#PINGterview: Daily Wage Earners, Priority sa Tulong; Kukupit ng Tulong, Walang Karapatang Mabuhay!

In an interview on DZBB/GMA News TV, Sen. Lacson stressed the need for lawmakers to prioritize help for daily wage earners amid the COVID19-triggered lockdowns, while preventing corruption in the implementation of aid for those affected.

NOTES and QUOTES:

On Reported COVID Testing by DOH:

Hindi naman ako sa DOH nagpa-test. May kaibigan akong may dinonate na test kits. For my peace of mind, nakiusap ako sa kaibigan kong duktor na mag-administer ng test sa akin at negative naman. Hindi ako kasama sa officially nagpa-test sa DOH kasi wala naman din akong symptoms.”

Aid Bill to be Tackled in Special Session:

“Hindi supplemental budget ito. Ang unang information na dumating sa amin, i-authorize namin ang Pangulo mag-realign sa 2020 budget o kaya kung anong maiwan sa 2019 budget.”

Ayon sa feedback sa amin ni SP, projection lang ang P200B dahil parang yun lang ang nakikita nilang pwedeng galawin sa 2020 budget. Mostly sa GOCCs eh. So pwede namang gumalaw sa regular budget at pati sa Special Purpose Fund. At kung halimbawa hatiin mo P989B.”

Basta bigyan ang datos mabilis ito. Tatagal ito pag sabi ng DOLE teka muna next week namin submit yan, e matatagalan talaga. Pero kung 10 a.m. Monday ready na sila sa lahat na datos mabilis ito, bago mag-12 ng gabi tapos kami rito.”

Hindi naman kailangan i-itemize. Kailangan lang malinaw ang parameters. General ang binigay nating authority sa Pangulo na mag-realign. Pero magkano ire-realign, define natin saan kukunin. Kung kulang, may makita tayo halimbawa P200B ang kanilang suggestion, e may P600B na available pa, mag-a-amend kami. Hindi ito budget. Binibigyan ng authority ang Pangulo mag-realign galing sa 2020 GAA pero huwag natin kalimutan may 2019 GAA na ang laki ng unused. Between DPWH and DepEd nasa mga P400-450B ang di nagagamit.”

“Kasama sa authority na ibibigay. Kasama sa draft bill na ipapadala ng Malacanang, kasama hanggang rehab. So maliit ang P200B kasi ang pinaguusapan lang 2 months’ period na 16.5M families, 30% ng minimum wage so talagang kulang yan. Maski anong arithmetic gamitin natin maski anong calculus, kulang talaga yan.”

Harinawa walang magiging disagreeing provisions na tatalakayin nila at tatalakayin namin para wala nang bicameral conference nang sa ganoon enrolled bill na lang yan papunta Malacanang.”

Prioritizing Daily Wage Earners:

“Kung P200B ang projection nila ang mako-cover lang daw, 16.5M families, 30% ng minimum wage. Ang additional datos na kailangan namin ako particular na, at hinihingi ko sa DOLE, ilan ang daily wage earners. Sa tingin ko ang daily wage earner na dati kumikita, yan ang dapat unahin na tulungan.”

Ang construction workers, hinto, e arawan. Ang PUV drivers, biglang nawalan ng hanapbuhay yan, nakaipon ba yan nang sila namamasada? Halimbawa waiters, kailangan natin ng datos noon, e walang maibigay ang DOLE. Ang binibigay nila minimum wage earners and salaried. (A)ng salaried kasi di ba nagbigay ng kautusan si PRRD ang employers nila mag-advance maski 1 buwan walang masyadong problema rin.”

Ang mas alalahanin natin ang isang kahig isang tuka na pag di gumalaw ng isang araw, walang kita. Kaya yan ang datos na hihiningi ko sa DOLE. As of last night hinihingi natin wala sila ma-provide. Sa plenary hahanapin ko yan kasi importante yan.”

Ang 4Ps na sa listahan ng DSWD, whether or not may COVID19, nakakatanggap ng ayuda, nasa programa na ng DSWD. So baka pwede ipwera na sila kasi nariyan na sila. Pangalawa may siyudad tayo especially sa NCR, pagkalalaki ng kanilang local revenue plus IRA nila. QC for example ang local revenue P14B. Tapos may P5.7B na IRA. So kung suma tutal mo yan available sa kanila nasa P19-20B. So baka pwedeng huwag na isama sa listahan ang lehitimong residente ng QC ipaubaya natin sa LG ng QC ang pag-ayuda. Kung anong ibibigay national government tapatan na lang nila. Magagawa yan kung ia-amend namin ang RA 10121 na i-lift namin ang 5% cap sa calamity fund. Pwede sige, larga na muna, tutal extraordinary times, extraordinary situations, kailangan ng extraordinary measures. Kahit temporarily meron kaming proviso sa ipapasang batas na bayaan na muna gamitin lalo ang nakaririwasang LGUs, gamitin nila i-convert nilang calamity funds ang kanilang mga revenues at kanilang IRA kasi under the law, 5% lang ang nakalaan sa IRA although mag-accumulate kasi 5 years pwede ipunin yan, nasa special fund yan. Kung walang kalamidad nakaipon yan taun-taon.”

Kaya dapat maghanap pa kami ng pagmumulan o panggagalingan ng pondo para dagdagan ang P200M pero dapat maging cost-effective, exclude natin ang 4Ps kasi meron na sila, exclude ang mayayamang siyudad wag na natin isama ang QC na daily wage earners na nawalan ng trabaho, bigyan ng authority ang QC government. Di ba meron kayong P20M pati IRA riyan, kayo na bahala riyan. Huwag na yan isama sa listahan ng national government. Malaking bagay yan para madagdagan at mahabaan pa ang maitutulong sa mahirap na bayan.”

Prioritizing ‘Poorer’ Areas:

“Halimbawa pinakamaliit na IRA na nakuha namin sa BLGF dahil kinalampag namin maski weekend, pinakamaliit na IRA P120M ang Alfonso Castaneda town ng Nueva Vizcaya. Tapos sa La Union ang liit ng IRA, siyempre maliit din ang local revenues doon. At kung maraming PUIs doon yan ang dapat tugunan. Kaya importanteng importante ang datos. We cannot legislate unless kumpleto ang datos namin.”

“Kung QC, Makati, Pasig o Manila, o Caloocan yan, ang laki ng local revenue at IRA. Halimbawa Taguig City ang local revenues and IRA nasa P9B; Pasig City P11B. Kayang kaya nila tugunan kung pag-subsidize lang sa daily wage earners na nawalan ng trabaho. Davao City for example P10B ang IRA nila sa P5.5B. Ang local revenues nila P3B+, so P9-10B din yan. So kaya ng Davao City. Cebu City ganoon din. Para maging cost-effective at ma-maximize natin ang kung ano mailalaan ng national government, authorize na lang natin ang LGUs na talagang nakariwasa na gamitin bilang calamity fund. Kasi remember nakapagdeklara na ng national state of calamity si PRRD. So may pagluluwag na riyan, pwede na galawin ang calamity fund.”

Departments Need to Sacrifice:

“Kung isasama mo pa lahat, Kongreso, judiciary, as of Q3 unused appropriations P1.3 trillion. Kung magsasakripisyo rin ang Kongreso ang alam nilang di naman nila magagamit na, ang maging savings, baka pwede kami makihati sa stimulus package na ilalaan kasi kung ang mako-cover lang dito 16.5M families at 30% lang ng minimum wage ang mabibigay for the next 2 months, kasi ang projection 2 months, maliit talaga yan. Hindi ito nakakasapat. Pang-kain lang. Sabagay yan naman ang pinakaimportante, may makain ang nawalan ng hanapbuhay. So ito pinagaaralan namin.”

(Pero ang P1.3B), yan ang authority nila to spend kasi GAA yan. Not necessarily may pera talaga yan. Pero pag nag-authorize ka ng executive branch na gumastos, obligado lagyan ng pondo kasi batas yan. So ang assumption doon is whether or not may actual cash, may dapat na pondo sa GAA. Under SAOB napakalaki ng unused appropriation as of Sept 30. Sabi ko hatiin natin. Gawin na natin kabuuan P1.3T, kalahati noon napakalaki P650B.”

Magsakripisyo muna mga department. Tutal patapos ang taon, kung di nila magamit din, saan nila gagamitin yan? Ilagak na lang natin. Ang pinakaimportante bukod sa health issue, ang mga nawalan ng hanapbuhay na dating kumikita. Ang 4Ps identified na yan, maski walang COVID tumatanggap ng ayuda sa gobyerno. Pero ang construction workers, hinto, e arawan.”

Ang Mangungupit, Walang Karapatang Mabuhay:

“Pagdating sa implementor sa baba, COVID ito baka mamaya haluan ng KUPIT. E wala nang konsensya ang mga ganoon. Isipin mo narito tayo nagkakamatay ang kababayan natin nagugutom pa ang iba maski walang sakit. Pero tapos makakaisip ka pang mangupit sa ibibigay na pondo ng gobyerno? Yan walang karapatan mabuhay sa mundo siguro yan, pardon the word pero dapat yan nasa impyerno na. Kasi wala na talaga, wala nang kaluluwa ang ganoong tao. Under normal circumstances, minsan pinipikit-pikit at tinatawanan natin minsan kinakantyawan na lang natin. Pero kung ganito na ang usapan, nagkakagutom ang iba at nagkakasakit ang iba, at hindi pa alam, unknown nga ang kalaban natin.”

“Ang pinakamahirap na giyera di mo alam ano kalaban mo o sino kalaban mo. Ito di pa natin alam kasi unknown, wala pang cure. Sabi ng expert, at least 3 months bago maka-develop ng cure. Pagkatapos kukupitin mo pa ang pinag-aaralan ngayon ng executive and legislative branches, kung paano ma-cushion ang effect sa mga kababayan nating nahirapan. Pagkatapos pagdating ng pera sa iyo kukupitin mo pa o may ghost na pangalang ililista? Sabi ko nga wala naman silang karapatan siguro mabuhay.”

“There’s no saying aabalahin namin ito. Kung ano meron aaprubahan namin ito at bibigyan ng flexibility ang Pangulo. I-authorize namin siya mag-realign pero iayos natin. Hindi pwedeng, huwag ang shotgun approach kasi magkawindang-windang ito kung saan mapupunta ito sa hindi nangangailangan.”

“Alam mo maglalagak ka P200B-300B tapos shotgun ang approach mo, magkakawindang-windang yan. Kailangan kumpleto tayo, correct ang data natin para tukoy natin kung sino bibigyan. Ang mahirap diyan baka mapulitika pa. Sa 4Ps may narinig tayo sino ang bata-bata ng barangay officials yan na lang nakalista.”

*****

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.