#PINGterview: CHR, May Mahalagang Papel sa Anti-Terrorism Law

In an interview on DZBB/GMA News TV, Sen. Lacson answered questions on the Anti-Terrorism Law:
* active role of the Commission on Human Rights in the Anti-Terror Law [10:31]
* encouraging the filing of petitions on the Anti-Terrorism Law to boost public discussion [14:48]

QUOTES and NOTES:

Petitions on Anti-Terror Law before the Supreme Court:

Democracy at work. Kailangan talaga i-encourage nga natin, as many petitions na i-file nila mas maganda, para talagang pag-usapan nang husto. Mas maganda magkaroon ng oral argument para ang ating SolGen maidepensa nang husto ang constitutionality. Pero ina-assure nga natin ang batas na ito, it is a good law, swift, effective and most importantly constitutional.”

At umaasa ako lalo sa pamumuno ng CJ ngayon kasi nanggaling sa RTC at Sandiganbayan, sanay siya sa criminal procedure at criminal law, at ma-appreciate nila. Of course 15 sila para mag-appreciate kung may merits ba ang dinudulog na petition para i-declare na unconstitutional ang mga ito.”

At meron itong separability clause. Kung halimbawa may provision na ito unconstitutional, ito unconstitutional, ang maiiwanan tuloy pa rin ang effect noon. So may separability clause.”

CHR to Have Active Role in Anti-Terror Law:

China-challenge ko maski sino mag-cite ng maski anong batas sa PH na pinasa ng Congress since time immemorial na ang arresting officer nire-require na mag-report in writing sa CHR para inspection-in, imbestigahan, kunin ang records. Wala, ito lang. Ayaw ba nila noon? Wala ito (provision) sa HSA at walang ibang batas na immediately, hindi a day after. At pag di nila ginawa yan, pwedeng makulong ang pulis ng 10 taon, mawawalan ang kanyang pension and retirement benefits, and dismissed from service. At may absolute perpetual disqualification from holding public office.”

Hindi totoo yan (na hindi pwedeng kasuhan ang pulis para sa maling aresto). Hindi naman natin binago ang illegal arrest. Kung ang aresto mali, mag-file sila ng kaso tapos mag-file ng danyos. Hindi natin inaalis sa Civil Code na arbitrary inaresto nang walang basehan, o kinulong walang basehan, e di mag-file sila ng arbitrary detention or illegal arrest. At mag-file sila ng civil damages.”

Mali rin yan (mere suspicion can lead to arrest) kasi di naman natin binago ang requirements under Rule 113 Sec 5, warrantless arrest. Pag di pumasok doon sa en flagrante delicto or hot pursuit rule na sinasaad sa warrantless arrest, di pwede maaresto. Di pwedeng mere suspicion mang-aaresto ka. May panuntunan yan, na kapapangyari pa lang ng krimen, etc. nasa presence, may personal knowledge at may probable cause ang arresting officer.”

Addressing Fears of Anti-Terrorism Council Ordering ‘Warrantless Arrests’:

“Ang warrantless arrest hindi natin binago, naroon pa provisions sa Rule 113 Sec 5. Kung anong requirement sa pag-arrest, ang tawag diyan citizen’s arrest. Maski sino at may krimen na nagaganap sa harap niya at nariyan siya, pwede siya mag-aresto. May provisions diyan about to be committed, actually committing, just committed. At may probable cause ang mag-aaresto based on personal knowledge. Ang sinusunod natin dito ang en flagrante delicto and hot pursuit rule na pinapayagan ito under the Revised Rules of Court. So hindi natin binago yan; mali ang kanilang alinlangan na binigyan natin ng authority o power ang ATC para mag-utos na mang-aresto. Walang pwedeng mang-utos mang-aresto sa labas ng warrantless arrest, kundi huwes. Sila lang ang mag-issue ng warrant of arrest.”

Walang ganoon (na sinasaklaw ng ATC ang korte). Yan ay haka-haka at interpretation ng iba nating kababayan na ganyan ang kanilang interpretation. Pero napakaliwanag ng legislative intent at ang talaga nakapaloob, hindi natin binago. Di natin pwede baguhin kasi Rules of Court yan. Hindi pwede amyendahan yan ng Kongreso. Ang in-amend natin dito ang Revised Penal Code, Art 125 ng RPC meaning ang talagang umiiral ngayong batas, 36 hours lang kailangan deliver mo na. So malaki ang pagkakaiba ng delivery, kasi ihinalo nila sa suspension of the privilege of the writ of habeas corpus kung saan sa ilalim ng Saligang Batas, dahil sa leksyon ng Martial Law, nililimitahan ito ng constitutional delegates noon na safeguard, na pag sinuspindi ng Pangulo ang privilege of the writ of habeas corpus, 3 araw lang ang pupuwede na hindi mag-file ng petition sa korte. Di ba recall mo laging may petition to produce the body? Kung suspended ang privilege of the writ of habeas corpus, 3 days lang kasi noong Martial Law forever, pag sinuspend ng Pangulo di pwede mag-file ng petition hanggang hindi nili-lift. Ang intention ng Constitutional Commission noong deliberation binalikan namin yan nakita namin ang transcript, doon sila naka-refer. Hindi nila nire-restrict ang Kongreso para i-amend ang Art 125 kasi ang RPC is a general law. Pwede talaga naming i-amend yan. Trabaho naming kasi marami kaming na-amend na provision ng RPC.”

Updating Revised Penal Code amid Terrorism’s Evolving Nature:

“Oo kasi ang Revised Penal Code, 1930s pa yan so out of date na. Noong araw kaya 36 hours siguro ang nakalatag sa RPC, ang mga tao magkakilala halos sa isang barrio, madali lang, ang pulis di masyadong hirap sa pag-produce ng ebidensya, pag-buildup ng kaso. Nag-evolve na ang ating technology medyo complicated na, especially itong terrorism, napaka-complex at napaka-complicated nito.”

“Nag-request (ang security sector) ng 30 days, sabi ko huwag 30 days, napakahaba. So sinunod natin ang lenient to moderate kasi ang practice sa ibang bansa, Indonesia 29-120 days; Malaysia 59 days pwede kulungin na di nafa-file-an ng kaso hanggang 2 years. Singapore, 730 days to forever, indefinite eh. Sinunod natin ang Australia na 14 days. Tapos ang extension na 10 days, hindi automatic yan. Kailangan korte magsasabi pwede pa kayo mag-extend ng 10 days. So talagang 14 days lang leeway ng law enforcement na mag-imbestiga. Kasi kung halimbawa naaresto mo nga ang terorista, kailangan i-build up mo ang kaso especially preparatory act kasi yan another controversy, ang nagpaplano, nagte-training. Aalamin mo pa cells niyan ano iba para masawata mo ang pagpapasabog at pagkitil sa inosenteng buhay.”

Cell-type ang operation nila, talagang magkakaiba. Kaya bigyan natin ang ating law enforcement ng kaunting panahon para ma-develop nila ang kaso para more or less lumakas ang kaso, masigurado ang conviction.

“Halimbawa, sa UK, may mga sinaksak, ang magde-determine ngayon kasi may ATC tayo, base sa kanilang pag-imbestiga, halimbawa, kaya dito kailangan ng 14 days. Nanaksak ng ilang tao, i-establish mo pa ang intent and purpose ng nanaksak. Hindi naman makukuha sa 36 hours yan, mag-iimbestiga ka pa. So file-an mo lang ng murder or multiple murder yan. Kasi hindi pa determined ng law enforcement, ng mga nag-aresto, kung ano ang intent and purpose. So talagang complicated itong terrorism kaya kailangan bigyan ng sapat na panahon at inuulit ko, di ito labag sa Saligang Batas kasi ang provision na ito nasa RPC na pwedeng amyendahan ng Kongreso at ilang beses naming gawin yan.”

Freedom of Expression Not Covered by Anti-Terrorism Law:

“Scroll down lang sa Sec 4, sa baba naroon ang provision na hindi talaga kasali ang advocacy, protesta, dissent, stoppage of work, mga strikes. Talagang nakalagay rito. Hindi lang yan. Naulit sa dulo ng batas na hindi binibigyan ang ATC ng judicial o quasi-judicial powers. Hindi pwede lumaktaw o lumampas ang ATC na mag-encroach sila sa authority or powers ng judiciary. Hanggang doon lang sila sa administrative.”

Tama ang nakita kong placard na ‘activism is not terrorism.’ Tama yan. Talagang hindi terrorism ang activism, kaya pinapayagan ang mamamayan natin. Hinuli lang ang mga yan di dahil sa ATL kundi sa social distancing at violation ng umiiral na, kasi nasa state of calamity pa tayo, health emergency, so talagang ine-exercise yan pero walang kinalaman yan sa terrorism.”

Freezing of Suspected Terrorists’ Finances:

Nalito ang kababayan natin kasi napaghalo ang designation at proscription. Designation is purely administrative, meaning pag na-designate ka ng ATC at hindi ito discretionary, meron din itong set standards na sinusunod, ayon sa UN Security Council Resolution 1373. Doon talaga susunod ang ATC bago mag-designate. Anong pwede gawin pag nag-designate ang ATC? Ang pwede lang gawin doon, magre-request sila sa AMLC para mag-freeze ng assets and accounts ng designated terrorist individuals or organizations, groups, or associations. Hindi ito sa poder ng ATC. Ipapasa nila ito sa pamamagitan ng request sa AMLC. Now, bago ba ito? Hindi. Kasi may umiiral na batas, RA 10168, Terrorist Financing Prevention and Suppression Act of 2012. 2012 pa naipasa yan, kung saan ang AMLC pwede sila mag-freeze ng accounts based on probable cause.”

“Pero hindi nagtatapos doon. Ang na-freeze-an ng account na suspected terrorist individual pwede mag-file ng petition sa CA para question-in. At CA magde-determine. Dinagdagan pa natin dito, safeguard na naman, o kaya humanitarian. Ang na-freeze na account individual, pwede siya mag-request for humanitarian grounds ng partial withdrawal kasi di pa final. Halimbawa nagkasakit ang pamilya, e na-COVID, e di mag-request siya, papayagan siya sa ilalim ng batas. Ayaw ba nila ng ganoon?”

*****