#PINGterview: Extra Compensation for COVID-19 Front-Liners; Aid for Affected Areas

In an interview on DWIZ, Sen. Lacson answered questions on congressional actions to address the COVID-19 threat:
– Extra compensation, health insurance for front-liners
– Heavier penalties vs politicking during calamities
– Addressing economic impact of COVID-19 threat

QUOTES and NOTES:

* SPECIAL SESSION to TACKLE COVID-19 ISSUES:

“(Standby kami, at si SP Sotto) nag-roll call na siya online. Kasi hindi pwedeng mag-session kami nang walang quorum o majority. Remember, nag-adjourn kami March 11. So kailangan may quorum kami baka ma-question na walang majority ng Senador ang nasa floor pag tawag ng special session. So kanina in-anticipate ni SP yan kaya medyo nag-roll call na siya online. E mukhang makakabuo naman kami ng quorum anytime.”

“Ayon sa initial na pag-uusap namin, initial lang naman ang kailangan makapag-roll call at merong quorum. Tapos pwede kaming mag-resort sa teleconferencing, online voting. Sa discussion pwede kaming gumamit ng app nang sa ganoon makapagusap-usap kami via internet.”

“Basta importante lang, after ng opening prayer mag-roll call may majority sa 24 senators, 13 for that matter.”

Si Sen Pia Cayetano ang naatasan namin na siya ang mag-sponsor. Kasi si Sen Sonny Angara sa kasamaang palad medyo hindi maganda pakiramdam so minabuti na lang namin para preventive na rin kasi di pa rin sigurado baka may symptom siya, so sabi ni SP, excused na lang si Sonny at sabi niya mamili tayo Sen Lacson or Sen Cayetano. Naunang mag-volunteer si Sen Pia so siya ang designate namin na mag-sponsor ng bill sa special session.”

“Ito hindi naman natin ine-expect, di natin inaasahan may darating itong napakalaking problema. Mabuti naman at least ito pagka natapos ng special session maraming concerns ang matutugunan na rito. Halimbawa pati ang pagka ang pakete ang stimulus nito hindi lang tutugunan ang health issue, pati economic impact matutugunan.”

Meron na kaming technical equipment. Nag-procure kami riyan nang consider sana namin mag-teleconferencing kay Sen Trillanes noon. Kaya lang hindi lang nagamit pero nariyan ang equipment. At saka marami tayong app na available na magamit din.”

“Actually may resolution na kami riyan. Ia-adopt lang namin ang resolution. Ako mismo nag-file ng reso kasama si Sen Drilon para payagan sana si Sen de Lima na makipag-teleconferencing sa amin. Hindi lang nai-adopt ng plenary pero madali yan kasi nariyan ang mga resolution.”

“Ang sabi ni SP, sa umpisa ng roll call kailangan physically present kasi siyempre mare-record sa history ng Senado na siya ang SP e walang quorum bakit nakipag-session? Pero pag nakapag-roll call na at may quorum, su-suspend na lang yan kung di matapos sa 1 araw.”

Extra compensation, health insurance for front-liners:

Sa chat group namin (mga senador), yan ang sinuggest ko. Sabi ko bigyan natin sila ng extra hazard pay at saka health insurance dahil sila naka-expose sa virus. Ang mga nurses, duktor, health workers, PNP, AFP, hindi makaiwas na di lalabas. So kasama yan sa mga iniisip naming amendment kung sakaling hindi macover sa measure na ipapasa sa amin ng Malacanang.”

Pag-uusapan namin yan (kung magkano ang extra pay). Pero at least ang idea na bigyan sila ng extra hazard pay kung wala pa sila, naroon yan or at least nariyan sa consideration. Kasi sabi ko nga sa inyo, kahapon maghapon hanggang gabi para kaming nag-interpellate through online. Nakapagbiro nga ako, o tapos na, pwede na isara ang period of interpellation sa dami ng ideas na pumasok. At ang mga proposed amendment.”

Aid for Affected Areas:

Ang ibang municipality, kulang na rin sa pondo lalo ang mga tinamaan ng kalamidad medyo dried up na ang kanilang calamity fund. So yan kasama sa discussion. Ngayon pa lang pinagaaralan na namin. Sa aking sariling pag-aaral ang as of Q3 2019, ayon sa Statement of Appropriations, Allotments, Obligations and Balances, record ng DBM ito, kasi kumukuha kami as of last quarter para mabuo ang 2019, kaya lang available sa records nila ang as of September pa lang, as of Q3 2019, nakita namin napakalaki ng unused appropriations. Ang mga ahensya pa lang ng gobyerno ang mga department, ang nakita namin mahigit P900 billion ang di pa nagagastos. Pag sinabi nating unused, ito ang obligated na-release ng DBM pero hindi pa nagagamit ng agencies at unreleased di pa released ng DBM. Ang total noon nasa P989B. Of course di na rin accurate yan kasi di pa kasama ang last quarter of 2019. Of course nasa first quarter pa tayo ng 2020. I’m sure may di pa nagagamit diyan so madadagdagan pa yan.”

Ang ibang bayan gaya sa Batangas, Cavite, part ng Laguna, ang tinamaan ng Taal, sabi nga nila, medyo tuyot ang kanilang calamity fund so kailangan ang ayuda ng national government doon.”

“Kaya tinitingnan natin depende kung anong measure ang ipapasa sa amin ng Malacanang at pagaaralan namin na pwede naming amyendahan. Ang isang iniisip naming amendment, i-realign ang lalo na ng mga ahensya na malaki ang kanilang unused appropriations, baka pwede bawasan at idagdag sa pagtugon sa coronavirus.”

(Kailangan magpasa ng batas sa realignment) kasi naipasa na ang GAA ng 2019 and 2020. So kung kailangan i-realign yan, kailangan may batas din. Yan malamang ang paguusapan sa Malacanang at yan ang aming idi-discuss sa plenary kung paano namin ira-range. Halimbawa may siyudad at municipality tayo na baka hindi na kailangan ng ayuda sa national government kasi napakalaki ng kanilang income. For example ang pinakamalaki natin sa mga siyudad QC, IRA pa lang nila P5.7B na; ang Davao City IRA P5.5B, Manila nasa P3.7B. So ang malalaking IRA ang malaking local revenues, baka pwedeng standalone sila at mag-focus na lang kami kung mag-realign ng budget, ayudahan ang maliliit sa pag-aaral ng nakuha naming datos sa BLGF, sa Bureau of Local Government Finance, updated ito as of January 2020 ang pinakamalaking IRA sa municipalities, Montalban Rizal, sa P700 plus million. Ang pinakamaliit naman Alfonso Castaneda Nueva Vizcaya, P120M lamang.”

“So ito ang babalansehin natin kung paanong mabibigyan sila ng ayuda from the national government at ang calamity fund ayon sa LGC at ayon sa RA 10121, e 5% lang ang pwede gamitin nila para sa calamity fund. So pwede siguro mag-introduce kami ng amendment na i-lift ang cap na 5% at dagdagan namin para magamit nila ang mas malaking bahagi ng kanilang IRA para sa calamity fund kasi nasa state of national calamity naman tayo. So pwede madagdagan ang kanilang pondo para sa pagtugon sa coronavirus.”

Help for Daily Wage Earners:

Ang isa pang dapat tingnan dito ang daily wage earners natin. Sila ang mas apektado. Kasi isang kahig isang tuka yan. Pag halimbawa di sila kumita ng 1-2 linggo anong mapakain sa pamilya nila? So kailangan natin ng datos doon. Problema, may database ba ang gobyerno kung sino ang daily wage earners na pinaka-vulnerable? Yan ang aalamin natin sa ahensya halimbawa sa DOLE, identified ba nila yan, by name. kasi hindi pwedeng numero lang pinaguusapan natin kasi pag magbibigay ng assistance ng gobyerno kailangan identified sila, ilang families yan, ilang individual etc.”

“Ang dapat tugunan natin ng pansin ngayon ang mga may trabaho pero nawalan ng kita dahil may lockdown.”

‘Added Powers’ for the President:

Ako mismo sang-ayon ako na ibigay na sa kanya ang disposition ng paggamit ng pondo dahil state of national calamity na tayo. Kaya lang, ang role ng Kongreso rito, i-identify nating maliwanag kung ano ang mga item ano ang lugar at ano ang sector na pwede niyang pagbuhusan ng pondo. Pero kung paano idi-dispose, yan ang gusto natin ibigay na sa kanya, sa Pangulo ng Pilipinas.”

Hindi naman (ito emergency power). Parang i-empower natin siya na may flexibility siya kasi kailangan mag-adjust ka rin sa developments. Halimbawa bigla dumami ang PUI sa isang lugar, mas nakakaalam sila doon kasi sila ang may datos. So bigyan natin siya ng enough flexibility na mas buhusan ng pansin o kaya ng pondo, ng resources, ang lugar kung saan dumadami ang patients under investigation na tinatawag.”

“Basta hindi tayo lalagpas sa provision ng Constitution, sa mga civil liberties, rights and freedoms, pwede ibigay sa kanila yan… Basta sa atin, kung anong saad sa Constitution. Di naman pwedeng gumawa kami ng batas na lalagpas sa Saligang Batas.”

Test Kits and Mass Testing for COVID-19:

Gustuhin man natin magkaroon ng mass testing para ma-maximize, talagang kulang na kulang. Unang una ang FDA kailangan ma-involve dito, kasi dadaan sa kanila ang pagsusuri yan. Naninimpla rin tayo sa WHO. Kaya siguro timely ang pagtawag ng special session ni PRRD nang sa ganoon mapag-aralan kung ano ang package, ang stimulus, para mapunan kung ano man ang kakulangan. Kasi hindi lang naman ang talagang health issue ang pinaguusapan dito. Pati economic issue pumapasok na.”

Kailangan mapagusapan nang husto saan ang pagkukunan ng pondo para mapunan ang mga kailangan punan dito sa nangyayari sa atin.”

“Ang huling narinig sa FDA bukod sa unang 4 test kit parang may inapprove pa silang 4 uli so dadami ang test kit natin. Kasi noong una wala pang approved, isa lang ang accredited na ginagamit ng DOH. Pero dahil dumami na ang in-approved na test kit na nanggaling sa ibang bansa pwede na tayo magkaroon ng mass testing. So mas maraming masasaklaw nito. Kasi ngayon ang dinig ko mahigit 1,000 pa lang nate-test. E 100M Filipinos tayo.”

“So kung marami ma-approve ng FDA na test kit, ibig sabihin maraming pwedeng gamiting test kit. Ang problema natin dito, sino mag-administer? Kasi may health workers tayo na naka self-quarantine na rin.”

Ang kailangan lang ng FDA bilisan nila ang pag-vet. Kasi kung mabagal ang pag-accredit, apektado rin ang efficiency ng testing natin. Importante ang testing eh.”

Dapat for free (ang testing). Kasi walang hanapbuhay ang kababayan natin. Saan kukuha ng pang-test yan?”

Designation of Hospitals as COVID-19 Facilities:

Dapat 1 hospital per region i-designate na exclusive for coronavirus patients. Pag pinaguusapan natin 3 hospitals paano ma-cover ang malayong regions? Dapat diyan gawin natin bawa’t region maski maliit ang hospital, i-designate as special hospital for COVID19 patients para talagang isolated sila.”

(Kasama ito sa ita-tackle sa special session) kasi kailangan ng funding doon. So kailangan siguro i-consider din ito.”

Yan ang mabigat dito. May gyera tayo ang kalaban unknown kasi wala pang cure eh. Sabi ng expert at least 3 months bago makakuha ng cure. Isipin mo bubunuin natin 3 buwan mula ngayon.”

“Kasi di ba ang average is once affected ang pwede nila infect average of 2.6 persons, sabihin nating 3. Ang 3, times 3 magiging 9, napakabilis magkalat, kailangan putulin. Mapuputol lang yan kung may self-quarantine na istrikto.”

Funding sources:

Yan ang ating titingnan paano i-realign yan nang di masakripisyo ang malaking bahagi ng kanilang pangangailangan, ng mga ahensya. Pero emergency nga ito, baka pwede i-set aside na lang muna ang kanilang mga ibang pangangailangan, ang mga ahensya at departmento, na tutal di nila ginagamit pa baka pwede ibahagi na muna para sa pagtugon dito sa napakalaking problema.”

“P989B as of Sept 30 yan ang di nagagamit. Unused yan. 2019 yan, hindi 2020. Between DepEd and DPWH, nasa mga P350B na. Kasi ang DepEd sa mga P200+ tapos P159B ang DPWH na di pa nagagamit. O mga iba pa. Halos lahat may mga unused.”

Balancing Public Health and Livelihood: Creativity Needed

Dapat ibalanse ang individual rights at freedom at survival naman ng country. So mahirap ibalanse yan kaya napakahirap ng sitwasyon ng administraton ni PRRD. Kasi nagsasakripisyo ka ng ilan para ma-accomplish mo ang iba. Pero ang bottom line ang survival natin. Kasi buong mundo na ito at kailangan talaga ma-flatten ang curve ika nga.”

Di pwedeng sabihing madaliang pag-implement ng draconian measures kasi tinitimpla ng pamahalaan ang kalagayan ng kababayan. Hindi pwedeng hindi pagaaralan lahat na kilos. So sa akin tama ang ginagawa nila. Kaya lang may pasaway na kababayan natin na hindi mapigil sa paglabas.”

“May mga existing program na rin. Halimbawa sa Davao City nag-implement sila ng TUPAD program ng DOLE. Ang mga driver na nawalan ng hanapbuhay pinapasweldo ng P11K isang buwan parang minimum wage yan. Pero pinagtatrabaho nila, pina-disinfect nila sa kani-kanilang lugar. It only takes a little creativity ng local government officials like Mayor Inday Sara. Gawin mo pa ring kapakipakinabang, di lang umaasa sa doleout na nagpapahinga lang sa bahay. E di natulungan mo na, sila nakakatulong din.”

“Halimbawa sa Manila, di ba ang e-trike, ginagamit ni Mayor Isko na panghatid ng front-liners. Siyempre (i-compensate) niya ang ang nag-operate ng e-trike. Kasi di tayo maubusan ng pamamaraan basta mag-isip lang. Hindi pwedeng masyadong rigid tayo na pag sinabing lockdown walang pasada o labasan, talagang walang pasada. Katunayan di ba gumagamit din ng mga transportation ang gobyerno ng buses naghahatid din sila ng front-liners, may gastos din yan. Bakit hindi natin mobilize ang nawalan ng hanapbuhay, halimbawa bus driver? Basta mag-adhere lang sa protocol sa social distancing. Halimbawa kung tricycle gagamitin mo maghatid ng front-liners limit mo sa isang pasahero. Tapos magbayad na lang gobyerno. Kesa hingi ng tulong na walang kapalit.”

Maraming pamamaraan basta kailangan lang kaunting creativity para makatulong ka at makaganti din ng tulong sa gobyerno ang walang kinikita parang wala nang silbi.”

***

* KUPIT VIRUS:

Heavier Penalties vs Politicking During Calamity:

“Ang mahirap dito kasi pag binara mo sa local baka may barangay official na uunahin ang kanilang mga leader. Ang mayor unahin ang leaders maski hindi talaga nangangailangan. Kasi may mga report tayong dumarating sa 4Ps pa lang, ganyan ang nangyayari eh. So huwag naman sana rito kasi kalamidad ito. Ang proportion di pa natin naranasan, ngayon lang natin talaga nakita ang magnitude. So kung sino man ang local official na mag-iisip pa, alam mo COVID virus ito. Huwag naman sana mag-isip pa ng KUPIT virus.

Baka masingit namin sa kung ano ang panukalang batas na buuin namin, na dagdagan ng parusa ang hahaluan ng pulitika ang pagbigay ng tulong sa kanilang mga constituents. Yan talaga, criminal na talaga yan eh. Sinamantala mo pa.”

***

* PEACE AND ORDER:

Alleged Looting During Lockdown:

Karamihan doon fake news. Kung talagang nangyari yan hindi naman maikakaila yan. Kayo mismo mamo-monitor natin sa media. Kayo walang navalidate na nangyari ang lumabas na panggulo na ganoong balita. At sa panahon ngayon na katakot-takot na checkpoints, at mabuti naman din, siguro wala namang maglo-looting kasi 70,000 ang nakakalat na AFP and PNP.”

NPA Threat:

“Ang nakakatakot lang dito ang CPP-NPA baka magsamantala lalo doon sa mga lugar na may impluwensya sila. Kung mapansin ninyo, si Joma Sison ayaw pumayag sa ceasefire. So bakit? Meron ba silang pinaplano? I am sure ang AFP natin and PNP, at security forces natin, nakahanda naman dito. Kung anuman ang pinaplano ng mga CPP NPA at gusto nilang mag-destabilize, matutugunan na ito siguro ng security forces natin.”

“Yan ang nakakapagtaka. Problema ng buong bansa ito. Kung claim nila mahal nila ang bayan natin, bakit hindi sila nakisama? Bakit ayaw nila makipag-ceasefire? Ano, mag-a-ambush sila ng pulis at sundalong nagche-checkpoint para ma-prevent ang pagkalat ng virus?

*****

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.