang dinadagdagan bisyo. Hindi matitigil talaga. Walang kabusugan, insatiable.”

Senate probe of racket:

Dapat suportahan natin yan sa Senate ang kanyang move to investigate. Tayo naman naririnig na rin natin ang ganyang mga scheme. Kaya lang ito ang first time si Sen Gordon sa pamamagitan niya nakapagbigay ng detalye. At kailangan pa natin ng additional detalye bakit nangyayari ito para kung may kakulangan ang batas magawan namin ng paraan para ma-improve ang batas. Yan ang layunin ng inquiry in aid of legislation.”

*****